Masakit, oo yun ang nararamdaman ko.Batid ko naman na katulong lang niya ako ,yaya muchacha ,
pinapalamon,pinapatira pero pucha nung sinabi niya sakin yun parang wala lang, yung tipong parang pakiramdam niya inutusan lang niya ako ng ganyan.Gusto ko siyang sigawan ,murahin at pagsalitaan ng masama ,at sabihang bigyan naman niya ako ng konsiderasyon pero pinigilan ko ang sarili ko.Kung pwede lang ako magpakababa at lumuhod gagawin ko kasi sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko.Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito.Walang wala ako , ni trabaho at tirahan ,paano ko bubuhayin ang sarili ko ?
Marahil nasanay ako dito na nakalimutan ko pansamantala ang lupit ng mundo .
tanga ka kasi Nhiezel! ano ka ngayon?
Pagkatapos niya yung sabihin sakin napansin kong hindi na niya ako inuutusan , parang hangin na lang ako at parang hindi na niya ako kailangan, hindi man niya sabihin ,pinapakita at pinaparamdam niya yun, at oo masakit ,at di ko alam kung bakit..
Parang basahan ako na itinapon , pero feeling ko ,di pa ko magagamit ulit kasi hindi nalabhan , yan ang pakiramdam ko..
_____________________
Maaga akong umalis ng bahay para maghanap ng trabaho at marerentahan ng mura , kahit bedspace lang okay basta makaraos lang ..
Pagod na pagod na ako kakalakad at sobrang gutom na rin ako pero wala pa rin akong makitang trabaho , halos lahat sinasabi hindi daw sila hiring tas yung iba may nakuha na daw ...
Medyo nahihilo ako kaya naghanap ako ng masisilungan , hindi nagtagal nakahanap rin ako . at naupo .Pinikit ko lang ang mata ko habang pilit inaalala ang buhay ko nitong mga nakaraang taon .
Napangiti ako ng mapait , wala namang pinagbago , ganun pa rin , malas at hirap na hirap pa rin .Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba yung naging pakinabang nung pag aaral ko ? Diba sabi edukasyon ang susi sa kaunlaran.Eto oh ,graduate ako , cumlaude pa pero hindi naman ako umuunlad , mas lalo lang ako naghihirap sa pagdaan ng panahon.Sabi pag may diploma ka hindi ka mahihirapan maghanap ng trabaho , pero ako , tatlong araw na kahit pagiging janitress sa isang coffee shop na hindi naman kalakihan hindi ako matanggap, sinubukan kong mag apply na taga hugas ng pinggan sa isang karinderya , hindi rin daw nila ako matatanggap .Sa totoo lang ang hirap nang paulit ulit nalang mareject , hindi lang ng ina applyan kong trabaho kundi pati na rin ng mga pamilya ko daw dapat .
Ang sakit makarinig nang paulit ulit na salitang sorry..
Sorry kasi nakahanap na kami
Sorry kasi sobra na kami sa tao
Sorry kasi overqualified ka
Sorry kasi may matagal na working experience sa field nato ang hinahanap namin
Sorry kasi hindi kami tumatanggap ng hindi taga rito.
Sorry kasi requirements dito ang pagiging maganda at matangkad
Sorry kasi pinanganak kang malas sa mundong ito
Sorry,sorry, sorry, puro nalang kayo sorry , para may dahilan lang at maitaboy ako kung ano ano pa ang sinasabi niyo !!!
At tila sumabay sakin ang langit sa pagdadalamhati ko , kasabay ng pag agos ng masaganang luha sa mga mata ko ay ang pag buhos ng malakas na ulan .
Gamit ang medyo nanlalabo kung mata , tumingin ako sa paligid .Nagtatakbuhan sila para makasilong at hindi mabasa , ang ilan naman naglabas ng kanilang mga payong samantalang ako , nandito dinadama ang lamig ng ulan na nanunuot sa balat ko .
Sana ulan nalang ako , yung tipong kapag napuno at bumigat ang ulap saka lang ako lalabas , dahil pwede akong magkaroon ng pakinabang sa mga tao , lalo na dun sa mga nakakaranas ng tag tuyot , at mararamdaman kong kahit papano may halaga ako kahit minsan pwedeng magdulot ng pag baha, at least pag ulan ako , mararamdaman at makikita ako ng tao , hindi ganitong tao nga ako pero parang hangin naman sa paningin nila.
Natigil ako sa pag iisip ng kung ano nung maramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan .May nagpayong sakin, kaya tiningnan ko siya .
'Miss delikado ngayon ang panahon, dapat hindi ka nagpapaulan ,pwede kang magkasakit' sabi nitong lalaking hindi ko kilala
Gusto kong sabihing pakialam moba ? pero nanahimik nalang ako
'Kanina pa kita napapansin na parang wala ka sa sarili mo kaya nilapitan na kita , halika doon tayo' sabay turo niya sa isang establisyento na hindi naman kalayuan dito.Hindi ako sumagot sakanya kaya hinatak nalang niya ako patungo doon.at nag patinaod lang ako ..
Binuksan ng lalaki ang pinto at bumungad sa amin ang mukha ng isang trabahador na hindi ko na pinagtuonan ng pansin .
'Maupo ka muna dito, ikukuha kita ng kape para mainitan ka' sabi niya sakin sabay alis
Inilibot ko ang paningin sa kainan na to, nanggaling na ako dito, isa to sa inapplyan ko pero hindi naman daw sila hiring kaya umalis din ako kaagad medyo napahiya kasi ako sa inasal nung babaeng nakausap ko nung nakaraan , parang aso ako kung ipagtabuyan .
Hayy!
Sa totoo lang medyo gumaan gaan ang pakiramdam ko kasi ibig sabihin may natitira pang mabuting loob na tumulong sa isang tulad ko
'Eto miss, inumin mo' medyo napaigtad ako nang marinig ko ang boses niya pero nakabawi rin ako
Napabuntung hininga ako at tumingin sakanya
'Maraming salamat sa pagtulong sakin' yun lang ang sinabi ko kasi wala naman akong ibang maisip na sabihin sakanya ,And its awkward
"Walang anuman ,
Nga pala ako si Tristan Ferrer,ikaw anong pangalan mo ?" sabi niya
Matagal ko muna siyang tiningnan
Hindi ko siya kilala,bago lang siya sa paningin ko kaya hindi naman ata tama na ibigay ko ang pangalan ko kahit nagpakilala na siya sakin
"Tawagin mo nalang akong Nicx " sagot ko sakanya
"Ahh okay Nicx ,
Bakit ka nga pala nagpaulan ?" sabi niya
Hindi ako sumagot ,alam kong medyo rude ako pero karapatan ko naman sigurong manahimik lang lalo na kung hindi ko naman masyadong kilala ang kaharap ko
"Ahh sorry,you don't have to answer it " sabi niya kapagkuwan ng mapansin ang pananahimik ko
"Nasabi pala ng isa kong crew na nag apply ka daw dito pero hindi ka tinanggap ni Marge ,alam kong medyo masama ang approach niya sayo kaya humihingi ako ng paumanhin sa inasal ng pinsan ko " imik niya ulit
Napatingin naman ako sakanya
So pinsan pala niya ang babaeng yun ?
"I'll offer you a descent job ,it's up to you if you'll accept it or not but don't worry I'll give you a time to decide ,pero hindi ko sasabihin kung anong trabaho yun pero wag kang mag alala legal na trabaho yun
Eto yung number ko ,tawagan mo ako pag nakapagdecide ka na " sabi niya sabay bigay ng calling card niya
Dr.Tristan Kyle Ferrer
Yun ang nakalagay doon pati ang contact number
Tiningnan ko pa ng ilang saglit bago hinawakan ng mahigpit
Basa kasi ako
"Magpalit ka muna ng damit bago ka umuwi baka magkasakit ka pa " sabi niya
May tinawag siyang isang babae na naggiya sakin papunta sa isang comfort room dala ang mga bagong damit
Mabilis na lang akong sumunod sakanya at hindi na nag inarte
"Thank you " sabi ko dun sa babae ,ngumiti lang siya sakin
Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako
Tumila na ang ulan
"Saan ka uuwi ? Ihatid na kita ." bigla akong napalingon sa taong nagsalita sa likod ko
"Hindi na ,maraming salamat ulit pati na rin dito sa damit " sinserong pagkakasabi ko
Tumango lang siya kaya naglakad na ako palayo
Paalis sa lugar na yun
At pauwi sa bahay niya
Ng estranghero na nagngangalang Jace pala
I only have 3 days left
Before I'll part ways with the man who help me in times of my strong needs
Tama ,hindi dapat ako nagagalit sakanya
Kasi napakalaki ng utang na loob ko sa taong yun kahit hindi naman kami magkakilala
Nakapagdesisyon na rin ako bago pa man ako umalis sa lugar na yun
Tinatanggap ko na kung ano man ang ini ooffer na trabaho ni Tristan pero palilipasin ko muna ang dalawang araw bago tawagan siya
Magpapahinga na muna ako
Namimigat kasi ang pakiramdam ko
At nahihilo rin ako
Hanggang sa
******