REINA JOY's POV
"Students! Please go out in your respective classroom and head to the field," anyonso sa speaker. Kakatapos ko lang magpalit ng black jogging pants at white t-shirt. Inayos ko yung buhok ko sa salamin sa banyo bago ako lumabas. Pumasok ako sa classroom para kunin ang wallet ko at kumuha ang cash at saka iyon nilagay sa bulsa ng pants ko. I always have cash with me kasi in case may mangyari like mauuhaw ako or magugutom ako, may pera ako lagi.
Pagkatapos mag-ayos ng Class Zero nagsipag-labas na sila kaya sumunod ako sa kanila. Si Carlo akap-akap yung braso ko habang si Franco nakatayo sa gilid ko. "Anong meron ba today? Kakabili ko lang nitong low tops sneakers ko ih," I asked.
"Ewan. Baka may palaro?" patanong na sagot ni Franco.
"Hey, President. Wala ba silang binanggit nung meeting niyo?" tanong ko kay Shannon na nasa unahan. Umiling si Shannon habang seryosong nakikipag-usap kela Mara, Quintin at Orion. Ano kayang meron.
May lumapit sa aming mga bubwit kaya napangiti ang Class Zero. "Hi ate! Pwede po pa picture?" sabay nilang tanong. "Sige... anong grade na ba kayo?" I asked them.
"Grade 7 po!" Mga Grade 7 pala. Hindi halata. Akala ko elementary pa dzai! Ang li-liit nila eh.
Kinuha ni Henry yung cellphone nung babae. Lumayo ng konti si Carlo sa akin para makapag pose ako at saka kami nag picture. After taking picture, binalik ni Henry yung cellphone nung babae sa kanila. "Salamat pooo! Pwede po ano, pakurot ng pisngi niyo?" I laughed and nodded my head.
Kinurot nila ang pisngi ko at nagsigawan bago tumakbo pababa sa building. Napangiti na lang ako at saka tumingin sa Class Zero. Napatigil din pala sila sa paglalakad para hintayin ako. Hehehehe "Arat na!" Pinulupot ko ulit ang braso ko sa braso ni Carlo at saka kami nagpatuloy sa paglalakad pababa ng building papuntang field.
"Bumalik na daw si Theophany,"
"Oo nga eh! I'm sure babalik na din yung mean girls niya."
Theophany?
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko yung pangalan na yun. "Ren? Hoy! Okay ka lang?" Napatingin ako kay Carlo at dahan-dahang tumango. Ngumiti ako sa kanya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating kami sa field, I can't help but get amaze. Malaki ang field at may maliit na Brick wall barrier ng SHS at College. Napangiti ako nang maaninag ko sila kuya na naglalaro ng dodgeball sa field nila. Napangiti ako at sumunod kela Shannon na naglalakad papunta sa bleacher namin.
"Fall in line, students!"
Hindi pa nga kami nakakaupo, lumakad na naman kami papunta sa gitna para mag fall in line. Hinila ako ni Shannon at nilagay sa unahan kaya napalingon ako sa kanya. "Hoy! Andaya! Diba ikaw dapat una?" pagdadabog ko. Ginaya lang ni Shannon ang sinabi ko bago siya pumunta sa likuran ko tapos si Quintin, Si Manhattan at Orion and then sunod-sunod na. Apaka daya talaga nitong mokong na'to.
"Good morning students."
"Good morning, sir," bati namin pabalik.
"Mid mid,"
"Tumahimik ka, Carlo. Ang lakas ng boses mo."
"Ay, sorry bossing. Hehehehe"
Ang ingay ng mga nasa likuran ko. Sino pa ba? Edi itong Class Zero. Nagtatawanan sila habang nagbibigay ng instruction si Sir sa harapan. Nilingon ko sila sa likuran ko at muntik na akong mapamura nang nakita kong nag ML yung mga gago!
Lagot kami kay Sir pag nakita niya 'tong mga bwesit na 'to na hindi nakikinig. Napahilamos ako ng walang tubig sa mukha ko at saka hinarap ang Class Zero. "Akin na nga yang mga cellphone niyo!" Kinonfiscate ko yung mga cellphone nila at niyakap ang mga 'yon bago bumalik sa linya ko.
Nanlaki ang mga mata ni Sir sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya. Pati yung taga ibang class natawa sa ginawa kong pag confiscate ng cellphone. Ipinagpatuloy na ni sir yung sinasabi niya and he said na we need to do jogging daw and then we will proceed to the main activity. In addition sa ginawa ko, binawian ni Sir ng cellphone ang lahat ng estudyante at nilagay yun sa bag niya.
Nagsimula nang mag jog ang Class Four tas sunod ang Class Three then followed by Class Two and Class One. Syempre kami pinakahuli. Class Zero eh. Walang special, special sa school na to remember?
Nauna ang boys sa akin kasi inaayos ko pa yung sintas ng sapatos ko. I was about to start jogging nang may biglang humarang sa daanan ko.
"Look who's here, my dear friend,"
Ini-angat ko ang tingin ko at napakunok sa kaba. Theophany. Paano siya nakapunta dito? Did she move here nung nag transfer siya galing San Martin? How come hindi ko siya nakita nung first day of school? Bakit hindi 'to alam ni kuya? He wouldn't let me meet this girl again though.
"Na-miss mo ba ako?"
"O-Oo.." Damn. Why am I stuttering.
"Natakot ba kita?" she asked, smiling widely. May kasama siyang tatlong babae ngayon. Siguro mga alipores niya?
"Hindi....." I answered. Nginitian niya ako at saka tinanggal ang Chanel Hairclip ko at nilagay yun sa buhok niya. "Do I look gorgeous?" she asked with her annoying smile.
Absolutely horrible.
She copied my flip hair and smiles in front of me. I can't move an inch. Natatakot ako. "I heard na face of the year ka daw. Ang ganda ng napili kong picture diba?" My hand turned into fist on its own after she said those words. So siya pala ang nagpatrigger sa ala-ala ko. Gusto ko siyang suntukin sa mukha ngayon at sabihin harap-harapan na hindi ko na gustohan ang ginawa niya.
"Ano? Ba't natamimi ka diyan?" she asked, twirling her hair on her finger.
"Napa-isip lang ako—" I said. Her eyes widened, waiting for the continuation of my sentence, "that my hair clip doesn't fit with you. Para lang kasi yan sa mga maganda ang ugali at mukha at sa mga babaeng may appeal." I smiled and took my Chanel Clip from her hair and placed it back on my hair.
"A-are you saying hindi ako maganda?!"
"Ikaw na mismo nagsabi niyan." Nginitian ko siya at nagsimula nang mag jog para makasunod sa mga kaklase ko. I heard a loud groans from her kaya napabuntong-hininga ko. Why did you end up like this, Theophany?
I just keep on jogging and so does Theo. She ran to her classmates which is Class One and rolled her eyes in my direction. Umiwas na lang ako ng tingin at ngumiti kay Jasper kasi kanina pa niya ako sinudundan ng tingin.
When we reached the final lap, umupo ako sa bleachers at hinabol ang hangin sa katawan ko. Para na akong umiyak dahil segu-segundo pumapatak ang pawis ko galing sa noo ko. Nakalimutan ko pang magdala ng towel. Aish!
Tumabi sakin si Jasper at nilagay sa gilid ko yung mineral bottle. "For you." I smiled and mouthed a Thanks to him before I start drinking the water.
"Nakita ko yung ginawa niya," Does he mean? "yes, Si Theo. Nakita ko yung ginawa niya sa'yo,"
"Bakit hinayaan mo lang siya maging ganon?" Yan yung tanong na kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ko masasagot. "Alam ba to ni President at Joseph?"
"Wag mo nang ipaalam. Ayoko ng gulo," bulong ko kay Jasper.
"Sure ka?" Tumango ako sa tanong ni Jasper at ngumiti bago ko ipinagpatuloy ang pag-inom ng tubig.
Naalala ko kasi yung sinabi ni kuya na huwag ako maghanap ng gulo. Ipinangako ko yun sa kanya. Hanggang sa makakaya ko, gagawin ko. Pinatawag ulit kami ni Sir kaya nagsipag tayo na kami at lumapit sa kanya. This time sa gitna na ako ni Quintin at Shannon.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa palinga-linga." Ngumiti ako kay Quintin at tumango. Hinahanap ko si Ken at Paulo. Wala kasi sila dito, hindi ko alam kung san sila pumunta.
"This time, we will play dodgeball," anyonso ni Sir. Katulad nung nilaro nila kuya?
"With a twist!" he clasped his hands together, "each class will form into two groups and since si Reina Joy lang ang babae sa Class Zero, ita-transfer ko siya sa Class One since most of them are girls."
Napahilamos ako sa mukha ko ng de oras dahil sa sinabi ni Sir. Tumingin ako sa gawi ng Class One at nakita ko ang maliit na guhit sa labi ni Theophany. Not that annoying smirk again.
"Okay so, let's move, move!" Pinatt ni Shannon ang likod ko at tumango. Tumingin muna ako sa Class One. Pinagclasps nung iba yung mga kamay nila praying that I'll be on their side in which I hoped too. Ayoko kay Theo and I would never be-group her.
Lumakad ako papunta sa Class One at hinarap yung grupo ng babae na nakahawak kamay sa isa't-isa. They turned their to look at me and smile widely. "Hii!! Hehehe ako yung master ng fanclub mo!" Eh? Kailan pa ako nagkaroon ng fanclub?
Nginitian ko siya. "Ako nga pala si Cecil." Iniabot niya sa'kin yung kamay niya kaya kinuha ko yun para makipag kamay sa kanya.
"Ito si Elvie, executive assistant ko. Tas si Belle, siya yung tig edit ng mga photo mo then si Jonila—" pagpapakilala niya sa mga kasama niya. Kinamayan ko sila isa-isa at ngumiti.
"Para saan yung fanclub?" tanong ko pagkatapos kong makipag kamay sa kanila. Nagkatinginan sila at napa kamot sa batok.
"Ih baka hindi mo napapansin, umabot na kasi outside JM ang fever mo. Hehehe minsan may dumadayo dito yung taga ibang school para lang makita ka at since isa rin naman kami sa kanila na nahawa sa fever na dala mo, nag-suggest si Cecil na gumawa na lang kami ng fanclub!"
"Oo! Tas andun sa group page namin yung mga photos mo!" ika Belle
"Kahit 1hr pa nga pinost ang picture mo umabot na ng 1k likes eh! tas 2k comments! Ganon ka ka grabe!" Kinikilig na sabi nila.
Napangiti naman ako. "Grabe, salamat ah! Hindi ko akalain may mabubuo pa lang ganyan," natatawa na sambit ko. Kinilig sila at nagyakapan kaya napangiti ulit ako ng malapad.
"Hindi ka galit sa amin?" tanong ni Cecil.
"Hm? Bakit naman ako magagalit?"
"Eh kasi ginawan ka namin ng fanclub?"
"Hindi noh! Na-appreciate ko nga ginawa niyo," saad ko pa. Nagtilian sila at umikot ikot dahil sa saya. Hindi komapigilan ang sarili ko na hindi matawa dahil sa mga reaksyon nila. "Wala ka bang Facebook? Pwede ka namin e-add doon! T'yak magiging masaya ang mga Joynatics!" Napanguso ako.
"Wala eh. Dinelete ko,"
"Ay sayaang!" may pagkadismaya nilang sabi.
Oo, dinelete ko yung facebook ko at dahil yun kay Theo. Marami kasi kaming mga pictures doon na hindi ko mabura-bura kaya yung mismong Facebook ko na lang ang dinelete ko. Now it's gone for good.
"Hehehehe"
Pumito na si Sir kay nagpa-ayos na kami ng tayo. "Grupo tayooo!" Tumango ako kay Jonila at tumabi sa kanila. Tumingin ako sa gawi ng Class Zero at lahat sila nakangiti habang nakatingin sa'kin. I wonder why
"Let's start with Class Four." Umalis na muna kami doon at pumunta ng bleacher ng Class Zero.
"Hali kayo!" tawag ko kela Cecil para papuntahin sa area ng Class Zero. Nagdadalawang isip pa sila kaya napangiti ako. "Huwag kayong matakot! Pag kinagat nila kayo, sabihin niyo lang sa'kin." Nagkatinginan silang apat bago sila lumakad papunta sa bleacher namin
Pinatabi ko sila sa tabi ko which is sa gitna nila Shannon at Mara. Hindi naman pumalag sila Shannon since nakafocus ang atensyon nila sa laro ng Class Four. "Grabe! Ang seryoso pala ng boys sa Class Zero no?" Dinapuan ko ng tingin si Elvie at tumango.
"Sabi kasi ng ibang section barumbado daw sila kaya nakakatakot," ika ni Cecil.
"Yan din akala ko," bulong ni Belle. Napatingin ako sa Class Zero at pati sila natawa sa narinig nilang bulong-bulungan galing sa mga kasama ko bago bumalik sa panunuod.
"Hoy muse! Pakilala mo naman kamiii! Andamot naman nito." Binilatan ko si Eugene pati yung iba. Bahala sila jan! Minsan lang ako may kausap na babae ehh.
Pinanuod namin maglaro ang Class Four girls at kung sino ang mananalo sa kanila, yun yung makakalaban ng nanalo sa Class Three na girls. Ganun din sa boys.
Nanalo ang right side sa girls at napangiti dahil sa pinakita nilang sportsmanship. Yung nanalo ay umupo sa kabilang side habang yong boys naman ay nagsimula nang maglaro.
***
Tumatakbo pabalik sila Ken galing sa labas at binigyan kami isa-isa ng mineral water. Yaman naman ng mga to. "Thanks!" nahihiyang sabi ni Elvie pagkatapos niyang kunin yung tubig na bigay ni Paulo.
Nginitian ko si Ken at saka bumalik sa panunuod. Ang lakas tumapon ng Class Four. Ako yung natatakot sa kung sino man ang matamaan nun. Napakalakas kasi. Mag-isang oras na at natanggal na yung nasa left right sa Class Four.
Ngayon, it's girls vs boys.
Binuksan ko ang mineral water ko at saka uminom don. Shannon and Orion are discussing the techniques kasi naririnig ko silang naguusap kung ano ang dapat na posisyon para sa pag-bato. Nagko-kontradict naman si Quintin at sinabing mas tama yung kanya hanggang nagtalo na silang tatlo.
"Tumahimik nga kayo!" Tinapunan nila ako ng masamang tingin sabay turo sa isa't-isa.
"Si Shannon eh."
"Anong ako? Sinabi ko lang naman yung tamang pag-bato ah?"
"Mali nga yon. Dapat umasinta muna."
"Eh paki mo ba—"
Napairap na lang ako. Magkakaroon pa ata ng Dean x Franco part 2 dito. "Hi, class losers," I froze in my seat when I heard that voice. Tumingala silang lahat kay Theo maliban sa'kin.
"It's Class Zero," Pagtatama ni Orion. Yash secretary! "Whatever. Losers pa rin kayo." Umiwas ako ng tingin at hinawakan ng mahigpit ang mineral water ko.
"And hello, face of the year." Kinilabit ako ni Carlo pero hindi ko siya pinansin at binaba lang ang ulo ko. Ayoko siyang makita. Alam kong inaasar lang niya ako ngayon at hindi ko 'yon nagugustuhan.
"Napaka snabera naman ng face of the year!" Hindi ako snabera, Theo. Apaka pangit lang ng mukha mo at hindi kita kayang tingnan. "Ito ba yung face of the year ng JM? Hindi nga ako kayang tingnan,"
"Ren..." tawag ni Jasper sakin. Inilingan ko siya kaya tumango siya. "O baka naman napaisip siya na mas maganda ako kesa sa kanya at hindi niya deserve maging Face of the year?" Nagtawanan yung mga kasama niya na ikinakulo ng dugo ko.
I deserve that recognition. Gusto ko yung sabihin sa pagmumukha niya but I don't have any courage to speak up for myself.
Hinaplos ni Eugene ang likod ko. "Pwede ba, Theo? Walang ginawa si Ren-ren sa'yo. Umalis ka kung ayaw mo ng gulo," said Nestor.
"Ay! Hindi niyo pa ata alam!" Ito na nga bang sinasabi ko.
"Yan si Reina—"
"Can you shut the fuck up?" Quintin groaned. Hinawakan ni Belle ang kamay ko kaya napunta dun ang tingin ko. Nadako ang tingin ko sa nakatuping mineral water na ngayon ay hindi na maitsura.
"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Belle at ngumiti.
Tinawanan lang ni Theo ang Class Zero at dinuro ang noo ko. "Hey!" Naalarma si Shannon at hinawakan ang dalawang balikat ko para hindi gumalaw ang katawan ko habang dinu-duro ni Theo ang noo ko. "What the hell are you doing?!" I heard someone. I tilt my head, I saw Shannon eyeing Theophany with his signature mad glare. He's still seating beside me, not moving an inch.
"If you have nothing else to say, you may leave. Baka magsisi ka." Napalingon ako sa Class Zero na nakatayo sa harapan nila Theo. Nginitian sila ni Theo bago siya lumakad paalis kasama yung mga kaibigan niya habang nagtatawanan. Napabuntong-hininga ako at napabitaw bote ng tubig na hawak ko.
Bumaba si Carlo sa bleachers at lumapit sa akin. Tinanggal niya yung kamay ni Shannon sa balikat ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Okay ka lang Ren? Kilala mo ba si Theo? Bat sya ganon sayo?" sunod-sunod niyang tanong.
My lips parted and was about to answer his question pero naisip ko kung ano ang magiging kapalit nun. There's a possibility na iiwan rin nila ako once they knew the reason. There's a possibility they'll neglect me. In this case, minabuti kong umiling sa tanong ni Carlo.
"Bobita talaga sya!" mahinang bulong niya.
Last game na'to ng Class Two at susunod na ang Class One. Kinakabahan ako at nagsisimula na ring mag takbuhan ang mga kabayo sa loob ng tyan at puso ko. Knowing I'll be playing this game with my greatest rival/enemy, naiisip ko na na baka magkaroon ako ng physical injury after this.
***
The tension heated up when we make eye contact. Minabuti rin nila Cecil na dun ako sa pinaka-hulihan kasi mahirap na daw, paano daw kung ako ang popunteryahin ni Theo baka daw ano daw mangyari sa akin. I kinda feel at ease dahil sa sinabi nila. I tie my hair into a high ponytail while we are walking around for our spots.
"Get your balls ready!" sabi ni Sir. Kumuha ako ng dalawang bola at saka iyon hinawakan ng mahigpit.
"Go Reina!!"
"Kaya mo yan, Muse!"
"Go goo!"
"Go Belle!"
Napangiti ako dahil sa malakas na cheer ng Class Zero. Nagkatinginan pa kami ni Belle pagkatapos siyang e cheer mag-isa ni Paulo. "Yiee kayo ah!" I teased. Umiwas siya ng tingin at saka napakamot sa braso niya.
Pumito na si Sir kaya nagsipag atras na kami at nagtatakbuhan sa field kasi nagsimula nang bumato ang mga kasama ni Theo. Napayoko ako nung papunta sa direksyon ko ang bola at mabuti na lang hindi ako tinamaan nun.
Binato ko sa gilid ni Jonila ang bolang hawak ko at natamaan nun yung babaeng nasa gilid ni Theo. Nagsigawan ang Class Zero kaya napangiti ako knowing na nabawasan na sila.
Naging mainit ang laro at kitang-kita ko na ang galit sa mukha ni Theo. Nawalan na siya ng dalawang kasama at nawala samin si Elvie.
"GO REINA JOY!" sigaw nang Class Three. Hinila ako ni Belle para ilagay ako sa harapan pero bago pa niya yun magawa, tinapon nung kasama ni Theo ang bola niya kay Belle kaya natamaan ang beywang niya.
"ANG DAYA!" sigaw ni Paulo.
"Kaya mo 'to," bulong ni Belle sakin bago umalis. Ngayon, nasa gitna ako ni Jonila at Cecil.
Nakangisi si Theo sakin, kaharap ko lang naman siya. Tapon tapon niya sa ere ang hawak niyang bola bago ito itapon sa direksyon ko. Kaagad akong umupo sa field bago pa ako matamaan nun at tinapon sa harapan ni Theo ang bolang hawak ko.
Naka-iwas siya sa bola ko kaya kumuha ulit ako ng panibagong bola at nakipagpalit ng pwesto kay Jonila. Mabilis na tinapon ni Jonila ang bola niya sa gilid ni Theo at natamaan nun yung katabi niya.
Ngayon it's two versus three.
Mabilis kong tinalunan ang bolang tinapon nung kasamahan ni Theo sa akin at tinapon sa direksyon ni Theo ang bola ko. Hindi sya natamaan nun kaya nagsimula na naman kaming tumakbo.
"Cecil!" sigaw ko. Napahawak ako sa ulo ko nang matamaan si Cecil. Jusko. Ngayon dalawa nalang kami.
Nginisihan ako ni Theo at hawak-hawak ng mahigpit ang bolang niya. "So, Face of the year. I guess hindi mo pa sinabi sa mga kaklase mo yung scandal mo ha?" Theo, mocked. Paki niya ba kung hindi ko sasabihin? Sasabihin ko sa tamang panahon.
"Gusto mo ako magsabi?" Tumingin sa akin si Jonila pero umiling ako. Tumango sya at saka tumakbo sa gilid ko para ibato ang bola sa tabi ni Theo at SAPOL!
Nagsimula nang kumulot ang buhok ni Theo at binato kay Jonila yung bola na hawak niya. Natamaan sa hita si Jonila kaya naalis siya sa laro. Paika-ikang lumabas si Jonila sa field kaya kami na lang natira ni Theo.
Kumuha ako ng dalawang bola sa sahig at saka tumingin kay Theo at ngumiti. "Alam kong gusto mong manalo," 'Yon naman talaga ang gusto niya, sa kanya parati ang spotlight. Ang malas lang kasi hindi ko 'yun nalaman kaagad ng maaga. "But that day is not today," sumigaw si Theo dahil sa sinabi ko at tinapon ng malakas yung bola niya.
Natalonan ko yun kaagad at binato sa tiyan niya ang hawak ko. Nakailag siya kaya napahawak ako sa tuhod ko. Huminga kaming dalawa ng malalim at sabay na binato ang bola namin.
Natamaan siya sa tyan ng bola ko at natamaan ang ankle ko sa bola niya. Mas may force your pagka-tapon niya kompara sa'kin dahil alam kong may halong galit yon.
"Times up!"
Kumuha ng panibagong bola si Theo at saka iyon binato sa akin. "Argh!" I groaned after it hits my tummy. "Reina Joy!" sigaw ng Class Zero. Tumakbo sila sa akin at hinawakan ang braso ko.
Tiningnan ko ng masama si Theo na nakapamulsang naglalakad paalis sa field. Nakatitig lang ako kay Theo na naglalakad papunta sa mga alipores niya at sabay na lumabas ng field.
How did you end up like this, Theophany? Why...