REINA JOY's POV
"Dito na ako kuya. " Binaba ako ni kuya sa harapan ng gate. Niyakap ko muna siya bago ako lumabas ng kotse. Himala nga ulit dahil walang sumalubong sakin. Binigyan na ako ni kuya ng cellphone at sabi niya, nakasave na daw dun yung number niya at yung number ko naman nasa phone niya.
"Good morning," bati ng iilang estudyante sakin. Binati ko rin sila pabalik at sumabay sa kanila papasok sa campus.
Dumako ang tingin ko sa bulletin board at nakita ko nalang ang sarili ko na paika-ikang naglalakad papunta dun. My name was still plastered there but the photo changed.
JM University Face Of The Year
Class Zero- Reina Joy Fuentes
I know this photo is from Kuya's Instagram account. How can I say so? Siya lang naman mahilig mag upload ng mga picture ko na kuha sa DSLR camera niya eh. The photo plastered is me sitting on our couch in San Martin wearing a white crop-top off-shoulder and a tattered denim skirt, smiling widely at the camera. Let me recall the moment real quick. Before he took this photo, I was only wearing a pambahay at the time. Then, he said, "Maganda ang sikat ng araw, let's take a picture?" I was in the mood at that time, so I ran upstairs and changed my clothes. Si Kuya pumunta sa kwarto niya tapos kinuha yung camera niya at we took pictorial sa sala.
May part kasi doon sa sala na maganda picturan. Every time he asked me for a small pictorial doon kaagad kami pumupunta or hindi kaya sa may hagdanan kasi maganda ang lightning doon.
We also have a family photo during that moment na nakaframe doon sa bahay. Hehehehe
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sarili kong picture. Kung last week ay hindi puno ang side na'to ng bulletin, ngayon ay punuan na siya. Yung ibang sticky notes ay nasasapawan na ng iba. Since may oras pa naman ako, binasa ko yung mga sinulat nila tungkol sakin at kinuha ang mga yun.
Plano kong ilagay sa kwarto ko hehehe. Masaya ba ako? Syempre no. Hindi ko ma explain yung kasiyahan ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. Basta ang alam ko, masaya ako. Diba ganon naman talaga? Masaya ka pero hindi mo ma explain kung bakit?
"A trash taking trashes." Napatigil ako sa pagkukuha ng mga sticky note nang marinig ko na naman yung chilling voice na yun. Kay aga aga boses niya kaagad ang babati sa araw ko.
Hindi ko na lang pinansin si Theo at nilagay yung mga sticky note sa notebook ko since silky naman yung mga notebook ko hindi siya mapapano pag doon ko dinikit.
"Oh look, ano to. 'si Reina Joy ay slut galing San Martin' Shocks! Nakakatakot naman,"
"Wala ka na bang ibang maiaasar sakin?" I said without tilting my head to her. Napakabitter talaga ng babaeng to sa'kin. Akala mo naman ikinaganda niya yan.
"Bakit? Nasaktan ka ba?" Nagtawanan yung mga alipores niya kaya ngumiti ako.
"Hindi," nakangiting sagot ko.
Oo, hindi. Bakit naman ako masasaktan dahil lang dun? Eh hindi nga yun totoo. Umalis na ako sa harapan nila at naglakad papunta sa building namin.
Mabuti na lang at nagsimula na ang klase ng ibang estudyante kaya walang nakarinig sa sinabi niya kanina. Kung meron man, baka paniwalaan pa nila yun.
Dumiretso ako sa Class ko at dahan-dahan na pumasok sa loob since masakit pa ng onti ang ankle ko.
"Good Morning sir! Sorry I'm late...." bati ko kay Sir nang makarating ako sa classroom. Nagkatinginan sila dahil sa pagdating ko at hindi ko alam kung bakit. At saka may napansin ako. Tuwing pumapasok ako, late or hindi, kompleto palagi ang Class Zero pero ngayon hindi. Wala akong nakitang Gino ngayon and it's almost 8am. I wonder nasaan siya.
"I...uhm, take your seat Ms. Fuentes," sabi ni sir.
Naglakad na ako papunta sa upuan ko at may bulungan akong naririnig galing sa likuran ko ang lalakas pa jusme. "Bakit?" tanong ko kay Carlo pero nakakunot-noo parin siya at halatang galit. May ginawa ba ako?
Tiningnan ko silang lahat at ganon na ganon din ang expresyon nila lalong lalo na si Shannon, Mara at Quintin. Ano bang meron? Naglakad papunta sakin si Sir at may kinuha sa likuran ko.
"Kilala mo ba kung sino ang kayang gumawa nito?" Huh? Napatingin ako kay Sir at kinuha yung papel na hawak niya at binasa ang nakasulat doon.
I am Reina Joy Fuentes, a legit slut, and an ugly whore.
Napakagat-labi ako dahil sa nabasa ko huminga ng malalim. Kilalang kilala ko kung sino ang gumawa sakin nito. Wala nang iba kundi si Theophany.
Lagot sakin yung babaeng yun! Kakalbuhin ko siya ng todong-todo gamit ang shaver ng lolo ko!
***
Kakatapos lang namin mag take ng lunch at heto parin kami ngayon sa canteen. Today's Mara's treat dahil daw pumasok ako kahit masakit ang paa ko and their way of telling me that I did well.
May binili si Mara na snacks kaya sinimulan na namin yung kainin. Si Carlo busy sa pagkukwento kung ano ang ginawa niya kahapon and I just tils my head at him smiling. Namintig ang tenga ko nang biglang magsigawan ang mga estudyante sa cafeteria.
"Anong meron?" tanong ni Paulo kagat-kagat ang stick ng pinipig niya.
"Ewan...." sagot nila Angelo.
We turned our head at the entrance of the canfeteria and I dropped my utensils nang makita ko si Gino. He is bleeding! Napatayo ako sa inuupuan ko at paika-ikang tumakbo papunta kay Gino kasi anytime babagsak na siya sa sahig.
Sinalo ko siya sa may dibdib ko at hindi na napigilan ang pagsigaw. "Gino!" Wala akong pake kung madumihan ang uniform ko sa dugo niya
"Ano ang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko kay Gino pero binagsak lang niya ang ulo niya sa dibdib ko at ipinikit ang mga mata niya.
Nagtakbuhan na din yung iba pang estudyante palapit sa amin para makiusyoso. "LET US THROUGH!" sigaw ng Class Zero. Nahati sa gitna ang mga estudyante at pinadaan ang Class Zero para lapitan kami ni Gino.
"WHO THE HELL DID THIS TO YOU!?" Shannon asked gritting his teeth.
Ini-angat ko ang tingin ko kay Quintin. "Dalhin natin siya sa clinic." He nodded his head.
Wala kaming pinalipas na segundo at dinala sa clinic si Gino. Nasa panganib ang buhay niya. May mga pasa siya sa mukha at putok din ang labi niya pero ang mas nakapakaba sa'kin ay ang saksak ng kutsilyo sa may tyan niya. Sana lang kaya siya gamutin don sa clinic kasi kung hindi, sa hospital ang bagsak namin.
Binuhat ni Eugene at Orion si Gino tumakbo papunta sa Clinic na gilid ng Main Building. "Your clothes." Tumingin ako kay Mara bago ko dinapuan ng tingin ang uniform ko.
"Reina Joy!" sigaw ni Quintin sa di kalayuan. Hinawakan ko ang braso ni Mara at saka kami sabay na lumakad papunta kela Shannon. "Careful..." sabi ni Mara sa akin habang inaalalayan niya ako sa paglalakad.
***
"Kamusta na po sya?" tanong ko kay Nurse.
"Okay na siya, kailangan lang niya magpahinga. Mabuti na lang at dinala niyo siya kaagad dito kaya konting dugo lang ang nawala sa kanya." Tumango kami kay Nurse at hinayaan siyang lumabas sa ward ni Gino.
"Who do you think?—"
Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila Quintin at pumasok na lang ulit sa ward ni Gino. Kahapon lang kasama ko siya eh. Pinagtatawanan pa namin siya ni Elvie eh. Napabuntong-hininga ako at inayos ang kumot niya. May bandage sa tiyan niya at may mga band-aid din siya sa mukha.
Jusko. Sinong siraulo ang gagawa nito sa kanya. Ipapabunot ko talaga ngipin niya gamit nail cutter!
"Ren?" Napatingin ako sa may kurtina at nginitian si Mara at hinayaan siyang tumabi sa'kin.
"May lead na kami kung sino ang gumawa nito," he opened up.
"Sino?"
"Ang grupo ng kuya mo." What the hell? Bakit na naman nasali si kuya. "Umalis sila Shannon kasi plano nilang komprontahin sila Joseph. They asked me na dito na lang ako para may kasama ka," Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sinabi ni Mara at tumingin ulit kay Gino.
"Hindi kasama si kuya. Alam niyang nagiging close ko na ang Class Zero, malabong kaya niyang saktan ang mga taong malapit sa'kin," sagot ko kay Mara habang hinihimas ang buhok ni Gino.
Oo, siraulo ang kuya ko at mukhang gulo pero alam ko at may tiwala ako na hindi niya 'to kayang gawin.
"Yan din ang sinabi ni Quintin. Ang sabi ni Shannon ay kakausapin lang naman daw nila at nangakong hindi maghahanap ng gulo," he answer in defense sa mga kaibigan niya. Kung ganon nalang din at kakausapin lang nila si Kuya. Wala naman akong problema don. Ang importante sakin ay malaman kung sino ang gumawa nito kay Gino.
Bumayani ang katahimikan sa ward ni Gino at hindi na rin nagsalita pa si Mara. Wala na rin naman siyang sasabihin. Nacurious nga ako, pano na yung klase namin for afternoon subject eh nagsipag-alis kaming lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko na nagvi-vibrate at sinagot ang tawag ni Kuya. [are you okay? Wala bang nangyari sa'yo?] Grabeng bungad ah! Wala man lang good afternoon.
"Walang nangyari sakin Kuya. 'Wag kang OA."
[Ako pa talaga ang OA? Nandito ang mga kaklase mo sa classroom ko at pinaexcuse ako. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!]
"Okay lang ako pero itong kasama ko hindi,"
[I know.... kamusta naman na siya?] Bumuntong-hininga ako at tumingin ulit sa gawi ni Gino. Hindi ko mapigilang hindi malungkot.
"Okay na din siya...." mahina kong bulong. Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi ko. "W-wala ka namang ginawa diba?" Please, sabihin mong wala...
[Wala? I'm in my class the whole day. I mean, we both know how much I love fights but why I would I pick a fight with someone who errs close with my sister?] Tumingin ako sa gawi ni Mara at kitang-kita ko ang pagtango niya kaya napangiti ako.
[Sige na, I gotta hang-up. Pababalikin ko na diyan tong mga kaklase mo, and told them to call me first before they stormed in my class.]
"Opo." Pinatay na ni Kuya yung tawag.
Naglulukso ang puso ko sa saya dahil sa sinabi ni kuya. Sabi na eh! Hindi niya 'to kayang gawin. "Kung hindi ang kuya mo? Sino?" he asked out of the blue. Wala akong masagot sa tanong na 'yan.
Malay ko bang may nakaaway si Gino na hindi namin kilala? Hindi naman ako pwede mag point out na si Kiefer kasi ano naman ang magiging motibo niya para saktan si Gino?
"Mhm..." mahinang ungol ni Gino. Napatigil ako sa pag-iisip at kaagad na tumayo sa kama para lapitan si Gino.
"Gino?" Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at tumingin sa paligid. He was about to sit up pero pinigilan siya ni Mara. "Humiga ka muna, fresh pa yung sugat mo sa tiyan," I nodded in second motion.
"Si Reina Joy?" Napa-angat ako ng tingin at napakunot-noo. Why is he looking for me? Hindi niya ba ako nakikita? Obviously, nasa tabi lang niya ako. Or he didn't noticed me?
Ngumiti si Mara at tumingin ulit kay Gino. "Bakit?"
"Where is she?" tanong ni Gino. Nagkatinginan ulit kami ni Mara bago ko winagay-way ang kamay ko sa harapan ni Gino.
"I'm here..." Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at napapikit.
"Thank God," kampanteng bulong niya bago humiga ng maayos sa kama. My shoulder blade drops. Hinawakan ni Mara ang balikat ko. Ngayon ko lang din kasi napansin na nakakunot-noo pala ako sa hindi malamang dahilan.
Pinatulog namin ulit si Gino at hinayaan siyang magpahinga. Nagpaalam na din ako kay Mara na pupunta muna ako sa classroom para kunin ang susi ko sa locker para makapagpalit ng uniform since puno ito ng dugo.
"Mag-ingat ka," sabi ni Mara.
Hawak-hawak ang iPhone 12 Pro Pacific Blue ko, tumungo ako sa hagdanan at hindi na muna pinasin yung mga nagpapapicture sakin kasi nga ang dungis ko tingnan. Pati sila Cecil na nakasabayan ko, hindi ko na muna pinansin.
Dumiretso ako sa classroom ng Class Zero at napabuntong-hininga. Kinuha ko ang bag ko at hinanap yung susi ng locker ko when I found it, lumabas na ako ng classroom at naglakad papunta sa locker para kunin ang extra uniform ko.
When I got it, I headed to the woman's comfort room at naghanap ng bakanteng cubicle. I quickly change my uniform when I heard gossip. "You heard what happen sa Class Zero?" Napatigil ako sa pagtupi ng palda.
"Oo nga eh! I can't believe na meron palang makakapabagsak sa isang estudyante ng Class Zero"
"Same girl! Unbeatable kaya sila!"
"Sino kaya sa tingin mo yung gumawa nun kay Gino no? Ang pogi pa naman ni Gino tas sweet."
"True! Naging crush ko siya nung pasukan. Kasi naman, ang cute niya, ang pogi tas ang daldal pa!"
"Mapapatay ng Class Zero yung gumawa nun kay Gino,"
"Hindi na malabo yan. Narinig ko nga na isa sa mga taga Class Zero ay nakapatay na eh!"
"Oo nga pala no? Nakakatakot,"
"Pero hindi pa naman natin sure kung totoo ba. Baka rumors lang."
"Baka,"
Bumukas ang pinto at kasunod nun ang pagsara kaya naman lumabas na ako sa cubicle at tumingin sa salamin dito sa CR. I blinked my eyes. May nakapatay sa Class Zero? Sino yun?
***
Nakaupo lang ako sa kama ni Gino at tinitingnan siya habang natutulog. Hindi kasi ako matigil kaiisip dun sa sinabi niya. Thank God daw. Tas yung sa Class Zero din na nakapatay. Sino ang namatay and sino ang pumatay? Teka! Bakit ba ako nagpro-problema niyan ngayon. Gino need assistance. Set aside ko na muna yung sa Class Zero. Ayoko ma stress.
"Ren,"
Huminga ako ng malalim at tumingala kay Mara. "Bakit?"
"May naghahanap sa'yo sa labas," I frowned my brows.
"Sino?" Nginitian lang niya ako ng pilit kaya tumayo ako sa kama ni Gino at lumabas sa Clinic.
Binati ako ng mga nurse kaya nginitian ko sila pabalik. Pagkalabas ko, nakita ko kaagad si kuya na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Tumabi ako sa kanila ng tahimik. Nabaling ni Kuya ang atensyon niya sa akin at saka ako niyakap. Niyakap ko din siya pabalik bago bumawag.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanya.
"Balak ko sanang pumasok sa loob para makita si Gino but Shannon and Quintin won't allow me. Nasa loob ka daw kasama si Mara so I told them to call you for me." Tumango ako sa explenasyon ni kuya at binatuhan ng tingin si Kiefer.
Ngumiti lang siya sa akin at tumingin kay kuya. I wonder if alam na ni kuya na pinopormahan ako nitong kaibigan niya. "Ganon ba? Bakit moko pinatawag?" bumuntong-hininga si Kuya at pinaupo ako sa bleacher.
"I just want to make sure that you're fine. Masama ba?" I shook my head. Kuya is innocent. He proved himself na pero yung mga kasama niya, hindi ko alam. Who really knows na sila pala ang gumawa nun? Pero, what's the motive then?
Binigyan ako ni kuya ng vitamilk kaya kinuha ko yun at pinabuksan sa kanya bago uminom. "Do you want to go home? It's already 3 pm," ika ni Kuya. Go home with his friends? That sounds like a bitter idea.
"Hindi na muna, dito nalang muna ako."
"Are you sure? Pwede nating ipa-admit si Gino," Kuya said.
"Nagising na si Gino kanina, pinatulog namin siya ni Mara ulit para magkalakas siya," Nginitian ko si Kuya habang hawak-hawak yung bote ng vitamilk.
"Osige.... tumawag ka kung uuwi ka na," bilin ni Kuya. I nodded my head. Hinawakan ni Kuya ang pisngi ko at saka hinalikan ang noo ko. Tumayo na si kuya at sumunod naman sa kanya si Piercy. Kiefer stopped in front of me so I tilts my head at him. "Mauna na kami," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Nagulat ako nang hawakan ni Quintin ang braso ko kinuha ang kamay ko galing sa pagkakahawak ni Kiefer. Maging ang ibang Class Zero na nag-uusap sa gilid ay nabigla sa ginawa ni Quintin at lumapit sa'min.
"As far as we have discussed, we don't want to cause a fight because Reina Joy is here. Makaka-alis ka na." Tiningnan ng masama ni Kiefer si Quintin bago naglakad palayo. Hawak-hawak ni Quintin ang braso ko tas yung isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko.
Nakatingin lang kaming lahat kela kuya hanggang sa makalabas sila sa gate tsaka lang ako binitawan ni Quintin at napakamot sa batok niya.
"Ren!" Nabaling ang tingin ko kay Mara nang tawagin niya ako.
"Bakit?"
"He's awake."
***
"Namukhaan mo ba yung gumawa nito sa'yo? Saan to nangyari? Ilan sila?" Oh diba! kakagising lang ni Gino tinadtad na kaagad siya ng tanong ni Shannon.
Umiling si Gino at bumuntong-hininga. "Nakamask sila. Pero may napansin ako sa mga daliri nila—"
"Tattoo?" Tumango si Gino sa sinabi ni Angelo.
Tumingin muna silang lahat sa'kin siguro para sa insight ko? Hindi ko alam. "Bakit?" nakakunot-noo kong tanong pero umiwas lang sila ng tingin at napahawak sa sentido nila.
Bakit? Anong meron? Bakit ganon sila makatingin sakin? Yung tingin na may pag-aalala at pagtataka. OMG! Akala ba nila ako ang gumawa nun kay Gino!?
It's already 5 pm nang sabihan ko sila sa uuwi na ako. Okay na din naman si Gino at hinihintay nalang nila yung pagdating ng parents ni Gino para e-uwi siya. Hindi ko nga alam kung paano nila e-eexplain ang sitwasyon ni Gino ngayon eh.
Nagugutom na din kasi ako at inaantok na. Kung magtatagal ako dun, baka maabutan pa ako ng gabi edi ending, papagalitan ako ni Kuya. Kaya ngayon na maaga pa lang, mauna na akong umuwi. "Samahan na kita," pagrerepresenta ni Quintin.
"Sige."
Sabay kami na naglakad papunta sa entrance at nagpaalam kay kuyang guard. Nang makalabas na kami ni Quintin sa campus napabuntong-hininga na lang ako at tumingala sa kahel na kalangitaan. Nakaganda ng kalangitan tuwing sunset. Sana nga araw-araw ko 'tong makikita eh
"Uhm... Reina Joy?"
"Hm?"
"Nililigawan ka ba ni Kiefer?" Tumingin ako kay Quintin at binalik ang itngin ko sa daanan. Hindi naman ako nililigawan ni Kiefer diba? Nakipagdate lang naman siya sakin pero hindi niya naman sinabi na manliligaw siya.
Umiling ako kay Quintin. "Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi—"
"Plano mo ba siyang sagutin?" mabilis niyang sagot sa sinabi ko. Nabulunan ako sa sarili kong laway at napatingin sa direksyon niya.
"Hindi no! Apaka manyakis nun—" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Jusko.
"Did he—"
"Hindiii! Ano! First impression lang. Kasi nung una ko siyang nakita nung orientation, nakapencil skirt lang ako nun eh tas ayon, todo tingin siya sa legs ko." Tumingala ako sa mga mata ni Quintin and I swallowed the lump in my throat when he also stares back.
Yung puso ko
"Is that so?" he asked. Umiwas kaagad ako ng tingin at tumango bago pinaypayan ang pisnge ko. Nagbublush ba ako? Anong nangyayari sakin? Puchanginamers!
"Yung kay Gino. Kilala niyo ba sino gumawa nun?" paglilihis ko ng topic.
"Hindi pa... pero kung kilala man namin, kami na bahala dun," Is he assuring me? Anueba yaaan! Kinikilig ako? Piste.
"Ah..." I absent-mindly answered. Napa-kamot ako sa ulo ko at tumango. Huminto kami sa harap ng bahay. Tumigil din siya kaya nagpaalam na ako sa kanya.
"Reina Joy..."
"Bakit?" Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.
"W-wala. Mauna na ako," Edi mauna ka? Char.
"Sige... mag-ingat ka." Nagsimula nang maglakad si Quintin habang kumakamot sa batok niya.
Napahawak ako sa labi ko at tinampal iyon. Sinong tangang ngingiti ng walang dahilan? Ako lang ata yun?