Chereads / Hi Flower / Chapter 17 - Field Trip Mission

Chapter 17 - Field Trip Mission

REINA JOY's POV

"Hoy! Farm ko yan!"

"Ako naunaaa!"

"Apaka KS mo!" Piste talaga tong si Jasper kahit kelan. Ako yung nag-aksaya ng oras kakatira dun sa hayop na yun tas darating siya para patayin yung finafarm ko? Kaasar!

Inikot ko ang joystick sa cellphone ko at nag farm ulit para mag level-up ang character ko. Tumingin ako kay Carlo na nasa tabi ko at gamit niya ay si Alucard. Galing niya talaga pag Alucard. Minsan nabibigkas ko siya na Alacart...

Kasi naman! Magkatunog ih!

"Huwag KS ah," paalala ko sa kanila at bumalik sa ginagawa kong pagfa-farm.

Pagkatapos kong maglevel-up, sinamahan ako ni Mara sa mid lane kasi papatayin daw namin yung mga kalaban. Si Chang'e ang gamit ko kasi nacucutan ako sa kanya. Si Esmeralda dapat, eh nilaro ko yun kanina kaya ibang hero naman.

"SS." Sinunod ko yung sinabi ni Mara kaya pinindot ko yung last kill.

"Patay!" Nag-apir pa yung mga gague kaya napailing na lang ako at bumalik sa paglalaro. Binubuhat kasi nila ako. Gusto nila na magka rank kaming lahat kaya ayan sila! dusa-dusa kakabuhat sa akin HAHAHAHA!

Sila pa nga nagturo sa'kin pano to laruin eh!

"Oy! sa top oh! Si Lesley" siniko ko si Quintin na nasa harapan ko. Sino nga ba mga kalaro ko? Si Mara, Si Carlo, Si Jasper and Quintin! Ibang klase tong kagrupo ko mens! NApakagulo! Habang dun sa kela Shannon, Dean, Eugene, Orion tas Franco ang ka-kalmado lang.

"The lord has been slain"

"PUCHA ANG DAYAA! SABI NG WALANG DEMONYO IHH!" Ayan na. Naiinis na ako. On mic pa naman kami.

"Akala ko ba walang demonyo?" tanong ni Mara. Akala ko rin!

"HAHAHAHAHA"

"Bakit ba? Walang pakialamanan!"

"Noob kayo!"

"Mga yawa kayo! Huwag kayong magpapakita sa akin mga bwesit!" nag-tawanan silang lahat dahil sa sunod-sunod kong mura. Wala na akong pake kung sino ang nakakarinig sa mga malulutong kong mura basta mailabas ko yung nararamdaman ko.

Mga animal!

"Mid!" Naka-sunod sa akin si Carlo para daw hindi ako mamatay.

"Carlo, sa taas. May papunta dun."

"Punyeta. Bossing bantayan mo si Chang'e," sabi ni Carlo at saka pinag tumbling-tumbling yung character niya. Sanaol gymnast. Napasigaw ako nang may biglang umatake sa akin babalikan sana ako ni Carlo pero huli na kasi mabilis akong pinatay nung kalaban namin.

Nagkatitigan silang apat at napakamot sa mga batok nila. "Ay, namatay."

"Good Morning Class." Mabilis pa sa alas-kwatro naming tinago ang mga cellphone namin at hininaan ang volume kasi pumasok na si Ma'am. Siniko ko si Carlo kasi nakayoko siya at pilit na tinapos ang laro habang si Quintin at yung iba ay nag si pagbalik sa mga upuan nila.

Ibang klase...

Napatingin ako sa cellphone ni Carlo at kinurot ang tagiliran niya. "Andito na si Ma'am."

"Waiit. Malapit na," he answered. Napa-irap na lang ako at inilabas ang notebook ko sa pre-cal para magreview.

"Orion, pakisulat nga to." Tumayo si Orion sa upuan niya para pumunta kay ma'am at kinuha yung libro.

Tinuro naman ni Ma'am kung alin dun ang isusulat ni Orion tas binigyan siya ng white board marker. Tumingin si Orion sa gawi ko pero umiling ako kaya tumango siya at nagsimulang magsulat.

"Ayon!"

Tinakpan ni Carlo yung bibig niya at nagpeace-sign. Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng mesa at napangiti. Pinanalo lang naman niya yung laban ng mag-isa at syempre MVP siya! Siya yung tumapos nung laro eh.

Kinuha niya yung notebook niya pagkatapos niyang maglaro para masimulan ang pagsusulat.

Inaantok ako.

Hindi kasi ako nakatulog ng maayo kagabi kasi dumating sila stepmom and of course, hindi nila kami pinatulog ng maaga ni Kuya. May karaoke pa nga na naganap kagabi eh! Pati yung mga katulong ni kuya nagsipag kanta rin.

Tumayo ako para lumapit kay Orion at tinapik ang balikat niya. "Bakit, Ren?"

"Peram ako nong ballpen mo." Tumango naman siya at kinuha yung ballpen na nakasabit sa lanyard ng ID niya tas binigay sa akin. "Thanks!" Bumalik na ako sa upuan ko tas bumalik sa pagsusulat.

Ang bilis magsulat nitong lalaking to, kanina nasa left board pa siya, ngayon nasa right board na. Kaya binilisan ko ng bonggang-bongga ang pagsusulat ko kahit sulat doctor na yun kasi baka burahin niya at hindi ko ma-kopya lahat. At sakto din na natapos ko yung left side, natapos niya din yung right board.

Pinaglihi ba kay exelerate tong si Orion? Apaka bilis magsulat. Maliliit naman yung sulat kamay niya ah! Hmmmm

"Ano ba yaan! Hindi ko mabasa!" Tiningnan ko nga ng masama si Franco.

"Ikaw na nga nangongopya ng sinusulat ko ikaw pa may ganang magreklamo. Ibalik kaya kita sa sinapupunan ng nanay mo?" ginaya-gaya niya yung sinabi ko kaya ginaya-gaya ko rin siya. Para kaming mga tanga.

Lumapit si Quintin sa akin para humiram ng ruler kasi nag-drawing si Orion ng line sa board. "Huh? Eh, ano gagamitin ko?"

"Yang ID mo?"

"Eh kung tusukin ko ng ruler yang kamay mo? Yan pala naisip mo, ba't hindi mo gawin?" Napakamot si Quintin sa batok niya at Lumakad paalis. Sige! Pag may lumapit pa dito sa pwesto ko— "Ms. Fuentes"

"Oh! Ano! Hihiram ka ng lapis? ng ballpen? hihingi ka ng papel? hihiram ka ng ruler? WALA AKO NUNG MGA YON as in WALA!"

"Ren..."

"Re...J-joy"

"Nabaliw na!"

Dahan-dahan kong ini-angat ang tingin ko at nakita ko si Ma'am Pre-cal na nakakunot-noo habang nakatingin sa akin. "Hehehehe. Kayo po pala Ma'am, Sorry po"

***

"May field trip next week and it's three days and two nights," sabi ni Madam sa akin at kay Quintin. Pinatawag kami ni madam kasi may ipapa-announce daw siya sa amin sa covered court. Akala ko talaga pinatawag ako dahil sa pag sigaw ko kay Ma'am Pre-cal. Mabuti na lang at hindi hehehe.

"Saan po?" tanong ni Quintin.

"Sa Malaiba," sabi ni ma'am at binigyan kami ng papel. Kinuha namin yun ni Quintin at binasa yung nakasulat doon. Napatingin ako kay Quintinna ngayon ay nakakunot-noo habang tinitingnan yun.

"Today is Monday, I want you two to announce this trip later. As JM's ambassador, It's part of your work to announce a trip like this," dag-dag na sabi ni Madam.

"Yes, Madam," sabay naming sagot ni Quintin.

"Ipapatawag ko ang mga estudyante mamaya and I'm expecting later for you two's performance. SSG officers will escort you and help you with the announcement," sabi ni madam bago niya kami pinalabas.

Tinignan ko ulit yung script na bigay niya napa kibit-balikat bago ako sumunod kay Quintin. Si Quintin naman ay nagsasalita habang naglalakad siguro para e-memorize yung nakasulat sa papel. Mabuti pa siya.

Binasa ko ulit yung sulat habang naglalakad kami pabalik sa classroom. It's our lunchtime at sana sunduin kami nung mga SSG sa classroom para doon sa announcement mamaya.

Anyways, Nang makarating kami sa classroom, Inilabas ko kaagad ang cellphone ko at pinicturan ang Class Zero.

Nabusy kasi sila dun sa blackening na pwedeng gawing temporary tattoo. Meron din ako nun sa kamay, pina sulat ko kay Orion kaninang umaga ano lang siya X... yan lang HAHAHAHA xoxo dapat yun eh nasulat na ni Orion kaya yun na lang since pahirapan siya tanggalin.

"Ayusin mo yung R. Mali naman eh"

"Hindi pa ba maayos yan? May pa-buntot-buntot effect pa nga yan," ika Dean.

"Magrereklamo ba ako kung maayos?"

"Oh edi wag ka nang magreklamo. Hindi na yan matatanggal." Sinamaan lang ng tingin ni Franco si Dean at wala nang magawa kundi tumahimik.

"Pwede ko na ba to basain?" tanong ni Shannon kay Orion.

"Pwede na." Napatingin din ako sa kamay ko at ngumiti. Pwede na pala ihhh

"Pahawak!" Binigay ko kay Quintin ang papel ko at tinakbo ang CR para hugasan ang kamay ko. Kulay brown pa rin siya nung nahugasan na pero sabi naman ni Carlo, magiging itim daw 'yon pagkalipas ng ilang oras.

"Look who's here," Sino pa ba nagsabi niyan?

Tiningnan ko sila sa salamin at ngumiti. "Yes?" Sinamaan ako ng tingin ng alipores ni Theo at kinuha ang kamay ko at saka pinicturan ang sulat ni Orion. Aba!

"Ano ba!"

"E po-post namin to sa bulletin!" Luh!

"Edi e post mo? Pake ko?" binawi ko ang kamay ko sa kanya at binasa sila ng tubig galing sa faucet bago ako tumakbo palabas. "ARGGGH!" ungol nila kaya binilatan ko sila at sinara ang pinto bago pa nila ako maabutan.

"Patingin patingiin!" kinuha ni Carlo yung kamay ko tas tiningnan ang sinulat ni Orion.

"OY ANG GANDA!! SANA X... NALANG DIN PINASULAT KOOO! ANG BASTOS NI EUGENE!" nakanguso niyang sabi.

"Ano ba yung ginawa niya?"

"Ito oh!" Pinakita niya sa akin ang batok niya at muntik ko na yun matampal ng malakas. "YAWA! BAKIT MAY UL*K DIYAN SA BATOK MO!"

"SI EUGENE EHHHH!"

Hinanap ng mata ko si Eugene at nakita ko siyang drinodrawingan ng kung ano-ano sila Nestor, Ken at Paulo. Yawa men!

"Yan ang tunay na art!" Kinuha ko yung foundation ko at tiningnan ng masama sila Mara.

"Heh!" Binawi ko ang batok ni Carlo at tinakpan ng foundation yung batok niya. Sabi ni Orion, mawawala naman daw to pagkalipas ng ilang linggo or araw kaya wag daw ako mag-alala.

Eh paano ako hindi mag-aalala! Drawingan ba daw ng ul*k ang batok ni Carlo!? Aba!

"Tapos na?" tanong ni Carlo. Tumango naman ako at binalik ang foundation ko sa bag.

"Oy sec! Ako rin oh! sa kamay hehehe xoxo akiin." Napakamot si Orion sa batok niya at umupo sa harapan ni Carlo. Wala namang pag-da-dalawang isip na inabot ni Carlo ang kamay niya kay Orion para masulatan 'yon ng katulad sa'kin.

"xoxo?"

"Opooo!" Ang cute talaga ni Carlo. Sarap kurutin!

"Ano sayo?" tanong ko kay Quintin. Pinakita niya sakin yung Q.R. tas flower niya sa pulsohan at umiwas ng tingin. Gandaaa! Kasi yung R may buntot-buntot paaa!

"Bet kooo! ganda!"

"S-Salamat"

"Sa'yo Mara?" Hinubad ni Mara ang blazer niya at pinakita sa akin yung sa balikat niya. Manhattan-en "Ano yung en?" tanong ko.

"Secret!" Ang samaaa!

"Yung akin hindi mo tatanungin?" tanong ni Shannon at itinapat sa akin yung sa likod ng tenga niya. "Anong Saffari? Gutom ka ba?"

"Wala na akong maisip eh! HAHAHAHA!"

"Class Zero, please go out in your respective classroom and proceed to the covered court. President, please lead," sabi nung president sa SSG at ngumiti sa gawi ko. Nginitian ko din siya at tumango. "Here." Kinuha ko yung papel ko kay Quintin at binasa ulit yun.

"Namemorize mo na ba yung sa'yo?" Umiling si Quintin at napa kamot sa ulo niya.

"Babasahin ko na lang to. Wala namang sinabi si Madam na dapat e-memorize." Talino rin! Mabuti na lang pala di ko inaksaya brain cells ko kaka-memorize nito! Hehehehe

Naunang maglakad si Shannon tas sunod-sunod na sila. Nasa gitna ako between Carlo and Franco kasi ayaw nilang mahiwalay sakin. Binabasa din nila yung binigay ni madam at naeexcite sa paparating na field trip.

Mabuti pa sila excited, habang ako, hindi. Iniisip ko kasi yung nutrition month na papalapit na rin tas hindi pa namin matapos-tapos yung jingle. Diba ngaa sabi ng mga instructors, they are expecting something from us.

First time to ng Class Zero and I don't want to ruin their first experience.

As much as I want to, gusto kong enjoyin nila ang contest either win or lose kami.

"Saan tayo uupo?"

"Doon oh!" Tinuro ko yung bleacher sa gilid ng stage kaya nagtatakbuhan kami ngayon papunta doon since wala pa yung ibang estudyante kaya makakapili kami kung san namin gusto umupo.

Pati College at high school ay kasali sa field trip.

Kinakabahan nga ako kasi first time ko mag-announce ng ganito and, nandito si Kuya.

Baka pagkatapos kong magsalita sa harap, pagtatawanan niya ako pag-uwi. Nandon pa naman sila Stepmom. Sabi ni dad sa sunday na daw sila babalik sa San Martin. Alam niyo ba anong sinabi ni kuya sa kanila?

Pinagmayabang lang naman niya na nakuha akong ambassador sa JM U. Si stepmom naman ay sobrang proud at nag-post sa Facebook niya. Pinagpasa-pasa pa nga nila yung stolen pictures ko na kuha ni Kuya eh. Hay nako.

"Reina Joy, Quintin. Hali na kayo." Inayos ko ang buhok ko at tumayo galing sa pagkaka upo sa bleacher. Bumaba na ako don at naglakad papunta sa baba.

Hinintay namin si Quintin makababa kasi nandun siya sa pinakadulo nakaupo kasama yung mga co-bossings niya. Tumingin ako sa paligid and I started to feel the tightness in my chest.

Punuan na sa court at yung ibang students ay nagsipag-upo sa monoblock sa harap ng stage. Pumasok na din ang mga college with each department and I saw Kuya with his as usual cold aura waving his hands at me.

"Tara na." Tumango ako at sumunod kay president. Jusko men! Kinakabahan ako.

Tumungo kami sa backstage at hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko ngayon. Grabe. It's been many years na din nung huli kong ginawa ang ganito. Nakalimutan ko na nga rin kung ano gagawin ko para sa welcome message ko ih.

What to do?

Mag-twe-twerk ba ako sa harapan nila? Sumayaw ng budots? Mag acting? Kumanta? AHHHH EWAN KO!

"Everyone is here now? Let's start from Grade 7?" Malakas na sigawan ang nag-echo sa court dahil sa Grade 7. Sunod na tinawag ang Grade 8 and again, umecho na naman sa court dahil sa mga tili nila.

"Grade 9!"

"AHOOO!" char! Sana ol spartans!

Sunod na tinawag ang Grade 10 and they are yelling their chants. A big sanaol sa mga batang 'to! Baka hingan kami ng chant this nutrition celebration. Lagot kami TT TT.

Tinawag na ang Grade 11 kaya lumabas kami ni, Quintin, galing backstage at nakisali sa sigawan nila. Syempre wala kaming magawa sa backstage kaya heto kami ngayon todo sigaw.

"ANDITO KAMIIII!" itinaas pa namin ni Quintin yung kamay namin kaya nagsipagtawa yung mga officers.

"Bumalik kayong dalawa don!" napakamot kami sa ulo namin at naglakad pabalik sa backstage.

***

Maraming sinabi ang mga officers pagkatapos namin e-announce ni Quintin ang tungkol sa Field Trip. Nandito na kami sa stage at may hawak na mga mic. "So, who is excited?" tanong nung vice president ng SSG.

"KAMIIIII!!" tumingin ako sa gawi nung mga sumigaw at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko si Kuya na malayo sa department niya at guess what kung saan siya nakaupo.

Yep! Sa Class Zero.

Bonding yarn?

"What else our new ambassadors like to say?" tanong nung president.

Tumingin sila sa gawi ko kaya tinuro ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago ngumiti.

"Sana..... Sana may campfire sa field trip!"

Napatakip ako sa baba ko dahil sa nasabi ko. Ako mismo na nagsabi nun ah! Jusko! Ano ba nakain ko at ang kapal ng mukha ko ngayon?! asdfghjkl

"Ogag"

"GO REINA JOY! GO REINA JOY!"