Chereads / Hi Flower / Chapter 13 - Something Oddinary

Chapter 13 - Something Oddinary

REINA JOY's POV

"Ulit!" sigaw ni Ivan.

Tiningnan ng masama nila Shannon si Ivan kaya nag peace sign si Ivan. Kanina pa kaming umaga dito at anong oras na. Gutom na gutom na kami. Ito kasing si Ivan, gusto niya na perfect ang mga steps namin. Wala naman akong problema dun pero wala bang break man lang ng isang minuto?

Hindi lang naman kami ang nandito sa covered court, pati yung mga high school at grade 12 nag practice din. "Break muna. Nakakapagod sumayaw," sabi ni Shannon at lumakad papunta sa bleacher. Sinundan namin siya ng tingin at nagkatinginan bago sumunod sa kanya.

Follow the leader.

Umupo kami sa bleacher at pinaypayan ang mga sarili namin. Ang init na nga ng panahon, nagpapawis pa kami.

"Hi ate!"

"Hi!" bati ko dun sa grade 7 na lumapit sakin.

"Kayo po ba ang Ms. Nutrition sa class niyo? Para po pala sa inyo." Kinuha ko ang bigay niyang vitamilk at napakunot-noo na rin. Paano niya nalaman na favorite ko to? hmm... suspish. Char

Natatawa akong sumagot sa tanong niya, "Sino pa ba?" Ngumiti ito sa akin. Nilagay ko muna sa tabi ko yung vitamilk at hinubad ang blazer ko. Kung pwede ko nga lang iligo tong vitamilk na bigay niya baka ginawa ko na. Charot lang.

"Ang ganda niyo po talaga, Ano pong skin care niyo?"

Mabuti na lang at hindi ko pa nainom tong vitamilk ko kasi kung nainom ko na, baka nasamid na ako sa sinabi niya.

"Ano lang, hilamos tas matulog ng maaga," nag aalangan-in kong sagot sa kanya. Napatingin ako dun sa mga kaklase niya na tinatawag ang pangalan niya. "Ano ba yan! Kita nilang kasama pa kita eh," nakangusong dabog nito at tumayo sa bleacher para pumunta don sa mga kaklase niya. I smile softly.

"Ang bait mo sa mga bata no?" Napatingin ako kay Mara at binigay ang vitamilk ko. He nodded his head and took it then tumayo sa tabi ko para idikit ang dulo ng takip ng vitamilk sa bleacher at saka sinuntok yung takip para matanggal. "Here," he said after he opens it.

"Salamat," I smiles at him and take a sip before answering his question, "I was once scolded by my stepmom—I mean my mom kasi hindi ako mabait sa mga bata. Pinalo din ako ni Kuya dati kasi tinatakot ko ang mga bata and yeah, my dad always taught me to be kind to them dahil sila daw ang pag-asa ng bayan," natatawa kong sagot kay Mara.

Pati siya ay natawa sa explanation ko, "Pinalo ka ng Kuya mo?" I nodded.

"Hindi lang palo! Iba kasi si kuya magalit at mas ibang-iba siya kung magiging clingy siya!" Uminom ako ng vitamilk bago tumingin kay Mara.

"I got that. Iba siya kahapon eh. Ibang-iba," sabi niya ng nakakunot-noo.

"Mabait si kuya, wag mo lang abusuhin. Ayaw niyang inaaboso ang kabutihan niya."

"Hindi ka ba nabigla sa ginawa nung kuya mo kahapon?" Hmm...

Ano nga bang ginawa ni Kuya kahapon? Wala naman siyang ginawa maliban sa pag-aaya sa Class Zero na mag karaoke at mag inuman.

Sumayaw-sayaw din sila habang kumakanta si Carlo ng Touch by Touch. For me, that's normal for kuya. Ang ikinabigla ko ay pinatulan ng Class Zero si Kuya. YUN yung mas ikinabigla ko.

Knowing, Class Zero. They don't like to cross path with kuya pero habang pinapanood ko sila kahapon, parang close na close sila kay Kuya. Para silang magbabarkada.

"Ako talaga tatanungin mo niyan?" Tumango si Mara at hinintay ang sagot ko. "Mas nabigla ako sa inyong lahat! Akalain mo nga naman.... Ang Class Zero na ayaw makipag halubilo kay Joseph Fuentes, ay pumayag makipag karaoke at uminom kasama siya!" Natawa si Mara dahil sa sinagot ko at napa kamot sa batok.

"We have no choice,"

"Aysus! Palusot pa!" Tinawanan ako ni Mara and shrug his shoulders.

"HALI NA! PRACTICE NA," sabi ni Shannon.

Sabay kaming napa-groan ni Mara dahil sa anyonso ni Shannon. Tumayo kami sa bleachers at pumunta sa kanila para ituloy yung practice namin. I was yawning the entire practice. Kasi naman inaantok na ako tas tatlong kanta pa yung napractice namin.

Isang oras kaming nag practice bago kami bumalik sa building nila. We are walking when suddenly we heard shouts and screams from the side, "Reina Joy," sigaw nang mga estudyante habang pinipicturan ako. May binulong si Franco sa kanila kaya napalitan ng nguso yung mga ngiti nila.

I'm sorry. Mukhang alam ko na kasi kung ano yung binolong ni Franco sa kanila.

"Dali na!" Jusko. Ito na naman tong dalawang 'to.

"Teka lang! Punyeta, maghintay ka!"

Nakayapos ang braso ko kay Carlo habang naglalakad kaming lahat.

"Ang tagal mo kasi! May pa bulong-bulong ka pa." Binatukan ko nga si Dean.

"Apaka mean mo"

"Si Franco ih!" nakangusong sagot niya at umiwas ng tingin.

***

Pinasa ko na kay sir yung notebook namin at bumalik sa upuan. It's already 11:40 am at malapit na ang breaktime. Nagugutom na ako at naririnig ko na ang kurr-kurr sa tyan ko. Chineck muna yun ni Sir at saka kami pinalabas.

Kinuha ko yung wallet ko sa bag at yung cellphone ko bago ako sumunod kela Carlo. "Nagugutom na ako. Grabe, ang tagal natin pinalabas!" Aruy. Akala mo naman siya lang gutom.

"Anong bagong ulam ngayon?" tanong nung babae galing class three

"May guso daw." Guso!?

"Oo, limited nga lang." Nakipag-titigan ako sa Class Zero pagkatapos kong marinig yung usapan ng mga estudyante sa gilid.

TAKBO!

***

"Ubos na, Kaka-ubos lang" ANO!?

"Ha? Paano? Eh wala pa ngang lunch time!" sigaw ni Quintin. Gusto ko rin sigawan si Ate TT TT

Bakit niya pina-ubos?! Jusko! Ang sarap niya sabunutan!

"May nauna sa inyo, kinuha niya lahat."

:(

***

Kanina ko pa tinutusok ang pancake ko. Sino ba naman kasi ang gustuhing kumain nito? Apaka tabang at walang lasa. "AYOKO NA!" Napa-angat kami ng tingin kay Shannon at ngumuso.

"Let's go out. May oras pa naman." he said. Nagka-tinginan silang lahat at ngumiti maliban sa akin.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"Sa carinderia," KARENDERIA? BAWAL AKO DUN! Lagot ako kay kuya pag nalaman niya na pupunta ako dun.

"Tara!" Napatayo ako sa upuan ko nang hawakan ako nila Carlo at Franco.

"Arat na!" KUYA WELP!!

Lumabas kami sa gate at naglakad sa gilid. Tinakpan pa namin yung mga mukha namin habang naglalakad kami sa harap ng college area. Jusko. Mapapatay talaga ako ni Kuya. Sana walang magsabi sa kanya. Please lord TT TT

Unang tumakbo si Quintin kaya sumunod kami sa kanya at nagtakbuhan para makalayo sa area ng College. Pahamak talaga tong mga to! Lumiko kami sa kabilang kanto at may nakita akong hilera na iba't-ibang klase ng carinderia.

Huminto kami sa harapan ng isang carinderia na may pangalan na Kainan ni Tiyo.

Ito na ba talaga? Dito ba talaga kami kakain?

"Oh! Napadalaw kayo," sabi nung may ari. Napatingin sa amin yung mga kumakain sa ibang mesa at ngumiti. Hindi ko alam kung kanino sila nakangiti pero I don't care? May mga gulay pa nga mga ngipin nila eh.

"Dito kami kakain. Nga pala, manong. Si Reina Joy, kaklase namin," sabi ni Shannon.

"Oh! Gandang babae, welcome ija! Umupo kayo." Sumunod ang Class Zero dun sa may ari habang ako ay nanatiling nakatayo at tiningnan ang buong paligid. "Ren!" Napalingon ako sa kanila at napa kamot sa ulo bago sumunod.

First time ko kumain dito. Kadalasan kasi sa restau kami kumakain at hindi dito.

Maarte kasi si kuya at stepmom sa mga pagkain kaya hindi ko pa nata-try kumain dito. Pero sabi naman ni dad, masarap daw ang pagkaing carinderia. Ngayon ko masusubukan yung sinasabi niya, kung totoo ba o hindi :<

"Sana naman huwag na kayong maghanap ng gulo 'no? Tingnan niyo nga oh, kakapalit ko lang nitong mga lamesa at ayokong masira na naman 'yang mga yan," Natatawa na sabi nung may-ari. Naghahanap ng gulo ang Class Zero dito? Anong gulo?

"Sila naman nauna nun," sagot ni Mara.

Pinaupo nila ako sa gitna at si Mara na ang kumuha ng plato at kutsara para sa aming lahat. Dito talaga kami kakain? Nagdadalawang isip ako, pinagsisisihan ko nang sumabay sa kanila.

Tinanong nila ako kung ano ang gusto ko at sinabi ko naman sa kanila na Guso kung meron tas tortang talong kung wala. Si Shannon at Quintin ang pumunta sa counter ni manong para umorder habang itong mga kasama ko ay naglalaro na naman ng ML.

"Farm muna, bago kill," paalala ni Gino. Kinuha ko na rin ang cellphone ko pero naalala ko wala pala akong load.

"Pst. Dean. Pa hotspot"

"Teka," May kinolikot siya dun sa cellphone niya bago tumango. Kinonnect ko yung cellphone ko sa hotspot niya at ngumiti. "Thankiess"

Si Paulo at Jasper lang ang hindi nakisali sa party ng Class Zero kaya naman tumabi ako sa kanila. Papaturro ako paano gumawa ng Facebook. Hehehe. Kinuha naman nila yung cellphone ko tas tinuruan ako kung alin dun ang pipindutin at ano ang gagawin.

"Tas sign up mo," sabi ni Jasper.

"Tapos?"

"Tapos, maghanap ka ng profile. Okay lang naman kung tumingin kami sa album mo diba?" Tumango ako at binuksan ang photos ko para makapag hanap ng picture na pwede ko gawing profile picture. While I was scrolling on my album, I smiled when I saw a photo of me and Winston way back before. Na-save sa apple id ko eh kaya nandito sila naglabasan.

"Kilala mo siya?" tanong ni Paulo at tinuro ang mukha ni Winston.

Tumango naman ako. "Bakit?"

Nagkatinginan si Paulo at Jasper bago napamura. "Bakit?" I asked again.

"W-wala..."

"Okay!"

Pinili ko yung mirror selfie ko at binigay ulit kay Jasper yung cellphone ko at hinayaan sila na lagyan ng profile yung account ko. Nakadungaw lang ako sa kanya at tiningnan ang mga ginagawa niya kahit hindi ko alam yung mga yun. Tinatawag nilang high-tech genius si Jasper. Marami daw kasi siyang alam pagdating sa mga computer kumpara sa kanila.

"Ayan, tapos na!" Binigay ni Jasper sa akin yung cellphone ko kaya kinuha ko yun at tiningnan ang ginawa niya tapos binalik sa kanya yung cellphone ko.

"Add mo nga si Cecil, Elvie, Belle tsaka Jonila hehehehe" Napakamot si Jasper sa batok niya at sinunod ang sinabi ko.

"I-add kita sa gc namin!" Pagre-representa ni Paulo at kinuha ang cellphone niya. Bumalik na sila Shannon at nilagay sa harapan namin yung pagkain. Bumalik ako sa upuan ko at hinayaan si Jasper galawin ang cellphone ko.

Busy pa din kakalaro yung Class Zero at puro sila mura. On mic daw kasi sila kaya minumura nila yung kalaban nila. Ang no-noob daw. Hindi na lang ako nakinig sa kanila at kumain na.

May binili sila na gosu kaya naman sobrang saya ng puso ko.

"Yawa! Ang noob mo!"

"All mid!"

"Shit! Tabang"

"Dean, tulungan mo si Carlo."

Tumingin ako sa wrist watch ko at may 20 minutes pa kami. Bumalik ulit ako sa pagkain at inubos yung kanin at tortang talong ko.

Bahala sila jan. Basta ako, kakain ako at mag pakabusog.

May binili rin na Lomi si Quintin kaya todo kuha din ako don. "Yung demonyo" Tamo na? Pati President at Vice President nagkakagulo na rin.

"Ang we-weak ng kalaban niyo."

"Gago. On-mic kami," ika Angelo.

"Oh tapos?" tamo to si Paulo. Ang sama.

"Wala naman HAHAHAHA!" Tiningnan nila ng masama si Angelo at nagtawanan. Wala ba talaga silang planong kumain? Eh kung konprontahin ko kaya ulit mga cellphone nila? Ay bahala sila. Basta ba kakain sila mamaya.

Inubos ko yung gosu ko at tumayo para kumuha ng tubig. Bumili na rin ako ng softdrinks since walang binili si Shannon. Binayaran ko yun gamit yung pera ko at lumakad pabalik sa table namin pero nawala sila dun. "Hala... asan yung mga yun?" bulong ko at lumabas sa carinderia.

Pumunta ako sa kabilang kanto at nakita ko sila doon na may pinapalibutan lalaki.

Aba! "HOY MGA HAYOP! BAKIT KAYO NANG-IWAN?!" Mga gaging to! Iwan ba naman ako dun sa carinderia tas andito silang lahat? Di ako na inform na may meeting pala sila! Ampucha

Tumakbo ako papunta sa kanila pero tumakbo papunta si Orion sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Babalik na kami. Tara na," sabi niya at binuksan ang blazer niya para itago ang mukha ko? "T-teka! Bakit mo tinatakpan mukha ko?"

"Basta," Napanguso ako sa sinagot niya at hinayaan siya na dalhin ulit ako papasok sa carinderia.

Makalipas ang ilang segundo, nagsipag balik ang Class Zero at nagsimula nang kumain. Binalik ni Jasper sakin yung cellphone ko at sabi niya tapos na daw yung pinapagawa ko. Nagtatawanan rin sila habang kumakain kaya napanguso ako.

Andadaya nila. Naiinis ako dahil sa ginawa nilang pang-iwan sa akin. Makakabawi din ako. hmp

After namin kumain, tumakbo kami pabalik sa classroom dahil baka malate kami kung lalakarin lang. Mabuti na lang at nauna kaming dumating bago yung instructor namin sa English hehehehe

"List all words that start with the letter K. Over 50"

"Ma'am!"

"Yes, Ms. Fuentes?"

"Pwede gumamit ng dictionary?" Tumingin muna siya saming lahat at tumango. "Yes, you may use your dictionary"

"YES!"

"THANK YOU, LORD!"

"Bossing, hotspot." Napabuntong-hininga na lang si Quintin at nilabas yung cellphone niya para sa hotspot at since nakakonnect na yung akin kay Dean, sa kanya pa rin yung gamit ko.

Naka-cross legs lang ako habang nag scroll sa Mirriam ko at nag take down notes. Mabuti nga at pinayagan kaming gumamit ng dictionary kasi kung hindi, wala kaming masasagot. Maliban kela Shannon, Orion, Mara at Quintin kasi pinanganak silang matalino.

Tinatakpan ko ang sagot ko gamit yung buhok ko kasi todo silip si Carlo sa akin kung ano ang sagot ko tas ito pang si Franco sa gilid ko.

Apaka marama nila. Pag ako nanghihingi ng sagot, tatalikuran nila ako tas pag ako may sagot nang gi-giraffe sa akin. Ang sarap tirisin. Nakakainis. Nakakagigil.

Umalis muna si Ma'am kasi may gagawin pa daw siya at babalikan niya daw kami. Nag open na din ako ng google para madali akong matapos. Bahala na kung dictionary yung inexcuse ko tas gagamit pala ng google basta makapasa ako at tama tong mga sagot ko ><

"Pst."

Patapos na ako at isang word na lang ang kulang tas pwede ko nang ipass yung akin. Kinikilig ako kasi ako yung unang matatapos tehehehe.

"Pst!" Ini-angat ko ang tingin ko at napatingin sa bintana. Anong ginagawa ni Kiefer dito? Nandun siya sa bintana at halatang nagtatago kasi tumitingin siya sa mga kaklase ko. Nilapitan ko siya at sinigurado na walang nakakita sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

As usual, tinitingnan niya muna ang skirt ko bago tumingin sa mukha ko at ngumiti, "I just miss to see your face. Masama ba?" I'm used hearing that answer kaya hindi na ako nabigla. Ang nakakabigla ay paano niya nagawang umakyat sa bintana eh nasa second floor at pinakadulo ang classroom ko.

"Hindi naman. Wala lang akong sinabi," casual kong sagot.

Actually, wala naman talaga akong planong kausapin siya. Ang bastos lang kasi tingnan sa part ko at part ng iba kung hindi ko siya kausapin despite his struggles to come and see me. Gets niyo ko?

"Ahh.. sige, una na ako"

"Ingat ka." Tumango si Kiefer at bumaba na.

"Sino kausap mo?" Lagot.

***

"E bend niyo ng maayos ang likod niyo."

Nasa tabi lang ako ni Sir at kanina pa ako hindi nilulubayan ng tingin ni Quintin while doing his stretching. Ako na nga ang kusang umiwas ng tingin at tumingin sa gawi nila Ivan eh para lang ilipat ang tingin ko at tingnan ang ginagawa nila.

"E push mo yung likod ni Nestor, Ms. Fuentes." Tumango ako kay Sir at lumakad papunta sa likuran ni Nestor para e push yung likod niya ng dahan-dahan.

"A-agay! yung abs ko!" natatawang sabi niya tinampal ko nga likod niya. Apaka feeling. Tiyan lang naman meron at walang abs.

"Umayos ka," Tinawanan niya lang ako kaya nginitian ko siya at pinabayaan na siya sa ganong posisyon.

Nag-stay sila ng ganon for 30 seconds bago sila pinatigil ni Sir. "Ako lang ata yung 18 years old na may sakit sa likod." Hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa dahil sa sinabi ni Carlo. Akala ko ba excited siya dito? Bakit puro pagsisisi ang nababasa ko sa mga mukha niya?

"Next," sabi ni sir sabay lipat ng page, "please execute, Ms. Fuentes."

Nagsipag tayo ang Class Zero sa mga upuan nila para makita ang gagawin ko. Pinakita ni Sir sa akin yung picture. It's a side plank. Medyo madali lang. Ginaya ko yun at nilagay ang kabilang kamay ko sa bewang ko. In-adjust naman ni sir ang kamay ko sa bewang and I stay in that position for 30 seconds.

Pinunasan ko ang pawis ko after 30 seconds at umupo sa sahig. Ang sakit ng braso ko.

"Ay sir! Hindi po namin kaya 'yon"

"OPO SIR!"

"mAHIRAP PO." Tinaasan ko sila ng kilay.

"10 SECONDS PREP, " Wala nang nagawa ang Class Zero kundi ang gayahin ang ginawa ko at parati akong napapatawa dahil kay Dean at Franco. Nagbabangayan na naman kasi sila.

"Aray!"

"Umurong ka kasi! Sa'yo ang bagsak ko eh"

"Ako nauna dito"

"Ako kaya!"

"Ako nga."

"QUIET!" sigaw ni Sir.

After 30 seconds, nagsipag-higa sila sa sahig at pinupunasan ang mga pawis nila. "That's all for today!" sigaw ni Sir at kinuha yung libro niya sa mesa pagkatapos niya kaming gradohan. Bumalik ako sa upuan ko at inayos yung mga gamit ko.

"Prepare for running tomorrow with the other class," he announced.

Running na naman?

"Your presentation has a bigger impact on your performance task," dag-dag ni Sir, "Goodbye class." Tumayo kami ng maayos at nagpaalam kay sir at nagsibalik sa mga upuan namin.

"Ang sakit ng balikat ko."

"Ako ang bagtak ko. Yawa. Mukhang hindi ata ako makapag lakad ng maayos nito bukas,"

"Ako, ang sakit ng tiyan ko. Natatae ako!" Inirapan ko si Carlo at sinabit ang bag ko sa braso ko.

"Can we talk?" Ini-angat ko ang tingin ko kay Quintin at tumingin kela Carlo na napatigil din sa ginagawa nila.

"Sige..." I smiled. Kanina pa niya kasi ako tinitingnan after niya akong mahuli na may kausap sa bintana.

Siguro mabuti na rin kung mag-uusap kami kasi baka na-misinterpret niya yung narinig o nakita niya.

Naunang lumabas si Quintin kaya sumunod ako sa kanya at heto kaming dalawa ngayon, nakatayo sa pinakahuling part ng classroom namin papuntang fire exit. "Bakit?" I asked.

"Sino yung kausap mo kanina?" sabi ko na nga ba. Ito ang pag-uusapan namin.

"Si Kiefer," yan naman siguro yung hinihintay niyang sagot diba? "Akala ko ba hindi ka niya nililigawan?" he asked. I frowned my brows.

"Hindi naman talaga?"

"Then, what is he doing there? and talking to you? in the middle of the class?" Napakamot ako sa on fleek kong kilay hindi dahil sa English ni Quintin kundi dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Putrages.

"Hindi ko alam, okay? Kinausap ko lang siya dahil ayoko mag mukhang rude."

Mukhang nabuhayan yung mukha niya sa sagot ko at ngumiti. "So he's really not courting you?" Umiling ako sa tanong ni Quintin at inirapan siya.

"Hindi ako nagpapaligaw at hindi ako papayag okay? Kalma mo yang putotoy mo. Para kang naghahanap ng gulo eh," Ampucha siya. Pumasok na ako ulit sa classroom at kinuha ang bag ko. Sumabay ako kela Ivan kasi paalis na din sila, meanwhile yung iba, nagpaiwan sa classroom kasi may gagawin daw sila.

"Dito ka na namin iiwan, Ren."

"Sige! Ingat kayo!"

"Ikaw rin."

Nandito ako sa harap ng gate habang hinihintay si Kuya since nagtext siya sa akin na sabay daw kami uuwi. May isang kotseng tumigil sa harapan ko kaya napa-angat ako ng tingin at ngumiti.

Mabuti naman at naisipan niyang hindi ako pahintayin ng matagal— T-teka! Hindi to sasakyan ni kuya ah!

May lumabas na sakay galing sa kotse at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Huli ka!"