Chereads / Hi Flower / Chapter 16 - Sadness

Chapter 16 - Sadness

REINA JOY's POV

Wala na ata ang mas masakit sa nakikita ko ngayon. Buong klase, tahimik lang si Carlo sa gilid ko at parating nakayuko. Hindi nga siya sumasagot tuwing tinatawag siya ng instructor namin eh. Mabuti nalang at to the rescue si Mara. Kusa kasi siyang tumatayo para sagutin yung mga tanong.

"Ms. Fuentes. Please answer what's written in the board." Napatayo sa upuan ko nang tawagin ako ni Ma'am precal at may pina-pasagutan sa harap. Jusko. Function na naman. Mabuti nalang at nag-aral ako ng konti kagabi kaya feeling ko naman masasagutan ko 'to.

Kinuha ko yung chalk ni ma'am at sinimulan ng sagutan yung function.

Gumawa pa ako ng checking kasi baka mali yung mga answers ko. Pagkatapos kong sagutan yun, bumalik ako sa upuan ko tas pinag-pagan yung uniform ko. Si Carlo, ganun pa din, nakayuko siya at mukhang malalim ang iniisip.

"Very good." Tumingala ako kay ma'am at ngumiti pagkatapos niyang e-check yung sagot ko. Iniwanan niya kami ng assignment bago niya dinismiss ang klase.

"Ren?" Napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Shannon na nakatayo dun at nakakrus ang braso.

"Oh,"

"Pinatawag ka ni Sir Jan sa Grade 12 faculty building." I parted my lips and clicked my tongue. Napatingin si Carlo sa akin at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Okay."

Tumayo ako sa upuan ko at tinugon kay Mara na in case may pumasok na instructor at hinanap ako sabihin lang niya kung nasaan ako.

Inayos ko ang buhok ko bago ko sinara ang pinto sa Class Zero at naglakad pababa sa second floor. May klase lahat ng class including High school. Napapatingin sila sa akin at bumati lalo na yung mga nakaupo malapit sa bintana. Binati ko din sila pabalik at naglakad sa ground papuntang west since nandun nakadistino yung Grade 12.

Break time ata nila kasi marami akong nakitang mga Grade 12 na nasa ground at naglalaro ng volleyball.

"Gagi"

"Shit! si Reina Joy."

"Tabi!"

Dumiretso ako sa ground floor para hanapin yung faculty building nila. As usual, marami na naman ang nakatingin sa akin and I don't care for now. Wala ako sa mood para e-entertain yung mga usapan nila. I'm here kasi pinatawag ako. Period.

"Excuse me," tawag ko dun sa lalaking nagbabasa ng libro.

"Y-yes?"

Mukhang nakilala niya ata ako kasi naging pula ang pisngi niya.

"Pwedeng magtanong kung nasan yung faculty dito?" Tinuro niya ang pinakahuling pinto kaya nagpasalamat ako sa kanya bago naglakad papunta don sa tinuro niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinulak ang glass door at pumasok sa loob. Wala nang katok-katok. "Good Morning po,"

"O-oh. You're here, Ms. Fuentes." Sinarado ko ang pinto at napahawak ako sa mga kamay ko dahil sa lamig ng faculty room nila.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" I asked to at least show my respect.

"Well, we heard the issue and take a seat." Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harapan niya kaya umupo ako dun at tumingin sa kanya. "We heard complains about your behavior yesterday," he said. I nodded my head.

"Gusto ko lang malaman what urge do you have to protect your classmate?"

So this is about Carlo.... "What you heard about my behavior yesterday is true, sir and kung meron man akong nasaktan sa pananalita ko kahapon, I'm so sorry for that but that's just how I talk especially if I'm protecting someone," Ayokong maging mean pero kailangan ko mag-sabi ng totoo.

"I respected those students at yung prof na kasama nila yesterday. If you really heard what happen, alam niyo naman po siguro ang dahilan kung bakit ako nagalit hindi po ba?" I turned my hand into fist. Hindi kasi siya nakikinig! Tumitingin lang siya sa paligid at halatang walang pakialam sa explinasyon ko.

Inayos niya yung salamin niya at may inabot sa akin na isang folder.

Kinuha ko yun at binuksan habang nakatingin sa kanya. "Inside that folder are complaints about your classmate, Carlo Websters from last year," he said. Binasa ko ang mga sulat dun at napakunot ang noo. Carlo is accused of killing his stepfather and then was accused of sexual harassment.

"I don't understand..... galing lahat ng 'to sa Grade 12?" I asked tumango naman si, Mr. Staff, at may inabot ulit sa akin. Kinuha ko yun at binasa ang nakasulat dun. Sulat kamay yun ni Carlo at may nakasulat dun na apology.

"Yun ang dahilan kung bakit nandito si Carlo! Marami ang inakusa sa kanya to the point na hindi na niya alam ang gagawin niya kundi tanggapin ang mga yon!" naalala ko bigla yung sinabi ni Shannon sa'kin kahapon. Tumingin ako kay Mr. Staff at hinawakan ng mahigpit yung folder na bigay niya.

"You can't blame those students kasi dati nang may record si, Mr. Websters dito," he said.

Binuksan ko ng malaki yung folder at sinuri kung meron bang mga pictures na nandoon pero wala. "Kung dati nang mya record si Carlo then, Bakit hindi naka indicate ang mga pruweba ng mga estudyante dito?" natameme si Mr. Staff sa tanong ko at napa kurap-kurap ang mga mata niya.

"You can't accuse someone without legitimate proof. How could you accept complaints without asking for them? He was accused of killing his stepfather, and sexual harassment. That is a major complaint. Hindi ba dapat tinuonan niyo yan ng pansin? " Nagka-titigan kami ni Mr. Staff kaya tumayo ako sa upuan ko habang nakaharap sa kanya.

This school's image to students is a school that gives satisfaction to everyone and then this? I will know this? What a disgrace.

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa letter na ginawa ni Carlo. "You wanna know the reason kung bakit nagsulat si Carlo ng letter?" Tumingin ako kay Mr. Staff na nakatingala sa akin. "Dahil sa patong-patong na accusations na natatanggap niya, Hindi na niya alam ang gagawin niya kundi tanggapin ang mga 'yon, Pwede ko po kayong kasuhan dahil sa ginagawa niyong pagakusa kay Carlo na wala namang proweba. Hindi ko po 'to papalampasin." Tumayo din si Mr. Staff at binagsak ang kamay niya sa lamesa niya.

Akala niya siguro mabibigla ako dun pero nah, parati yun ginagawa ng mga prof ko sa high school tuwing pinapagalitan nila ako pag nababagsak ko yung exam.

"Tama ka," Mr. Staff said bago umupo sa upuan niya.

"I'm sorry for this. We will make sure to clean this mess and never entertain complaints without shreds of evidence." Tumango ako at ngumiti bago nag-bow sa kanya. Napa-hawak siya sa sentido niya at saka ako nagsimulang maglakad papunta sa pinto. I was about to open the door nang may naalala ako.

"One more thing sir." Napatingin siya sa akin at tumango. "Pwede niyo po bang paimbestigahan kung sino ang mga nagrereklamo tungkol kay Carlo? From last year up to this year po?"

Tumango ulit si Sir at ngumiti ng tipid. "We will do our best and inform you. I'm so sorry again for causing trouble—"

"It's okay po. Hindi po kayo sa akin dapat humingi ng tawad, kay Carlo po." Nag-bow ulit ako sa kanya at tinulak ang glass door tas lumabas ng office.

Maraming Grade 12 students ang nag-a-abang sa labas kaya nginitian ko sila bago lumakad paalis sa ground nila. I heard them screaming dahil lang dun sa ginawa ko and I just smiled.

Dumiretso ako sa ground ng Grade 11 at saka huminga ng malalim bago tumakbo ng mabilis. Damn! Kinabahan ako dun ah! Gagiiii><

Napahawak ako sa tuhod ko bago ako ng tumayo ng maayos at naglakad pabalik sa classroom. Naka sabayan ko pa yung ibang Grade 10 na gustong magpa-picture sa akin at since hindi naman ako nagmamadali, pumayag ako.

When I reached the classroom, dun ako sa pinakahuling pinto pumunta. I took a deep breath before I open the door and surprise— all eyes on me. Pati si Sir Contemporary, napatigil sa pagtuturo dahil sa pagpasok ko.

"Hehehe. Good Morning, Sir!" Napa-iling na lang si Sir at tinuloy ang naudlot niyang pagtuturo. Naglakad ako ng tahimik pabalik sa upuan ko at nilagay ang folder sa ilalim ng mesa ko.

"Natagalan ka ata?" Si Franco yan.

"Mamaya ko na sasabihin."

Kinuha ko yung notebook ko sa contemporary at sinulat ang nasa board. Late man ako sa discussion, okay lang. Andito naman si Quintin na tinuturo sa akin kung ano yung lesson kanina.

"Sasabihin mo na baa?" Tumingin ako kay Franco at napa-derp.

Kakatapos lang ng klase at heto sila, naghihintay sa sasabihin ko. Pati si Carlo na nasa tabi ko ina-abangan din yong sasabihin ko. Kinuha ko yung folder na nasa ilalim ng mesa ko at saka iyon pinakita sa kanilang lahat.

Hulaan nyo kung sino ang bumuklat nun? Si Shannon. Wala nang iba.

"Pinapunta niya ako dun tungkol sa nangyari kahapon and he gave me that folder and letter," nakikinig lang sila sa akin habang tinitingnan ang laman nung folder.

Napatingin ako kay Carlo at saglit lang niya tiningnan ang laman nung folder at yumuko. I smiled bitterly and caress his back softly.

"He is really showing you na masama talaga si Carlo," said Mara.

"Ang daming complains pero walang ebidensya," ika Jasper habang iniscan yung papel na binigay ni Shannon sa kanya.

"I was in the bathroom tapos napicturan ko siya- Wait! Diba ito yung sinabi nung babae kahapon?" I nodded my head to Ivan's question.

Flinip nila ng bonggang yung folder and mukhang nadisappoint sila. "Wala namang picture na naka-attach dito ah! Mga gago yun!" said Franco. Matatawag ko na siyang Carlo's Bestfriend! Yieeut!

Pero joke lang! Baka pagalitan ako ni Dean hehehe pakners sila eh

"Anong sinagot mo?" tanong ni Quintin sa'kin.

"I complained too kung bakit walang proof and tell him na I can sue them anytime dahil nasisira ang reputasyon ni Carlo—" nagning-ning naman yung mga mata nila sa sinabi ko dahan-dahang ngumiti.

Napangiti din ako at tumingin kay Carlo na nakaupo sa tabi ko.

Hindi na siya nakayoko at mukhang nabigla pa sa sinabi ko. Tinitigan ko siya at hinawakan ang dalawang balikat niya. "—He told me that he will clean the mess that the students did. Hindi ka na nila aawayin pa." May luhang bumuo sa mga mata ni Carlo at niyakap ako ng mahigpit.

"Ren...." Napayakap din ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

Nabuhayan ang Class Zero dahil sa sinabi ko at todo apir sa mga katabi nila. "Hindi ka ba masaya?" tanong ko kay Carlo. Mabilis siyang umiling habang humahagulgol sa balikat ko.

"S-sobrang saya ko...."

"Then, bakit ka umiiyak?"

"Tears of joy?" natawa ako sa sagot niya at ginulo ang maayos niyang buhok.

"H'wag ka nang umiyak. Kung may mang-asar na naman sa'yo, sabihin mo kaagad sa akin. Ipapabugbog ko sila kay Joseph Fuentes," tumawa si Carlo at tumango-tango kaya napangiti ako.

***

Nag request ako sa kanila na sa cafeteria nalang kami mag-lunch kasi baka this time masapnan na ako ni Kuya na doon ako kumakain sa carinderia at pagalitan pa ako nun ng bonggang-bongga. Pumayag naman sila kaya nagsimula na kaming umorder.

Umorder ako ng kanin tas dinuguan, nagkakaubusan na kasi ng ulam kaya wala akong choice.

Dala yung tray ko, bumalik ako sa mesa namin at nilagay ang akin sa pwesto ko. Inayos ko na din yung blazer ko kasi nag yupi-yupi na siya. Nagsimula nang kumain ang Class Zero at yep! Himala na hindi sila naglaro ng ML habang naghihintay ng pagkain.

Ika nga nila, hindi sila makapaniwala sa ginawa ko and they are still surprised at how I stand firm.

Nag-simula na akong kumain habang busy sila sa pag-uusap. Uminom ako ng tubig at kumain na naman. Syempre nagutom ako kaya patay guts muna ako ngayon.

"Pst!" Napatingala ako at nginitian si Cecil.

"Bakit?"

"May gusto akong ipakita!" Nag wave hand muna siya sa Class Zero bago nagcrouch sa harapan ko.

"Ano ba yun?" Uminom ulit ako ng tubig bago ko nilapit ang mukha ko sa cellphone niya. Tiningnan ko cellphone niya at yung picture na naka-attach dun. Hindi ko na mapigilang mapatawa ng malakas dahil sa nakita ko.

"HOY GAGI KA!"

"What do you think? Hehehehe"

"Sige! Post mo!" natatawa kong sabi sa kanya.

Isang malutong na 'yes' ang sinagot niya at bumalik sa mesa niya. Gagi talaga yung babaeng yun!

"Ano yun?" nginitian ko ang Class Zero at tinuloy ang naudlot kong pagkain.

Tumingin ako sa gawi ni Cecil at hindi mapigilan ang hindi mapatawa. Hindi ako maka move-on sa ginawa niya. Hayop na yan!

Nag-vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ng blazer ko at tiningnan kung ano yun. Pati yung ibang estudyante ay nag-sipaglabas na rin ng cellphone nila.

"Ano ba to?" tanong ni Shannon. Kinuha niya yung cellphone niya habang nakakunot-noo.

Ngayon ko lang na-realize na halos lahat ng kaklase ko kasali sa group na ginawa ni Cecil para sa akin! Bakit kamo? Eh kasi sila nakahawak sa cellphone nila eh. Jusme.

"HAHAHAHAHAHA"

"Hala? Bakit, Pres?"

"PATINGIN WALA AKONG LOAD!"

"PISTE HAHAHAHAHAHA" tawa na naman ni Shannon.

"SINONG MAY GAWA NITO? HAHAHAHAHAHAHA" tanong ni Luiz na naiiyak kakatawa.

Napatakip ako sa baba ko at pinigilan ang sarili ko hindi tumawa ng malakas. Rinig narinig ko lang naman ang malakas na mura ng mga estudyante dito at iba't-ibang klase ng tawa na meron sila.

Yung iba ay nabilaukan pa!

"Hala! Hayok! Hahahahahahaah" pati si Carlo tumatawa narin! Tinatawanan niya yung sarili niya.

Ano ba naman kasing picture yun? Ano ba yung pinost ni Cecil?

Picture lang naman yun nung acting namin ni Carlo sa classroom. Yung legal wife acting namin kung saan nakawig si Carlo HAHAHAHAHA gaging Cecil yarn! Enidit ba naman yung mukha namin sa katawan ni Angel tas Maja! Ft. Angelo ha!

"AMP! BAGAY NA BAGAY!"

"Ganda ko no?" Carlo asked.

"HAHAHAHAHAHA"

Yung ibang estudyante ay napatingin sa direksyon ko habang tumatawa kaya tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Punyemas! Nakahiya palaa! sana hindi nalang ako pumayag! Pero okay lang! Nakita ko naman yung mga ngiti nila hehehehe

Pagkatapos namin kumain, bumili ako ng kiping dun sa may gate at saka banana fries na rin. Nagsi bili na rin yung mga kasama ko kasi gaya-gaya daw sila.

"Dalawa po akin!" pinahawak ko kay Orion yung banana fries ko kasi kumakain ako ng kiping. Siya naman todo dukot sa banana fries ko. Andugaa!

Inubos ko yung kiping ko at binawi kay Orion yung fries ko— "Hoy gagi ka! Ba't dalawa na lang natira?"

"Hehehe hindi ko mapigilan Ren eh. Ang sarap pala?" nakanguso niyang sagot. Eh kung tibasin ko kaya nguso nito?

Napanguso din ako at kinain na lang yun natira. Ampucha. Sabi ko sa kanya hawakan niya lang eh. Di ko naman sinabi na kumuha din siya TT TT

Pagdating namin sa classroom, since absent daw si Ma'am English, nilagay namin yung mga upuan at mesa namin sa gilid para makapag practice sa jingle namin since palapit na siya.

"way lami ang cokee~ way lami ang coke tubig ra boss~"

"Class Zero?" napatigil kami sa pagpra-practice at tumingin sa pintuan.

"Yes?" Si Shannon na lumapit since siya naman yung president.

Nagsipag Discuss ulit kami sa anong kanta ang isunod sa last song namin tas sabi ni Dean okay daw yung Price Tag, tas ayaw pumayag ni Franco kasi too common daw.

"Mukhang may kang kanta ah naisip ah! Ano sa'yo?"

"Wala pa. Maghintay ka lang"

"Aysus! Wala ka lang maisip eh"

Ladies and gents. Nagsisimula na naman po sila.

"Pwede ko bang malaman kung sino yung yung rep niyo sa Mr and Ms?" tanong nung babae. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang papel.

"Si Reina Joy Fuentes at Luiz Emphasis." Napaturo pa si Luiz sa sarili niya at tumingin sa gawi ko. I simply shrugged my shoulders at bumalik sa meeting namin.

Hulaan niyo kung saan kami nakaupo... sa sahig!

"Yung boom tarat-tarat nalang" pina-rinig ko sa kanila ang kanta at hinayaan silang e-judge yun.

"Pwede..." Kinuha ni Ivan yung cellphone ko tas sinulat yung lyrics. Wala naman kaming magawa kundi ang kantahin ang mga unang kanta at minimorize yun.

"Listen up, folks!"

May hawak-hawak si Shannon na papel kaya tumingala kami sa kanya. "Sabi ni Ms. meron daw gown competition. Meaning kailangan nating gumawa ng gown gamit ang mga gulay para kay Luiz at Reina,"

Napahawak ako sa balikat ko pagkatapos yun tambalusin ng papel ni Henry.

"Masakit! Gusto mo mega suntok sa mars?" tinawanan lang niya ako at ngumuso.

Tiningnan ko yung direksyon ng nguso niya at ngumiti kay Kuya with yeah, of course, Kiefer and Piercy then two more. Walang pasabing pumasok si Kuya sa loob and he is giving us that cold aura.

"Bakit?"

"Wala lang. Bawal bumisita?" Inirapan siya.

"Oo bawal pag ikaw—Aray! Gusto mo ng suntok?" Binatukan ako ni Kuya kaya tiningnan ko siya ng masama. Piste tong lalaking to ah.

"Ano ba kuyaa! Nagpapractice kami. Shu-shuuu!"

"Aba!" Wala na siyang magawa dahil kinaladkad na siya nila Quintin at Orion.

"HOY! ABA! BITAWAN NIYO KO!"

"Alis naa!" Tiningnan ako ng masama ni kuya kaya binilatan ko siya.

Si Piercy ay natawa lang habang sumusunod kay kuya habang si Kiefer, nakatingin lang sa akin. Napatingin din ako sa kanya at tumingin sa Class Zero.

Ang talim ng tingin nila kay Kiefer.

"Kiefer." Tumalikod na din si kiefer nang tawagin siya ni kuya at saka sila umalis.

***

Pagkatapos namin mag practice, pumasok na din si Ma'am PE at kinongratulate na naman kami.

Sinabi din niya na papalapit na ang nutrition month celebration at gusto niyang makita kami ni Luiz na magramp. May experience naman ako sa ramping kasi parati akong sumasali nun dati. Pero itong partner ko, hindi ko alam.

"Are you ready?" tanong ni ma'am. Tumingin ako sa kaharap ako at napatawa kasi kitang-kita ko ang kaba at confidence ni Luiz sa mga mata niya.

"Yes ma'am."

Inistart na ni Ma'am yung music sa bluetooth speaker niya at naunang magramp si Luiz. Todo support naman ang Class Zero at meron pa silang notebook at sinulat ang pangalan ni Luiz.

Kung merong best supportive class this time, sila na siguro manalo nun. Bumalik si Luiz sa pwesto niya kaya tumayo na ako ng maayos at nagsimula ng maglakad sa gitna.

As usual, binaliktad lang naman ni Franco yung papel niya at nandun ang pangalan ko. Nginitian ko silang lahat at nag piece-sign at nag-blow a kiss pa bago ako bumalik sa pwesto ko. Nakipag-apir ako kay Luiz pagkatapos nun at napuno ng tawanan yung classroom.

"Gusto niyo ba turuan ko kayo?"

"Bakit mam? dati po ba kayong candidate?" Eh kung itapon ko kaya kay Nestor 'tong sapatos ko? Si ma'am na nga ang nag magandang-loob na turuan kami eh.

"I won pageants many times" sabi ni ma'am at tumingin sakin. "Sabihin mo sa akin kung kelan kayo free para makapag-practice tayo," sabi niya tas nag-wink bago kami dinismiss.

"Hmm.... lavern!"