REINA JOY's POV
Ngumiti ako nang maglapag ng pagkain si Benj at Eugene sa harapan ko habang minimake-apan si Luiz ni Michelle. Pinauna ko siya kasi mas madali make-apan yung lalaki kesa sa babae.
"Oy! Bilhan mo rin si Michelle—"
"Nako, wag na Ren."
"Anong wag na? Di pwedee!"
Tumango si Quintin at binigyan ng pera si Ken at Ivan. Napa Kamot sa ulo yung dalawa bago lumakad paalis. Nilagay ko sa armseat ni Luiz yung lunch box niya para makakain din siya habang minimake-apan siya.
"Pwede po ba na kumain habang nag-aano po kayo?" Tumango si Michelle at na mula na naman yung pisngi niya. Ang cutie ni Michelle anbayaan!
"P-pwede po," Nagdadalawang-isip nga si Michelle na pumasok kanina eh kasi nakita niya si Luiz. Sabi niya, fan daw siya ni Luiz nung Sugar High pa daw at hindi niya ineexpect na makikita niya si Luiz na kasama ako. Para dawng panaginip!
Nagsimula na rin akong kumain since binili nila yung favorite kong guso hehehe. Pati yung ibang contestants kumakain na din since it's already 12 pm and lunch time na. Yung Class Zero ay nandun sa bintana, sa labas ha! Bawal kasi silang pumasok sa loob. Maliban yung nagdadala ng lunch namin.
"Hindi ba pupunta kuya mo?" tanong ni Shannon habang nakalagay yung baba niya sa toktok ng ulo ni Carlo na nakanguso sa bintana.
"Mamaya pa yun darating," I replied shortly since I'm eating my meal.
"So pupunta talaga siya?" asked Quintin.
"Kelan ba yun hindi pumunta pag included si, Reina Joy?" Mara answered.
Akala ko hindi nila yon napapansin hehehehe. "Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang umiinom ng tubig. Nagsipag-tango naman sila at sinabi na dito daw muna sila maghihintay since 1:15 pm pa daw yung susunod na klase.
"Party?" Nag ningning ang mga mata ko at ngumuso. "Rank-up niyo naman akooo! Narank-down ako eh hehehe"
"Yaw nga namin! Ayaw mo kami papasukin ih!" Eh kung e-flick ko kaya tong nguso ni Carlo? May magagawa ba ako? Nandun kaya sa may pinto si Ms. President at Mr. Vice.
"Grabe ka! Bawal nga kayooo!" I said, whining.
"Bakit nga bawal!" Aba! "Basta bawal!"
Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at pumasok ulit si Benj at Eugene na may dala-dalang lunch box. "Salamat," sabi ko sa kanila, tumango naman yung dalawa at umalis na kasi pinapaalis na sila ni Mr. Vice.
"Oh, Michelle. Kumain ka pagkatapos mo dyan." Hindi sumagot si Michelle since nag fo-focus siya sa pag mamake-up kay Luiz. Tumayo din ako sa upuan ko para matingnan ang mukha niya.
Oy gagi! Ang pogi ni Luiz!
Seryoso kasi siyang kumakain habang inaayos ni Michelle yung buhok niya.
"Pogi ah!" Nag thumbs-up ako kay Mara since idea niya naman na si Luiz yung i-partner sa akin.
"Sabi sa inyo eh!" natatawa na sabi ni Mara at sumayaw-sayaw sa labas. "Sure na ang couple of the crowd," Pati yung iba kong kaklase ay nag sipagsayaw na rin sa labas.
Facepalm.
Hindi maingay si Luiz, siya yung tipo mong kaklase na nasa sulok lang at natutulog tas nagpa-participate sa klase pag kailangan. Kaya nga hindi ko siya napansin nung first day ko kasi nandun siya sa pinakadulo, natutulog.
Tiningnan ni Luiz yung sarili niya sa salamin habang kagat-kagat 'yong kutsara niya at inayos ang buhok niya. Inisprayhan na yun ni Michelle so yung ginawa nalang ni Luiz ay kumuha ng konting strands sa buhok niya at binagsak sa noo niya. Yung bangs ba, ganon!
"Tapos na po?" Nakalimutan ko rin, magalang si Luiz. Isa rin yan sa napansin ko sa kanya.
"O-opo. Ayos po ba?" Tumingin ulit si Luiz sa salamin bago ngumiti.
"Galing niyo po mag make up!" I smiled. Sabi na eh! Alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili kay Michelle bilang makeup artist ko— namin pala.
"Ikaw na, Ren." Tumango ako at pinakain muna si Michelle habang nakikipag chit-chat ako sa Class Zero. Hindi pa kasi siya kumakain, simula nung dumating siya, inayos niya kaagad yung gamit niya at nagtanong kung sino daw ma-make-apan niya.
"Ubusin mo yan ah!" paalala ko sa kanya. Nahihiya naman siyang tumango at nagsimula na ring kumain. "Oy kayo! Anong oras na ah! Ba't dito pa kayo?" Inisnaban lang ako nung mga loko kaya napanguso ako.
"Ayaw niyo makinig ah....President! Ang Class Zero hindi pa—"
"OO NA NGAA! AALIS NA KAMI! GIATAY NAMAN TO IH" Nagsipag-tayo na sila galing sa pagkakaupo sa sahig at nagbabangayan paalis. Natawa nalang ako at napa-iling na lang din.
Napaka Chaotic talaga nila.
Pagkatapos kumain ni Michelle, inayos niya ulit yung make-up kit niya at pumunta sa harapan ko. "Okay na po?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at tinali ang buhok ko into bun para hindi yun makadisturbo sa kanya. Pina-pikit na niya ako kaya pumikit na ako bago ko pinagkrus ang binti ko.
I can feel her gentle press ng blender sa mukha ko. She told me to press my lips together para lagyan niya ng foundatio ang buong mukha ko kaya ginawa ko naman yung inutos niya.
Sunod kong nararamdaman ay yung brush sa mukha ko kaya idinilat ko ang isang mata ko and I saw her nodded kaya binuksan ko na yung dalawa.
Tumingin ako sa taas para lagyan niya ng concelear yung ilalim ng mata ko at napatingin sa pinto nang bumukas yun since malapit lang sa pinto yung area namin. "Here," binigay ni Kuya yung tatlong paper bags kay Luiz.
"Naks! Pogi ah." Oh diba! Pati si kuya nag compliment kay Luiz!
"Hahahaha! Salamat po"
"Ano yan?" tanong ko habang binubuksan ni Luiz yung mga bag.
"Yung mga attire niyo." Tumango si Kuya kay Mr. Vice at ngumiti naman ito pabalik sa kanya. Speaking of attire, nagsimula na tuloy ako mag-alala sa damit ko.
"Si Mom pumili nung sa'yo while I did, Luiz." Tumango ako habang busy si Michelle kaka-blend sa mukha ko. "Kasali pala siya?" he mumbled habang may tinitingnan sa kabilang side ng room. Kilala ko ata yung tinanong niya.
"Well—" Nag make-face si Kuya tas humila ng upuan at nilagay sa harapan ko. Kinuha niya yung cellphone niya at sinabihan si Luiz na magpose daw. Kahit nahihiya, wala nang nagawa si Luiz kundi mag pose na lang habang si Kuya, ayon enjoy na enjoy.
"Again! do this one," sabi ni Kuya at may tinuro na pose kay Luiz. Yung nakahawak sa ulo ba.
"Maganda ba?" tanong ni Luiz at ginaya yung pose ni Kuya. Luh. Close ba tong dalawang to? Nahiya naman ako sa kanila.
"Pwede ka po bang pumikit?" tanong ni Michelle.
"Of course." Pinikit ko ang mga mata ko at ngumiti. Ito yung favorite part ko tuwing magpapamake-up ako eh. Gusto ko kasi maganda pagkablend sa eyeshadow ko! Wala lang, bet ko lang yung color combination na ginagawa nila. Ganda kaya!
Nagsimula na si Michelle na lagyan ng make up yung mata ko habang nakapikit ako and it took, 30 minutes bago siya natapos. I open my eyes at kinuha yung mirror niya to see my eyes.
"GANDAA! Di talaga ako nagsisi na ikaw pinakuha ko kay Kuyaa!"
"Hehehe. Salamat po!" Bet na bet ko! Ganda!
Pinatingin niya ako ulit sa itaas kaya ginawa ko naman. "Matagal ka na bang nagma-make up?" Naku-curious kasi ako kasi napaka-skillful niya tas smooth pa yung paggalaw ng kamay niya. "Mga 5 months pa po. Sideline na rin po para may maitulong sa pamilya ko." Oh!
"Ikaw nalang personal Makeup artist ko!" I heard a groan. Si kuya, yan. Alam ko!
"Paano si Kian?" Yung baklang make up artist ni Mom yan.
"Kay mom naman yun eh. Si Michelle akin," Hindi na sumagot si Kuya at nakipag chikahan ulit kay Luiz. Shinare na rin kasi ni Luiz kay kuya yung naging kapalaran niya and he is also disappointed.
"Ayan." Kinuha ko ulit yung salamin at tiningnan ang mga mata ko. I smiled pleasingly. "Okay, po ba?" I nodded my head multiple times.
Sinimulan na niya yung kilay ko and I really can't stop smiling dahil sa pagiging smooth ng galaw niya. Hindi katulad nung kay Kian na parang nagdradrawing sa mukha ko. Meron brow brush sa kabilang daliri niya at sa kabila nandun ang sponge powder para daw hindi marumihan yung mukha ko.
"Ikaw ba bumubuhay sa pamilya mo?" I asked. Well, kailangang may aman ako tungkol sa kanya since siya na ang magiging personal makeup artist ko. "Breadwinner po ako kasi ako po yung panganay," sagot niya sa akin habang bina-brush yung kilay ko.
"Ang hirap siguro niyan no?" natatawa siyang tumango. "Sobra po pero okay lang po, basta nag-aaral ng maayos yung mga kapatid ko, masusuklian nila yung pagod ko," I smiled. Gantong klaseng tao gusto kong mahalubilo.
"Don't worry, si Kuya naman magsu-sweldo sa'yo!" inirapan ako ni Kuya kaya napatawa kaming dalawa ni Michelle.
After she did my makeup, Tumabi kaagad si Kuya sa akin para daw makapag picture kaming dalawa kasi ipapaframe din daw niya. Naadik na yan kakaframe sa mukha naming dalawa, napuno na nga yung yung sa ilalim ng tv sa mga mukha namin eh.
Nababagot na din siya kakahintay dun sa photoshoot ko. Ang tagal daw kasi e upload, excited na raw siya pagtawanan yung mukha ko don. Ang sama talaga.
"Luiz, come here." Tumayo din si Luiz sa upuan niya at tumabi sa akin.
"Michelle, dito ka din," Ishi-ship ko siya kay Kuya wehehehe. Total single naman si Kuya pagkatapos niya hiwalayan yung babaeng tumawag sa akin ng b!tch
"Smileee—"
***
Nagsisimula na yung ibang Class sa pictorial nila, habang si Michelle may inaayos ang buhok ko. May iniabot nga si Kuya sa kanya na bonet pero sabi ni Michelle na mas maganda yung gamitin sa Trendy attire. Wala namang nagawa si Kuya kundi ilagay nalang yung bonett sa bag.
She combs my hair before she braided my hair. Umiinom din kasi ako ng vitamilk na dala ni Kuya. Kuya left na after we take pictures multiple times, Sabi niya may class pa daw siya but he promised na pupunta siya dine para sa pictorial ko.
Nag Music si Ms. President nung kanta ni Taeyeon na Why at heto kami ngayon sa com. lab nagsisipag kanta. "Tumatawag si Quintin." Binigay ni Luiz sa akin yung cellphone ko kaya sinagot ko yung tawag ni Quin.
"Yes?"
[May assignment ka sa pre-cal?]
"Oo, bakit?"
[San mo nilagay? Ako magcocollect.] teka. San ko nga ba yun nilagay?
"Ah! nasa pre-cal notebook ko. May nakatupi na bond paper dun." Isang katahimikan ang nabuo sa tawag at akala ko nga binaba ni Quintin yung tawag pero hindi pala.
[Where are the other papers? In count of 10— Ma'am teka! Hinahanap ko pa po yung kay Reina Joy!] Pft. Kaya naman pala.
[got it. Bye na!— Oy! Si Ren-Ren yan?] Here we go again. [oo— pakausap!] napa-aray ako nang may humila sa buhok ko inikot ang tingin ko kung sino ang may gawa nun.
"Ano ba. Inaano ba kita?" inirapan ako ni Theo inilapit ang mukha niya sakin. "You'll regret joining this pageant," Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa binulong niya sa akin at tiningnan siya ng masama.
"Good luck." Tumingin ako sa gawi ni Luiz na akmang ambahan ng suntok si Theo pero pinigilan ko siya.
Pati si Michelle, napa tigil sa ginagawa niya dahil kay Theo. "That bitch! Ano sabi niya sa'yo?" Umiling ako kay Luiz at lumingon kay Theo.
"Wala..."
[Ren? Buhay ka pa ba?—Aray, bossing— Ano ba naman kasi yang sinasabi mo!?] Binaba ko na muna yung tawag at nanatiling nakatingin kay Theo na bumalik sa upuan niya.
"Isusumbong ko ba sa kuya m— "
"Wag," I exclaimed before he could finish his sentence. "Wag na. Michelle, paki-tapos nalang ng buhok ko." Tumango si Michelle at bumalik sa ginagawa niya. Kinuha niya yung iron niya at plinantsa ang buhok ko.
I will regret joining this pageant? Bakit? Ano na naman ang gagawin niya ngayon? Bwesit ka talaga Theo.
"Kung ano man ang sinabi niya, wag mo na yun isipin. Nandito kami, ang Class Zero para sa'yo," ngumiti ako kay Luiz at napabuntong-hininga. Binigay ko nalang ang cellphone ko sa kanya at sinabi na kung tumawag ulit si Quintin ay okay lang kung sagotin niya.
Class Three na ang nagpipictorial ngayon kaya naman pinatayo ako ni Michelle at pinagpagan yung blazer ko. Inayos niya rin yung skirt ko at yung blouse na napasailalim ng blazer.
"Ang ganda niyo po talaga at hindi ako makapaniwala na ako yung nag mamake-up sa inyo ngayon!"
"Parang panaginip?" dag-dag ko sa sinabi niya. Tumango naman siya kaagad.
"Dream come true talaga! Parang nung nakaraan lang, pangarap kong maging makeup artist niyo at ngayon, natupad na siya," I smiled. Naso-soft ako sa kanya! "Your welcome?" Pati si Luiz at Ms. President ay natawa sa sinagot ko kay Michelle.
Hindi nila ako masisisi! Wala akong maisip na sagot eh!
"Class Two, please ready," sabi ni Mr. Vice.
"Oh right, Reina. Pwede mo ba munang takpan yang blackening mo— i mean yung ano niyo sa kamay?" Nagkatinginan kami ni Luiz bago tumango. "No probs!"
Si Michelle na ang tumakip sa mga blackening na nasa kamay namin ni Luiz. Natatawa pa nga eh kung sino daw ang nakaisip na pwedeng gawing temporary tattoo yung blackening. Sabay naman naming sinabi na yung kaklase namin ang may gawa nun at may pasimuno non.
Ang creative daw kasi! Si Orion at Gino ang nakaisip so Creative sila. Totoo naman. Gino pa lang eh! Napaka-creative ni Gino, marunong nga yun magdrawing!
"Lagyan mo din siya ng ganto, Ate Michelle." Tinuro ni Luiz yung strands ng buhok niya na ginawa niyang parang bangs. "Tingnan natin," sabi ni Michelle at kinuha yung suklay niya na may matulis sa dulo.
Kumuha siya ng strands sa buhok ko atsaka niya yun kinulot. "Ganda nga no?" natatawa na tanong ni Michelle. "Maganda naman kasi si Ren-Ren kaya kahit anong hairstyle, bagay sa kanya."
"Bigat ng compliment mo ah! Di ko keri," he laughs which makes me laugh as well.
"Pikit ka muna, Ren." Ipinikit ko ang mga mata ko.
Nilagay ni Michelle yung kamay niya sa mukha ko at may inispray sa buhok ko. Then, tumungo siya sa harapan ko at pinatayo yung kamay niya. "Wag buksan ang mata ah?" I nodded my head.
Inispray niya sa akin yung setting spray niya para mag set yung make-up ko. "Ayan, tapos na," she said kaya binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa salamin. Sunod siyang tumungo kay Luiz at katulad ng pinagawa niya sakin, pinapikit niya rin si Luiz para mag set 'yong makeup.
Pero, bago niya yun ginawa, ni-retouched niya muna yung eyeshadow at lip tint ni Luiz bago ini-spray yung setting spray. "Ayan, okay na kayong dalawa." Pinag-clasps niya yung kamay niya bago kami nginitian. Proud na proud siya sa sarili niya dahil sa mga itsura namin hehehehe.
"Class Two?" Tumingin kami sa kapit-bahay namin which is Class Two at nginitian sila. Kinikilig pa nga sila eh kasi pinansin ko sila. Shock! ano bang nangyari sa mga estudyanteng to! gandang-ganda sa akin.
Char!
Tumayo kami ni Luiz para makita yung mga picture nila dun sa malaking monitor. Dun lumalabas ang mga picture nila at kitang-kita ko yung mga pose na ginagawa nila habang suot ang uniform namin. I can say na meron silang ginaya sa pose na ginawa namin ni Quintin nung photoshoot sa ambassadors pero it's okay!
Hindi naman kami ang may-ari nung mga pose na yun! hahahahahaha!
After partner photo, individual na at may greetings pa. Meron din yung sasabihin ang pangalan at kung anong section. The door beams open and I smiled to Kuya. Dala-dala niya yung bag niya at nilagay sa upuan niya na kaharap nung akin.
"What the hell. I thought it was already done! Thank god I was on time."
"Tumakbo ka no?" Luiz asked.
"Well, I need to para makaabot ako," Nakipag-apir si Kuya kay Luiz and moments after, bumukas ulit yung pinto at nag sipasok ang Class Zero pati yung ibang sections.
Pinapasok na sila ni Mr. Vice kasi tapos naman na daw kaming lahat sa pagma-make-up.
So, kaya naman pala hindi niya pinasok yung Class Zero kanina kasi baka makadisturbo sila sa makeup artist. Mabuti na lang at naintindihan ng Class Zero yun. "Oy! Ganda at Pogi! Penge number niyo!" Hinead-lock ni Kuya si Carlo dahil sa kalokohan niya.
"Shh!" sabi pa ni Kuya.
After Class Two, Excited ata masyado si Theo kasi drinag niya yung partner niya sa harapan. Pati yung camera man ay nagulat.
"Papansin masyado hmm...." Tiningnan ko ng masama itong mga classmates ko at sinabihan sila ng tumahimik pero ayaw nila makinig. Hindi nila tinatawanan yung partner ni Theo kasi nung individual shots, puro compliments ang naririnig ko sa kanila
Pero nung individual shot na ni Theo, ayon nagtatawanan na naman sila! Ang salbahe talaga!
Pati si Kuya hindi na mapigilang hindi matawa. "Shh!" Saway na naman niya sa mga itlog niya. Shh daw eh siya nga nauna tumawa!
After ng introduction ng Class One, tinanguan kami ni President at pinalakad sa harapan kung nasaan yung flowery background. "Ganda naman" komento ni Ms. Secretary kaya nginitian ko siya ng malapad.
"Ready?" Tumango kami ni Luiz.
Hinawakan ni Luiz ang beywang ko kaya niliko ko yung katawan ko sa may dibdib niya bago kami ngumiti sa Camera. We take several shots in that position.
Pinaupo ni Ms. Secretary si Luiz sa isang upuan. Nag-isip muna ako ng pwedeng gawin so I ended up, placing my arm in his shoulder at tumingin sa camera. We smiled, we put on a serious face, we tried to look formal, we looked into each other's eyes when the cameraman raised his arm that caused interruption.
"Ang ingay sa likuran ko, Ms. President."
"Teka— CLASS TWO AND THREE, BAKIT ANG INGAY NIYO?"
"PRESIDENT KINIKILIG KAMIII!!"
"Maayong Buntag! JM University, I am Reina Joy L. Fuentes from Class Zero, your next Ms. Nutrition Month 2021! To count your vote, don't forget to click your bet on our Facebook school page, JM University, and leave a like, comment, and share. Our winnings depend on you. Thank you!"