Chereads / Hi Flower / Chapter 9 - Date

Chapter 9 - Date

REINA JOY's POV

"A-aray kuya! Dahan-dahan." Tinapp ni kuya ang Ice pack sa ankle ko at saka napabuntong-hininga.

"Dahan-dahan? Eh nung naglaro ka ba sinabi mo sa kalaban mo na dahan-dahan?" pagmamaktol niyang sagot. Napanguso ako at hinawakan ang binti ko habang ina-angat niya yun palapit sa kanya.

Hindi ko binanggit sa kanya na si Theo ang nakalaban ko. Baka ipalipat niya ako ng school sa gitna ng klase noh! Tsaka nag-eenjoy na ako sa Class Zero!

"Para sa grades naman yon eh," sagot ko sa kanya. Iniwasan kong makipageye contact kay kuya. Hindi kasi ako makapagsinungaling pag nakatingin ako sa mga mata niya. Baka mabisto pa niya ko.

"Mag-ingat ka naman sa susunod. Paano kung mas worse pa ang nangyari?" Tumango ako kay Kuya at hinayaan siyang ikot-ikotin ang paa ko. Napapahawak pa ako sa buhok niya dahil sa sakit. Hindi rin naman siya pumalag sa ginawa kong paghila kasi alam niyang doon ako humuhugot ng lakas. "Aray...aray!" daing ko.

Napanguso ako pagkatapos niyang hilahin ng biglaan ang paa ko. "Aray, Kuya!" sigaw ko pagkatapos niyang hilahin ng biglaan ang paa ko. "Psh." Nilagyan niya ng cast ang ankle ko para daw hindi masyadong sumakit.

"Huwag ka nang masyadong maglikot baka mapano pa yang paa mo," saad ni Kuya. Tiningnan ko ang benda sa paa ko at huminga ng malalim.

"Sir, may bisita po kayo!" sabi ng mayor doma ni Kuya. Nagpalitan kami ng tingin. "May bisita ka bang pupunta dito ngayon?" Napatingin ako kay Kuya at dahan-dahang umiling. "Who could that be then?" he whispers. Kinuha niya ulit yung binti ko at pinatong yun sa coffee table ng dahan-dahan at binigyan ako ng throw pillow bago siya lumakad palabas ng bahay.

Sinundan ko siya ng tingin at nagningning ang mga mata ko nang maagilap ko ang Class Zero sa may gate. Ang iba ay palihim akong binati kaya binati ko din sila ng ngiti.

"Why?" malamig na tanong ni kuya. Apaka sama talaga. Ganyan na ganyan siya tuwing bibisita ang Class Zero dito sa bahay.

"We're here to visit our muse," kalmadong sagot ni Shannon.

"She's doing well. You can go."

"Pero kakarating lang namin!" singit ni Carlo. Tama! Kakarating lang nila tas paalisin na sila ni Kuya. hmp!

Nagtitigan muna si Shannon at Kuya bago lumingon si Kuya sa akin, nginitian ko siya kaya napa-irap na lang siya at tumabi sa daanan. Nagsimula nang pumasok silang lahat at nagsitulakan papunta sa sala. Umupo sila sa couch ni Kuya at inilatag ang mga dala nilang pagkain sa sahig habang nakatingin sa akin.

"Kamusta na paa mo?" tanong ni Quintin.

"Ayos na naman...." I smiled.

"Dito mo ilagay yung pizza! ako bumili niyan ih," ika Nestor.

"May ambag din kaya kami! lah!"

"Joseph pahiram ng plato, kutsara, at tinidor," utos ni Shannon. Tiningnan siya ng masama ni Kuya kaya napangiti ako.

Tumingin si Kuya sa akin at umirap pumunta siya sa kusina para maghanda ng mga utensils. Kaya love na love ko si kuya eh! Kahit meron siyang hindi pagkakaintindihan sa Class Zero, pinipilit niya pa rin ang sarili niya na maging approachable sa kanila kapag nandito ako.

"Call me when you need me," sabi ni Kuya at hinalikan ako sa noo bago siya pumunta sa itaas.

Tumabi sa akin si Carlo at pinulupot ang braso niya sa braso ko. "Nood tayo movie!" Kung itatanong niyo kung anong araw ngayon, sabado lang naman. At heto sila ngayon binibisita ako. Mind you, 18 sila dito. Mabuti na lang at malaki tong bahay ni Kuya.

"Ate! May pepsi po kayo? Hehehe pwede po pahingi?" nakangiting sabi ni Carlo sa maid ni Kuya.

Binuksan nila yung TV tas naghanap ng movie sa Netflix. Mga pucha! Feel at home talaga. Si Quintin ang nagplay nung In The Tall Grass. Aangal pa sana yung iba pero wala na silang nagawa kasi si Quintin yun eh. Bossing nila yun. Kumuha ako nung pagkain at may itinabi na konti para kay kuya in case gutomin siya.

"Ate, pakidala po 'to kay Kuya. Nasa taas siya," sabi ko sa kanya. Kinuha ni ate ang plato na bigay ko at naglakad pataas. Umupo ulit ako ng maayos at dahan-dahang binaba ang paa ko sa coffee table para makinood narin ng movie. Katabi ko si Carlo at Gino.

It's 12 pm in the afternoon when we suddenly heard a knock on the door. "Ako na." Presenta ni Dean at tumayo galing sa pagkakaupo sa sahig at tinakbo ang pinto ng bahay. Kami naman ay nakadunggaw sa sala doon sa pinto at halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang nakita ko si Kiefer, Piercy, isang babae at tatlo pang lalaki walking in. They are surprised too when they see Class Zero here.

"Anong ginagawa niyo dito?" galit na tanong ni Kiefer.

Walang sumagot sa tanong niya, maliban sa'kin. "Binisita lang nila ako," I said. Inirapan ako nung babae at naglakad paitaas. I conclude siya yung ex-girlfriend ni kuya? Yung Elizabitch. Ang sama ng ugali. Buti nalang talaga wala na sila. I wouldn't dare watch Kuya with that ugly personality biatch.

"Kamusta ka na, Reina Joy?" Napalitan ng pag-aalala ang mukha niya kaya ngumiti ako at tumingin sa Class Zero. Seryoso lang ang mukha nilang lahat habang nakatingin kela Kiefer. "Mas mabuti na." Tumango si Kiefer at may gusto pa sanang itanong pero tumikhim si Shannon.

"If you have nothing else to ask, you can go. Nakita mo naman siguro na nanunuod kami ng palabas di ba?" I kind of agree. Nasasapawan kasi nung boses niya yung music kaya mas mabuti nga kung umalis na sya. Joke lang! Hindi lang talaga ako comfortable sa kanya.

Tingnan niya muna ng masama si Shannon bago sila umalis sa harapan namin. Hinintay namin na makalayo silang lahat bago namin binalik ang tingin sa tv hanggang sa matapos namin yung movie.

Alas 4 ng hapon na naisipan ng Class Zero umuwi. Mind you! Nakatapos lang naman sila ng halos tatlong movie :> Una namin pinanood yung In The Tall Grass, then sunod yung #Alive tapos last yung Midsommar.

Chill na chill sila habang nanunuod ng Midsommar lalo na doon sa isang explicit scene habang ako todo pikit sa mga mata ko at takip sa dalawang tenga ko habang sila? Ayon tinatawanan yung scene na yun! Apaka manyakis!

Tumayo ako ng dahan-dahan para sundan sila sa may pinto at para rin makapag-paalam ng maayos.

"Una na kami, Ren! See you sa mondaay!"

"Opooo! Salamat ha,"

"Nako! Wala yun!" Nginitian ko sila at winave ang kamay ko.

Napako ang tingin ko kay Quintin kasi nakatitig siya sa akin kaya nginitian ko siya. "Hoy! Tara na!" sigaw ni Orion. Nabalik sa dati niyang wesyo si Quintin at sumakay sa kotse ni Orion.

"Ingat kayo!" I beamed.

Ngayon ko lang napansin na sampu pala ang kotse na dala ng Class Zero dito. Yung dalawang kotse na nasa kabilang side yun yung kotse ng mga kaibigan ni Kuya. Ang rich kid ng Class Zero... Mapapasana all ka nalang

Pumasok na ako sa loob nang maka-alis na ang Class Zero at dumiretso sa sala para linisin yung mga kalat na iniwan ng Class Zero. "Tulungan ka na po namin, Ma'am," sabi nung mga katulong ni Kuya. "Sige po, salamat po!" Kinuha nila yung mga baso kasi napakarami nun habang ako ay dinampot ang mga plato sa coffee table. Nilagay ko sa lababo yung mga platong ginamit namin at hinugasan yung kamay ko.

"Kaibigan niyo po ba sila, Ma'am?" tanong nung mayor doma ni Kuya.

"Oo po. Kaklase ko po sila." Nabigla siya sagot ko. "Mga lalaki lahat?" tanong nito sa akin. I nodded my head.

"Pero huwag ko kayong mag-alala. Mababait po sila," I assure them.

"Halata naman po, Ma'am. Napakakulit pa!" sabi nung isa na kakabalik lang galing sa labas pagkatapos itapon ang mga basura sa sala. "Oo po.... Huwag po kayong mahiya sa mga yun! Approachable po sila," I said.

"Hahahaha ang cute nga nung katabi niyo, Ma'am. Napakahilig mang-asar!" Yes. Carlo is really that kind of person. Nginitian ko lang sila at nakinig sa mga comments nila sa Class Zero. I keep on nodding my head habang nakikinig.

"Yung pogi, Ma'am. Mukhang kilala ko yun," sabi ni Ate na nakabun.

"Alin po doon? Pogi kasi silang lahat eh," I answered, laughing.

"Yung brown po yung buhok? Yung mahaba ang pilik mata at diamond yung mukha? Yung nasa tabi po nung tinatawag niyong president?" I squints my eyes to remember our sitting arrangement earlier. I snapped my fingers. "Ah! Si Quintin? Kilala mo siya?" Mabilis na tumango si Ate.

"Oo po!— Oh diba, sabi sa'yo eh si Quintin yun!" sabi niya doon sa katabi niya at ngumiti sa akin, "nakatrabaho po kasi ako bilang katulong sa bahay nila. Grabe po yung lahi nila, Ma'am. Mapapajaw-drop ka talaga!" I smiled.

Well, that's not a surprise. Mukha pa lang ni Quintin napapajaw-drop na ako, how much more kung makikita ko parents niya diba?

Pagkatapos kong makipagchikahan sa mga katulong ni Kuya, umakyat na ako sa itaas hawak-hawak yung railings ng hagdanan kasi baka out of balance ako edi double kill ako. Makakalakad naman ako, ayaw lang ni kuya na gumalaw-galaw ako kasi baka mabinat yung paa ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang bumukas ang pinto ng kwarto ni kuya at niluwa nun sila Kiefer na may hawak na libro. Nagbow lang ako sa kanila at dumiretso sa kwarto ko pero hinawakan ni Kiefer yung pulsuhan ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Uhm... Free kaba bukas?" he asked. Bukas? Ano ba bukas? Linggo bukas diba? Wala naman akong gagawin.

"Bakit?" tanong ko. Tumingin siya sa likuran ko at ngumiti.

"I would like to ask you for a date"

***

"Kanina ka pa tahimik. Don't you like the food?" tanong ni Kuya sakin. Nginitian ko siya at nilagay sa mesa ang kutsara at tinidor ko. Adobo ang ulam ngayon, favorite ko. Pero wala akong ganang kumain. Iniisip ko yung sinabi ni Kiefer.

"Reina Joy!"

"What ba!" bulyaw ko. Inirapan ko si Kuya at uminom ng tubig. Nanggugulat siya eh!

Nilagay niya sa noo ko yung kamay niya at napakunot-noo. "Wala ka namang lagnat. Bakit wala kang ganang kumain?" tanong nito. Porket walang ganang kumain may lagnat na? Di pwede may iniisip lang? Ang OA ha.

"Kuya, when you ask your girlfriend for a date, ano yung reaksyon niya?" I curiously asked. Kumain muna si kuya bago sinagot yung tanong ko.

"Of course, she'll be happy because the one and only Joseph Fuentes asked her for a date,"

"Pano kung hindi ko gusto yung nag-aya nun?"

"Are you saying that someone asks you for a date?" Oh, shoot. Hindi ko naisip na itatanong 'to ni kuya.

"Ha? Wala..." Nginitian ko si kuya at umiwas ng tingin.

"Sino?" tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tinanong ni Kuya at hindi siya sinagot. Hindi ko alam kung boto siya kay Kiefer pero para sakin, ayoko talaga kay Kiefer. Gusto ko nga siyang deadmahin nung tinanong niya ako pero napakabastos naman nun.

Kahit may pag ka mean ako, hindi naman ako ganong klaseng tao. There's just something kay Kiefer na hindi ko maexplain kaya ayokong makipaghalubilo sa kanya. Pero malay natin diba? Pag makikipagkita ako sa kanya bukas mawawala tong iniisip kong bad sides niya? Hindi natin alam kung ano ang meron siya

Baka rin masagot niya ang mga tanong ko tungkol sa Class Zero.

Napatingin ako kay Kuya kasi binaba niya ang kutsara niya at tiningnan ako ng masama. "Sasabihin mo or itatanong ko kay Mara?" Eh?

"Wala nga kuya! Nakakainis ka naman eh!"

"Ako pa talaga nakakainis?"

"Eh sino ba nagpipilit? ako ba?"

"You really think you can fool me?" Nakakunot-noong tanong nito. Apaka tigas talaga ng ulo nitong lalaking 'to.

"Wala nga kasi! As in wala! Question Mark. Apostrophe. Comma, Period!"

"Okay then, kumain ka na." Wala na akong nagawa kundi kumain. Lagot ako sa kanya pag ipipilit kong hindi kumain. Baka palasin pa niya ako dito.

Pagkatapos kong kumain, tinulungan ako ni kuya na tumayo sa upuan ko at umakyat sa kwarto. Siya na din nagdala ng mga gamot ko dun tas pinahiga niya ako.

Ganito siya kabait pag may sakit ako. Ampupu pero pag wala! Jusko! Wag na lang natin pag-usapan.

"Matulog ka na. "

"Pero hindi pa ako inaantok—"

"Tulog na," Napanguso na lang ako at humiga ng maayos sa kama ko.

"Good night, Princess."

***

"Tama ba tong ginagawa natin? Baka ako ang papagalitan ng kuya mo," may pag-aalinlangang sabi ni Gino.

Tiningnan ko ng masama si Gino nang makasakay na ako sa kotse niya. "Oo nga. Tara na" Napakamot nalang si Gino sa ulo niya bago niya inistart ang kotse. Sinabi ko sa kanya kung ano ang gagawin ko ngayon at sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ko siya.

Siya lang din kasi yung naisip ko na hindi ipagkakalat 'to kasi super introvert ni Gino. I'm sure na wala siyang sasabihan nito. "Sure ka ba talaga na sisipotin mo si Kiefer? Ako ang kinakabahan para sa'yo eh," tanong niya habang nagda-drive. Ako rin naman kinakabahan. Tumingin ako sa gawi ni Gino na nagda-drive at napakamot sa ulo ko.

I'm wearing a Philipp Plein mini tweed dress under was a plain white t-shirt and maple leaf strap sandals. Wala na kasi akong maisip na suotin kaya ito na lang and this is not a formal date after all.

We arrive at the exact location. "Do I look good?" tanong ko kay Gino.

"You always look good. Are you really sure you're meeting, Kiefer? I mean, do you like him?" he asked in an approachable tone.

"No! I just don't know how to decline such words that's why I'm here."

"You can ditch him." Tiningnan ko ng masama si Gino.

"Napaka bad influence mo. Hintayin mo na lang ako dine," bilin ko sa kanya. Nginitian lang ako ni Gino at tumango. He stepped out in the car first before me. He open the door in my side and holds my hand as I stepped out. Sinara ko yung pinto ng kotse at nagpasama kay Gino sa entrance ng restaurant.

"I'll wait in the car," sabi ni Gino. I nodded my head.

Inayos ko ang buhok ko bago ko tinulak ang pinto nitong restaurant na pagkikitaan namin. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Kiefer kasi baka naindian niya ako but i'm wrong. He stood up the moment he saw me and walk to my direction.

"Akala ko hindi ka makakapunta," said, Kiefer. Akala ko rin.

Oh my gosh! Why I sound so mean to him? Dahil ba 'to sa nalaman kong issue nila at ng Class Zero? Or dahil sa pagtingin niya sa legs ko? Ano ba 'to! Nababaliw na ako

"Wala sa bokabularyo ko ang hindi sumipot sa mga date eh," I replied.

It is true naman. Hindi ako pinalaki nila stepmom at dad para hindi siputin yung mga nag-aaya sa'kin ng date. Stepmom always told me that, a way to love someone should base on how they treat you privately or publicly.

"I'm glad. Have a seat." Hinila niya yung upuan at since paika-ika ako ngayon, tinulungan niya akong umupo sa upuan na nasa harapan niya at nagtawag ng waiter.

By observing him right now, I'm kinda surprise na iba ang pakikitungo niya sakin at sa mga waitress. Ibang-iba sa pagiging mean niya sa Class Zero.

"What do you like to eat, Rena?" he asked the moment I laid my eyes on the menu.

"I'll go with pasta meatball bolognese and lemon juice." Agad na nilista yun nung waiter kaya binalik ko na sa kanya yung menu.

"I'll dine like hers," Kiefer said.

Tumango yung waiter at sinabihan kami na maghintay ng 30 minutes at ihahanda na nila yung dishes namin. Umupo ako ng maayos at tumingin sa glass window. I don't know what to open up to him and I don't have any courage. Mas maganda kung mag open-up siya ng kusa no!

Keifer takes a sip of his cola before he darted to me. "So how're your feet? I heard from your brother na injure ka daw?"

"Okay naman na. Ginagalaw ko na siya para hindi hussle bukas."

"Ahh... bakit ka pala hindi sumabay sa amin last week?" Oh. Is he referring that day na pumunta sila sa bahay para makasabayan kami ni kuya? Bakit binabalik na naman tong tanong na 'to.

"Ah... nagmamadali kasi ako tapos ang tagal maligo ni kuya kaya nauna nalang ako," I lied staring into his forehead since I can't put myself to stare on his eyes.

"Ganon ba?" pagdududa nito.

Mukha ba akong nagsisinugaling? Nagsisinungaling naman talaga ako TT TT. Sorry Lord

"Oo! Bakit?"

"Akala ko kasi iniiwasan mo ko," Natatawa na sabi niya but I know deep inside he's overthinking. Na-guilty tuloy ako. Feeling ko napakasama kong tao. "But I'm happy that it turned out, I was wrong," he added. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"If you will give me a chance—"

"Reina? OMG! What a coincidence!!" Binawi ko kay Kiefer ang kamay ko at tumingala. Save by Elvie. Umiwas ng tingin si Kiefer at may binulong sa sarili niya.

"E-Elvie! Hi!" I greeted her back.

Habang nakatingin si Kiefer sa gilid, kinausap ko ang mga mata ni Elvie gamit ang tingin ko at parang nagets naman niya ang gusto kong iparating. Ngumiti si Elvie at hinawakan ang kamay ko. "Grabe girl! May date ka pala? Hehehe! Hi! Pwede ko ba munang hiramin si Reina Joy?" Nanlaki ang mata ni Keifer sa sinabi ni Elvie.

"No, we're on a date!" giit niya. The right guy can't say no to the girl's friend when she asked something right? Like, kahit labag sa loob niya? Matanong ko nga si kuya tungkol diyan!

"As you can see kasi! I suck at fashion so I want my friend Reina Joy to come with me! You know, fashion things...." Hinalikan pa ni Elvie yung pisnge ko kaya ngumiti ako..... ng pilit.

Tiningnan ng masama ni Keifer si Elvie. "No—"

"Sigee!" I inserted, "sasamahan ko lang naman siya pero pag natagalan kami, you can go home first naman."

"But... you haven't eaten—"

"I can eat later! busog pa din kasi ako," Nginitian ko si Keifer at kinuha ang shoulder bag ko sa kabilang chair at tumayo.

"Girl! Balita ko nga may bagong dating sa Givenchy! We should check it out! I can't wait to know your taste of clothes for me!"

***

Tinadtad ako ng tanong ni Gino kung bakit daw ako umalis sa restaurant. Hindi man lang daw ako nakatagal ng isang oras. Ngumiti ako sa kanya at tumayo sa tabi niya. "Elvie came.... Did you know? He hold my hand. Gosh! If Elvie didn't show up baka ano na yung sinabi niya," I told him.

"Ano ba mga sinabi niya?"

I squints my eyes to remember what happened earlier. "He said that if he has a chance and he got cut off. I know what's next to that," I told Gino with my forefinger raising up, "he'll ask to court me! Diba?" Gino nodded his head.

"Mabuti na lang pala talaga dumating si Elvie...." sabi ni Gino.

Mabuti na lang talaga...

Nandito kami kasi sa Givenchy and Elvie wasn't lying when she said na magpapatulong siya sa akin about her fashion. I gave her a heads up naman while Gino is beside me, making sure I won't fall on the floor because of my ankle.

He is that caring, I know.

"How about this one?" Elvie approached me with an unfamiliar clothes. "Nope. Next." Nagdabog siya at tumakbo pabalik sa pile ng mga damit. May na-attract ang mata ko na isang short black dress na may tali sa may waist kaya kinuha ko yun.

"What do you think about this one?" I asked Gino. Iniscan naman niya yung damit at napakunot noo.

"It's too uhm short don't you think?" I shook my head.

"Elvie!" Wala pang isang segundo, tumakbo na pabalik sa akin si Elvie.

"Try this one nga...." nagning-ning ang mga mata niya at kaagad na kinuha yung damit. Simula kasi nung dumating kami dito, puro siya lang pinapili ko kaya ngayon, ako naman.

Nag-antay kami ni Gino ng ilang minuto bago lumabas si Elvie sa dressing room. Napangiti ako ng malapad nang makita ko ang itsura niya while this guy beside me was left speechless. "Uhm... Reina?" Elvie asked shyly at binigyan ako ng nag-aalinlang na ngiti.

"Don't worry, you look so much pretty now!"

"Talagaaa?"

"Yes! Don't you think Gino?" Siniko ko si Gino. Naging speechless kasi siya! Hehehehe

Not surprise. Elvie is pretty. She has fair skin and like pear type body. Yep! She has thick thighs, long straight hair, her face is oval plus! Her eyes are monolid. Her lips is plump— If it weren't because of me, she might be hail as face of the year. She's pretty.

"Huh? O-Oo... B-bagay sa'yo," pabulong niyang sabi.

"S-salamat..."

Aysus! Nagkahiyaan pa!