REINA JOY's POV
Mag alas-dose na at hindi pa rin ako makatulog dahil sa sagot ni Kuya sa tanong ko kanina. When we got home, I asked him about what happened between him and class zero and he said, "Hindi mo na 'yon kailangan malaman. I want you to enjoy your Senior High years without thinking about what happened. Kung ano ang nangyari sa amin. Amin-amin na yun." 'Which left me clueless. He said that so meaning may nangyari nga sa grupo niya at sa Class Zero.
Umupo ako sa kama ko at lumabas sa kwarto para uminom ng tubig. I'm wearing my night dress without my bra of course. Sanay na sila dito sa bahay na ganito ako tuwing gabi kaya hindi na sila mabibigla pag nakita nila ako ng ganto.
Dumiretso ako sa ref at kumuha ng tubig at saka iyon ininom. Kailangan ko nang matulog kasi anong oras na ayokong mapuyat ang maganda kong mukha dahil lang don sa sinabi ni Kuya noh! I'm sure one day malalaman ko rin ang dahilan kung bakit ganon.
***
KNOCK! KNOCK!
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok galing sa pinto ng kwarto ko. Ano ba yan! Kitang natutulog ang tao—"Open this goddamn door, Reina Joy Fuentes,"
Sabi ko nga babangon na ako.
"Saglit lang! Kitang natutulog eh!" Ginulo ko ang buhok ko bago ako tumayo galing sa kama at binuksan ang pinto. Kuya threw a towel on my face that makes me scoffed. "Late ka na. Ligo na." Tinulak niya ako sa papasok sa kwarto ko kaya napawhine ako at binagsakan ng pinto si Kuya bago pumunta sa CR.
Totoo nga? Late na ko?
Tumingin ako sa wallclock ko at tumakbo papasok sa CR para maligo. "LATE NA AKO!!!!!"
"Bilisan mo!" sigaw ni Kuya.
***
"Oh. Kape."
Tiningnan ko siya ng masama. "BAKIT HINDI MO SINABING MALAMIG PALA ANG TUBIG?!" Oh diba, ang aga-aga pinapagalitan ko siya. Jusko naman kasi! Hindi niya sinabi sakin na malamig pala ang tubig edi sana hindi na ako naligo! Andaya niya
"Nagtanong ka?" Aba!
"Eh bakit pinaligo mo ko?" Kuya shrugged his shoulder and sipped on his hot coffee. "Tangina mo!" bulong ko sa tenga niya bago ininom yung kape ko. Naiinis ako sa kanya. As in INIS na INIS ako sa kanya.
Mukha siyang pwet!
Pagkatapos naming mag-almusal. Kinuha ko na yung bag ko sa couch at sinabit yun sa balikat ko. "Una na ako. Pwet—este! Kuya" Putcha! Nadulas pa dila ko. Pft
"Wait up." Napakunot-noo ako nang kunin rin ni kuya ang bag niya at tinapon ang susi ng kotse niya sa kanyang sala bago naglakad papunta sakin. "Maglalakad ka?" Tumango siya sa tanong ko at naunang maglakad paalis.
I smiled, "Eh bakit?" Nakalayo na si Kuya kaya tumakbo ako papunta sa kanya at pinulupot ang braso ko sa braso niya.
"I just want. Ayaw mo ba akong makasabay?" I smiled widely. Kaya naman pala! Gusto niya akong makasabay.
"Sabihin mo, namiss mo lang akong ihatid!" Tinawanan ako ni Kuya at tinanggal ang pagkapulopot ng braso ko sa braso niya at saka nilagay ang braso niya sa kabilang balikat ko.
"Syempre! Napaka-famous na ng kapatid ko eh,"
I smiled and flip my hair in his face. "Proud ka?"
"Kelan ba ako hindi naging proud sa'yo?" Napangiti ako sa sagot ni Kuya. Kahit kailan talaga to si Kuya ang galing magpa-soft ng tao.
Sabay na kaming naglalakad papunta sa school. May nakasalubong kami na nagpapicture sa akin. Dumistansya si Kuya pero hinihila ko siya pabalik kasi balak ko siyang isama kaya ayon, todo ngiti siya. Nagpasalamat kami ni Kuya pagkatapos nung picture-picture na yun at nagsimula na namang maglakad.
"Nasasanay ka na sa ganito no?" I blinked.
"Hindi naman. Nahihiya parin ako no! Oo, maganda ako pero nakaka-awkward din."
"Sa mukha mong yan?" Tinampal ko nga ang tyan niya. Nang-aasar na naman siya
"Reina!" Napatingin ako sa tumawag sa akin at akala ko kung sino si Manhattan lang pala. Deja vu nga eh. Kaagad siyang umiwas ng tingin ng makita niya si kuya. "Good morning, Joseph," pormal niyang bati kay kuya. "Morning" Nakatangong sagot ni Kuya.
"Sasabay ka?" I asked. Umiling si Manhattan at may binigay sa akin na notebook. "Pinapabigay ni Orion. Notes mo daw yan sa Pre-cal. Nandyan na din daw yung reviewer mo para sa darating na weekly exam. 'Wag kang mag-alala. Hindi ko yan binuksan." Tumango ako at binuklat ang notebook.
"Mauna na ako, Ren. Kita kits! Sige Joseph." Tumango si kuya at sinundan ng tingin ang tumatakbong si Manhattan.
"Parati mo ba siyang nakakasabayan?" he asked out of the blue.
"Kahapon pa lang," sagot ko sa tanong niya. Napaisip ako bigla. Kahapon ko siya na kasabayan kasi the other week, ako lang mag-isa naglalakad. Grabe, ang loner ko
Binasa ko yung mga notes na sinulat ni Orion at jusko! Kahit saan talaga angulong tingnan, napakaganda talaga ng sulat kamay niya. Nilagyan pa niya ng mga highlight yung mga equations at mga dapat tandaan. Ibang klase talaga tong si Orion.
"I see... wala naman siyang tinatanong sa'yo?" I shook my head.
Binuksan ko ang bag ko at nilagay dun yung notebook ko. "Ako nga yung nagtatanong sa kanya eh. Hehehehe" sagot ko sa kanya. Alam kong ayaw marinig ni kuya yun pero dahil honest ako. Sinabi ko.
"Ano ang mga tinatanong mo?"
Hmmm... "Yung tungkol sa inyo." Pinandiinan ako ni Kuya ng tingin at saka pinisil ang beywang ko.
"Masakit!" Inirapan niya lang ako hanggang sa makarating kami sa gate. Sinwipe ko yung ID ko at pumasok na sa campus.
Himala at walang sumalubong sa akin ngayong araw na'to. Dumiretso ako sa building ng Grade 11 at pinunasan ang pawis ko sa noo habang naglalakad sa mahabang hallway. Walang mga estudyante sa classroom ng Class Four, Pati na rin sa Class Three, Two at One.
"Asan ang mga tao dito?" I whispered. Dumiretso ako sa Class Zero at pumasok sa loob.
"Good morning!!" bati ni Carlo sakin.
"Good morning, musee!" Lumapit si Ivan sakin at bumeso.
"Morning," bati nila Nestor, Paulo at Ken sa akin habang nagpaparty sa ML sa likurang parte ng classroom.
"Ang aga mo ata?" Napatingin ako sa pinto at nginitian si Orion kasabay si Manhattan. "Anong maaga? 7:15 na kaya—" Tumingin ako sa wall clock ng classroom at napabuga ng laway. "6:30 PA!?"
"May relo ba kayo sa bahay niyo?" Tinapunan ko ng masamang tingin si Carlo.
"Si kuya! Sabi niya late na daw ako! Kaya hindi ko na tiningnan ng maayos yung oras. Kaya pala wala pang tao sa Class Four hanggang One." Tinawanan lang nila ako kaya napanguso ang maganda.
Binaba ko yung bag ko sa upuan ko at tumabi kela Nestor sa likod na naglalaro ng ML. Wala gusto ko lang sila panoorin hehehehe. "Nabasa mo ba yung nasa bulletin?" tanong ni Orion. Umiling ako. Hindi ko binibigyan ng pansin yung mga bulletin board except kung ipapaskil na dun yung grades ng mga estudyante.
"Bakit?"
"Face of the year ka." Lumingon ako kay Dean na kakarating lang at nakipag highfive sa mga kaibigan niya. "Ako? Face of the year? Diba face of the month or week muna?" sagot ko. Nag-shrugged sila at lumapit sa'kin.
"Gusto mo makita? Tara!" They exclaimed excitedly. Pinabayaan ko sila na hilahin ako palabas ng classroom at ako naman ay nagpatianod sa kanilang lahat. Nang makalabas kami sa classroom, punuan na sa hallway. Nagsidating na kasi ang mga estudyante sa ibang class.
I hear mumbles everywhere. Bakit daw ako naging face of the year agad. Pano daw kung may lumipat na mas maganda pa sa'kin. Mga ganon. Naglakad kami papunta sa ground at itong mga kasama ko ay pinagtutulakan yung mga estudyante na nakatayo sa harap ng bulletin board palayo at tinulak ako papunta doon.
"Excuseee!"
"Ay! Hi ate!" bati nung mga High School. Nginitian ko lang sila at saka sila nagsigawan. Ang boys naman ay todo kaway sa mga sumisigaw kaya pati sila sinisigawan na ngayon.
"Ang pogi nung isa oh!"
"Oo ngaaa!" The screams. Nagtutulakan pa ang iba. Jusko. Kalma! Kami lang 'to. Char.
Tumigil kami kung nasaan yung A4 portrait ko.
JM University Face Of The Year
Class Zero- Reina Joy Fuentes
"Oh diba!" sabi ni Carlo at tinuro ang picture ko.
It's me, wearing a grey turtleneck and black skinny jeans, standing with my right hand on my waist. I'm smiling not because I'm taking a picture. I'm smiling because of the person who took the picture for me. My best friend.
Napangiti ako sa picture na nasa board but at the same time, gusto ko siyang punitin. Naalala ko yung nakaraan ko sa picture na yan. Naalala ko kung ano yung nangyari sakin nung araw na yan at yan yung araw na hinding hindi ko makakalimutan.
Huminga ako ng malalim habang nakatutok sa picture ko at binasa ang mga sticky note na nakapalibot doon. There are a lot of comments praising my beauty and said na standard na daw yung mukha ko sa pagiging model ng Maybelline and other products at bagay daw ako maging school ambassador, at marami pa silang sinabi.
"Reina Joy," Napatingala ako sa tumawag sakin. Napa-atras ang ibang boys habang si Carlo ay mabilis ako itinago sa likod niya pero kumawala ako sa kanya at lumapit kay kuya para yakapin siya.
"It's coming back...."I whisper at him.
"I know..." bulong ni Kuya. Hinagkan niya ang noo ko kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. "Where's Shannon?"
"Late," walang ganang sagot ni Quintin.
"Mara. Since your class president is not around. I would like to excuse my sister for today."
"May we know the reason?"
Kuya heaves a sigh, "Please?"
"Okay. Ibibigay ko na lang sa'yo yung bag niya mamaya." Tumango si Kuya at nagsimula na kaming maglakad palayo. Hindi ko muna pinakinggan yung mga bulong-bulungan nila kasi bumabalik sakin yung sakit na pilit kong tinatakasan ng ilang taon.
***
"Oh." Kinuha ko ang binigay na burger ni Kuya at kinain yun pagkatapos kong punasan ang luhang lumalabas sa mga mata ko. "Oh," sabi ni Kuya at nilagay sa tapat ko ang vitamilk na pinabili ko sa kanya bago siya umupo sa harapan ko.
Inayos niya ang buhok ko at saka napabuntong-hininga. "I thought I already asked someone to delete that photo. Sino nakahanap nun?" Napayoko ako sa tanong ni kuya. Hindi ko siya masasagot kasi wala akong ideya kung sino ang nag request na maging face of the year ako.
"Maayos na ba pakiramdam mo?" Tumango ako ng dahan-dahan at ngumiti sa kanya ng tipid.
"Do you want me to replace the photo?" I shook my head. Yun na yung nakita ng ibang estudyante. Magugulat sila kung bakit pinalitan yon. "Are you sure?" I nodded my head. Siguro oras na rin na huwag kong taguan yung pangyayaring yun.
It's traumatic, yes. Sabi nga nila, 'face your fears' . Pagkatapos kung ubusin ang pagkain ko, ininom ko na yung vitamilk at tumingin sa labas ng bintana.
"Something's bothering you." Napabuntong-hininga ako at tumingin kay kuya bago ngumuso at dinokmok ang mukha ko sa mesa ko. "Is it her again? occupying your mind?" I nodded. It's always her who occupies my mind. The one who gave me this trauma.
Everything is good, not until I met her.
"Do you want to go home muna and take a rest? 10 am pa naman oh. You can go back to sleep," sabi ni Kuya. Hindi ko planong umabsent ngayong araw ayokong maka-miss ng klases. "Papasok ako mamayang hapon," I said. Kuya blinks his eyes in surprise.
Mukhang hindi pa siya makapaniwala na sinabi ko yun. "Are you sure?" I nodded my head. "Wala din naman akong gagawin sa bahay." Wala nang nagawa si kuya kundi ang tumango.
After I finished my food and after he paid for them. Lumabas na kami sa 7/11 at naglakad pabalik sa school. "I'll fetch you later, okay? Mag-ingat ka." He planted a soft kiss on my forehead before he paved his way straight for his school.
Hinintay ko siya na makapasok sa gate ng school niya bago ako pumasok sa loob ng campus. Hindi ko na dinapuan ng tingin ang bulletin board at diretso na lang naglakad papunta sa building ng Grade 11.
Halos lahat ng estudyante na madadaanan ko ay sinusundan ako ng tingin. I'm not surprised. I just cause a scene earlier kaya natural lang 'to. Halos mabingi ako sa katahimikan habang dumadaan sa hallway. Napapatingin ako sa mga classroom pero nakasara yung sliding window kaya napayoko na lang ako at tumuloy sa paglalakad.
Itinaas ko ang tingin ko para tingnan kung malapit na ba ako and I smiled when I saw Gino leaning on the wall. "She's here!" sigaw ni Gino nang makita niya ako.
Naglabasan ang Class Four, Three, Two at One dahil dun at saka na patungo. What the heck is happening? Mabibigat na yapak ang narinig ko kaya napatingin ako sa likuran ko and I blink my eyes when I saw the Grade 12 rushing on our hallway.
Tumigil ang mga Grade 12 sa unang pinto ng Class Four at tumungo sa akin. Nagbow ako sa kanila bago ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Class Zero kung nasaan yung mga kaklase kong nakanguso maliban kay Shannon at Quintin na nakakrus ang braso.
"Reina Joy...." tawag ni Carlo sakin at saka ako niyakap ng mahigpit. Napangiti ako at niyakap din siya pabalik.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit naglabasan sila sa mga classroom nila at bakit nakatungo sila pero wala akong planong alamin yun. I need to be alone for some time. "Okay ka lang?" Ini-angat ko ang tingin ko at nginitian si Franco.
"Oo naman." Lumapit din siya sakin para yakapin ako.
Lumapit na rin ang iba at inikotan ako. "Sure ka ayos ka lang?" paulit-ulit nilang tanong. Kanina pa ako tango ng tango kasi pang ilang tanong na nila 'yon.
"Namamaga ang mga mata mo," sabi ni Eugene at binigyan ako ng shades. Siya na rin nagsuot nun sa'kin.
"Umiyak ka no?" tanong ni Henry and I chuckled.
"Pumasok na kayo," sabi ni Shannon at na unang pumasok sa loob ng classroom. Lumapit si Mara at Quintin sa kin at inayos ang buhok ko. "Tara na." I told them. Pumasok na kami sa loob, inayos pa nila yung upuan ko para maging komportable ang pag-upo ko.
"Bakit ang daming pagkain dito? May pamigay ba?" I asked. May chippy, Toblerone, Nutella, may Pepsi, may red ribbon cake, Cola-cola na malaki, may fries, burgers, fried chicken at rose sa mesa ko. "Yung rose, fries, burger at fried chicken samin galing yan. Hehehe! Aray!" sigaw ni Carlo pagkatapos siya kurotin ni Gino.
I arched my brow and frowned. "Para san to?" Tumayo ako sa pagkakaupo at tumabi kay Quintin para buksan ang box ng cake.
'We love you, Reina♥
from Class Two'
I smiled at tiningnan ang class zero eyeing the food on my desk. "Hindi kayo kakain?"
"Nestor. Bumili ka ng tinidor at kutsara. BILIS!" Napatayo si Nestor sa upuan niya at kinuha ang perang inabot ni Shannon at hinila si Ken. "Ay! Putek! Ayoko sumama!" reklamo ni Ken.
"Kakain ka o hindi?"
"Syempre kakain! Halika na! Ang tagal mo naman."
***
Nagsimula na kaming kumain pagdating ni Nestor. Bumili siya ng tatlong pack ng paper plate tas apat na pak ng plastic spoon and fork tsaka binigay sa amin isa-isa. Una nilang nilantakan yung cake kaya kumuha ako ng konting at inako yung isang rainbow lollipop tas pumunta sa teachers table.
Pinakuha din namin si Sir. Ninakaw kasi namin yung class hours niya kaya ayun. He asked if he can bring some snacks for the other teachers and I said yes. Napuno ng tawanan ang Class Zero dahil sa kinakain nilang cake. Kinuha din nila yung nutella kasi tas nilagay yun sa ngipin nila. I mentally rolled my eyes until Luiz jumped off in front of me and said, "NGONGO!" Nabuga ko ang iniinom kong coke sa mukha niya.
"Ano ba yaan! Kadiri!" sigaw nilang lahat.
"Ang OA ah—" Kumuha si Luiz ng Icing dun sa natirang cake at pinahid sa mukha ko. "Gague to. Gusto mo masampal?" Kumuha rin ako ng Icing at naglakad papunta sa kanya. Hindi pa ako tapos kumain tapsos dinidisturbo na niya ako?! "Lumapit ka dine, Luiz!"
"Oh...ps....." Nag-init ang ulo ko dahil sa kahayupang ginawa ni Carlo. Ipahid ba daw yung kamay niyang may nutella sa mukha ko? SA.MUKHA.KO?!
"HAHAHAHAHAHA REN! NASAAN KA?" Mga yawa?
Huminga ako ng malalim at inayos ko ang buhok ko at saka 'yon kinumpol para matali in messy bun. Kinuha ko yung natirang black icing sa box ng cake at saka iyon nilagay sa kamay ko.
"Uhm... " Tiningnan ko si Carlo at Luiz na nagtatago sa likod ni Shannon.
"BOYS." Tumayo silang lahat including their president nang tawagin ko sila. "Ready." Inilabas nila yung kamay nila na may icing at chocolate ng nutella. I smiled widely dahil dun at saka ko tinuro sila Carlo sa likod.
"ATTACK!!"
***
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang wipes ni Orion. Galing ako sa CR para maghilamos. Actually, hindi lang ako kundi kaming lahat! Right now were here at the classroom cleaning the mess that we did earlier.
Akala niyo siguro hindi kami pinagalitan no? Diyan kayo nagkakamali! Pumunta sa classroom namin si Madam Principal at pinagalitan kami ng bonggang bongga! -10000 daw kami sa langit kasi pinaglaruan daw namin yung pagkain. :((
"Ano ba! yung ilong ko!" sigaw ni Franco pagkatapos ipasok ni Dean yung tissue sa butas ng ilong niya. "Apaka likot mo kasi! Yung cake hindi makuha singuhin mo nalang,"
"Gago ka ba? Ayoko nga! Gamitin mo yang daliri mo!"
"Hindi ako nam fi-finger!"
"Sino ba nagsabing finger-in mo ilong ko?"
"Ikaw!"
"Sabi ko ipasok mo yang daliri mo para yun yung kukuha sa cake, bingi ka ba?"
"Sinabi mo kaya kanina. Luh!"
"Sabi ko—"
"Sabi ko tumahimik kayong dalawa!" Ayan! ang ingay kasi. Pinagalitan tuloy ni Ivan.
"Si Dean eh."
"Ako na naman? Ampupu"
Napailing na lang ako at tiningnan ang mukha ko sa full length mirror dito sa classroom. Pinunasan ko yung noo ko at yung pisngi ko hanggang sa natanggal na yung icing sa mukha ko. "Meron pa." Tumingin ako kay Quintin at hinayaan siyang tanggalin ang icing sa buhok ko habang ngumunguya ako ng fries.
"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni Quintin. Why did he ask that out of the blue?
"Nakita ka naming umiyak nung yumakap ka sa kuya mo. You are sobbing so hard." Kumuha ulit ako ng fries at saka iyon kinain. "We will not force you to open up because we know you will, at the right time."
"Salamat." I tilt my head to him and smile.
"Anything for our muse."