Chereads / Hi Flower / Chapter 12 - Theo's Anger

Chapter 12 - Theo's Anger

REINA JOY's POV

"Should I frame this one?" napakamot ako sa ulo dahil sa bungad na tanong ni Kuya.

Umuwi ako after ng photoshoot kasi naiwan ko yung afternoon class notebooks ko at heto siya kinukulit ako tungkol sa mga picture na kuha niya kanina. "Alam mo kuya, bahala ka," sagot ko sa kanya at binalik ang atensyon ko sa pag-aayos. Ngumuso si Kuya sa sagot ko kaya naguilty ako sa sinabi ko.

"Joke laang! Ito naman ang seryoso, patingin nga ako." Kinuha ko yung cellphone niya at tiningnan ang mga picture na kuha niya kanina. Ngumiti ng malapad si Kuya at tumabi sa akin. "So which one?" he asked in his rare excited tone.

"Hmmm Ito oh." Tinuro ko sa screen yung bet kong picture at yun yung naka side view kong picture na naka straight face habang nakatayo.

"Perfect! What else?" Pinagclasp ni Kuya ang mga kamay niya habang nakatingin sa mga picture na ini scroll down ko.

"Kuya, eh kung maghintay na lang kaya tayo kung kelan e re-release ng school ang mga photos? Mas maganda yun diba?" napa kurap-kurap ang mga mata ni Kuya dahil sa sinabi ko at tumango kaagad.

"Oo nga no? Hindi ko 'yan naisip. Pero still, ilalagay ko to sa frame! Pwede ko namang e upload sa Facebook or sa IG 'to diba? Like, BTS ganon?" Napangiti na lang ako at tumango.

Bahala siya sa gusto niyang gawin.

Hinatid ako ni Kuya sa classroom at nagpaalam na din siya. Pumasok na ako sa loob at binati ang mga kaklase ko. My eyes landed on Quintin at umiwas din kaagad ng tingin. Tumitibok na naman kasi ng mabilis tong puso ko. Jusme!

After some minutes, pumasok na yung prof namin sa English. "Good Afternoon class," bati nito sa amin. "For today's lesson—Oh! Let's congratulate, Reina Joy and Quintin first for their successful pictorial earlier! Please clap your hands to the two of them!" Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Ma'am. Ito namang mga kaklase ko nag-enjoy kaka-asar sa amin. "Sanaol sanaol!" Tinampal ko nga ang braso ni Carlo.

Napakalakas ng trip niya sa buhay no?

"Anyways, Next month magkakaroon ng nutrition month celebration at compulsory sa lahat ng class ang sumali," sabi ni Ma'am habang hiniheads up kami, "at kasama kayo doon." I turned my head when the boys gasped in surprise.

"Bakit po naiba? Edi ba last year hindi kami kasali?" tanong ni Benj.

Ma'am pointed me kaya napa-turo din ako sa sarili ko. "You should be thankful na dumating si Reina Joy sa class niyo. You will be included in all school activities, and you will not be left out of class discussions.It's such a shame kung gagawin namin yun and the school muse is in this class, right? " napanguso ako sa sinabi ni Ma'am.

Does that mean na kung hindi ako dumating, hindi makakasama ang Class Zero sa mga school activities? Does that mean palagi silang left behind sa classes? Bakit?

Nagsigawan sa tuwa ang Class Zero kaya napatingin ako sa kanila. They look so happy, even though the school has downgraded them. I secretly turned my hands into fists.

"We love you na talaga, REN!!" Niyakap ako ni Carlo ng mahigpit kaya yumakap din ako sa kanya pabalik.

"Salamat sa muse namin!" sigaw nang mga nasa likod.

Tumama ang tingin ko kay Mara kaya nginitian ko siya ng tipid bago ibinaling ang atensyon ko sa harapan at nakinig sa further discussion ni Ma'am. Sinabi niya sa amin na meron daw jingle contest at kailangang may originality. "Meron ring Mr. And Mrs. Nutrition Month at dahil compulsory, each class should have two representative," sabi ni Ma'am sa amin. We nodded our head.

"The Criteria for Mr. And Mrs. Nutrition Month are, Stage Presence-20%, Physical Appearance and Poise-20%, Personality-10%, Overall Appearance-50%. I'm telling you this because this is your first time joining pageants. I don't want to be biased and I'm rooting for this class," napangiti ako sa sinabi ni Ma'am.

"As you focus on the pageant, you should also focus on forcing students to buy tickets for your class because this ticket—" Nilabas ni Ma'am yung maliit na papel at pinakita sa amin, "will be added to your overall scores. The more tickets students bought from you, the higher possibility that you will win on the Mr. And Mrs. The SSG will distribute the tickets I think within this week, so who's the Class president here?"

Mabilis na tinaas ni Shannon ang kamay niya. "Ako po,"

"The SSG will distribute hundred of tickets at dahil ikaw ang presidente ng klaseng ito, I hope na mabinta mo lahat ng ticket," sabi ni Ma'am. Tumingin ako kay Shannon and I suddenly smile when I saw determination in his eyes. "I will po," he answered, smiling bago bumalik sa upuan niya.

"Tutulungan ka namin bossing!" sabi ng mga nasa likod.

Binalik ko ang tingin ko kay Ma'am kasi halatang may sasabihin pa siya sa amin. "Aside from the pageant, there's also Table Booth Contest, Poster Making, Slogan Making, Cooking Contest, and Jingle Contest. Be creative guys!" pahabol ni Ma'am, "meron pa kayong three weeks and we expected something from this class. Good luck!" Nagpaalam na si Ma'am kaya dali-dali naming inikot ang mga upuan namin para makapag meeting.

"Sino ang representative natin sa Mr. Nutrition?" tanong ni Carlo. Tumingin sa akin si Shannon at tumingin sa kabila niya. "Si Quintin. Diba kayong dalawa ang ambassador?"

"What? I mean... okay lang naman yan? pero diba common na kung silang dalawa?"

"What are you trying to say, Mara?"

"Iniisip ko lang naman kung iba ang ipartner natin kay Ren-ren. Pogi din naman si Luiz." Tumingin kaming lahat kay Luiz na natutulog sa gilid. Well, I can't deny that. Totoo namang may laban sa mukha si Luiz.

Pinagkrus ko ang binti ko at nakikinig sa kanila. Nakacircle kaming lahat at isang bakanteng upuan lang ang nandito sa gitna.

"Wala namang Q and A di ba?" tanong ni Carlo habang binibraid ang buhok ko.

"Wala namang binanggit si Ma'am." Tumango kami ni Carlo kay Shannon at tumingin sa kanila.

"Okay, enough with Mr and Ms. How about sa Jingle contest?" ika ni Shannon habang kumukuha ng papel si Orion at nagsulat doon.

"Sino ba magaling mag compose ng mga nonsense na kanta dito?" I asked. Tinapunan nila ako ng tingin kaya nag peace-sign ako.

"Isa lang kilala namin eh. Diba Ivan?" Tinuro ni Ivan ang sarili niya at tumango.

"Oo, Sino yun bossing? Bulong mo nalang. Hehehehe"

"Ikaw nga tanga,"

***

"Ganto. Way lami ang coke, way lami ang coke tubig ra boss!" Nanlaki ang mga mata ko sa kinanta niya with matching clap pa. Kung tatanungin niyo ako kung anong tono nun, kantahin niyo lang yung Ang bango bango, ang bango bango ng bulaklak part. Yun yung tono ._.

Napatakip ako sa mukha ko nang tumayo din si Carlo at nagsimulang sabayan ang sayaw na ginawa ni Ivan at Henry. Hoy jusme. Ayoko nga yan gawin! May pa sway sway pa silang nalalaman TT TT

"Way lami ang coke, way lami ang coke—Mas lami ang nature's spring-"

"For 20 pesos only!" sigaw ni Carlo. Facepalm.

"Yan ang intro natin?" hindi makapaniwala na tanong ni Shannon.

Beatch, Please say no—

"YES BOSSING." At Nag-apir pa talaga silang tatlo? Eh kung pagsa-sampalin ko kaya tong mga mukha nila? charoowts!

"Kantahin mo nga ulit, Ivan." Tumango si Ivan at sinimulan na naman niyang kantahin yun. Tumayo si Shannon at yung iba tas pumunta sa harapan para kantahin din yung kanta.

Ako na lang ang natirang nakaupo sa upuan kasi sila todo effort sa pagkanta sa harapan. May pa high note pang nalalaman si Paulo. Gaging to! Sumbong ko siya kay Belle eh! Char lang

Sinimulan kong kantahin ang kantang yun and punyets! Nakakaadik!

Natawa ako nang magtulakan sila pabalik sa upuan nila nang biglang pumasok ang last instructor namin. "Ba't ang gulo ng mga upuan niyo? Ayosin niyo yan," sabi ni Sir pagkatapos niyang ibagsak ang libro sa teachers table.

"OY, upuan ko yan ba't mo kinukuha?" Napalingon ako sa likuran ko at napatampal sa mukha.

"Ayan oh, may name tag na DEAN CHESTER. Dean ka ba?"

"Oh edi sa yo na. Saksak mo sa bunganga mo," sagot ni Franco at hinanap yung upuan niya.

"Maghanap kayo sa youtube ah. Kung may magandang kanta dun e take down note niyo para masimulan na ang practice natin," sabi ni Shannon sa amin habang hinihila yung upuan niya.

"YES. PRESIDENT!"

Pagkatapos nilang ayosin yung mga upuan nila, tsaka lang nagsimulang magturo si Sir. "Uhm... Ren?" Napataas ako ng tingin at tiningnan si Mara at Quintin na nasa harapan ko. Napakamot si Mara sa braso niya habang si Quintin ay umiiwas ng tingin.

"Hm? Bakit?"

"Pwedeng manghiram ng lipgloss?/ May answer ka sa PE?"

Hindi ba uso sa dalawang to ang hintaying matapos yung una bago yung isa?

"Ano?"

"Lipgloss/Answer"

Sabi ko nga, Hindi 'yun uso sa kanilang dalawa.

"Teka. Lipgloss?" Binigay ko kay Quintin ang lipgloss ko at ngumiti, "ang sarap niya no? Strawberry flavor yan hehehe ibalik mo na lang pagkatapos mo. At Answer?" Jusko. Mabubuking pa ata ako nito na maliit score ko sa PE?

"Ano kasi, Mara. Maliit lang ang score ko kaya hindi ako confident mamigay—"

"Okay, lang!" ai?

"Wait." Kinuha ko yung papel ko sa loob ng bag ko at saka yon binigay kay Mara. "Ito."

"Salamat!/ Thanks!"

Bumalik na sila sa upuan nila kaya naman itinuon ko na ang atensyon ko sa klase ni Sir. Nag tackled siya about exercise kasi daw bukas may oral recitation daw kami para makabawi sa mga grades namin. Wala naman akong problema dun. Mabubusog nga mata ko eh!

Makikita ko ang boys na nagtutuwad sa harapan which is absolutely hilarious. Nung araw, si kuya lang pinapanood ko. Ngayon labinlima na! Apaka manyak ko pakinggan pucha!

"Excuse me, Sir."

Siniko ako ni Carlo kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba! Nagsusulat ang tao eh," naasar kong sabi. Ngumuso si Carlo kaya nagsulat ulit ako. Pati si Orion na nagsusulat sa board ay napatigil rin.

"Ren!"

"Oh!" Ini-angat ko ang tingin ko kay Carlo at sa pinto.

Anong ginagawa ng babaetang to dito?

***

"Ginawa mo yun diba? Sagutin mo ko!"

Kanina pa ako nakakunot noo habang nakikinig kay Theo. She accused me on the poster/picture niya na nandun daw sa bulletin. Like, heller? Busy kaya ako buong araw at saka bakit ko naman yun gagawin? Sa aming dalawa siya lang naman yung bitter hindi ako.

"Hindi ko nga alam yang sinasabi mo. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Ayaw kong maniwala kasi sinungaling ka!" Ay! Ako pa talaga yung sinungaling? Takohin ko kaya tong babaeng to! Baliktarin ba daw?

"Kung ayaw mong maniwala, wala akong pakialam. Basta hindi ko alam yang pinagsasabi mo," I said. Gagi siya! Ini stress niya buhok ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa classroom ng hilahin niya ang buhok ko.

"Piste ka talagang babae ka!"

"Ano ba, Theo!" Mas hinigpitan niya ang hawak sa buhok ko at pinagtatadyakan ang binti ko. Pati ba naman sa white legs ko maiingit siya? Ganyan na ba siya ka inggitera!?

"Bitawan mo nga ako! Ano ba!" hindi ko mapigilang sigaw. Inabot ko yung kamay niya sa buhok ko at hinila yun pero mas hinigpitan niya ang hawak sa buhok ko at pinaghihila yun.

"Bakit hindi mo muna aminin ang ginawa mo! Yawa ka!" galit niyang sigaw.

"Ano bang pinagsasabi mo!? Wala nga akong ginawa!" sigaw ko pabalik.

Hinarap niya ako sa kanya at kinalmot ang pisngi ko gamit ang mahaba niyang pekeng kuko. Napapikit ako sa sakit. Feeling ko ang hapdi ng mukha ko na para bang nasugatan yun. Hindi lang feeling! Nasugatan talaga!

"Animal ka! ANO BA!" Hinawakan ko din ang buhok niya at since mas may experience siya sa ganito kesa sa akin, mabilis akong napapabitaw sa kanya.

"AMININ MO ANG GINAWA MO!"

"WALA NGA AKONG GINAWA! A-ARAY!!"

Gusto kong lamunin ng lupa ngayon na! Naglabasan lang naman yung mga estudyante at napapatakip sa mga bibig nila dahil sa nangyari. "Si Reina Joy, may sugat," bulong nung mga estudyante. Sinibukan nila kaming awatin pero ayaw akong bitawan ni Theo. Plano pa ata niya akong kalbuhin ang ulo ko ng de oras.

"Ren! Stop them!"

Shit. Pati sila naglabasan na

"Tawagin mo si Joseph."

"Copy bossing!"

Mas hinigpitan ni Theo ang paghawak sa buhok ko at saka binalibag ang ulo ko. Kelan ba siya mapapagod? Nahihilo ako sa ginagawa niya. Sinubukan ko siyang suntukin sa tyan pero parati akong natitigilan dahil kinakalmot niya ang braso ko. TANGINA!? Magpapa fake nails na nga rin ako para fair kami. hmp

"PISTE KA TALAGANG BABAE KA!" Aba! Piste daw ako!?

Tinadyakan niya ang binti ko kaya napa-aray ako.

"Nandito po sila!"

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!" Napatigil si Theo sa paghila sa buhok ko nang makarinig kami ng isang malakas at may-awtoridad na boses. Tiningnan niya ako ng masama bago niya binitawan ang buhok ko at tinulak ako sa sahig.

"Pagsabihan mo yang kapatid mo." Inalalayan ako ni Shannon at Benjamin kaya nagkaroon pa ako ng lakas loob na tingnan ng masama si Theo.

"Bakit niya ako pagsasabihan kung unang-una pa lang, wala naman talaga akong ginawang masama sa'yo!"

"EH ANO TO?!" May tinapon siyang papel sa mukha ko kaya kinuha ko yun at tingnan kung ano yun. "Seriously? Itong picture mo lang nung hindi ka pa nagpagawa ng mukha ang ikinagalit mo?"

"How dare you!" Lalapitan niya sana ako para sampalin pero pinigilan siya ni Mara. "Don't you dare lay a hand," he said seriously.

"Wala akong pake!" sabi ni Theo at tinawanan ako. Tumayo ako galing sa pagkakasalampak sa sahig at tingnan siya ng masama.

"Bakit ka ba galit sakin? Malay mo naman hindi lang ako ang may galit sa'yo. Hindi mo alam na itong mga estudyanteng nandito ang may gawa niyan. Palibhasa kasi, you are so full of yourself—" Napadaing ako ng sampalin niya ang sugatan kong pisngi.

"WALA KANG ALAM!" Theo exclaimed. Tiningnan niya kaming lahat ng masama bago niya pinunit ang papel at naglakad paalis.

Napahawak ako sa pisngi ko at hinayaan ang Class Zero na pabalikin ang mga estudyante sa mga classroom nila. Tumingala ako when a shadow overcast me. It's kuya. Alam kong papagalitan niya lang ako kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Theo.

"Iwan niyo muna kami," tumahimik ang Class Zero at narinig ko na lang ang mga yabag nila paalis.

I ended up looking down at my feet as the hot liquid starts to drop from my eyes. Here I am, crying again. Naramdaman ko ang mga braso ni Kuya sa katawan ko kaya mas niyoko ko ang ulo ko at hinawakan ang laylayan ng blazer ko.

"Shh... I'm so proud of you"

***

Ang ingay ng Class Zero nung bumalik ako tas bigla silang natameme nung dumating si Kuya and now? Andun sila sa gilid, nagmumukmok. Nakanguso pa nga sila eh kasi ayaw silang palapitin ni kuya, maliban kay Carlo na assistant ni Kuya. "Itapon mo yan." Tumango si Carlo at kinuha yung mga cotton rolls na ginamit ni Kuya.

"Hindi ka ba babalik sa classroom mo?" tanong ko kay kuya habang busy siya sa pag gamot sa mga kalmot ko sa mukha at braso.

"Why do you want me to leave?" he asked, rolling his eyes.

"Eh kasi baka busy ka? Ayoko naman makadisturbo and I can take care of my wounds my own." Tiningnan niya ako ng masama kaya zinipper ko ang labi ko at yumuko.

"Ito na po." Binigay ni Mara ang hinihingi ni Kuya na alcohol at pumunta sa mga kasama niya habang hinahabol ang hangin niya sa katawan. Bet. Tumakbo ang mokong yun pabalik dito. Hehehehe

"Kelan mo siya nakita dito?" tanong ni Kuya habang nilalagyan ng alcohol yung cotton roll.

"Last week."

"Tell me, siya ba ang may gawa sa ankle mo nung araw?" Tumingin ako sa gawi nila Shannon dahil sa tanong ni Kuya. Tumango sila kaya tumango ako kay kuya. Bumuntong hininga si Kuya at tumingin sakin. "And you didn't tell me?" he asked disappointingly.

"Ayaw ko kasi ipalipat mo ko ng school. I know you, pag nalaman mo na dito rin nag-aaral si Theo, ililipat mo ko sa ibang school."

"Mabuti at alam mo because that's what I'm planning to do right now." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya at kaagad na umiling.

"No, ayoko! Dito lang ako, Kuya!"

"The dangers in front of you already, Reina Joy. Kung dati hanggang verbal lang siya, ibahin mo siya ngayon. She just hurt you physically now. Sa tingin mo mapapalampas ko yung ginawa niya?" he asked.

I know. Kaya lang naman 'to ginawa ni Kuya para sa safety ko but I won't allow him this time.

"Malaki na ako Kuya. I'm not 14 or 16 years old anymore. I'm turning 18 next year at ayoko siyang takbuhan. If I do that, yung iniisip niya tungkol sa akin, nagpapatunay lang na totoo ang mga yun. That I am a coward and I'm not a coward, Kuya. Wala akong paki-alam kung ilang pasa o sugat pa ang matatanggap ko galing sa kanya, sa ngalan na pinagtanggol ko ang sarili ko—I feel strong." Nakatitig lang si kuya sa mga mata ko habang sinasabi ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

In the end, he heaved a long sigh and nodded his head. "Okay— you are strong, hm? And I'm proud of you," I smiled bago ko niyakap si Kuya.

Pagkatapos niyang gamutin ang braso ko at lagyan yun ng mga ointment, nagpaalam na si kuya dahil kukunin niya na daw yung bag niya sa classroom at sabay kaming uuwi. Iniwan niya ako sa Class Zero at huwag daw nila hayaang lumapit si Theo sakin uli.

Niligpit ko ang mga gamit ko at tumingala kay Angelo at Gino na nakaupo sa harapan ko at pinagcup ang mga mukha nila gamit ang mga kamay nila. "Bakit?" natatawa na tanong ko sa kanilang dalawa.

"AHHHH REINAAAAA JOY!!" sigaw nila. Nabigla ako nang maglapitan sila sa akin at binalahan ako ng yakap.

Itinaas ko ang tingin ko at nginitian si Quintin bago ko niyakap pabalik silang lahat. "Hindi ka paalisin ng kuya mo diba?" tanong ni Shannon sa akin. Ngumiti ako at tumango.

Nakipag-apir siya sa mga kasama niya at saka nagta-talon sa tuwa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi matawa dahil sa pinaggagawa nila. Jusko. Paano ko naman maiiwan tong mga to? Nagiging close na ako sa kanila. Parang masakit sa part ko kung iiwan ko sila.

"Let's go." Napatingin kaming lahat sa pinto ng may biglang magsalita. "Tara na." Kinuha ko yung bag ko at tiningnan ang Class Zero na nakatayo at nagiwas ng tingin. I tilt my head at Kuya as he physically rolls his eyes.

"Sumama na kayo," he said as he left.

"Hoy! Sumama daw kayo!" I told them. Napatingin sa akin ang Class Zero at mabilis na dinampot yung mga bag nila at naglakad palabas ng classroom. I laughs watching them pushing each other kung sino ang susunod kay Kuya.

Nang makalabas kami ng school, nagsipag sakay ang Class Zero sa mga kotse nila habang ako ay nakasakay sa kotse ni Kuya. "Ren." I turned my head at the window at binaba yun para makausap si Carlo. "Bakit?" I asked.

"Wala akong kotse :<"

"Sakay ka." Tumango si Carlo at ngumiti ng malapad. Binuksan niya yung backseat ng kotse ni Kuya and after we settled ourselves, Kuya starts driving home.

When we arrive home, the gut inside me want to slap this Eighteen boys in front of me. Ayaw kasi nilang pumasok mga hutangina! Nahihiya daw sila. "Pumasok na kayo kasi...." I told them. Tinulak ko si Shannon kasi siya ang President pero humawak siya doon sa gate para hindi makapasok.

"Nakakahiya, Ren," he complained.

"Papasok kayo o hindi?" tanong ni Kuya na halata mo nang naiinip kaka-antay sa labas ng pinto.

"Oh! Ayan na, galit na tuloy," I pucker my lips.

Tiningnan ng masama ni Shannon ang mga kasama niya at unang pumasok sa loob. "Ang aarte niyo," sabi nito. Sumunod si Quintin, Orion at Mara sa kanya habang ang ibang itlog ay nagtutulakan ulit kung sino ang susunod.

"Mauna ka!"

"Animal. Wag ka manulak."

"Ikaw na kasi mauna."

I sigh.

Nang makapasok na silang lahat, pumasok na rin ako at nakita ko si Kuya na may binulong sa maid at lumabas ng bahay. "Ano yun?" tanong ko kay kuya.

"Food?" I nodded my head at umakyat sa kwarto para makapag bihis. Si kuya naman nandun sa baba at tumulong sa mga maid.

Sinuot ko ang sweatshirt na bigay ni stepmom at pinartner yun sa short ko. Tinanggal ko ang make up sa mukha ko since hindi pa yun natatangal simula nung natapos ang picture-picture at tiningnan ang mukha ko sa salamin. May band-aid sa pisngi ko dahil sa lalim ng pag kalmot ni Theo. Sa balikat ko naman puro ointment tas nagkapasa din yung thighs ko dahil sa pagsipa ni Theo.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa kwarto at pumunta sa baba. Nagsipag lihis din sila nung dumating ako and kuya cleared his throat. Ano kaya yung pinag uusapan nila? Mukhang seryoso

"Tulungan na po kita," sabi ko sa kakarating na katulong ni kuya. May dala siyang mga paper bags at mga pagkain ang laman nun. Nilagay namin yun sa center table at pinakain ang gutom namin na mga aso.

"Ang sarap nito!" turo ni Carlo sa hotdog na kinakain niya.

"May cheese pa!" Napailing na lang si Kuya dahil sa kakyutan ni Carlo at kumuha din ng kanya.

"Kuya...." Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti ng malapad nang tumingin siya sa akin.

"Hm?"

"Salamat..." Ngumiti si Kuya at ginulo ang buhok ko.

"Anything for my one and only princess,"