Allixter POV
May misyon kami sa mundo ng mga Zahr
Pagkatapos malaman ng mga nakakataas na may mga bagong nadetect na Mellodux na nagtitipon sa bahaging ito ,ipinadala kaming apat para patayin sila
Tanghali nang dumating kami sa kanilang mundo at di na nag aksaya ng oras ,mabilis naming hinanap ang kuta at shoot mabilis lang din naming nalocate
Tss, sa hospital talaga sila nag kuta
Sa mundo pa ng Zahr
Ano bang pag iisip meron tong bagong pinuno ng grupo na to ?
Nagpasabog kami bilang pagbibigay alam na nandito kami sabay palabas ng itim na usok
It is black death potion but definitely not made by a black magic
It can cause a sudden death to a normal Mellodux na makakalanghap nito
But not to Zahr or to stronger Mellodux
Kaiba kasi ang dugo ng mga Mellodux kaysa samin so no worries
Walang epekto samin , kaya pumasok na kami nung nagkalat na sa paligid ang itim na usok
Napakatagal ng iginugol ng mga nasa potion making Azalins para mabuo ito
Nang makapasok na kame,
Nadatnan naming patay na ang lahat ng nasa bungad ngunit may nakita kaming nakatakas lalo na at naramdaman namin ang pagbukas - sara ng portal
"Shit ! The leader and other members escaped !" Si Hell
Pero nabigla kami ng magsalita si Callix ,ang kambal ko
"Bakit buhay pa ang isang to ,Adam?"
Ano ? Paano nangyari yun ?
Kaya mabilis akong lumapit para tingnan ito
"Isa siyang Zahr" sabi ko matapos kong tingnan na wala siyang pagkakapareho sa amin o sa Mellodux
Pero
Bakit may Zahr dito ?
" Kung ganun ,anong ginagawa niya sa kuta ni Ferrer ? " nagtatakang tanong ni Callix
"Hindi ko alam " sagot ni Adam
Malamang wala siyang alam ,sabay sabay kaya kaming pumunta dito ,tss!
"Tanungin nalang natin siya " sabi ko pero pagtingin ko ulit wala na siyang malay pero tiningnan ko kung buhay pa ito at yown may pulso pa ito
"Buhay pa siya " sabi ko
"Dalhin nalang natin siya " sabi ni Adam na ikinagulat namin
Ano ? Bawal kaming magdala ng Zahr sa Azalea.Nababaliw na ata tong isa
"Bawal siya sa mundo natin dahil isa siyang Zahr " sabi ni Hell
"Pero may mga tanong tayo sakanya na dapat masagot at kailangan nya ring malunasan ,delikado sa kanya ang nalanghap niyang usok" sabi ni Adam
Natahimik naman kami dahil may punto siya
"Sige dalhin na natin siya at umalis na tayo" sabi naman ni Callix
Kinarga ni Adam ang babae at nagteleport kami papunta sa portal pabalik ng kaharian
_______
Nhiezel POV
Minulat ko ang mata ko
Hindi pamilyar ang silid na to
Nasaan ako ? Anong nangyari ?
Uggh! Ang sakit ng ulo ko pati na rin ang buong katawan ko !
Para akong sinasakal
"Mabuti at gising ka na " sabi ng isang lalaki na kulay asul ang mata at may highlights na asul ang itim na buhok
"S-sino ka ?" tanong ko dito kahit ang sakit ng lalamunan ko
"Ako si Allix ,at kung tinatanong mo kung nasaan ka ,andito ka sa Shiya ,ang kapital ng kaharian ng Azalea" sagot nito
"A-azalea?" Napakapamilyar ng salitang yan
Saan ko nga ba ito narinig ?
"Nga pala ,isang linggo ka lang naman na tulog "
"Anooooo?!" di makapaniwalang tanong ko
Paano nangyari yun ?
Isang linggo talaga ,ano bang nangayayari sakin ?
"Magpalakas ka muna dahil may mga katanungan kang dapat sagutin at kung gusto mong makabalik pa sa mundo niyo " sabi nung Allix pero binalewala ko lang siya
Masyado akong busy sa pag iisip
Bakit ba ang daming kababalaghan ang nangayari sakin dahil sa Tristan na baliw yun ?
Hindi nga niya ako napatay pero andito naman ako sa hindi ko malaman kung anong klaseng lugar kasama ang kakaibang nilalang na to na kung ano ano ang pinag sasabi
Hala ! Baka nadepressed ako dahil sa dami ng problema ko kaya ganito ?
Shit naman ohh
Sumasakit lang lalo ang ulo ko kakaisip
_______
"Nagising na siya kanina ginoo pero nanghihina pa rin siya kaya nakatulog siya ulit "
May narinig akong boses kaya naalimpungatan ako
Nakatingin sakin ang maraming mata
Sinu sino ang mga to ?
"Gising ka na " sabi nung may puting buhok at kulay abong mata
"Maayos na ba ang pakiramdam mo ?" tanong nung Allix
Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko
Wala na akong ibang nararamdaman kaya tumango ako
"Mabuti kung ganun para maumpisahan na natin ang pagtatanong " sabi nung kulay berde ang mata at buhok na may highlights na green
Tss,mga foreigners rin ba sila ?
"Bakit ka nasa kuta ni Ferrer? tanong ni Allix
Napakunot naman ang noo ko
Ferrer?
Teka.....
Dr.Tristan Ferrer!
" ahh ! Yung baliw na doktor ?!" bulalas ko ng maalala ko ang kabaliwan ng hinayupak na yun
"Anong baliw na doktor ? Hindi siya doktor at ano ba ang doktor ?" sabi nung green ang mata
Ano daw ? kahit doktor di niya alam ? Patawa ata to !
"Oh my god ? Ibig sabihin addict siya ? !" Shit ang tanga ko naman at sumama ako dun !
"Huh?! Ano bang pinagsasabi mo ? Bakit ka nga sabi nasa kuta ni Ferrer eh hindi ka naman niya kauri ?Wag mong ibahin nga ang usapan kung ano ano pang salita ang binabanggit mo " sabi ulit nitong Allix
"Talagang hindi niya ako kauri ,at nandun ako dahil inalok niya ako ng trabaho pero kapag hindi ko daw tinanggap papatayin niya ako at ano bang pinagsasabi mong salita ha ? Eh ganito naman talaga ang pagsasalita,weird" sabi ko naman
Uggh weirdo!
"Ano namang trabaho yun?" tanong nang kulay abo ang mata
"Spy daw ,tss shunga rin yung baliw na yun ,gawin daw ba akong spy ng
Azale -,uggh basta may kingdom yun !" Naasar kong sabi lalo na nang maalala ko ang nga sinabi niya kanina
"So thats his plan huh" sabi bigla nung kulay pula ang mata
Vampire ba to ?
But when I look at his eyes again ,balik normal na to
Ohh? Baka namalik mata lang ako
Hindi naman kasi normal ang pulang mata unlike dito sa tatlo na may katulad na foreigners
"Teka ,teka bakit ba kayo nagtatanong ha ? Ang tsismoso niyo naman ,pati usapan ng ibang tao gusto niyong malaman " inis kong sabi nang marealize kung masyado nang naging matanong ang mga to
Ano to nasa hot seat ako
Fyi ,hindi ako artista para mainterview,ay hindi pala uggh para pala akong kriminal na ini interrogate dito ng mga to
Mga pulis ba sila ? Parang wala naman sa mukha nila
Uhh para kasi silang mga baliw ,hahaha ,pareho ang kulay ng buhok sa mata
Hmm pero light yung kulay sa buhok nila unlike sa mga nakita ko doon sa opisina ni Ferrer
Pambihirang contact lens nga naman oh
Pero ugggh
Putapeteng hinayupak na yun ,kasalanan niya ang lahat ng to
Bakit ba kasi nagtiwala ako agad sakanya ?
Uhh ,siguro dahil inisip kong baka tulad siya ni Jace ?
Hayy malabo !
Yung estranghero kasi na yun masungit nga pero napakabuti niyang tao
Alam ko yun dahil pinatira niya ako ng libre at pinakain
Ilang beses na rin niya akong niligtas
Siguro kung masama siya iniwan lang niya dapat akong nakabulagta sa kalsada kasi hindi naman niya ako kakilala
Pero hindi eh
Kinupkop niya ako
Kaya akala ko ,ganun din ang ibang tao na makakasalamuha ko
Pero mali pala ako
Mabait yung Tristan na yun nung una dahil may hidden agenda pala siya
Ang hirap tuloy magtiwala na
Ano na bang mangyayari sakin ngayon ?
Nakakakilabot ang place na to
Tas mga weird creatures pa kaharap ko
Uhh ,help me god !
______