Chereads / Hi Flower / Chapter 15 - Accusations (2)

Chapter 15 - Accusations (2)

REINA JOY's POV

"Class Four won!" Pinag-bilatan ako ng Class Zero kaya umiwas ako ng tingin. Inaasar kasi nila ako. Sino naman ang hindi maiinis diyan diba?

"OO NA, OO NA PANALO NA," Tinawanan lang nila ako kaya napanguso ako.

Nagrequest ng rest hours ang Class Four kaya heto kami ngayon, todo stretching kasi after Class One, kami na ang susunod.

"Grabe. Matatalo ba natin sila?" tanong ni Ken.

"Oo yan, Angelo pa lang at Henry eh," sagot ni Eugene. Napatingin ako kay Angelo at Henry.

"Mabilis sila tumakbo?" Tumango si Eugene. "Dati silang runner pero na foul dahil nasali sa gulo," Athlete pala tong dalawang to? Baka dito mapakita nila na mali na inalis sila sa grupo diba?

"And si Paulo. Hindi mo tinatanong, mabilis din yan tumakbo. Mas mabilis pa sa dalawa," dag-dag ni Nestor.

"Ilang players nga uli sabi ni ma'am?"

"6 players."

"Eh kung wag nalang kaya ako sumali? Baka ako pa dahilan ng pagkatalo niyo," nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ko. Totoo naman. Hindi ako mabilis tumakbo at panigurado na ako ang magiging dahilan ng pagkatalo nila.

"Kasali ka," sabi ni Mara habang nagstretching.

"I suck at running." Nagkatinginan ulit sila at nagsipag tawanan. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Tinaasan ko nga ng kilay si Gino.

"Hindi ako nagbibiro."

"Hindi rin kami nagbibiro."

Ang gulo nila kausap!

Pinagstretch ko nalang ang binti ko at ang paa ko katulad ng ginawa nila. It's already 3 pm at bumalik na ang Class Four sa run. Bumalik kami sa bleacher pero tinawag kami ni Ma'am PE at pinalapit sa kanya.

Nang makalapit na kami, kaagad niya kaming tinanong kung sino ang sasali. Paulo, Mara, Shannon, Henry, and Angelo raise their hands. Ako naman ay nakatayo lang sa gilid ni Quintin. Hindi siya sumali kasi give chance to others daw.

"Kulang ng isa." Hinawakan ni Quintin ang wrist ko at saka iyon itinaas.

HAYOP?

"Ms. Fuentes?" Tiningnan ko ng masama ni Quintin pero ngumiti lang siya bago binaba ang kamay ko.

"Gago ka ba? Gusto niyo talaga matalo tayo?" bulong ko sa kanya.

"Nope."

Eh kung bunutin ko kaya ngipin nitong lalaking to? May gana pa talaga siyang ngumiti niyan? Nanggigigil ako! Sabi nang hindi ako mabilis tumakbo eh! Ang kitid ng utak! GRRR!!

Pina Prepare na kami ni Ma'am at ang mabait kong kaklase ay nag che-cheer sa gilid. Mga animal!

Class One won. I was surprise but then, they told me na puro athletes pala ang nandun sa klasing yun so I shrugged off. Huminga ako ng malalim nang maglapat ang tingin namin ni Theo.

Hindi na ako nabigla na kasali siya sa maglalaro for Class One. May pagka mean man si Theo, hindi ko madedeny na mabilis siyang tumakbo dahil athlete siya noon pang High School days namin. Inirapan niya ako at naglakad sa mga kaklase niya.

Pinakalma ko ang sarili ko at yung Class Four at Two naman ay todo cheer sa amin, saying we can defeat them. "Sana" 'yun na lang ang binulong kong sagot mula sa mga cheer nila. Huminga ako ng malalim at lumapit sa mga magiging kasama ko.

Tumakbo sa akin si Carlo at Franco tas minamasahe ang balikat ko.

Mabuti naman at nakangiti na ngayon ang aking dear friend na si Carlo. Mas cutie siya pag nakangiti kesa matamlay. "You can do this!" Gagi yang linyang 'yan. Nabu-bwisit ako! Kinurot ko ang utong ni Carlo kaya napa-aray yung loko.

"Masakiiiit!" he whines.

"Alam ko."

"Sino yung nasa first lane?" Kaagad kong itinaas ang kamay ko. Ayokong magpahuli no!

"Last ka na lang, Ren!" Aba!

"Eh kung batukan kita? Ikaw ba tatakbo? Di ba ako?" napanguso si Carlo at diniin ang pagmasahe sa balikat ko.

"Aray!" Animal na bata to ah!

"Last ka, Ren. First, Paulo since may sprint ka." Pinagkrus ko ang braso ko at ngumuso. Nakakainis sila. Hindi ba sila nakakaintindi na hindi ako mabilis tumakbo? Balak talaga nila na matalo kami! Hmp!

"Second lane, Mara, Third, Angelo, Fourth lane, Henry, Fifth, Me." Drinawing ni Shannon yung mga pwesto namin at nilagay pa niya yung mga pangalan namin.

Sige panindigan mo yang ginagawa mo President kasi last running na'to at hindi na mauulit pa. Akala niyo ah!

Tinawag niya lahat ng Class Zero at sinabi na magcheer sa amin para daw mas ganahan kaming tumakbo. "Kinakabahan ako," bulong ko kay Carlo habang nilaro yung buhok ko.

"Halika nga munaa." Kinuha niya ang kamay ko at pinaupo ako sa bleacher namin.

Kinuha niya yung pantali ko ng buhok at saka sinimulang e braid ang buhok ko. Bahala siya kung ano ang gagawin niya sa buhok ko basta siguraduhin niya lang na hindi 'yon makakasagabal sa pagtakbo ko mamaya.

"Ayarn! Tapos na!"

Tinawag na kami ni Ma'am kaya nagsi-punta na kami sa field. Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa linya. Since maliit lang yung field namin, hindi kakayanin kung lahat kami ang pumasok agad-agad kaya isa-isa ang naging technique nila.

"Kaya niyo to! Prove them wrong about Class Zero!" sabi ng prof namin at nakipag-apir sa amin bago tumakbo papunta sa bleacher ng Class Zero.

Nape-pressure ako sa sinabi ni Sir. Kakayanin ko ba to? Gusto kong mag back-out

"Okay ka lang?" Tumingin ako kay Quintin at umiling. Tinanong niya ako, naging honest ako. Wala namang masama dun diba?

"Gusto mong mag back-out?" sinamaan ko ng tingin si Mara at Shannon.

"Ngayon niyo pa talaga yan itatanong? Kanina pa ako hindi ng hindi hindi naman kayo nakikinig sakin. Kung sipain ko kaya kayong lahat?!?" tinawanan lang nila ako na mas ikinakulo ng dugo ko.

Naiimberna ako sa mga mukha nila. Sarap hampasin ng tubo.

"In line!" Umalis si Paulo at iwinagayway ang kamay niya sa amin. Nginitian siya nila Angelo at ako ay umirap lang. Wala lang, nastress ako. EWAN KO BA!

May hawak-hawak si Paulo na parang stick. Tumingin kami kay Ma'am and she take a deep breath bago pumito. Pinanood ko ang Class One bago tumingin kay Paulo at ngumiti. "You can do this!" I mouthed. Tumango siya at nag thumbs-up sa akin.

Huminga sila ng malalim bago nag-si-crouch sa field. Napakagat ako sa labi ko at hinintay ang huling pito ni Ma'am. Itinaas ni Ma'am ang kamay niya ang turn it into a fist before she blows the last whistle. Kaagad na tumuwad si Paulo at tumakbo ng mabilis.

Sumunod sa line si Mara at hinantay na makalapit si Paulo bago niya inabot ang stick at tumakbo ng mabilis. I admit, mabilis tumakbo ang Class One pero ibahin niyo tong section na'to. Bro! Ang layo ng agwat! Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nanonood sa kanila.

"Angelo." Tumango si Angelo at tumakbo papunta sa lane.

Tumalon talon muna siya at hinintay si Mara na inabot ang stick sa kanya. Nang makuha niya yung stick, nagsimula kaagad siyang tumakbo and heaven knows kung ano na ang mukha ko ngayon!

He fucking runs like an ostrich! Ang la-laki ng hakbang niya!

Tumingin sa amin si Henry at itinaas ang kamay niya kaya todo sigaw ng Class Zero. Tumakbo siya papunta sa lane and extended his arm to Angelo.

Napanga-nga ako dahil sa bilis niyang tumakbo at ang smooth din ng takbo niya!

Gagi! Na scam ako ni Henry. Akala ko mahinhin siya!

Shannon turned his head to me before he headed to the Lane. Tumingin ako sa tabi ko at nakipag titigan kay Theo. She freakin' smirk at me dahil unang-una pa lang, alam na niya na matatalo niya ako.

Totoo naman. Hindi nga kasi ako mabilis tumakbo! Itaga niyo yan sa bahay ng pagong!

Shannon extended his arm to receive Henry's stick at tumakbo ng mabilis. Pati puso ko trumiple ang takbo ng tibok. Feeling ko anytime mahihimatay ako sa field! Peks man! Mamatay man si Superman!

"Reina Joy!" napatingin ako sa Class Zero nang tawagin nila ako at tinuro ang lane.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumakad papunta sa lane at pilit na pinapakalma ang sarili ko. I rotate my head bago ko in-extend ang kamay ko kay Shannon.

He extend his arm para ibigay sa akin yung stick sabay sabi ng, "GO!" Hinawakan ko ng mahigpit ang stick at sinimulan ng tumakbo. So far, wala pa si Theo kaya mas binilisan ko ang takbo ko at nanlaki ang mga mata ko nang may lalaking tumakbo papunta sa direksyon ko.

"Shit!" Kaagad akong gumilid pero hinawakan niya yung damit ko kaya napagulong ako sa field.

PUTANGIVA!?

"REINA JOY!"

Hinawakan ko ang braso niya para tanggalin yung kamay niya sa damit ko. Lumagpas na si Theo sa akin habang nakangisi kaya tiningnan ko ng masama yung likod niya at binalik ko ang tingin ko sa lalaking to.

Padabog kong kinuha yung kamay niya at tumayo ng mabilis para habulin si Theo.

I need to win. For my class! I need to make them proud!

Napatingin ako sa paa ko at mas binilisan ang takbo ko para maabutan si Theo. Ipinikit ko ang mga mata ko at binigay ang lahat ng lakas ko para mauna sa kanya at mapanalo ang laban na'to.

Bahala na!

Nang buksan ko ang mga mata ko, napahiga ako sa field and laughs after I saw a red ribbon rolled up in my waist. Yes! I DID IT!!!

"YEESSS!!"

"THAT'S MY CLASS!!"

"CLASS ZERO! CLASS ZERO! CLASS ZERO!"

Pang-apat ko na atang mineral water to at hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo kami dahil sa akin! Sabi ni Ma'am may last game pa daw and it is this coming sports fest. She is expecting our presence kasi kami ang nanalo sa Grade 11 and hoping na manalo kami against Grade 12. Yun lang naman ang sinabi niya at dinismiss kami.

"GRABE! ANG GALING MO REN! AKALAIN MO YUN, NAPAHAMAK KA PERO NAPANALO MO PARIN!" Tumango-tango sila sa sinabi ni Carlo.

Pinaalala niya talaga sa akin yung nangyari huh? Eh kung sipain ko kaya baga nitong lalaking to?

"Pero sino kaya yung lalaki no? Pahamak siya." Tumingin ako kay Henry at tumango.

"Ayos ka lang ba? Wala ka namang sugat?" Umiling ako kay Mara.

Inikot-ikot pa nga nila ako kanina para ma-sigurado na wala akong pasa dahil sa pag gulong ko kanina sa field. Wala naman silang nakita kaya nakampante sila.

"SIYA! SIYA YUN!" Napatigil kami sa paglalakad nang makasalubong kami ng isang prof at apat na babae. Anong nangyayari dito. "Siya yung namboboso sa amin, Sir!" napanguso ako sa sinabi ng babae na nakasalamuha ko kanina at pinagkrus ang braso ko.

"Ren..." Pinatago ko si Carlo sa likuran ko kasi dinuro-duro siya nung babae.

"Is it true?" tanong nung prof nila. I hurriedly shook my head. "Anong nangyayari?" tanong ni Shannon sa akin at parang naguguluhan sa nakikita niya.

"Carlo, ano to?" Tiningnan ko ng masama si Mara kasi natataasan niya ng boses si Carlo.

"Hindi po 'yon totoo sir, nandon po ako," I said in defense kay Carlo pero tinawanan lang ako nung mga babae. Aba! sinong nagsabi na pwede nila akong tawanan? Mga punyetang pussy 'to ah!

"Wala ka nung nangyari yun! At totoo na namboboso siya!"

"Pwede ba itikom mo yang bibig mo? Wala kang ebidensya na namboboso siya sa inyo!" naramdaman ko ang paghawak ni Carlo sa damit ko kaya napalingon ako sa kanya. Umiling lang siya at nagtago ulit sa likod ko.

"Meron kaming ebidensya! Sir, pumasok po talaga siya! Nakita ko nga siyang sumilip sa butas! Kitang-kita ko at napicturan ko siya." Anong pinagsasabi ng babaeng to? Eh hindi ko nga siya nakita kanina nung nakipag-away ako sa mga kasama niya. Sino ba tong shutang 'to?

"Yan din po ang ginawa niya last year!"

Talaga ba?

"Asan yang sinasabi niyong picture?" tanong ni Quintin at nilagay ang kamay niya sa kanyang beywang.

"N-nasa phone ko!"

"Then, asan ang phone mo?" Jasper asked.

"Alam mo, Miss. Makapal ang make-up. Hindi ko ipagtatanggol tong kasama ko kung meron talaga siyang ginawa na hindi maganda. I've been in Class Zero for a months already at alam niyo naman siguro kung gaano ka-ikli ang palda natin hindi ba?" Pati yung prof nila ay tumango sa sinabi ko.

Totoo naman!

"And yet, I never saw him lay his eyes on my legs tuwing papasok ako ng school nor my chest tuwing nagbibihis ako for our PE. Lalong-lalo na kapag punuan sa CR at wala akong ibang choice kundi magbihis sa classroom NAMIN. Kaya paano niya kayo bobosohan na ako nga mismo na kaklase niya, hindi niya kayang bosohan?"

Unti-unting nabasa ang likuran ko at doon ko lang natanto na umiiyak na naman ulit si Carlo.

"Kaya kung wala kayong ebidensya na ginawa talaga yun ni Carlo, then stop fussing scene. Tara na." Hinawakan ko si Carlo at hinayaan siyang yakapin ang beywang ko habang umiiyak siya. Mukhang ayaw niyang may makakita sa kanya na umiiyak and I feel him because me, myself don't want other people to witness my vulnerable side too.

Hinimas ko ang buhok ni Carlo at saka kami nagsimulang maglakad pabalik sa Classroom namin.

***

"Bakit hindi mo sinabi?!" napabuntong-hininga ako kasi pinapagalitan ni Shannon si Carlo.

"Wala siyang dapat sabihin." Yakap-yakap ko pa rin si Carlo kasi ito siya sa tabi ko, umiiyak.

"Hindi! Bakit hindi niyo sinabi na may nag-akusa sa kanya!?"

"Kasi hindi nga totoo!" I replied.

Hinahaplos ni Franco ang likod ni Carlo habang nakikinig sa away namin ni Shannon. "Bakit hindi niyo pa rin sinabi! Alam mo ba na, na-akusahan din siya ng ganon last year!?" Tumingin ako kay Quintin pero bumuntong-hininga lang sya.

"Yon ang dahilan kung bakit nandito si Carlo! Dapat nasa Class One siya pero marami ang inakusa sa kanya to the point na hindi na niya alam ang gagawin niya kundi tanggapin ang mga yon!" Jusko. Tumingin ako kay Carlo na umiiyak sa braso ko.

"Hindi ko alam..."

"Kasi hindi mo in-alam! Kung sinabi mo kanina— "

"BAKIT BA SA AKIN KA NAGAGALIT!? KASALANAN KO BA NA NAAKUSAHAN SIYA!? HINDI BA DAPAT DUN KA MAGALIT SA MGA UMA-KUSA SA KANYA!?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya taasan ng boses. Umiinit ang dugo ko sa pinagsasabi niya.

Ako ba daw pagalitan? Bakit? Ako ba nag-akusa kay Carlo? Piste.

"Ren..."

Napahinga ako ng malalim at inirapan silang lahat. Sila nga ang walang nagawa para protektahan si Carlo, sila pa may ganang magalit dahil hindi ko sinabi. Ang sarap kurutin! Yung malakas na kurot! Nanggigigil ako, mga animal!

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag vibrate iyon at tiningnan kung sino yung tumatawag. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Kuya. "Oh?"

[Nandito na ako sa labas]

"Oks. Lalabas na din ako."

[Bilisan mo.] at binaba na niya ang tawag.

"Gusto mo bang sumabay sa akin?" bulong ko kay Carlo. Tumango siya kaya kinuha ko na yung bag ko.

"Jasper, pakikuha ako sa bag ni Carlo, oh." Hinawakan ko ang braso ni Carlo at pinatayo siya. Kaagad niyang tinago ang mukha niya sa balikat ko at sakto din na binigay ni Jasper yung bag niya sa'kin. "Salamat."

"Sasabay na din ako," ika Benjamin at kinuha ang bag niya. "Kami rin," sabi iya Dean, Franco tas Gino.

Naglakad na ako palabas at hinayaan sila na sumunod sa akin o kung sino pa yung susunod.

Habang naglalakad kami sa hallway, rinig narinig ko yung mga bulong ng mga ibang class habang tinuturo si Carlo. Tumingin ako sa gawi nila at nakipag-usap sa mga mata ni Cecil kasi halata sa mukha nila na naguguluhan sila. Tumango siya at ngumiti sa akin sabay saway dun sa mga kaklase niyang masama ang tingin kay Carlo.

Bumaba kami sa second floor at dumiretsong ground papunta sa gate. "Oh! Napano yan?" tanong ni Kuyang guard.

"Natatae po siya." Kinurot ko nga ang braso ni Franco.

"Aruuuy! HAHAHA joke lang po! Masama pakiramdam"

Natatawa na umiiling si Kuya Guard bago niya binuksan ang gate. Nagpaalam naman sa kanya yung mga kasama ko habang ako ay hinahanap kung san nakapark si Kuya.

"Oh! Anyari diyan?" he asked sabay turo kay Carlo.

Pinandiinan ko siya ng tingin at mabuti naman tumahimik siya kaagad.

"Pwede ba sila sumabay?" tanong ko kay Kuya. Tumingin siya sa likod ko and there's Benj, Franco, Dean, and Gino raising their hands, smiling. "May magagawa pa ba ako?" Napangiti ako sa sagot ni Kuya at binuksan ang pinto sa backseat.

Unang pumasok si Carlo at umupo sa pinakadulo. Dito na lang rin ako umupo sa backseat para ma-comfort si Carlo. Si Gino dun sa tabi ni Kuya. Nag-uusap pa nga sila at nagtatawanan eh. Gino feeling close. Char

Napapansin niyo ba? Nagiging close na din si Kuya sa Class Zero! Ang saya ng bulbol ko!

Tumabi sa akin si Franco, Dean at Benj tas ito kaming lima parang suman sa backseat. Sabi ni Benjamin, malapit lang naman yung kanila kaya mauna siyang bumaba kesa sa amin. Nagkwekwentuhan lang kami sa kotse tas ito naman si Carlo, nakatingin lang sa bintana.

Napatingin ako kay Carlo at napabuntong hininga. "Pabayaan mo na muna siya, Ren. Magiging maayos din siya," sabi ni Franco. Ngumiti nalang ako at bumalik sa pakikipag-kwentuhan sa kanila.

Bumaba na si Benj kaya nagpaalam na kami sa kanya bago sinara ang pinto. Inistart na ni Kuya ang kotse na nagmamaneho na naman. Naglaro kami nila Dean ng bato-bato pick at kung sino yung ma-iba, makakatikim ng palo sa ulo.

"OH! PAPEL!"

"Dahan-dahan lang naman!" nakangusong sabi ni Franco at saka yumuko. Kaagad naming pinalo ng malakas yung batok niya tas ayun siya napamura sa sakit! Kawawang bata!

"Yawa man ning ah! Sabi ng dahan-dahan lang!" At ayun na naman po! Nagbabangayan na naman silang dalawa. Iwan ko ba sa dalawang to. Nagkabati tas nag-aaway na naman, tas bati ulit, tas away na naman.

"Dito na akoooo!" sabi ni Dean kaya hininto ni Kuya yung kotse at hinayaan na bumaba si Dean. "BYEEEE!!" Winagay-way ni Dean yung kamay niya sa akin kaya napangiti ako.

"Yung amin sa kabilang kanto lang"

"Eh kung lakarin mo nalang kaya?" Tiningnan niya ako ng masama.

"Ayoko! Libreng sakay na'to kaya sulitin na!" Tamo mo tong lalaking to! Kapal muks talaga!

"Dito na akeetch!" Nang ihinto ni Kuya yung sasakyan, bumaba na kaagad siya at nagpaalam sa amin.

Pumunta pa siya sa driver's seat para formal na magpa-alam kay Kuya. Kala mo driver niya talaga si Kuya eh! Nakooo nakakagigil

"Kapit bahay lang kami ni Carlo," ika Gino. Tumango naman si Kuya at nagtanong kung san sila nakatira.

Dumako ang tingin ko kay Carlo na nakatingin pa rin sa bintana kaya hinaplos ko ang buhok niya at tumingin din kung nasaan siya nakatingin. "Okay ka lang?" Hindi ko mapigilang tanong. Nag-aalala kasi ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin kaya napa buntong-hininga ako. Ang lungkot ng mga mata niya. Pinunasan ko yung luha niya sa mukha at ngumiti. Malayo-layo yung bahay ni Carlo at Gino kaya naman hindi na ako nabigla nung nalaman ni kuya yung nangyari kay Carlo.

"Pwede niyo yan e sumbong kay madam kung hindi naman talaga totoo," he said while he's staring at us in the rearview mirror. "Pwede yun?" He nodded his head and focus on driving again.

"If they don't have adequate proof para idiin si Carlo, yes you can," Pero... "Paano yon? Kinuha nila yong ebidensya na meron si Carlo" Yes, kinuha nung babaeng wig ang buhok yung foundation na namdampot ni Carlo sa sahig.

"That's the problem..."

"Kuya, anong gagawin namin?" Yapos-yapos ko ang braso ni Carlo para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Napa-isip si Kuya at saka napabuntong-hininga.

"I can't think for now unless this is a frame-up."

"Wala ka namang naka-away diba?" tanong ko kay Carlo

"Meron." Tumingin ako kay Gino at napakunot-noo. "Yung kaaway mo."

Does he mean? "Si Theo?" Gino shook his head. Pero wala naman akong naka-away sa JM maliban kay Theo. "Yung alipores ni Theophany." Tumingin sa akin si Kuya and I saw the disappointment in his eyes.

"Bakit? Ano nangyari kay Carlo at sa mga alipores niya?" I asked. Gino turns his back to face him. "Dati pa yun... nung unang tumapak si Carlo sa JM. Alam mo naman yung mga alipores ni Theo di ba? Mga palaaway," he said. I nodded my head. He has a point

"At meron pa, yung mga kaibigan ni Kiefer."

"Us?" Tinuro pa ni Kuya yong sarili niya habang nag da-drive. Ampupu.

"Hindi.... kaibigan ni Kiefer."

"I'm not included?" Tamo 'to si kuya, pa inosente pa.

Tumango si Gino at tumingin sa gawi namin ni Carlo. Tahimik lang si Carlo sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila. I was about to get out too pero pinigilan na ako ni Carlo.

"Wag na."

"Sure ka?" Tumango si Carlo at nagpilit ng ngiti, "Salamat po." Dumungaw pa siya kay Kuya para magpasalamat at tumango lang si Kuya. Sinamahan siya ni Gino sa loob ng bahay niya kaya napabuntong-hininga ako at nagtungo sa passenger seat bago kami umalis.

"Are you okay?" Tinatanong pa ba yan?

"Nalulungkot ako kay Carlo...."

"Me too." Napatingin ako sa gawi ni kuya at ngumiti ng nakakaloko. "WOY! Ikaw ahhh! Nagiging close ka na sa classmates ko!!"

"Psh." tinawanan lang niya ako at ginulo ang buhok ko. "I was wrong with them and I admit it—" Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa sinabi ni Kuya. "I thought they are dickheads and yeah, I was wrong." Grabe siya. Pwede namang gago ang sabihin niya, dickheads talaga?

"Ang bastos mo!" tinawanan lang ako ni Kuya at inistart ang kotse.

Ang bastos talaga! Kaninong kayang anak 'tong lalaking 'to?