Chereads / Hi Flower / Chapter 5 - Class ZERO

Chapter 5 - Class ZERO

REINA JOY's POV

"Talaga ba?" Natatawa na tanong ko sa mga kaklase ko habang naglalakad kami pabalik sa classroom. It's already 9am kasi nag ring yung bell tapos saktong tapos na ang orientation.

"Oo nga!" nakangusong sagot ni Carlo.

"Hindi ako naniniwala! Crush mo si ano noh yung tumabi sayo?" pang-aasar ko pa. Namula si Carlo kaya mas lalo akong natawa. Kanina ko pa siya inaasar kay kuya at todo tanggi naman siya at parati niyang sagot ay nai intimidate lang daw siya sa aurang binibigay ni kuya.

"Aray! Aba—" Hinimas ko ang batok ko pagkatapos akong batokan ni Carlo.

"AY! BAKIT MO BINATUKAN! IKAW!" sigaw ng Class Zero. Ako yung naabuso pero sila yung humabol kay Carlo na tumatakbo palayo sa amin sumisigaw at humihingi ng tawad na hindi niya daw sinadya yung ginawa niya. Napa-iling nalang at natawa sa gilid.

"Diba! sabi sayo eh bad grades"

"Oo nga... ka turn-off naman."

I'm not here in this school to exchange barbs at pina-alalahanan ako ni kuya na huwag gumawa ng gulo kaya hindi ko pinansin ang feedbacks ng mga estudyante sa akin. I'm not here para maging hambog, I'm here to improve my grades at para ipakita kay stepmom at dad na may laman din ang utak ko....ng konti.

"Reina Joy? Tama?" Someone asked. Napatingin ako sa kaliwa ko. Mabuti naman at nagsalita na tong nasa kaliwa ko. Akala ko wala siyang balak magsalita eh. Napipi ata sa kagandahan na taglay ko.

"Oo, bakit?"

He extended his arm and showed his white pearl teeth. Hoy gagi! Ang puti! Ano kaya toothpaste ng lalaking 'to! "I'm Henry and this is Ivan," he said. Iginaya niya ang kamay niya sa katabi niya and I saw a male playing with his phone. Clicking his tongue repeatedly.

"Hoy!" Siniko ni Henry yung pag Ivan kaya naman napatigil siya sa paglalaro at tumingin sa amin.

"Oh. I'm sorry, I was busy. I'm Ivan,"

"I already introduced you, you idiot!" Binatukan ni Henry si Ivan kaya humingi ng pasesnya si Ivan. We keep on walking until we reached our classroom.

Umupo ako sa upuan ko at nakipag kwentuhan sa mga bago kong kaklase. Sabi nila, sabay daw kaming kumain ng lunch. Wala namang problema sa akin yun kaya, "sige!" nakangiting sagot ko sa kanila.

They screams in happiness dahil pumayag ako at todo turo kung sino daw ang magte-treat sa akin. Gusto ko sanang sumapaw na may pera naman ako at hindi na nila ako kailangang e-libri pero dahil mukhang nag-eenjoy sila sa pag tuturuan, pinabayaan ko na lang.

"Ako nalang! apaka damot ng mga unggoy na'to," sabi ni Eugene at saka umiling.

"You don't have to. I have money naman," I told him. Ngumiti si Eugene at bumulong sa tenga ko.

"Ayokong malapa ng mga to. Takot ko na lang sa kanila no,"

***

Pagkatapos ng last subject namin for morning sched. Kinuha ko na ang Cassandra Bag ko at inayos ang mga gamit ko bago lumabas. "Antay!" Ay! Muntik ko nang makalimutan. Kasama ko pala tong mga to mag-lunch.

Sinuot nila ang mga bag nila at tumakbo papunta sa akin. "Ang mahuli, panget!" sigaw ni Angelo at tumakbo sa hallway. Sumunod sa kanya sila Henry at nagtakbuhan sa hallway.

"Pagpasensyahan mo na sila, ganyan sila eh," sabi ni Eugene sa akin. Napatingin ako sa kanya at saka tumango. "Halata naman..." nakangiting sagot ko sa kanya.

Habang naglalakad kami pababa ng building, busy naman tong mga kasabay ko sa pag-uusap. Pinag-uusapan nila yung bossing nila at kung bakit hindi daw sila nagpakita kahit after orientation man lang daw.

"Baka busy? Alam mo naman. Si Quintin pa lang halatang busy na at maraming gagawin. Malamang nasa Asheville pa yun," sabi ni Franco. Yaman naman ng lolo niyo. Asheville. Eh diba located yan sa North Carolina? Yaman nga!

Natahimik sila at prinoseso sa utak nila ang sinabi ni Franco. "May point si Franco," sabi ni Dean.

"Wow! Taray ah! Ngayon ka lang umagree sakin pagkatapos ng ilang taon." Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Nag-aaway ba sila or ano?

Nagpalitan sila ng tingin at inisnab ang isa't-isa. "Kung di ka ba naman kasi isang gago," Sa kanan ko nandun si Franco at sa Kaliwa ko naman si Dean.

"Hindi ako gago. Pinapairal mo lang yang magandang ugali mo," kalmado ang sagot ni Franco habang seryoso ang mukha.

"Tsk!" Tanging sagot na lang ni Dean at inilagay sa bulsa ng slacks niya ang kanyang mga kamay. Owkay?

"Anong meron?" bulong ko kay Carlo na nasa unahan ko. "Not my story to tell—" Huh? Eh kung takuhin ko kaya tong lalaking to? Total hindi pa naman ako nakakaganti 'don sa batok na ginawa niya sakin.

Inirapan ko siya at hinila ang buhok niya sa batok. Dumiretso kami sa cafeteria na malayo layo ng konti sa building namin at naghanap ng table. Si Eugene, Ivan, Henry at Benjamin ang nagrerepresenta na umorder. Tinanong lang nila kung ano ang gusto ko at umalis din agad.

Isa-isa nilang nilabas ang mga cellphone niya at nag-party sa ML. Paano ko nalaman? Eh kasi ang lakas ng volume ng cellphone nila. Gosh!

"Yawa! Huwag kang sumunod sa akin Dean! Mapapahamak ako sa'yo!"

"Hindi kita sinusundan. Nagfa-farm ako."

"Eh akin yang mga 'yan. Ba't mo inaagaw? Napaka Galing mo talaga diyan no"

"Ubos na sa upper lane. Huwag ka ngang OA dyan."

"Ako pa talaga ang OA?"

"Tumahimik nga kayong dalawa! Putangina! Naslain na yung demonyo nagtatalo parin kayo dyan!" Nalo-lose na ata ni Angelo ang cool niya HAHAHAHAHA sino ba namang hindi? Ang seryoso ng laro nila tas nag-aaway lang sila? Dahil lang sa farming? Jusko.

"Ito kasing hayop na 'to!"

"Ako pa talaga?"

"Carlo! Upper lane ka. Dun papunta demonyo."

Nag-salute si Carlo at naging seryoso na naman sila. Hindi ko alam kung saan ako titingin kasi kudos! Katabi ko si Dean, sa gilid ko si Franco tas the rest tas meron ring sa harapan ko.

Hindi naman sa allergic ako sa mga mura nila ano, nagmumura din naman ako pero hayok! Ang lakas ng mga sigaw nila. Pati yung ibang estudyanteng kumakain pinagtitinginan sila!

"MID MID!"

"YAWA! SI HARETH. BANTAYAN NIYO!"

"ANO BA DEAN! LAST KILL KO YON!"

"AKO NA NAMAN?!"

"SINO BA DAPAT?!"

"TUMAHIMIK KAYONG DALAWA MGA PUNYETANG BAYAG!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Gino. "PAG HINDI NIYO ITITIKOM YANG MGA BIBIG NIYO, PAGHAHALIKAN KO KAYONG DALAWA! MGA BWISIT!"

"Sige lang hahahahaha!" Hindi ko mapigilang sabi. Napakagat ako sa labi ko kasi tinitingnan na nila ako ng masama. Alam niyo yung nagliliyab yung mga mata nila at reading-ready na akong lapain?

Wag po TT

Nginitian ko sila Eugene nang dumating na sila dala yung mga pagkain namin. Inilata naman ni Ivan yung mga pagkain nung mga unggoy pero hindi man lang nila yon dinapuan ng tingin maliban kay Carlo na sinisingit ang sarili niya sa tabi ko kahit nandon si Dean.

"SHIT! MID LANE!! CARLO" sigaw nila. Si Carlo ay naupo lang sa tabi ko at kumakain ng kanyang burger habang ang mga kalaro niya? Ayon, stress na stress. "MID LANE!"

"Bahala kayo jan. Kung ayaw niyo kumain, ako kakain ako!" Carlo best boy!

"ABA!" Tiningnan ko ang cellphone ni Gino na nasa harapan ko at tinuro ang kalaban niyang si Jawhead.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tiningnan ako ng masama ni Gino sabay ngumuso.

Zinip ko nalang ang labi ko at kumain nalang. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa! Kinarga siya nung Jawhead tas tinapon sa gilid. Disturbo daw kasi!

"Kumain na kayo. Ipatalo niyo na yan," yan nalang ang nasabi ko at tinuloy ang pagkain ko. Hindi ko na pinansin ang mga titig nila at bulong-bulongan dahil nagugutom na ako at gusto ko na lang kumain ng mahapsay at tahimik.

"End na," ika ni Gino at nilagay ang cellphone niya sa mesa.

"ANO BA YAN!"

"Ihhhh!"

Nagdadabog pa yung iba pero ginaya din naman nila ang ginawa ni Gino at nilagay sa gitna ng mesa yung mga cellphone nila.

Ang O-OA nila! Takpan ba daw naman yung mata nila para daw hindi daw masyadong masakit na tinalo nila ng kusa ang laro. Ang sarap pag-tata kohin.

Makalipas ang ilang segundo. Yung cellphone ng grupo ni Gino ay tumunog ng "Defeat..." kaya mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng mga hutangina.

"Ang sakit sa puso" They groaned. Napa-irap nalang ako at bumalik sa pagkain.

Nagkwentuhan sila habang kumakain at itong dalawang nasa gilid ko ay tahimik lang. Sino pa ba? Edi si Franco at Dean!

"Hoy! Ayos lang kayo?" Well, I can't help myself. Mukha kasing nabobother sila sa isa't-isa. Dahil ba nandito ako? Or dahil narinig ko yung bangayan nila?

Tumingin sa akin si Franco at ngumiti. "Ako? Oo naman!"

"Si..." Nginoso ko si Dean at nagkibit-balikat lang si Franco bilang sagot.

Seriously. I wonder ano ang backstory ng dalawang to. Hindi naman siguro sila magkagalit sa isa't-isa ng walang malalim na dahilan diba? Nagkapikunan nga sila sa laro nila kanina eh.

Pagkatapos naming kumain, may oras pang natira so dito muna kami sa mesa namin. Hindi lang naman kami yung andito, pati rin yung mga Grade 12 at ibang Grade 11. Some went to me and ask for a picture in which I pleasurably accept.

"Kami rin." Hays...

Dumiretso kami sa classroom after ng lunch and guess what! May nakita lang naman akong— scratch that, may nakita kaming tatlong lalaki na natutulog sa sahig. Yung isa ay nakatanday sa isa tas yung ulo ng isa ay nakapatong sa crotch nung isa pa. My brows arched.

"BOSSINGS!!" sigaw ni Carlo at saka niya inambahan ang tatlo na nakahiga sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko kasi naramdaman ko ang sakit ng mga alaga nila pagkatapos ipatong ni Carlo ang mga tuhod niya dun.

Goodbye babies

"WHAT THE FUCK! YUNG ITLOG KO!!"

"A...AKONG MGA ANAK—"

"WHO THE FUCK, CARLO!"

"Bossingggs!!" Hindi pa nga naka move on ang tatlo sa ginawa ni Carlo, inambahan na naman sila ng labing-lima tao. "AKALA NAMIN HINDI KAYO PAPASOK!!"

"YA.....WA"

"TUMAYO KA.....YO MGA HUTANGES!!!"

"Ba...Bakit may babae—MGA YAWA! UMALIS NGA KAYO! AMPUPU! ANG SAKIT NA NG BAYAG KO!"

***

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang yung tatlong lalaking nakita ko kanina na pinag-aambahan ng mga kaklase ko ay nandito sa harapan ko. Nakatayo at yung mga kamay nila ay nasa beywang. Sinusuri rin nila ang pananamit at ang itsura ko.

"Are you done? With what you three up to?" I asked. Inirapan ko sila isa-isa at tumingin kay Carlo na nakaupo malayo sa akin. Katabi ko siya sa kanan ko kanina pero pinaalis siya nung mga lalaki at umalis din siya. Napaka-masunurin talaga ang galing galing!

Sarap i-sako.

"Ngumiti ka nga."

"Ano ako buang? Bakit ako ngingiti ng walang dahilan?" Napa-atras ang likod ko sa upuan ko nung nilapit nung isa ang mukha niya sa akin.

Jusko. Alam kong gwapo siya, hindi niya kailangan ilapit ang mukha niya sakin para tingnan ako ng mabuti.

"You're pretty," he said.

Alam ko. Di ko yan ededeny. Gawang Jose at Maria ata 'to!

"And Sophisticated..." the other one commented.

Alam ko rin. Alam rin ng iba. Malamang kasi hindi sila bulag.

"Ang chi-chi..." Napatingin ako sa nagsalita. Aba! Hindi ako trying hard to be stylish! Utotan ko kaya mukha nitong lalaking to!

Binatuhan ko sila ng makabuluhang tingin at pinagkrus ang braso ko. "Oh! Ano naman kung maganda ako? Sophistikada ako?"

"Chi-chi ka rin."

Aba! Sino ba tong—

"Hindi ako Chi-Chi! Tadyakan kita dyan eh." Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit ba niya pinagpipilitan na Chi-chi ako? Baka siya yun. Apaka pangit nga ng buhok niya, hindi bagay sa skin tone niya, pinaki-alaman ko ba yun? Hindi nga eh!

"Gino." Tumayo si Gino galing sa pagkakaupo at lumapit sa tatlo. Nagbubulungan sila pero rinig narinig ko naman.

Pinag-uusapan nila ako. Mula sa style ng buhok ko, make up ko, yung bag ko, yung damit ko at ang sapatos ko, pati ang apelyedo ko. "Anong ginagawa ng ganyang klaseng tao dito?" tanong nong kulot ang buhok.

Baby ko si kulot

"Hindi ko alam. Sabi ng Class One may bad grades daw."

"Wala bang ginawa si Joseph?"

"Hindi ko alam. Kakakita lang namin sa kanya kaninang umaga." Nagtinginan yung tatlo at binalik ang tingin nila kay Gino. "How?" tanong nung straight ang buhok.

"Tumabi siya sa'min sa orientation kasama yung partners niya."

"Si Kiefer at Piery?" Tumango si Gino.

"Wala kayong ginawa?" tanong nung lalaking color chocolate brown ang buhok.

Umiling si Gino,"Diba kakasabi niyo lang sa amin last year na 'wag gumawa ng gulo pag wala kayo?"

"Dapat binanatan niyo sila."

Napa-irap ako sa hangin. "Sige lang. Lakasan niyo pa yang mga boses niyo. Hindi ko kayo naririnig." Mukhang kailangan ko atang kausapin si kuya tungkol sa Class Zero.

Inaamin ko, parati naghahanap ng gulo at away si Kuya pero dati na yun. I think I need to ask him kung ano ang ginawa niya sa Class na to or kung hindi siya, ano ang nangyari sa section na'to. I'm sure he can answer me. Sa tagal ba naman niyang nag-aral dito?

"Sorry," sagot nung lalaking pogi.

Bumalik sila sa upuan nila nang saktong pumasok ang another subject teacher namin. As usual, introduce yourself na naman. Nung time ko nang tumayo, pinaupo ulit ako nung teacher at sinabing, "Masyado kang maganda para pumunta sa harap at magpakilala. You can introduce yourself by sitting in your place. We'll listen."

"Psh," sabi nung lalaking kanina pa masama ang tingin sa akin. Yung tumawag sakin ng chi-chi.

Psh ka din!

"True, Sir!"

"Hindi po kami tototol diyan sir kasi totoo yan!"

"Goddess kasi siya sir! Sa Class Zero niyo lang siya makikita,"

"Ang sakit sa tenga ng bunganga mo Carlo."

"Mas masakit kung walang bunganga, bossing!"

Class Zero (including me) starts laughing pati si Sir natawa dahil sa sinagot ni Carlo. Totoo din naman kasi! Ito talagang bossing nila, Ambobo. Yan kasi. Chi-chi pa more!

Pagkatapos kong magpakilala at nagbigay ng outstanding presentation with my so called crew and casts, sumunod yung katabi ko na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Todo padyak pa nga siya kasi pinatayo siya maliban sa akin. Pinasayaw pa nga ng budots yung iba para may plus points!

Tinanong din naman ako nyan kanina kung ano daw ang talent ko. Sabi ko acting tas ayun pinasampol nila ako. Wala akong maisip na scene na pwedeng i-sampol maliban doon sa scene ni Maja at Angel sa The Legal Wife at ito nga ang nangyari:

At dahil nga pinasampol nila ako, Pumunta kaagad ako sa harap hila-hila si Carlo. Balak ko siya gawing Nicole at ako si Monica. Gusto ko din kasing masampal tong mokong nato pagkatapos niya akong batukan kanina. Hindi pa ako nakakabawi sa kanya don eh!

"Anong scene?" Nakangiting tanong ni sir at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan. "Yung ramble scene po sa The Legal Wife," Nakangiting sagot ko.

"T-teka! Ako si Nicole? Ayokong masampal! Hali ka dine Franco!"

"Ako? Ayoko nga! Baka ambigat ng kamay niya! Ikaw na!"

"Ayokooo!"

Tiningnan ko ng masama si Carlo kaya napatigil siya sa pag whi-whine. "Wait. Tatlong tao pa lang ang nandito. Ang tatay ni Nicole tas si Monica," sabi ni Sir sabay pakita sa amin sa video.

Kulang kami ng isa. Alin kaya dito ang kukunin kong cast.

Tumingin ako sa mga kaklase ko na umiiwas ng tingin maliban sa dalawa. Yung lalaking kulot ang buhok at yung nasa gilid niya. Nginitian ko silang dalawa at binintot sila sa isip ko. "bintot bintot alin sa dalawa ang kunin ko—Botikaw botikaw i—kaw. Si angelo ba o si kulot. One two three!"

"Angelo....Halika na dito!"

"PISTE! Sabi na eh!" Wala nang nagawa si Angelo kundi tumayo galing sa pagkakaupo at tumabi sa gilid ko.

"Okay, so si Carlo si Nicole, Ikaw Angelo yung tatay niya tas ako si Monica," Gusto kong tumalon sa excitement. Hindi ko lang pwede ipakita kasi dapat in character ako. Hehehe

Napabuntong hininga si Carlo at Angelo at saka sila pumunta sa gilid ng board at ako naman ay lumabas ng classroom. "Sir!" Napalingon kami sa nagsalita at napakunot-noo.

"Yes?"

"Can I be their director?" Director? Sa pagkakaalam ko ay for plus points lang tong gagawin ko/namin. "Okay then," ika ni Sir na parang nag eenjoy sa ginagawa namin. wow.

"Sir! May I ask a question?"

"Go ahead"

"Pag po ba nag cooperate kami sa performance ng muse namin, does that make us earn plus points as well?" At ako pa talaga ang ginawa nilang rason para mainclude SILA sa plus points KO ha!? Ang kakapal muks!

"Class Zero nga kayo. Ang dami nyong palusot para hindi kayo makaperform ng talent niyo!" Natatawa na sabi ni Sir.

Nagsimula na silang pumunta sa harap at inayusan ang mga kasama ko sa acting. Si Ivan at Henry, lumapit din sakin para ayusin ang damit ko at ang buhok ko.

Jusko.

"Galingan mo! Para sa points namin!" Tinaasan ko ng kilay si Ivan. "Eh kung sipain kita pabalik sa upuan mo?"

"Ito naman! Hehehehehe"

"Actors ready!" sigaw ng lalaking tinawag akong Chi-Chi. "Muse ready?" tanong nong kulot.

Kailan pa ako naging muse? I turned to face my co-actors and, "HAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin silang lahat sa akin dahil sa biglaang pagtawa ko habang tinuturo si Carlo at Angelo. Carlo and Angelo looks at each other and started laughing too.

"Si Benjamin ay!" nakangusong sabi ni Carlo.

"Pati pagtawa ang ganda—"

"Oo nga ihh!"

"Okay lang sakin kung lumipat ako Class Zero hehehe"

"Oh shut up!"

May audience pala ako sa likod.? Di man lang ako na infronm. Nape-pressure tuloy ako. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa mukha nila Carlo at huminga ng malalim. "Ready na?" Tumango ako at lumabas ng classroom. Dumiretso ako sa ikalawang pinto namin. Remember? Each class has 4 doors.

"ACTION!"

"Talaga bang hindi mo ko kakausapin? Baka makatulong ako sa'yo?" tanong ni Angelo habang sinusundan ang maarteng yapak ni Carlo na finiflip ang buhok niya gaya ng ginagawa ko. Hindi ko mapigilang hindi mapahagikhik sa ginagawa niya. Nakadungaw kasi ako sa bintana ng classroom namin kaya napapanood ko sila.

Nag-cue sa akin si Lalaking chi-chi na pwede na akong pumasok. Pumasok ako sa loob at buntong-hininga.

"Ano ba daddeh—"

"Mamamagitan ako sa inyong dalawa,"

The great Carlo just comb his wig up and looking devastated now. I wanna burst into laughter. Sure ako pati itong mga kaklase ko at mga schoolmates kong nanunuod sa labas ay natatawa sa ginagawa namin.

Pumunta ako sa harapan ni Carlo at tiningnan siya sa mata. Time to be in character I guess? pft.

"Ba't di mo sabihin? Nahihiya ka?" Dahan-dahan akong lumapit kay Carlo at napaismid. "Sige lang... gusto ko rin naman marinig," Ngayon na kaharap ko na si Carlo, napatingin siya sa malayo at nilaro ang wig niya sa kamay niya na ikinatawa ng mga kaklase namin pati si Sir.

I press my lips together to suppress my laughter. "Gusto kong marinig kung paano mo sasabihin kay tatay ang mga pinaggagawa mo."

"T-teka. Ano to? Nicole?" Nilipat ni Angelo ang tingin niya mula sakin at kay Carlo.

Napangiti ako, "Ano? Ba't tumahimik ka? Sumagot ka..." Mahinang sabi ko kay Carlo na ikinalayo pa ng tingin niya. Saan ba tumitingin tong lalaking 'to? Nandito ako kaharap niya!

"Uhm Reina Joy naman. Hehehe wag ka masyadong lumapit sakin, na Starstruck ako sa ganda mo ih"

Lumayo ako ng konti sa kanya at ngumiti kasi baka bawiin ni Sir ang plus points pag tumawa ako. Tumingin ako kay Angelo at tinanguan niya lang ako. "Sumagot kang malandi ka! Sumagot ka!" sigaw ko sa harapan ni Carlo at sinampal ang braso at ang mukha niya.

"B-best. Best ma-masakit best"

"Huwag mo kong mabest best Hayop ka!" Tinulak ko ang braso niya at si Angelo naman In-Character na umaawat sa akin. Ginagaya pa niya yung reaction nung tatay ni Nicole.

"Kalma!"

"Ano? Masarap ba! Masarap ba yung asawa ko!?" Just like in the scene, hawak-hawak ni Angelo ang braso ko pero pilit akong kumakawala. "Masarap ba, masarap ba!" sigaw ko ulit kay Carlo at sinampal ang mukha niya.

Nagsimula nang umiyak si Carlo. Hindi ko alam kung dala ng emotion niya sa scene or sa sakit ng mukha niya. My slap left a bruise on his cheek. "Oo, inaamin ko! Inaamin ko, Monica. Inggit na inggit ako sayo! kaya nangyari ang nangyari kasi INGGIT NA INGGIT AKO SA'YO BEST!" Wow, so kasalanan ko pa? Dinuro duro niya kasi ako ehhh

"Ako? Minahal kita, Nicole."

"Alam ko..."

"Minahal kita pero bakit mo ginawa yun? Sinira mo ang pamilya ko!" Kinuha ko ang balikat ni Carlo at pinagsasampal yun habang pareho kaming umiiyak. "Hindi kita mapapatawad!" sigaw ko sa kanya bago ko siya sinabunutan.

"AHHH! YUNG WIG! YUNG BUHOK KOO MATATANGGAL!!"