REINA JOY's POV
Binuksan ko ang mga mata ko at napatingin sa paligid. The room is totally dark at hindi ko alam kung nasaan ako.
I can't move my feet and I can't open my mouth to cry for help. I'm sure nandito ako sa isang abandonadong building, diba dito dinadala ang mga kinikidnapp? Psh.
Napapikit ako ulit nang bumukas ang pinto. "Tulog pa rin ba?" narinig akong tanong nung lalaking pumasok sa loob.
Gusto kong buksan ang mga mata ko para makita ang mukha nila pero mas okay na tong gan to.
"Oo, tulog pa."
"Mamaya mo nalang balikan. Sigurado akong parating na yung mga kaklase niya dito."
Does he mean? Class Zero?
Suma ang pinto kaya binuksan ko ang mga mata ko at mabuti naman at naisipan nilang buksan yung ilaw. "Uhm!" mahina kong ungol. Sino ba naman kasi ang hindi mapaungol? may malaking salamin sa harapan ko at kitang-kita ko ang sarili ko at ang itsura ko ngayon.
Mabuti nalang at hindi nila ginalaw yung mukha ko. Baka masira pa yung foundation at eyeliner ko. Okay lang yung lips, lipgloss lang naman nilagay ko d'yan.
My wrist is tied and so is my ankle. Merong towel sa bibig ko kaya tinulak ko yung gamit ang dila ko since I can't move my lips at saka ginalaw ang baba ko para sumlide 'yon pababa.
Bumukas yung pinto kaya napatigil ako sa ginagawa ko at kinagat ang towel para hindi tuluyang bumagsak.
"Oh! Gising ka na pala, " sabi nung pumasok. Hindi po, tulog pa ako.
Tiningnan ko siya ng masama at sinubukang igalaw ang kamay ko pero nasasaktan lang ako pag ginawa ko yun. "Wag ka nang mag-tanka pag tumakas,"
Ang sarap naman pagtripan nitong lalaking 'to. Mukha ba akong tatakas? Eh hindi ko nga alam ang gagawin ko, plus itong towel lang naman ang sinubukan kong tanggalin.
"W-what? I don't understand you?" I smiled when the towel dropped to my neck.
"Huwag mo akong gaguhin. Alam kong nakakaintindi ka ng tagalog," sabi nito at a-akmang lalapit sa akin.
"Hey! FYI. I don't know what you're talking about! I just arrived here in the Philippines weeks ago so obviously, I don't have any idea what you are trying to say," sagot ko sa kanya. Napakunot-noo siya habang binabasa yung labi ko at napa kamot sa ulo niya.
"Hoy! Oo, ikaw!"
"Ako po boss?"
"Oo! Kausapin mo nga tong babaeng to. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya," I scoffed.
"Hey! what?"
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay pero napakamot lang siya sa batok niya.
"What, you? Nobody, nobody but you!" Ano raw? Anong nobody, nobody but me?
"What?" Binagsak niya ang pinto kaya naman naiwan akong mag-isa sa loob nitong kwarto.
Tumingin ako sa paligid para maghanap ng pwede kong pantanggal sa tali until I realized, ang luwag pala nung pagkatali nila sa kamay ko. Tehehehehe.
Dinulas ko ang kamay ko dun at hinawakan ulit ang tali ng bumukas ang pinto. "You! Go out! Now" Edi go out. Hinawakan niya ang braso ko at saka ako marahas na pinatayo. Sumbong ko siya kay kuya!
Hindi pa nga gumaling ang sugat ko sa braso at mukha, ito na naman. "Ilabas niyo siya!" napa-angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Kuya. Tinapon ako nung lalaking may hawak sa akin sa sahig kaya napahiga ako at tiningnan siya ng masama.
"HOW DARE YOU? ALAM MO BA KUNG MAGKANO ANG BILI KO SA UNIFORM NA'TO? MAS MAHAL PA TO SA BUHAY MO. YAWA KA!"
"Oh boss! akala ko ba hindi siya marunong mag tagalog?"
"Akala ko din,"
"Are you okay?" tanong ni Kuya. Walang kasama si Kuya at tanging siya lang nandito.
Tumango ako at hinayaan siya na kalasan ang pagkakatali sa kamay ko. "What the—" nginitian ko si kuya kasi the moment na hinila niya yung tali ay natanggal na yun ng kusa.
Tinanggal niya na din yung pagkatali sa paa ko at saka niya ako pinatayo. Pinag-pagan ko ang suot kong palda at tiningnan ng masama yung tumapon sakin sa sahig.
"Ano!?" galit niyang tanong.
"Anuhin mo yang mukha mo! Talampakan lang kita!"
"Aba!" Sasampalin niya sana ako pero hinawakan ni Kuya ng mahigpit ang kamay niya at nakatakip sa tenga ko dahil rinig narinig ko ang pagtunog ng buto niya sa kamay.
"No—one should lay a hand."
Napaluhod sa sakit yung lalaki bago siya binitawan ni Kuya. Nabigla ako nang maglabas si Kuya ng tubo at kasabay nun ang pagpasok ng Class Zero galing sa pinto at may dala-dala ring tubo.
Tinanguan ni Kuya si Gino at naramdaman ko nalang ang paghawak ni Gino sa braso ko.
"SAN NIYO SIYA DADALHIN!?"
"Shut the fuck up!" napakapit ako kay Gino at itinago ang mukha ko sa uniform niya dahil sa ginawa ni Kuya. Inambahan niya lang naman yung nagsalita at kitang-kita ko ang impact ng ginawa ni Kuya don sa lalaki.
"Tara na," bulong ni Gino at saka kami nagsimulang tumakbo palabas.
"Paano sila?"
"Trust them."
***
Pang ilang mineral water ko na ata to at hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. "Pasukin mo kaya sila?" I asked. Umiling si Gino at tiningnan ang orasan sa relo niya.
"15 seconds..." bulong niya at tumingin sa exit nung bodega.
Tumingin din ako dun at halos mangalay ang dalawang tuhod ko nang makita ko silang lahat na tumatakbo papunta sa'min.
"Si Kuya?" tanong ko kay Quintin. Ngumiti siya at tumabi sa gilid nakita ko kaagad si Kuya sa likuran niya na nakangiti, napatakbo ako kay Kuya at niyakap siya ng mahigpit.
"Okay ka lang?" Tumango ako kay Kuya at pinasakay siya sa kotse ni Gino. Nagsipag Sakay na rin ang iba sa kotse nila at ako naman ay tumabi kay kuya sa backseat while Gino and Shannon ang nasa harap.
"Wala bang masakit sayo kuya?" Umiling si Kuya habang minamasahe yung braso niya.
"Geez. It's been a while," At nakuha pa talaga niyang tumawa?
"Sa'yo Shannon?" tumingin sa gawi ko si Shannon at ngumiti bago umiling.
"Mara isn't. "
"Bakit? Ano nangyari kay Mara?"
"He was hit," napatingin ako kay kuya at sa sasakyan na sumusunod sa'min. Naghahalo ng kaba at pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon.
Nang makarating kami sa bahay, pinapasok sila ni Kuya kasi kailangan niya daw gamutin ang sugat ni Mara. Inutusan niya ako na kunin yung medicine kit niya sa banyo at dahil nga mukhang away si Kuya, halos naging clinic na ang banyo niya sa kwarto.
Lahat ng kailangan mo andito na.
Kinuha ko yung inutos niya sa akin at dali-daling bumaba. Nandun silang lahat sa baba at yung maid naman ni kuya ay binigyan sila ng mga tubig.
Dumako ang tingin ko kay Mara na may dugo sa braso at mukha. "Oh." tumabi ako kay Kuya at tumingin kay Mara. Umiwas naman siya ng tingin sa akin at tumingin kay Kuya.
"You don't have to watch princess." Umiling ako.
"Ako mag-aassist sayo." Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at 'yon ang sinagot ko kay Kuya.
"Are you sure?" I nodded.
"Give me the cotton roll." Pinahubad ni Kuya yung blazer ni Mara at binigay sa akin. Hinawakan ko naman 'yon at tumingin kay mara.
"I'm sorry..."
Napatingin silang lahat sa akin and here goes Carlo again, patting my back. Ayokong umiyak pero naiiyak ako dahil sa ginagawa niya. "Hindi dapat to nangyari kung nag-ingat ako." I added.
Bumuntong-hininga si Shannon na may hawak na ice bag sa braso. "Wala kang dapat ihingi ng tawad," sabi ni Jasper kaya napatingin ako sa kanya.
"You are a victim, and victims shouldn't be sorry for what happened to them," ika Quintin kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. "Tama si Quintin," Mara added. Mas na-guilty tuloy ako dahil sa sinagot nila sa'kin.
"Pero—"
"No buts princess. They have a point, " Napatingin ako sa kanilang lahat bago tumango. "The alcohol." Binigay ko kay kuya yung alcohol niya. Hawak-hawak naman ni Ivan yung mukha ni Mara siguro dahil nasasaktan si Mara?
He hissed every time e-ta-tapp ni kuya ang basang cotton sa sugat niya at ito naman si Ivan todo hele sa kanya. Kala mo magjowa ih.
Nabigla ako nang biglang kunin ni Shannon ang pulso ko at tiningnan ng maigi ang pasa don.
"Ang sensitive ng balat mo, no?" he opened up.
"True. Kaya hindi ko yan mapalo ng palihim kasi nagkakapasa kaagad," Oh diba! balat ko, sagot ni Kuya. Pero totoo yung sinabi niya.
Ngumiti nalang ako at binawi ang kamay ko kay Shannon at tumingin kay Mara.
Nilagyan ng bandage ni kuya ang sugat ni Mara pagkatapos niya yung gamutin at sinunod ang sa mukha niya. Puro mura nga si Mara kasi dinidiin ni Kuya yung cotton na may alcohol sa sugat niya. Jusko, nananakit ang pisngi ko habang pinapanood sila.
"Ready na po yung pagkain, Sir." Wala nang paligoy-ligoy. Tumayo kaagad ang mga aso namin at nags pagpunta sa kusina. Ang kakapal muks.
"Bakit wala sila Kiefer?" That's what I planned to ask kay kuya dapat pero naisip ko na mamaya nalang kung kami na lang dalawa ang andito.
"He wants to come pero pinigilan ko siya," Kuya answered. Napako ang tingin ko sa medicine kit sa lap ni Kuya at napabuntong-hininga.
"I noticed something off in his action towards my sister," napalingon ako kay Kuya at ibinuka ang bibig ko para sumagot pero walang lumabas sa bibig ko.
"And I don't like it." Tinapon ni Kuya ang cotton roll na ginamit niya sa sahig kaya pinulot ko yun. "Why?" Itong si Mara, chismoso rin.
Tumingin si Kuya sakin at ngumiti bago bumalik sa ginagawa niya. "Because I don't like him for my sister," He is really protective. Pati kaibigan niya, ayaw niyang ipa-attached sa akin for a reason na ayaw niya lang—.
"Paano kung may manligaw sa kanya?" Mara asked, obviously referring to me.
"Kikilalanin ko muna yung lalaking yun. He needs to impress me and my family." Yep! Kaya huwag niyo na siyang tanungin kung mangliligaw kayo kasi yan yung gusto niyang lalaki para sa akin.
"No man's allowed to court her without my consent," he added.
Napangisi naman ako. "Paano kung gusto ko mag madre?"
"ANO!?" HEHEHEHE.
"HUH?"
"ANO DAW? MALI BA ANG RINIG KO? MADRE?"
"Nasa langit ba ako?"
"Nakikita ko na si Bro,"
"Lord?"
"HALLELUJAH!" Tinapunan ko ng masamang tingin ang Class Zero na kumakain sa mesa at binilatan sila.
Sabay na kami ni Kuya at Mara kumain since tapos na yung iba at sila na rin ang naghuhugas ng pinggan. Hulaan nyo kung sino? Hehehe. Si Dean lang naman at Franco ft. Ken and Ivan.
Ivan and Ken are laughing, at the same time, looking sweet and meanwhile, "Ano ba! Ayusin mo nga yang pagsasabon mo! Nalalagyan yung mga tapos na!" ika Franco
"Hindi pa ba yan ayos? Dinahan-dahan ko na nga"
"Mas dahanin mo pa. Mabuti na rin mawala ka."
"Aba! Eh kung ingungud ko yang mukha mo sa lababo?"
"Subukan mo!"
"Talaga!"
"TUMAHIMIK KAYO!!"
Nagkatinginan ng masama yung dalawa habang nag patuloy sa ginagawa nila. Nag-aaway pa rin sila pero hindi na nila sinasabi ang gusto nilang sabihin. Nag-sisikohan na lang silang dalawa.
Tumabi sa akin si Kuya at mukhang nag-eenjoy rin sa nakikita niya. "Those two remind me of us."
"Ha! sinabi mo pa. Pasaway ka ih."
"Ako talaga? Hoy! Ikaw kaya!" Tinuro pa niya yung sarili niya bago ako tingnan ng masama.
"Ikaw nga! Kaya ka pinapagalitan ni Dad."
"Wow!"
"ISA PA KAYONG DALAWA?! SIGE! MAGSALITA PA KAYO!" tiningnan ko ng masama si Kuya at tumabi kay Carlo. Yep si Carlo.
Siya lang naman yung nag-patahimik sa amin. The audacity of this guy!
***
Alas dose ng hapon at heto kami ngayon sa field kumakain ng tanghalian namin. "Penge ako nun." turo ko sa guso na ginawa ni Shannon. "Oh." Binigay ni Eugene sa akin yung bowl kaya ngumiti ako ng malapad.
"SALAMUCH"
Bakit nga ba kami nandito? After ng morning class namin, pina diretso na kami ni Ma'am PE dito at dito na din daw kami kumain since may mga kahoy na nakapalibot naman at hindi mainit ang panahon ngayon.
Kailangan din daw namin mag practice para sa running mamaya. Binigyan ako ng kanin ni Quintin at nilagyan ng bihon yung paper plate ko. "Thankies."
Kumuha rin si Mara ng kanin niya at kumain ulit. Hindi lang kami ang nandito, pati yung ibang class nandito rin at kumakain sa tabi namin. "Akin yan!" napako ang tingin ko kela Carlo at Franco na nag-aaway dahil sa sa natirang fried chicken.
"Ako nauna!"
"Ahhh ako ngaa!"
"Ren ohh! Si Carlo," pagsusumbong ni Franco.
Napakamot ako sa ulo ko at kinuha yung akin tas nilagay yun sa plato ni Carlo. "Oh! Ayan. Kumain na kayo," nagsipag-ngiti yung mga loko at kumain na ulit. Bumalik na din ako sa pagkain at tinapos yung akin.
Pagkatapos kong kumain, tinapon ko yung paper plate ko sa basurahan at nagpasama kay Carlo sa CR. Kailangan ko kasing magpalit ng jogging pants tsaka yung blouse ko rin papalitan ko ng plain white t-shirt.
"Diyan ka lang ah," bilin ko kay Carlo at pumasok na sa loob.
Masunurin si Carlo, yun nga lang may pagka clingy siya. Isipin niyo nga, pag may nakasalubong siya tas ako yung kasama niya, yayakapin niya ng mahigpit ang braso ko tsaka bibilatan yung mga lalaki! Gagi
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako hawak-hawak ang uniform ko tas nakita ko si Carlo na nakayoko habang pinapagalitan nung mga babaeng Grade 12.
"Anong nangyayari dito?" Tumabi sa akin si Carlo at nagtago sa likuran ko.
"Ikaw ba ang ate niyan?"
"Hindi. Bakit ano nangyari?"
"BINOBOSOHAN NIYA KAMI!" sabi nung babae at saka tinakpan ang hinaharap niya. Napatingin din ako dun at tumingin kay Carlo.
"Ginawa mo ba?" Umiling si Carlo kaya tumingin ulit ako dun sa mga babae. "Hindi naman daw niya ginawa." I said.
Alam ko kasi kilala ko si Carlo. Sa ilang weeks ko bang nag-aaral dito at kasama parati ang Class Zero, alam na alam kong hindi niya yun gagawin. Hindi nga sya tumitingin sa legs ko tuwing papasok ako eh.
"Ginawa niya! Nakita ko siya!"
"Hindi! May nahulog naman kasi sa sahig kaya pinulot ko yun," nakangusong sagot ni Carlo.
"Ano yung nahulog?" tanong ko sa kanya.
"Ito." Pinakita sa akin ni Carlo ang isang MAC Foundation at tumingin sa akin. "Hindi ako namboboso promise, Ren." Nag-cross my heart pa siya para ipakita ang pagiging sincere niya.
"AKIN YAN! SEE! NAMBOBOSO KA TALAGA!" Inagaw nung babaeng wig hair yung foundation na hawak ni Carlo at hinila ang buhok ni Carlo— Yawa!
"A-aray! R-ren—"
"HEY! Bitawan mo siya!" Hinawakan ko yung kamay nung babae at tinulak siya palayo.
"MANYAKIS YAN!"
"Hindi siya manyakis! He told you the reason kung bakit siya nakapasok sa loob and he have proof! Ikaw ba makaka patunay na namboboso siya sa'yo!?" I swear to god! Pinapamukha niya sakin na may grado nga siya pero utak buko naman!
Tumahimik si Girl dahil sa sinabi ko kaya tinampal ko ang kamay niya palayo kay Carlo. "Umalis na kayo!" Kinuha nila yung mga gamit nila at naglakad paalis.
Hinawakan ko ng mahigpit si Carlo nang makaalis sila. Umikot ako para makita si Carlo at inayos ang buhok niya.
"Wala na sila." Niyakap niya ako kaya napa buntong-hininga ako at niyakap din siya pabalik. "Shhh...tahan na," pag-papatahan ko sa kanya. Umiiyak kasi si Carlo at ni minsan hindi ko pa siya nakitang umiyak ng ganto. He even troubled himself with breathing dahil lang 'don.
***
"Oh, Natagalan kayo?" Hawak-hawak ko lang yung kamay ni Carlo at umupo sa bleachers katabi ni Ken.
"Ano nangyari? Ba't matamlay si Carlo?" hindi ko na sinabi ang dahilan dahil baka mas lalong magsama ang loob ni Carlo.
Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko kya marahan kong hinaplos ang buhok niya at pinabayaan muna siya sa ganong posisyon.
Nagsipag Tawag na si Sir ng mga section at nauna ang Class Four, Three. Kung sino ang mananalo, yun yung makakalaban ng Class Two.
"Ren..." Tumingin ako kay Carlo at ngumiti. "Tinitingnan nila ako ng masama," sabi niya sabay turo sa mga Grade 12 na nagbubulungan sa malayo.
"Huwag mo silang pansinin." Tumango si Carlo at tinago yung mukha niya sa balikat ko. Kinuha ko yung blazer ko para takpan ang mukha niya kasi nahihiya siya.
Nagche-cheer kami sa Class Three kasi masyadong magaling yung Class Four. "Goooo!" sigaw ko habang itong mga kasama ko ay nagsipagtayo at nagsisigaw din.
"Shit! Ang bilis ng Four," ika Luiz.
"Sinabi mo pa!"
"Goooo!"
Nagsipag-upo at may dismaya sa mukha ang Class Zero at Class Two dahil natalo ang Class Three, so meaning kalaban ng Class Two yung Class Four. Good luck sa kanila.
"Ren..." Tumingin ulit ako sa gawi ni Carlo at ngumiti.
"Bakit?"
"Ang ingay mo." Ay . Kala ko naman kung ano.
"Eh nache-cheer ako ih. Manood ka din para ganahan ka! Hehehe." Umayos ng upo si Carlo at kinusot yung mata niya. Nakatulog pala siya hehehehe. I feel bad tuloy kasi super ingay ko kakacheer sa Class Three.
Binitawan niya ang kamay ko at siya na rin humawak dun sa blazer ko.
"Class Two Vs Class Four. Sino mananalo? Oh bente bente!"
Facepalm
Kinulekta ni Shannon yung mga bente ng mga walang hiyang Classmates namin, nilista naman ni Quintin at Orion yung mga bet nung mga loko.
"Class Two ka?" tanong ni Orion kay Eugene. Tumango naman yung ogag.
"Oh ako! Dyes. Class Four rin." Binigay ni Carlo yung ten pesos niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ang animal nag peace sign lang.
"Ikaw, Ren?" they asked. Tinuro ko ang sarili ko at umiling.
"Ano lang ako, kung sinong bet ang mananalo, elilibre ako." Natawa ako sa mga daing at nguso nila.
Bahala sila. Betting is not my thing. Kalbuhin pa ako ni Kuya pag nalaman niyang sumasali ako sa mga ganyan.
"Ang daya."
"Ayoko nga yan elibre!" Aba!
"Di uso libre dito!"
Pumito na si Ma'am kaya nagsipag-ayos na yung Class Two at Four. Clinasp naman ni Carlo yung kamay niya habang nakatitig sa manok niya.
Sa huling pito ni Ma'am, nagsimula na silang tumakbo. Mabilis na nakahabol ang Class Two sa Class Four kaya nauna sila.
"GO TWOOO!" Ayan na! Hindi ko na naman na pigilan ang sarili ko na hindi sumigaw dahil sa intense ng karera nila.
"FOUR! GO FOUR!!" Aba, kinakalaban ako nitong Carlong to ah!
"TWOOO!"
"FOUR! GOOOO!" Tinampal ko nga ang braso niya.
"Two nga!"
"Four ako ih!!!" Aba aba!
"HOY! FOUL!" Tinapon ni Mara yung papel na hawak niya kaya napatingin ako sa laro at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.
"NOOO! ANG MANOK KO!" Napatayo na din ako sa upuan ko at ginulo ang buhok ko.
Gagi! Nadapa yung mga manok ko dahil sa bilis ng takbo ng Four!
"WAHAHAHAHA!! GOOOOO!" Tiningnan ko ng masama si Carlo at nagmumukmok sa upuan ko. Anduga! Kakagising lang niya tapos— Ahhhhhh!! NAKAKAGIGIL!