Chereads / Hi Flower / Chapter 19 - Closure

Chapter 19 - Closure

REINA JOY's POV

"Seriously! Magwiwild talaga ako kung walang campfire! Bahala sila jan!" Binatuhan ako ni Kuya ng tissue habang nagmamaneho mabuti na lang at nasalo ko yun bago matamaan ang mukha ko.

"Tumigil ka nga! Games and classes ang gagawin sa field trip. Baka akala mo Camp Rock ang mangyayari," Hmp! Bakit niya na hulaan na Camp Rock ang iniisip ko?

Tumingin ako sa park at kinawayan si Carlo na naglalakad sa gilid ng kalsada.

"PASAKAAAY!" sigaw nito. Luh! Kapal ng mukha ah!

Tinigil ni Kuya yung kotse para pasakayin si Carlo. Pinagalitan pa nga niya si Carlo kung bakit daw siya naglalakad sa init ng panahon. "Eh nasira yung car namin ih. No choice ako," Sana als may Car.

"Kuya, gusto ko rin ng kotse."

"Tumahimik ka. Wala akong pera para dyan," Hmp! Pinag-krus ko ang braso ko at tumingin kay Carlo na nasa backseat.

"Pakopya ako nung answer mo, Ren! Bilis." Aba! gago to ah!

"Ayoko nga! Pinaguran ko to!" nag-scoff si Kuya kaya nginitian ko siya.

To be honest, hindi naman talaga ako nag-answer sa assignment ko kundi si Kuya wahahahaha! Nakalimutan ko kasi eh kaya siya pina-sagot ko since matalino siya sa math. Wala din naman siyang assignment kaya siya sumagot dun! Ang bilis nga niya sumagot eh, wala man lang 1hr tapos na niya yung assignment ko.

"Dali naaa! Ang damot mo naman."

"Ayoko!" Pinag-krus ko ang braso ko bago ko siya tinalikuran. Bahala siya jan! Pinaguran 'to ni kuya tas ko-kopya lang siya? Sapak ata gusto niya eh.

"Dito ko na kayo ibababa, may gagawin pa ako," sabi ni Kuya at pinababa kami sa harap ng gate. "Ingats!" nagpaalam na kami kay kuya at hineadlock si Carlo habang naglalakad kami papasok sa gate.

"Masakiit!"

"Pake ko,"

Pagkatapos naming e swipe yung id namin sa scanner, napatigil kaming dalawa ni Carlo sa pagbabangayan nang maabutan namin yong mga estudyante sa harap ng bulletin board at nag-uusap. "Anong meron?" nakanguso kong tanong kay Carlo.

"Never ko knows,"

Ay! Oo nga pala! kakarating lang namin hehehe

Nahati sa dalawa ang mga tao na nakatayo sa board sa pagdating namin kaya napakunot-noo ako at tumingin sa bulletin. Anak ng pucha! "Seryoso ba 'to?" natatawa naming tanong ni Carlo sa isa't-isa habang tinitingnan ang board.

May papel na sinapaw sa mukha ko at hindi na ako nagulat sa larawan sinapaw nila. "I can't believe na ginawa talaga nila!" nakahawak pa ako sa tiyan ko niyan ah!

'Your face of the year has a tattoo! What a disappointment!' tas below ng caption na yan ay yung picture ng tattoo ko daw sa kamay which is X... Hula ko! Yung mga alipores ni Theo ang may gawa nito! Sila lang naman yung nakakita sa tattoo ko.

Apaka selosa talaga ng mga yun.

"Totoo po ba?" May isang babae na lumapit sa akin at may hawak-hawak siyang cellphone. Nginitian ko siya at pinakita ko yung kamay ko. Pinakita din ni Carlo yung kanya na may xoxo at ngumiti ng malapad.

They all gasped dahil sa nakita nila and some cover their mouth in surprise. Ang O-OA ha.

"This is just a hair blackening," I tell. Nagkatinginan silang lahat at sinuri yung kamay ko and others even poke it. Hinawakan din nila yung kay Carlo and guess what, he is enjoying his spotlight! Nakangiti ng malapad ang gago at tumatawa dahil nakikiliti daw siya! Ang kapal talaga ng mukha nitong batang 'to.

"Like, hair dye?" Tumango ako kay Cecil and flip my hair.

"SEE! I TOLD YOU GUYS! HINDI GAGAWA NG MASAMANG BAGAY SI REINA JOY! AYAW NIYO KASING MANIWALA SA AKIN EH!" Luh. Sino yun?

Hinanap ng dalawang mata ko yung nagsalita at nakita ko yung lalaking nerd na nagbabasa ng libro sa Grade 12 nung nakaraang araw. Umiwas siya ng tingin pagkatapos magtapat ang tingin niya sa akin. Kaya naman pala ganun na lang kapula yung pisngi niya pagkatapos ko siya kausapin!

Ang obob ko talaga! Ba't di ko yun naisip!

"TAMA!"

"MAGPAPA GANYAN DIN AKO!" taray ah! gaya-gaya?

"Kami rin!"

***

Kanina pa ako nakadok-dok sa table ko kasi naman kakatapos lang ng surprise quiz sa first subject at heto ako ngayon, wala nang lakas para sa susunod na subject. Hindi na naman kasi ako nakapag study kaya sure ako na bagsak na naman me sa quiz.

"Oh." Ibinagsak ni Mara sa harapan ko ang notes niya and moment later, nagbigay din ng notes si Quintin and Orion.

"Mga gagi! Para 'san tong mga 'to?" Nginitian nila ako at dinikit yung bondpaper na hawak nila sa mukha ko.

"Ang bastos ah!" Tiningnan ko nga sila ng masama. Binasa ko ang nakasulat sa bond paper at napatayo sa upuan ko dahil sa gulat. "WAIT— SEMI-TEST!? THIS WEEK? PAANO? EH YUNG IBANG SUBJECT INSTRUCTOR NGA NATIN HINDI PUMAPASOK!"

"Kaya nga nandyan yan para makapag study ka since may alam naman kami dun sa—" Inilagay ko ang kamay ko sa mukha ni Shannon para mapatigil siya sa pagsasalita.

"HEP! Ganito na lang! Total, wala naman si Sir Pathfit at Ma'am PR. Ituro mo yan sa amin," Nakangisi ako habang nilalagay ko sa kamay niya yung mga notes na bigay nila Quintin sa akin.

"Pft."

"Nako..."

"ARE YOU FUCKING NUTS!?" Our President asked.

I shook my head, laughing, "Nope! Hindi ba mas maganda kung ituro kesa studyhan, Classmates?"

"OO!!"

"YES! TAMA SI REN-REN!" Carlo best boi! Apaka supportive talaga

"Well, point taken." Nag-nod din si Quintin kaya napangiti ako.

"TRUE, ka diyan!"

"WOOOH! GO, PRESIDENT!"

"What the heck? Hindi ako marunong magturo!" Umalis siya sa harapan namin at binigay yung notes kay Quintin. Ang dayaa!

Wala ng nagawa si Quintin kundi tanggapin ang bigay ni Shannon since nag walk-out yung lolo niyo. Lahat kami ay tumingin kay Quintin at ngumiti ng malapad. "Fine fine,"

***

"That's the difference between Qualitative and Quantitative research." Nagkatinginan kami ni Carlo. We both have tissue's on our nostrils.

Paano ba naman kasi! Puro English yung sinasabi niya at malalalim pa! Sinusulat pa nga niya sa board yung mga meaning nung pinagsasabi niya. I mean, okay naman yun kasi Research naman yung topic pero ano kasi— kahit isang salitang tagalog, wala siyang binanggit! Parati english pinagsasabi niya kaya paano namin yun maiintindihan?

Nagbigay nga siya ng example, english naman!

ANUE BAAA QUINTIN! APAKA POGI MO PERO BA'T KA GANYAN :((

Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, tinawanan kami ni Quintin at pinagkrus ang braso niya. Punyetang tawa yan! Nakakalaglag panty! kita yung dimples niya! Ang lalim pa! punyetang igit!

"May natutunan ba kayo—"

"WALA PO!" Wow. Honest ng Class Zero ah

Tumawa ulit si Quintin at binigay ang notes kay Franco— Wait, Kay FRANCO!?

"Explain to them." Tumango si Franco at tumayo sa upuan niya, tumabi naman si Quintin sa akin at hinila yung mga tissue sa ilong namin ni Carlo.

"Pasensya na, hindi kasi ako magaling mag-explain in Tagalog"

"Nako! Okay lang!" Wooh! Igit! Kahit hindi naman talaga

"Then, bakit kayo may tissue sa ilong?"

"AH!" bakit nga ba? "Sinisipon kasi si Carlo! Tas tumutulo ang sipon niya kaya naisipan niyang lagyan ng tissue hehehe. Nakikigaya lang ako hehehe diba?" Kunot-noo akong tiningnan ni Carlo kaya nginitian ko siya.

Dahan-dahan siyang tumango at tumingin kay Quintin. "Oo! achoo ahh! covid!" Faceplam. Piste tong batang to!

"Uminom ka ba ng gamot? Bakit ka pumasok kung may sipon ka pala?" Binatukan ni Quintin si Carlo and since nasa gitna ako ng dalawang 'to. Amoy na amoy ko yung pabango ni Quintin. Bench bes! Ang bangoo!

Napailing ako at nakinig na lang kay Franco. Mabuti na lang pala at siya yung pinasahan ni Quintin kasi myghad! Ang talas niya magsalita! Ibang-iba sa scores niya tuwing quiz namin!

May tinatago palang galing si Franco? No wonder kung bakit parati siyang nanalo pag nagbabangayan sila ni Dean. He already knows what Dean would reply kaya inuunahan na niya. Like, woah! Franco Miguel has this kind of talent. Ang galing. Sarap i-sako.

Nag Take-down notes ako sa mga sinasabi ni Franco and katulad ni Quintin, may pasulat-sulat sa board pa siyang nalalaman kahit sulat doctor yung kanya. Apaka feeling.

Napatingala ako kay Mara nang may iniabot siya sa akin na kit-kat. "Gusto mo chocolate?"

"Oy! Favorite ko too! Salamat!"

"Penge ako, Ren!"

"Yoko nga! Bumili ka."

"Apaka damot mo! pag ikaw nabilaukan—"

"Ano?" Pinandiinan ko ng tingin si Carlo at nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Lumayo ka nga! Kinikilig ako sa ginagawa mo! Syempre ibibili kita ng tubig! Hehehe" Good!

Lumayo ako ng konti sa kanya at ngumiti ng malapad. Tuwing kakain ako, inaabot niya yung kamay niya pero nakatingin siya sa malayo para lang humingi kaya binibigyan ko nalang. Parang bata eh! Kala mo mas bata sa akin! eh mas matanda kaya yan sa'kin!

Ng isang taon...

Ibinigay ni Carlo sa akin ang bote ng tubig niya kaya uminom ako dun ng konti kasi matamis-tamis din yung chocolate. "Ansarap no?" Ang kapal mukha talaga.

"Oo, masarap pag binigay ng libre. No?"

"OO! GRABE!" Inirapan ko siya at baka mabatukan ko siya sa kakapal ng mukha niya.

We are drinking water nang mag rally ang Class Zero sa loob ng classroom. "GRABE! AYUSIN MO NAMAN YANG PAGKAKASULAT MO, FRANCO. HINDI NAMIN MABASA!"

"Inaayos na nga diba?"

"HINDI NGA NAMIN MABASA!" Tumingin sa gawi namin si Franco at diniin kay Dean yung marker.

"Ikaw lang umangal eh! Tahimik lang naman sila!"

"FRANCO! ANO YUNG SA FIRST SENTENCE?" seryosong tanong ni Nestor. PFT... sige push mo yan Nestor

"Yung sa last sentence ano yon?" tanong ni Paulo habang nagkakamot-ulo.

"AHH! Mga punyetang itlog. Kayo magsulat!"

Tiningnan siya ng masama ni Dean at binagsak ang kamay niya sa mesa. "HINDI NAMAN KASI TALAGA MABASA"

"Kayo mag adjust!" Hulaan nyo kung sino yung nag-aaway ngayon? Yep! Wala nang iba! Ang orig couple ng Class Zero. Dean and Francoo! Give them a round of applause! at syempre ft. Class Zero!

Charot lang! Nag-aaway na naman kasi sila! Ewan ko ba dito kay Dean rin, hindi marunong mag-adjust. Si Franco na nga nagtuturo tas nagsusulat, siya pa mag-a-adjust.

"Luiz Emphasis and Reina Joy Fuentes?" Napatingin kaming lahat sa pinto at tinuro ang sarili ko.

"Bakit?"

"May pictorial para sa Mr and Ms proceed kayo sa com. lab 2 sa Third Floor at 11 am," sabi ni Ms. SSG president bago umalis. Napatingin ako sa likuran ko which obviously leads, kay Luiz.

"Should we go?" he mouthed.

"Maya na. 10:40 pa." Tumango siya at bumalik sa pagsusulat. Umupo ako ng maayos at nilagay sa lap ko yung blazer ko. Nagiging hobby ko na ang tanggalin ang blazer ko tuwing papasok sa Classroom. Ganon kasi ang ginagawa nila at nakikigaya lang ako hehehe. Ang cool kasi tingnan! Lalo na yung pinapagpag nila yung blazer bago suotin. Napaka-cool tingnan hehehe!

Nagtuturo pa rin si Franco sa harap habang nakikipagbangayan sa mga kaklase namin. "Ano ba yan, Franco! Hindi talaga ma basa promise," angal na naman ni Dean.

"Ano ba talaga ang gusto niyo ha? Kayo magturo dito oh." Pinigilan ko ang sarili kong hindi matawa dahil halata na nauubos na ang pasensya ni Franco.

"Ikaw dito umupo oh, tapos basahin mo yang sinulat mo. Tingnan natin kung mababasa mo ba!" Nagtitigan si Dean at Franco kaya napangiti ako. Napatigil ako sa pagngiti nang sikohin ni Carlo ang braso ko. "Bakit?" I asked him.

"Nag-aaway ang dalawa, ngini-ngitian mo lang. Na engkanto ka ba?" Tinawanan ko si Carlo at tinuro sila Dean. "Tingnan mo naman oh, halatang super inis na ni Franco. Sino naman hindi matatawa diyan?" Tumingin si Carlo sa akin bago tumingin kela Franco at Dean.

"Oo nga no?"

"CARLO!" Napatigil kami ni Carlo sa pag sa-sightseeing ng tawagin siya ni Franco. "Po!" he answers lively.

"Basahin mo nga ang sinulat ko," utos ni Dean. Tumayo si Carlo galing sa upuan niya at napakamot sa ulo habang tinitingnan ang sulat-kamay ni Franco. I press my lips together and cover my ears.

"Hindi ko mabasa, Franco.... ano yung first word? Quatilative? Huh? Is ba yan o ij?"

"AHHHHHHHHH!"

Napanuno si Franco kaya tinawag niya si Orion. Si Orion na tahimik lang sa likod habang nanunuod ng paborito niyang anime ay nadamay na naman po.

Pinaikot-ikot ni Orion yung marker sa kamay niya habang naghihintay sa senyas ni Franco. Napako ang tingin ko sa wallclock at tumayo sa upuan ko. Kinuha ko yung blazer ko at yung cellphone ko since it's already 10:50 am.

"Makikiraan!" Tumabi sila Quintin at pinaraan ako sa harap nila.

"Tara na,"

Nilagay ni Luiz ang braso niya sa balikat ko at saka kami sabay na lumakad paalis habang yung blazer ko ay nakasabit sa braso ko at hawak-hawak ang cellphone ko. "Saan nga yun?" he asked.

"Third floor daw, com. lab 2," sagot ko sa kanya. Tumango siya at saka kami naglakad sa hagdan papuntang third floor.

"Ang pormado mo tingnan pag naka-complete uniform ah! Naols!" Pinopoke ko pa yung beywang niya habang sinasabi yon at todo ilag naman siya.

"Well, I was an artist once."

"Artista ka!? Ba't hindi kita nakita sa TV?" bumuntong-hininga si Luiz at nagkibit-balikat.

"Napanood mo ba yung, Sugar High?" Oh! I remember that reality show! Tungkol yan sa mga young artist na gusto maging actor/actress, singers, dancers at ano pa! Sadly na end siya ng maaga in 5 months ata at walang na-announce na winner.

Todo vote pa naman ako nun!

"Bakit?"

"Ako dapat ang mananalo,"

I blinked my eyes. Siguro dapat panoorin ko ulit yung episodes nung show na yun sa cellphone ko! Paanong hindi ko siya matandaan eh tutok na tutok ako sa show na yun!

"Pero they end the show after they figure out my bad grades." Halos malalag yung panga ko sa sinabi niya kaya napakunot-noo ako. "Ano!? Eh yung ibang artista nga, hindi nagtapos ng pag-aaral eh!"

"It's a reality show that's why. Nalaman yun ng mga fans ko the why they need to eliminate me from the show." Hoy! ang bad naman niyan! "Then, I got into trouble with the production crew kasi hindi ko matanggap ang kapalaran ko," he added habang naglalakad kami sa hallway. Ako yung nalulungkot sa kinu-kwento niya.

Ang unfair!

"So my parents decided to send me to school and hired a hacker para burahin ang news and posts tungkol sa akin." Wait— kung yan yung ginawa ng parents niya, Hindi ko na mapapanood yung episodes nung show na yun! Ang sama talaga! Naaasar ako!

"At dahil nga, bad grades ako at hindi mahilig ang JM sa special-special, they decided to send me to Class Zero. Normal class lang ang Class Zero dati, most of the instructors eyeing on us para maayos yung grades namin and then one league ends all of it." Yung ML tournament at ML league? So it makes sense now.

Kaya pala sabi ni Kuya kagabi na nasira ang imahe ng Class Zero dahil sa ginawa nila. Mga gague pala sila eh! Ngayon ko lang na realize! Ampucha! Yung Class Zero ang nagsusuffer ngayon dahil lang sa maling bintang na 'yon!

Piste! Animal! Giatay! Naiinis ako! Lagot yun sakin si Kuya!

"Nung makapasok ako sa Class Zero, it's only 8 of us. Then when I reached Grade 9, naging 12 na. Then when I graduated high school, 18 na kami, " natatawa niyang sabi. Gusto ko pa sana marinig yung mga sasabihin niya but we stopped sa harap mismo ng com. lab 2.

"Let's get inside na?" Tumango ako sa kanya at pumasok na sa loob. Binati kami ng malalapad na ngiti ng ibang contestant and I mentally rolled my eyes at one contestant.

Sino pa ba? Edi yung mortal enemy ko.

Pati ba naman dito makikita ko ang mukha niya? Nakakasawa.

"Look who's here. The shameless." Like me, hindi na nagulat ang iba dahil sa sinabi ni Theo. Mukhang pinanganak talaga siyang bitter sa mundo.

Lumapit si Mr. Vice President sa akin at ngumiti. "Meron ka na bang makeup stylist? The shoot will start at 1 pm."

"Di ako na inform na ngayon pala yung pictorial. Sorry talaga!"

"It's okay. Last class naman kayo so you can take your time," nakangiti niyang sabi. Tumango ako at nagtungo sa partner ko at umupo sa tabi niya.

"Tinawagan mo na makeup artist mo?" Umiling si Luiz at ni-lean ang likod niya sa upuan.

"I don't have one," he mumbled.

"I got your back!" Tinapik-tapik ko pa yung braso niya bago nag-excuse na lumabas ng room. Tumungo ako sa hagdanan para tawagan si Kuya.

It took 10 minutes bago niya sinagot ang tawag. [yes?]

"Can you hanap this girl named, Michelle Jaino, Kuya?" Kuya mumbled annoying cuss on the call kaya napa-ngisi ako.

[Bakit ba?]

"May pictorial kami at hindi ako na inform so hindi ako nakapag prepare. Sige na kuya pleaseee?" narinig ko ang mabigat na buntong-hininga ni Kuya kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

"Reina Joy?" napalingon ako sa tumawag sa akin and I saw, Ms. President.

"Yes?"

"Prepare your trendy attire too, okay? Luiz told me that he didn't prepare anything kasi hindi din siya na-inform. I hope you will find a way to work this out?" I nodded my head kaya tumango din si, Ms. President, bago umalis at bumalik sa loob ng classroom.

"You heard that?"

[Hindi ka man lang nagpasalamat? Kapal talaga ng mukha mo no!] Aba!

"Makapagsalita 'to! Ganyan ka rin ho, Kuya."

[Fine fine! Sa tingin ko naman ay magkasize lang kami ni Luiz. Ipapagamit ko sa kanya yung mga binili ni dad kagabi, and as for you—]

"Si mom na bahala dun. Mas fashionista pa yun sa'kin."

[Okay okay. What's the name again? yung hahanapin ko?] Makakalimutin talaga! Nakooo! Kagigil.

"Michelle Jaino nga!"

[Damn! no need to raise a voice naman!] Hehehehe sorry poo~

[Is she your makeup artist? Anong oras ang shoot mo? I'll be there.] I giggled. Ayaw talaga pa-huli ng lalaking to! Kaya best buddy ko 'to si Kuya eh! Kahit magkaaway-bati kaming dalawa.

"Yep! Siya ang hair and makeup artist ko and I guess, around 2 pm or 3 pm? pinaka-huli raw kami eh," May mga naririnig akong boses ng mga babae na binabati si Kuya and kuya said Hello back to them naman.

[Okay. On it.]

"I gotta hang up na, Kuya. Baka e orient kami dito. Bye-byee lab youu!"

[Love you too—Hi po Kuya Joseph!—Hello, girls] Aysus!

Binaba ko na yung tawag at sinabit sa balikat ko yung blazer bago ako pumasok ulit sa loob. Tinapp ni Luiz yung upuan sa gilid niya kaya nagtungo ako doon at umupo sa tabi niya.

"Yung attire—"

"Don't worry, Everything will go smooth." Ngumiti si Luiz at tumango.

"Thanks!"

*******

A/N: don't forget to vote, leave a comment and follow me~!