Chereads / Hi Flower / Chapter 18 - Family Time

Chapter 18 - Family Time

REINA JOY's POV

"Mom! MOM! MOMMY! MAMA! YOU WON'T BELIEVE WHAT REINA JOY JUST DID!" Napa-irap ako kay Kuya at nilagay ang bag ko sa couch.

Sabi ko na nga ba eh, ipagmamayabang na naman niya yung ginawa ko tas pagtatawanan ako! Suntokin ko kaya tong lalaking to? 'Wag na lang pala, baka suntokin niya ako pabalik. Hehehehe.

"What? What did she do?" tanong ni stepmom. Naka-apron pa siya at may hawak na sandok, nagluluto ata tong mother rainbow namin.

"She announced the field trip!" Nag-mano ako kay stepmom at kinurot ang braso ni Kuya. Apaka ingay talaga. Sisantihin ko siya sa bahay na to eh.

Char! sa kanya pala to hehehe

"ANO!?" Dumating din si Dad galing sa kusina din and guess what, basa ang kamay niya. I guess he did the dishes?

Tumingin sa akin si Mama kaya nginitian ko siya exposing my white teeth at tumingin kay kuya na nag blink-blink ang mga mata. Pisting mata yan. Kairita.

"YOU REALLY DID PRINCESS?" Tinanguan ko si Mom ng dahan-dahan and guess what she did? Tumalon-talon lang naman siya habang kina-clap yung mga kamay niya. Masaya yarn?

"Opo. Normal lang naman po yun kasi part naman daw po yon sa pagiging ambassador ko," sagot ko kay stepmom at hinubad yung blazer ko bago lumakad papunta sa kusina para tingnan kung ano yung ginagawa nilang dalawa.

"OY ADOBOOO!" Napatalon ako sa tuwa dahil sa nakita ko.

"Akin yung binti." Aba!

"Ako una nakakita diba? Akin yun"

"Eh kung palayasin kita dito?"

"Sabi ko nga, sayo na. Mahal na hari—" Tinapakan ko ang paa ni Kuya bago ako tumakbo palayo sa kanya dala-dala ang bag ko. "REINA JOY!" Bahala ka jan!

***

"And then she said, 'sana may campfire sa field trip!'"

"HAHAHAHA!"

"Bakit mo naman sinabi yun nak? Dapat pageant!"

"Tama si honey." Tiningnan ko sila isa-isa, and I saw kuya's smirk after he shared to our parents what happened earlier.

"Kasali po ako sa Mr. and Ms. Nutrition month at the end of this month," I said. Nagkatitigan si Mom at Dad dahil sa sinabi ko at ngumiti ng malapad.

"May gown ka na ba? Makeup artist?" napakamot ako sa ulo ko dahil sa tinanong ni Kuya. Ampucha. Ka-lalaki niyang tao, yan talaga tinanong niya? Pwede namang, may partner ba ako or ano?

Tinampal ni Dad ang braso ko and told me to stop scratching my head habang nasa hapag. Hindi ko kasi mapigilan! Naghahalo ang nararamdaman ko ngayon.... supportive ang pamilya ko, yes. I just can't deny that sometimes it's getting annoying rin.

"Nutrition month diba? Baka yung gown niya dapat may gulay at prutas din," I smirked. Ang talino talaga ng daddy ko! Sayang konti lang namana ko.

"We can ask for our designer!" ANO!?

"Ayoko, maa!"

"Bakiiit? Eh ayaw mo nun, mag nining-ning ka sa stage?" Tumingin ako sa gawi ni Kuya para humingi ng tulong pero nagkibit-balikat lang siya at tumuloy sa pagkain.

Napabuntong-hininga ako at umiling pa din. Na-trauma ako sa designer ni mama dahil dun sa gown na ginawa niya para sa akin nung last pageant ko. Naalala nyo ba yung lava gown ni Catriona Gray? Ganun lang naman ang ginawa niya sa gown ko! pero kulay black tas pink siya.

Ako kasi, I like wearing skirts and pencil skirts pero ayoko ng gown na masyadong expose yung balat ko especially legs ko.

Nung sinuot ko yun, super uncomfortable ako kasi tuwing lalakad ako, syempre bubuka ang binti ko, tas pumapasok ang hangin sa in between ko! Napaka uncomfortable kaya!

Parang pinapahanginan yung pusa ko. Ampucha!

Sinabi ko kay Kuya yung issue ko kaya gumawa siya ng paraan para maayos yung gown ko. Magaling kasi si Kuya tumahi kaya nagawan niya naman ng paraan. Kung papipiliin ako, mas bet ko yung gown ni Pia Wurtzbach kasi kitang-kita ang hugis ng katawan ko, plus! Hindi siya masyadong showy. It's so simple pero eye candy sya.

"Sabi ng kuya mo, mababait daw ang mga kaklase mo?" Dad asked while he's eating the chicken wing.

"Sinabi yan ni Kuya? Taray ah!" natawa si Kuya dahil sa sinabi ko at uminom ng tubig.

"Anong akala mo sa'kin? Hindi friendly? Nagsha-share din ako ng info's no!" Ginaya-gaya ko yung sinabi niya at inisnaban siya. "And I also heard na dun daw nag-aaral si Theophany?" My eyes grew wide.

Pati ba naman to sinabi ni Kuya? Lagyan ko kaya tape yung bunganga nya? Alam niya naman kung gaano ka galit sila mom and dad kay Theo dahil sa traumang dinulot niya sa akin. Hays.

"O-opo," I hesitantly answered.

"Wala naman siyang ginawa sa'yo?" napatingin ako kay Kuya dahil sa tanong ni Mom.

"Uhmm..."

"She can't touch her, ma. I'm just a kilometer away," Kuya answered.

That answer is obviously a lie— wait. I nudged my elbow with kuya's elbow. "Sinabi mo ang tungkol kay Theo?" Napatingin siya sa akin at kumonot-noo bago umiling.

"Then who?"

"I don't know. Baka bumisita sila kanina? Who knows," He has a point, "What's that?" Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang temporary tattoo na andun. Lagot.

"NAGPATATTOO KA?!"

"h-hin—"

"WHAT'S THIS BABY!?"

"m-ma ano ya—"

"WHAT THE FUCK? IS THAT A TATTOO?"

"h-hindi!"

"EH ANO!?" Punyeta! Kailangan talaga sabay!?

"BLACKENING LANG YAN! KALMA KAYO!" Tiningnan ako ni dad ng masama kaya napanguso ako at hinayaan silang suriin ang kamay ko. Pinag dot-dot nga nila yung kamay ko at hinintay na umaray ako para mapatunayan na tattoo talaga yon.

"Like hair blackening?" I nodded my head to Kuya. Sinuri niya ulit yung kamay ko at idiniin ang mga mata niya dun. Eh kung tusokin ko kaya mata ni Kuya? Hehehehe mukhang maganda siya gawin!

"Bakit X..." Bakit nga ba? Eh hindi ko din alam! "Trip ko lang. Tsaka maganda naman diba? xoxo dapat yun pero tuldok nalang para maiba." Kuya nodded bago niya binaba ang kamay ko at tumingin din sa kamay niya.

He smiled after, "Should I try that too—OUCH MOM!"

"Gaya gaya ka sa kapatid mo!" natawa ako sa sinabi ni mama at tumango.

"Btw, should I try too, hon?" ay! wala rin facepalm.

"Isa ka rin eh," sabi ni dad at kinurot ang braso ni Mama. "AHHH! MASAKIT!"

Pagkatapos namin kumain, since maaga pa at sure si Mom na bukas pa ang mall, pinabihis niya kami ni Kuya kasi pupunta daw kaming mall. Sinubukan kong humindi pero sinapak niya ang ulo ko kaya wala na akong nagawa kundi magbihis.

I wore my off-shoulder dress and paired it with my knee-length pencil skirt and heels. Iniwan ko sa bag ko ang wallet ko kasi plano ko magpa-libre kay kuya or kay mommy ngayon at hindi naman siya pumalag hehehe. Yung cellphone ko lang yung dinala ko at sumunod sa kanila sa baba.

"All set?" tanong ni Mom. Tumango ako at pinagkrus ang binti ko at binuksan ang cellphone ko habang nasa biyahe. Si kuya naman natutulog sa tabi ko at may suot-suot pang headset.

Hindi uso sa akin yung load kaya nakihotspot ako kay Kuya. Hehehe. Kay kuya lahat eh. Libre ng pera, pati hotspot. Libre tirahan na rin! Yaman tologoo! sonaol.

"Gago to ah! All mid." Hininaan ko ang boses ko kasi ayokong madisturbo si kuya sa tulog niya. Ampucha! "Ang noob mo! Sabi all mid eh."

"Ang ingay mo."Naga peace-sign ako kay Kuya at nag-focus ulit sa paglalaro. Ayoko ma-rank down noo! Pinaghirapan to ng Class Zero na makarating ako sa rank nato tas e-ra-rankdown ko lang.

"Wala naa! talo na—oy!" Kinuha lang naman ni kuya yung cellphone ko at siya yung naglaro. Naka-focus nga lang siya eh at ngumingiti tas nakasimangot ulit. Lah! Nabaliw na.

"Top," Kalmado pa yan ah!

"Yung demonyo papalapit na"

"Anong demonyo? Lord yan."

Eh demonyo gusto ko itawag ehh! Pake niya ba!

I blink my eyes when I remember something, the reason kung bakit nagka-away ang grupo ni Kuya at ang Class Zero ay dahil sa ML. Habang nakatingin ako kay Kuya, masasabi ko talaga na magaling siya kaya hundred percent sure ako na hindi si kuya yung nag-cheat.

Then who?

Kiefer? I can't say. How about Piercy? I don't think so. Piercy looks kind though. How about the other two?

"Kuya?"

"Hmm?"

"Sino ang kalaro mo nung na kalaban nyo yung Class Zero 2 years ago?" Akala ko magagalit si kuya sa akin kasi tinigil niya yung paglalaro niya sa cellphone ko. I'm aware na magagalit siya tuwing tinatanong ko 'to and I'm prepared for his anger.

But I'm wrong, "Me, Kiefer, Piercy, Keith, and Donna," he said while staring at the seat in front of us squinting his eyes, "Yes! Us, Bakit?" I parted my lips for a second bago ko naisipang itikom yon at tumingin sa phone ko.

"Mamamatay kanaa!"

"Oh shoot!"

When we arrived at the mall, Naghiwalay na kami since kinuyog ako ni Mom sa favorite shop niya. Surprise! It's a boutique with my favorite brands of makeup and clothes. "Gosh! It's heaven..." I mumbled in surprise.

"Mom, wala akong dalang pera"

"On me," nag-wink pa siya. Kadiriii!

Wala nang patumpik-tumpik pa! kara-karaka! Dumiretso ako sa makeup stall at nagtry ng mga makeup. "Ang ganda niyo poo! Bagay po to sa inyo," sabi ni ateng sales lady at binigay sa akin yung isang contact lens.

"Anong kulay ba yan?"

"Hazel brown po," May binigay siya sa akin na sample kaya tumingin ako dun at tiningnan yong contact. Maganda nga but I don't think babagay siya sa akin though I have milky skin. "I'm not comfortable wearing eye contact kasi. Natatakot ako."

"Ganun po ba?" May halong lungkot na sabi niya.

"But I think I can give this one a try," I said, pointing to the palette. Nagning-ning yung mga mata niya at mabilis na binigay sa akin yung palette.

"C-can I apply it to you po?" Ay wow.

"I don't mind." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya and allow her to do my eyes. Nanginginig pa nga yung kamay niya.

"Nakita ko po kayo sa isang facebook page po. Ang ganda niyo po pala talaga sa personal," she said after she did my eye makeup.

"Oy bet ko yung color combination!" Pwede ko siyang kuning makeup artist ko this nutrition month!

"And wait... What page?" tanong ko sa kanya at tiningnan ang sarili ko sa salamin na prinovide niya. "Joynatics at Joynation po. Marami po kayong pictures doon at nag-save pa nga po ako ng mga pictures niyo," nahihiya pa niyang sabi at inilabas ang cellphone niya. Teka! Yung atay ko lumipad dahil sa kilig

"Pwede po ba magpapicture?" Nahiya pa. Ang daldal na nga niya sa akin, tas mahihiya siyang magsabi niyan.

"Of course!" Ngumiti ako ng malapad, ni-ready niya ang cellphone niyang Qnet. "Why don't you use my phone? tas se-send ko sa'yo yung picture?" nahihiya kasi ako sa camera niya, blur siya tas hindi kita ng maayos yung mukha namin.

Malungkot niyang binaba ang phone niya atsaka tumango. Binigay ko sa kanya yung phone ko pero napaisip ako na mas maganda kung ako yung humawak nun. Nangi-nginig kasi yung kamay niya ng bonggang-bongga.

"Smilee—" Ngumiti siya ng malapad kaya napangiti ako. We did three shots until we're both satisfied.

"Salamat po talagaa!" Hinawakan pa niya yung kamay ko at tumungo.

"Nako! Wala po yun!"

Pagkatapos kong ipasa sa kanya yung picture, pinasalamatan niya ulit ako at heto ako, hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapangiti.

"By the way, ano pangalan mo?"

"Michelle Jaino po."

"Hmm— Reina Joy! Have you pick your stuff?" tanong ni mama sa akin na may hawak-hawak na apat na paper bags.

"I have changed my mind, ma. Marami pa pala akong gamit sa bahay, yun nalang ang kukunin ko pag nakauwi ako sa San Martin," I said before I look at Michelle.

"See you around, Michelle."

"Mag-ingat po kayo, Ma'am—" Before she could finish her sentence, I cut her off.

"Call me, Reina Joy or Ren. Either the two," nagulat pa siya sa sinabi ko at dahan-dahang tumango. "O-okay po, R-Ren"

"Better," nagpaalam na ako sa kanya at sumunod kay mom."I have found my makeup artist," Excited kong sabi kay Mom at ngumiti ng malapad. Kinuha ko naman yung ibang dala niya at nilagay yun sa braso ko.

"Sino?"

"Michelle Jaino, I want her."

"As you please," Kinurot ni mama ang pisngi ko at saka kami naglakad papunta sa ibang boutique. As usual, she does the shopping and I do the fitting. Una akong binibilhan ni Mama bago ang sarili niya

Kung pwede nga na hindi na niya bilhan ang sarili niya, ginawa na niya eh pero parati siyang pinapagalitan ni dad na dapat daw e-please niya rin ang sarili niya at hindi puro kami. I remember when kuya told mom na aalis siya sa bahay, inikayan pa yun ni mom ng ilang araw kasi masakit daw sa part niya.

Tinatanong niya ako araw-araw kung may mali ba daw siya at bakit naisip ni kuya na mag-ibang bahay. Parati ko naman siyang sinasagot na baka gusto lang ni kuya maging independent at syempre, subukan mabuhay ng mag-isa. Pero ayaw niya maniwala.

Then the day comes na sinabi ni Kuya na hindi na siya tatanggap ng pera galing kela dad and ayun, Umiyak na naman siya ng bonggang-bongga! Mabuti nalang at todo support si dad sa kanya at siya lang ang may kakayahan na patahanin si Mom.

Yep! She's that soft.

Kaya nga hindi ko yan mabully-bully katulad ng ginagawa ko kay kuya kasi baka ibahin niya meaning nun at magdrama na naman. Mahirap na!

Yung attitude niya na ganon, syempre si kuya ang nakamana!

When Kuya heard about my issue sa San Martin he stormed in and embrace me in his arms then scolded our principal. Katulad nung nangyari kay Carlo, I got into an issue without evidence kaya naman ganun na lang ako ka eager pakasuhan yung Grade 12 dahil sa ginawa nila. They ruin Carlo's reputation with false rumors and it's not good in the eyes.

Nang makarating kami sa bench shop. Kitang-kita ko ang nakasimangot na mukha ni Kuya dala-dala yung mga damit na pinili ni Dad. Dad is like me, gastador they say. At least hindi ako nag pepeling mayaman kasi mayaman naman talaga parents ko and I can buy whatever I want.

Hindi katulad nung iba na kitang naghihirap ang pamilya nila sa trabaho para itaguyod ang pamilya nila. hala! bili dito, bili doon. Gastos dine, gastos doon!

Alam ko dapat akong magpasalamat kasi pinanganak akong may kaya sa buhay pero di ko naman kasalanan yon na praktikal mag-isip ang magulang ko diba? Naghirap din kami sa dati, dumaan kami sa stage na yon. And yet, hindi ko pinayagan ang sarili ko na maging katulad nung iba na magastos ng pera.

Gagastos kung kinakailangan. Hindi yung gagastos para may ipa-hambog sa iba.

"Dad! This is enough! Puno na yung cabinet ko."

"Tumahimik ka, Joseph. Minsan lang ako magshopping para sa'yo." Napakamot si Kuya sa ulo niya at napabuntong-hininga.

"Like father, like daughter. Hindi ba ganyan ka rin?" Siniko ni mom ang braso ko kaya binilatan ko siya.

Napailing nalang si Mom at ginulo ang buhok ko. "Yung kuya mo naman gagasto. Hindi ba?"

"Hehehe of course!"

"Pasalamat ka talaga, mahal ka ng kuya mo."

"Oy! Si kuya lang ba?"

Tumawa si Mom at piningot ang tenga ko. Puchaa! Ang sakit na ah!

"Oo na, kaming lahat! Mahal ka namin."

***

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ko nang maka-uwi kami at inilabas ang cellphone ko. Napako ang tingin ko sa picture namin ni Michelle at napangiti nalang ako. She looks young by the way at sa tingin ko ay makapareho lang ang edad nila ni Kuya.

Maganda siya! at halata sa mukha niya ang pagiging bubbly.

"Gising ka pa pala?" Napa-upo ako sa kama ko nang dumating si Kuya then umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"About what you asked earlier?" Oh, tungkol dun sa groupmates niya? Hmm

"Bakit? Wala nang meaning yung tinanong ko hehehe. That question just randomly pops up in my mind out of nowhere," Engg! Lie lie

"You're trying to connect the dots aren't you?" Ngumiti ako kay Kuya at tumingin sa naka-frame kong picture na naka-uniform galing sa photoshoot na nasa study table ko.

"It's Keith and Donna..." Napa-angat ako ng tingin kay Kuya at kunot-noo siyang tinitigan. "They are the ones who cheated and yes, I, Kiefer, and Piercy knew everything, and yet, Kiefer told the game instructor that Class Zero cheated the entire league. My only mistake is that I didn't stop him," he admitted.

"Kuya..."

"I know, masama ang ginawa nila. I also did wrong, I admit that." Tumingin siya sa akin at ngumiti but yet, sadness is appearing in his eyes. "Kaya nga bumabawi ako sa kanila." Niyakap ko si Kuya at nilagay ang baba ko sa balikat niya.

"I want to confess this to them personally but it will take a lot of time and courage. I want my teammates to apologize personally first kasi nasira ang image ng Class Zero dahil sa ginawa namin. But, Keith—" Huminga siya ng malalim at hinaplos ang buhok ko.

"Sadly, pumunta siya sa ibang bansa, while Donna, umalis siya sa JM. As for Kiefer, His pride is taller than me. He hated Class Zero from the very first place and I still don't know why. Piercy on the other hand is fine, simply fine," pagpapatuloy niya.

"At least, I feel at ease after knowing na wala ka palang ginawa," napatingin siya sa akin. "So that's the reason why Mara said na, you are innocent. Hindi sila galit sa'yo, nai intimidate sila sa aura mo and I understand them naman kasi napaka-intimidating naman talaga ng aura mo kuya!"

"That's the trait I don't want to lose so, sorry to them. HAHAHA!" Tamo to! Ang sama talaga!

Inayos niya ang kama ko at yung mga gamit ko. I parted my arms from his waist kaya pumunta siya sa banyo ko at kumuha ng wipes at saka yun tinapon sakin. Ang Bastos!

"Burahin mo yang makeup mo bago ka matulog." And again, like what he always does, He left a kiss on my forehead before he bid a good night.

*****