Nagising ako
Pero mabigat ang ulo ko na para bang may dumagan sakin
Nahihirapan din akong huminga
At nananakit ang buong katawan ko
Nilibot ko ang mata ko para tingnan kong nasaan ako
Andito pala ako sa kwarto ko
Pano ako napunta dito ? Wala akong maalala maliban sa naglakad ako pauwi na dapat
tas biglang bumigat ang pakiramdam ko
Sino kaya nag uwi sakin ? Salamat naman at may mga mabubuting loob na natira pa sa Earth
"Gising ka na pala " sabi ng isang boses
Hindi ko man lamang namalayan ang pagpasok niya
"Sinong nagdala sakin dito ? tanong ko
" ako " simpleng sagot niya
"Salamat " sabi ko naman ,nakakagulat na siya pala ang tumulong sakin ,hayy ang dami ko ng utang na loob sa taong to
Tumango lang siya
"Sa susunod wag ka nang mag papaulan kung hindi rin naman kakayanin ng katawan mo ,eto ang gamot inumin mo to pagkatapos mong kumain niyan
Sige maiwan na kita may gagawin pa ako " sabi niya
Napangiti naman ako
Isa rin yun sa ugaling hinangaan ko sakanya ,maalaga siya
Ilang beses na ba akong nagkasakit na andito ako sa puder niya? Pero hindi niya ako pinapabayaan ,pansin ko kasi ang basang towel na nahulog sa noo ko kanina pati na rin ang maliit na palanggana
Kung hindi lang siguro siya masungit ,gusto ko siyang maging kaibigan
Swerte ko siguro kung nagkaganun
Tiningnan ko ang oras... alas dyies na pala ng umaga
Mataas na ang sikat ng araw
Gustuhin ko mang bumangon ,hindi ko pa kaya kaya ipinikit ko ulit ang mata ko
Iniisip ko talaga kung bakit malayo ako sa pamilya ko
Sinubukan ko namang bumalik pero pinagtabuyan nila ako
Hindi lang isang beses kundi maraming beses
Ilang beses kong tinanong sa sarili kung bakit ganoon
Pero kahit ako walang makuhang sagot kasi wala naman akong masyadong alaala sa pamilya ko maliban kay Renz
Tanging siya lang ang naalala ko kaya nagtataka ako kung bakit
"Why the hell you're crying ? " may nagtanong sakin
Medyo mahapdi ang mata ko pero minulat ko ito
Siya lang pala
"Ahm ,may naalala lang ako " sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin
"You don't have to push yourself to be accepted by anyone .If they don't like you ,leave it that way ,it's their loss not yours " sabi niya na dahilan kung bakit napatingin ako ng diretso sa mata niya
May alam ba siya ?
"Kumain ka nalang at uminom ng gamot para mawala na yang sakit mo " sabi niya ulit at lumabas dala ang maliit na palanggana pati na rin ang bimpo na pinulot niya
Napa buntung hininga lang ako at tumingin sa pinto na nilabasan niya
Pinilit kung bumangon para umupo ,nagtagumpay naman ako kaya inabot ko na lang ang pagkain at nagsimula ng kumain
Kahit wala akong malasahan ,pinilit ko pa rin ang sarili pagkatapos ko ininom ko nalang ang gamot
Pwee! Ang pait !
Gusto ko mang iluwa ,tiniis ko nalang para gumaling na rin ako
Naghintay lang ako ng ilang sandali at nahiga ulit
Dahil sa sakit ng ulo ko ,nakatulog rin ulit ako ..
Jace
Pinasok ko ulit ang kwarto niya at mahimbing na ulit ang tulog niya
Hinawakan ko ang ulo niya at medyo mainit pa rin siya
Hayys ,kinabahan talaga ako kagabi ng makita ko siyang walang malay na nakahiga sa kalsada
Flashbacks
Naglakad lakad muna ako pagkatila ng ulan para matunaw ang kinain ko
Hindi na muna kasi ako pwedeng mag workout sa ngayon
Habang naglalakad ako may nakita akong pamilyar na bulto ng babae pero hinayaan ko nalang siya
Nung medyo nakalayo na ako nakita ko nalang na may nakahiga na sa kalsada kaya naglakad ako palapit doon
At nakita ko siya
Napakainit niya
Inaapoy siya ng lagnat
Pinilit ko siyang magising pero hindi siya natitinag kaya no choice na naman ako at binuhat ko nalang papasok sa kwarto niya
Nabasa rin ang damit na suot niya kaya pinalitan ko siya habang nakapikit ang mata hahah
Kumuha rin ako ng bimpo at maliit na palanggana na may tubig
At nilagay sa nuo niya para bumaba ang lagnat niya
Ilang beses ko pang inulit yun hanggang sa medyo naging okay na ang temperature niya
Lumabas ako ng kwarto niya
At dumiretso sa kwarto ko para makapagpahinga na
Nakakpagod mag alaga ng may sakit !
Medyo tinanghali na ako ng gising
Fuck ! Gising na kaya yung isa ? Bumaba na ba ang lagnat niya ?
Tiningnan ko ang oras ,
Hala alas nwebe na pala
Bumangon ako at dumiretso sa kwarto niya
Tulog parin siya at medyo mainit pa rin kaya nilagyan ko ulit ng basang towel ang noo niya at lumabas na
Pumunta ako ng kusina at nagluto
Pagkatapos dinala ko sa kwarto niya pati na rin ang gamot
Pero tulog pa rin siya
Haiissst
Bumalik ako sa kusina at kumain
Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko at sinilip ko siya sa kwarto niya
Gising na siya
"Gising ka na pala ." sabi ko ,gulat naman siyang napatingin sakin
Tss
Tinanong niya ako kung sino daw nagdala sakanya
Tss malamang ako ,kaming dalawa lang naman ang andito
Utak talaga ng babaeng to eh
Sinabihan ko nalang siya na wag nang magpapaulan sa susunod at inumin ang gamot niya
Lumabas na rin ako
Ilang sandali pa lang ako sa kwarto ko pero naisipan ko ulit na lumabas
Pagkatapak ko malapit sa kwarto niya narinig ko ang mahinang hikbi niya kaya pumasok ako
Tss
Bat umiiyak to ?
Pinagpipilitan kasi ang sarili sa taong ayaw sakanya
Nakakapag init naman to ng ulo kaya di ko maitago ang inis ko ng pagsabihan ko siya
Ang tigas rin ng ulo sabi ng kumain at inumin ang gamot
Tss bahala na nga siya
Kinuha ko na lang ang mga gamit na ginamit ko kagabi tas lumabas na sa kwarto niya
Bahala siya kung ayaw niyang gumaling !
Flashback ends
Salamat naman at okay na siya
Kinain rin niya ang pagkain tas ininom ang gamot
Tiningnan ko siya ng matagal
"Sana wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa pamilyang ayaw sayo
Darating din ang mga taong tatanggap sayo "
Sinabi ko yun at lumabas sa silid niya
Ilang araw na lang aalis na ako
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin sa mga susunod na araw
O kung makakasurvive pa ako sa sakit ko
O kung ano pa man ang mangyari sana walang complications pero alam kong malabo yun
Di bale na lang
At least nasubukan kong mamuhay ng normal kahit 22 years lang
Okay na rin to kaysa sa ibang tao na nawawala na kapapanganak pa lang
Maswerte pa rin ako
Sa ilang araw kong pag mumuni muni napag isip isip kong tanggapin na ito ang kapalaran ko
At marahil hindi ko na to mababago
Nahiga ulit ako sa kama ko at dahil rin sa pagod
Nakatulog ako
_________