Chereads / Hi Flower / Chapter 4 - Start of School

Chapter 4 - Start of School

REINA JOY's POV

Monday. Lahat ay excited sa pasukan ngayong araw maliban sa akin. Kanina pa ako nakikipag-away sa utak ko kung ano ang magandang suotin ngayon na start of school na. Naka-bra at panty pa nga ako nung pumasok si kuya sa kwarto ko at kaagad ring lumabas screaming and cursing my name, "Fuck! GET DRESS! REINA JOY"

Napanguso ako at umirap.

After a long quarrel with my mind, I ended up wearing a plain white sleeveless under my gray sweatshirt, then a striped pencil skirt and my Black Solferino Medium YSL shoulder bag then my white sneaker. I started applying light makeup on my face before heading out. Kailangan ko magpakatao no!

"Mabuti naman at naisipan mong pang bumaba pagkatapos ng tatlong oras," sabi ni kuya habang iniiwas ang tingin sa akin kasi inaayos niya ang bag niya.

"How was it? Do I look good?" I asked. Tumingin siya sa akin at ini-scan ang damit ko.

"Nag Cycling ka?" mabilis akong tumango. "Good. You look good. Let's go na. Or else we'll be late and I hate being late," he said wearing his bag pack and headed out first.

"Oks!"

Sumunod ako sa kanya sa labas and I saw some students walking with their friends towards the school. Nakakamangha kasi napakalayo ng school dito sa JM at nakakayanan nila yong lakarin. Galing!

Kuya starts the engine of his car and we start going to school together. Medyo malayo ang college sa amin. Bali, tatlo o apat na building ang pagitan bago marating ang college. As usual, inihatid talaga ako ni kuya hanggang sa loob ng campus at ipinark ang kotse niya sa parking lot dito. "Here's your id and your others," sabi ni kuya sabay abot sa akin nung id. Sinuot ko naman 'yon at huminga ng malalim.

"I will try to console mom kung pwede ba kitang bilhan ng cellphone. Either her answer is yes or no, I'll still buy you one," he added. Napangiti naman ako at tumango. Another thing he gave to me is a card.

"I transferred your allowance in my account so here's your credit card. Let's keep this a secret. Okay?" Napangiti ako ng malaki sa binigay ni kuya at tumango-tango. Halos mauga ang ulo ko kakatango at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"You are the best brother ever!!"I exclaimed which makes him laughs. Hinalikan ko ang pisngi niya at saka lumabas na sa kotse at nagpaalam sa kanya. Tumingala sa naglalakihang building na nasa harapan ko.

Class Zero. Here I come.

Habang naglalakad ako, rinig narinig ko ang mga bulong ng mga estudyanteng pumapasok din sa campus. Some of them are amazed at how I look and how dazzling I am. Some gives me flowery words yet didn't make me flutter.

Dumiretso ako sa left building kung nasaan ang classrooms ng mga Grade 11.

"Shit! Bagong salta? Ang ganda"

"Love the bag!"

"Anong class kaya siya no? Sana dito nalang..."

"I love the way she makes me smile, she makes me smirk- yes sir!"

"Para siyang barbie! Nakakainggit!"

"Naamoy niyo 'yon? Amoy bagsak!"

"Anong bagsak?"

"I heard kasi from Madam na bad grades yan! ew!" Napa-ikot ang dalawa kong mata dahil sa narinig ko. Ang sarap patulan pero tama naman siya

"Okay lang kung ganyan naman ako kaganda! ang daming opportunities kaya kung maganda ka! Like, okay lang na may bad grades ka basta marunong kang mag model at etc," pagtatanggol nung isa. I smiled.

Ito na. Tumingin ako sa napakataas na hallway nitong building na to at huminga ng malalim. I tilt my head side by side before I start walking towards my dearest new classroom. Nang palapit na ako mas lalong lumakas ang sigawan ng mga estudyanteng nasa likuran ko.

What's the matter with that?

Hindi ko naman masasabing galing yan sa classroom ko kasi nasa Class One pa naman ako. Remember? Each class has 4 doors and I don't know why. Ang ibang estudyante na nasa labas ay natigilan sa ginagawa nila para tingnan ako mula ulo hanggang paa tapos nagbulongan. Mga ignorants frogs

"Are you lost miss?" My brows arch at tiningnan ang lalaking humarang sa daanan ko.

"Bakit?"

"Class Zero na kasi ang pupuntahan mo," At ano naman yun sa kaniya? "Class Zero stands for, Class F, failures," Oh tapos? Tinatanong ko ba tong lalaking to?

"And?" I blink my eyes, twirling my hair using my finger.

"Wala naman...." I tilt my head to the tag in one of their door. Class One and nodded my head.

"You're from Class One?" Kaagad na namula ang pisngi niya at dahan-dahang tumango.

"I see. If you excuse me?" I smiled. Umiwas siya ng tingin at umusog sa gilid.

Pinagtulugan siya ng mga kaibigan niya at hinila siya papasok sa classroom nila. "Mabango ba?" they asked.

"Shit pare! ang bango!" sagot niya. What a pervert. Naghiyawan sila kaya napailing nalang ako at tumuloy sa classroom ko.

I heard gasped kaya tumingin ako sa likuran ko and halos lahat ng estudyante na naghihintay ay hindi makapaniwala sa nakikita nila. They just see me coming to Class Zero though and what's wrong with that? Classroom ko 'to. They are so judgemental. I beam a smile and waves my hand to them before I stepped inside my new classroom.

"AHHHHH!" sigaw nila. Kailangan pa silang sitahin ng mga subject teacher para lang tumahimik. I can't blame them. Even the girls are fangirling for me.

I turned my head to my class and my smile fades when 15 pairs of eyes stare at me. Oh, shoot. I forgot this one.

***

"Please introduce yourself to everyone, Ms. Fuentes." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi nitong prof kong four eyes.

Huminga ako ng malalim at tiningnan sila isa-isa. "Good Morning everyone. I'm Reina Joy Fuentes. I'm from San Martin and was transferred here because of personal reasons and academic reasons as well. I am pleased to meet you and would appreciate it if you'll introduce yourself to me as well," I said.

"HI!!!" Some of the boys stood up and extended their arms. "Ako si Ano, Si Angelo!" Kukunin ko na sana ang kamay niya nang may tumabing nito.

"Hi! Uhm... Ang ganda mo, I.. Am Benjamin," he extended his arm again when someone slapped it.

"Huwag niyo siyang hawakan! Baka may germs kayo. Puta! Hi, Ako si Carlo ng buhay mo," I smile and bow my head.

"Tabi! Mga animal. Dean, Future husband mo," Konti na lang ay nalalapit na ang kamay namin nang may sumapaw na naman.

"Eugene, " Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago naglakad paalis.

"Umupo nga kayo!" sigaw ni four eyes. Nagsipag bulungan naman sila at bumalik din kaagad sa upuan nila at magmukmok doon. "Pagpasensyahan mo na sila, Reina. Pwede ka nang umupo," sabi niya sabay turo sa upuang nasa pinaka gitna.

Umupo ako sa upuan ko at inayos ang bag ko. I wasn't expecting that they'll welcome me this way. I thought kagaya dun sa nakikita ko sa tv. They will bully me and make fun of me. Mukhang hindi naman ganun ang nangyari.

Nagsimula nang magturo si sir at sinabihan niya rin kami na maghanda mamaya kasi may orientation daw na gagawin sa covered court.

"Hi!"

Piste!

Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan yung lalaking umupo sa harapan ko. "Hindi ako nakapag pakilala kasi pinaupo na tayo ni sir. Ako nga pala si Franco Miguel," nakangiting pagpapakilala nito.

Ang pogi niya pag nakangiti ay! labas kasi yung dimples niya. Sana all may dimples.

"Hi..."

"So uhm... may bagsak ka din ba? Kasi dito sa Class Zero, Problemado ang grades namin eh." Sasagutin ko ba siya? Baka pag sinagot ko siya hindi na niya ako papansinin— teka nga! Ba't niya ako tinatanong niyan? Mapupunta ba ako sa section na 'to kung walang problema ang grades ko?

Ang sarap manakal ngayon.

"Umalis ka nga Franco. Naiinis siya sa mukha mo," Someone said. Hindi naman ako naiinis sa kanya. Gagi nagsabi nun ah? Nako-kyutan nga ako sa kanya eh.

"Hi, Reina. I'm Gino," he extended his arm so I reached for it.

At sa wakas ay may nahawakan na din akong kamay ng lalaking galing dito. Jusko. Sapaw-sapaw ba naman sila kanina?

Natahimik si Gino sa ginawa ko at tumayo galing sa pag upo hawak-hawak ang kamay na hinawakan ko. "Heaven heard my prayers" Hala? Dinumog siya ng mga ungas at pinag susuntok ang likod niya.

"SANA ALL!"

"CHINAOIL!"

"Pahawak nga ako!"

"HOY! WAAG!"

Nakatingin lang ako sa kanila at ngumiti. "Ang lambot ng kamay niya," malumanay na sabi nito hanggang sa naging jello na siya. Joke!

***

Pagkatapos ng klase ni Sir four eyes na hindi ko naman alam kung ano ang pinagsasabi niya at tinuro niya sa amin, lumabas na kami sa classroom and as usual ang dami kong kasabay. Hindi ko nga alam ba't sumasabay ang nasa ibang section sa amin eh.

Ito namang mga kaklase ko makaasta eh parang muse ako ng paaralang 'to. Hindi sila bumu-buwag sa akin eh!

Sinusundan ko yung ibang classmate ko. I don't know their names yet dahil hindi sila nagpakilala sa akin. Siguro na bother sila sa mukha ko? Talampakan ko lang sila eh. Biro lang!

Bumaba kami sa hagdanan at dumiretso sa covered court ng school. Pwede naman akong mag skip ng attendance kasi orientation lang naman 'to. Get to know your teacher's ganun pero nag-e-enjoy kasi ako sa spotlight ko ngayon kaya set aside ko nalang muna yung plano ko. Hehehe

Naririnig ko ang ibang students na ayaw mapa-hiwalay sa akin kaya napa-irap nalang ako. Mapapahamak ako sa ginagawa ng mga 'to eh.

Dumiretso ako sa class ko at ngumiti kay Carlo. "Dito ka. Hehehe!" sabi niya. Umupo ako sa tabi niya at pinagkrus ang binti ko. Mabuti nalang at halos lahat ng mga kaklase ko ay nasa itaas kaya walang nakakakita sa suot kong cycling.

"Mukhang hindi ata papasok sila bossing," Bossing? May bossing tong section na 'to?

"Oo nga eh. Baka next week pa sila papasok or bukas"

Wait.

Ilan nga sila kanina? 15 diba? So kulang ng Tatlo? Kasi pang 16 ako. Sino sino kaya sila?

"Uhm.. Carlo, sino yung bossing na pinag-uusapan nila?"

"Si Quintin, Orion at Shannon," sagot ni Carlo. Tumango naman ako at tumingin sa stage. Gandang name ah. Onion.

Nagsimula nang magsalita si Ma'am Principal sa stage at todo hiyaw naman ang Grade 12 at itong mga kaklase ko. "Good Morning, SY: 2021-2022." And again, Naghiyawan na naman sila. Nakakarindi sa tenga.

Napahikab ako at iginala ang tingin ko sa covered court. Napakaboring naman pala dito. Salita lang ng salita si Madam Principal kaya nilaro ko nalang yung kamay ko. Nawalan ako ng gana. Akala ko mag-eenjoy ako dito, hindi pala.

"Kyaaaaahhh!" Ano 'yon?

"You look so bored there." Nanlaki ang mata nila Carlo kaya napatingin ako kung sino ang nagsalita. "Kuya!" sigaw ko. Tumayo ako sa upuan ko para lapitan si Kuya. Kuya hugged me and give me a kiss on the forehead.

Kinikilig ako! Akala ko kasi hindi siya pupunta at bonus kasi may kasama siyang dalawang pogi! Kaya naman pala nagtilian yung mga estudyante. Hehehehe iba talaga effect ng Joseph and the gang.

Ngumiti si Kuya kay Carlo, "Hey, Carlo," Teka... kilala ni kuya si Carlo? Napakunot-noo ako nang may pag-aalinlangan bumati si Carlo pabalik sa kanya. "H-hi," sabi nito at nag pilit na ngiti.

"May I sit?" tanong ni Kuya. Hindi umimik si Carlo at umusog nalang.

Binatuhan ko ng 'Bakit ganyan itsura mo?' look si Carlo pero ngumiti lang siya at nakinig kay Principal. Seriously?

Sabay kaming umakyat ni Kuya sa bench namin. Tumabi sakin si kuya at yung mga kasama niya. Hindi ko alam pero na awkward ako sa mga kasama niyang lalaki. Hindi dahil pogi sila ah! Kasi itong isa sa kanila, kanina pa sila nag nanakaw ng tingin sa pencil skirt ko. Gusto ko nga kalabitin si kuya at makipag palit ng upuan pero nagfofocus din siya kay Principal.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa tabi ko and I saw them smiling while looking down at my pencil skirt and whispers to each other. "Tsk." Napatingala ako and I saw Angelo gritting his teeth like a mad dog.

What the hell?

Pati ang iba naming kaklase ay ang sama ng tingin sa akin—Ay mali. Hindi pala sa akin kundi sa mga kasama ni kuya.

Kuya is trying to lift up the mood towards Carlo kasi nakita ko sila na nag-uusap at mukhang seryosong usapan 'yon. Minsan napapatingin sa akin si Carlo kaya nginingitian ko siya. Ngumiti din siya sa akin tapos tumingin ulit kay Ma'am Principal.

Kuya wrapped his arms around my shoulder as we were both listening to the orientation.

Natapos ang orientation, ganun pa rin ang tingin ng mga kaklase ko kela Kuya. Gusto ko silang tanungin kung ano ang problema. Baka kasi hindi nila alam na magkapatid kami ni Kuya at OMG! Baka akala nila mag jowa kami!! Oh no!