Chereads / Hi Flower / Chapter 6 - Curiousity

Chapter 6 - Curiousity

REINA JOY's POV

Sa ilang taon ko nang pag-aaral, sa ilang buwan na laman ng mga taong iyon, Ito pa lang ata ang isang buwang masasabi kong may kwenta sa akin. Sa loob ng isang linggo, nagiging close ko na ang Class Zero. They treated me as their muse at wala silang choice dun kasi ako lang naman babae doon.

Nalaman ko din na ang president nila ay si Shannon Saff, yung lalaking tumawag sakin ng Chi-chi. He apologized already by the way and he admitted that he is wrong with his first impression of me.

Manhattan, who was the serious one when I first came, starts beaming a smile and his reason? to get to know me more. Nalaman ko rin afterward na siya ang Vice-President.

Orion, the Secretary. Siya palagi nagsusulat sa board and his way of getting close to me is to allow me to write the notes on the board. I was hesitant at first kasi nga gusto kong mag improve ang grades ko and how can I do that kung hindi ako makapag-take note diba? pero sabi naman ni Orion na siya na lang daw ang gagawa nun para sa akin kasi ambidextrous naman daw siya so I write some notes on the board.

And Quintin, ang lalaking galing Asheville. Nalaman ko na siya yung Prince ng Class Zero in what I couldn't deny. May mukha naman talaga siyang panlaban. I remember when he first met me, halos ilapit niya ng husto ang mukha niya sakin para tingnan kung may pores ba ako.

Charing!

Right now, I'm here at the house pa. It's already 6:15 in the morning and here I am strolling on the house looking for my beloved brother. "Kuyaaa!" sigaw ko.

Tumaas ang kilay ko nang makita ko si kuya sa kwarto niya nakatuwad at pinag-stretch yung legs at ang kamay niya. Pinagkrus ko ang braso ko at tumayo sa gilid.

"Breath in and breathe out... inhale...exhale," sabi dun sa YouTube video na ginagaya ni Kuya. Seriously? Ngayon ko lang nalaman na nagyoyoga pala ang isang Joseph Fuentes.

"Hold your breath for 15 seconds before release"

Natawa ako, "tumuwad ka kaya ng maayos?" Mabilis pa sa alas kwatro napahiga si kuya sa sahig at inabot yung kumot niya para takpan ang sarili niya. Apaka feeling akala mo naman nakahubad. Pwe

"K-kanina ka pa?" gulat na tanong nito. Gagi! Ako yung nahiya sa kanya! Kulang na lang umiyak siya kasi nakita ko yung ginagawa niya. pft

"Bago lang," I lied at tumalon sa kama niya.

"Ano ba kailangan mo!?" Agagalit?

"Ano nga ba... hihiramin ko phone mo hehehe. Eh kasi wala pa akong phone! yung mga kaklase ko meron silang phone tas ako wala," Nakangusong sabi ko kay kuya. Paawa effect in short.

"Ayoko!"

"Ihh kuya naman! Gusto ko din masubukan yung nilalaro nila eh!"

"Hindi." Tumayo si Kuya habang nakabalot ang kumot sa katawan niya at pumunta sa banyo.

"Kuyaaa! Sige naaaaa" Sumunod ako sa kanya papunta sa banyo niya mukha na akong binagsakan ng langit at lupa ngayon. Sana pala binati ko muna siya ng magandang umaga para good mood siya. Eh kasi naman, hihiram lang naman ako ng phone, babalik ko din mamaya after class. :<

"No. Lumabas ka. Maliligo ako," Andamot!

Lumabas ako sa kwarto niya ng nakabusangot at bumaba para kumain. Suot suot ko na yung uniform namin.

Our school uniform has two types. Type A and Type B.

Type A is a black skirt above the knee, a yellow long sleeve under my black blazer, and a red tie. Socks until my knee and a black doll shoe.

Type B is a black skirt, yellow long sleeves, and a red tie.

If I had to choose, I prefer Type A more because it's so formal, unlike Type B. Type B can be worn occasionally.

Nag apply ako ng light eye makeup para lang mabuhay ang mukha ko ng konti at clip my chanel hair clip sa gilid ng buhok ko.

"Good morning po!" bati ko sa katulong ni kuya at umupo sa upuan ko.

"Pupunta daw dito si Sir Kiefer at Sir Piercy. Sasabay daw sila sa inyo," sabi nung katulong ni Kuya. Kiefer and Piercy? Diba sila yung kasama ni kuya nung orientation?

Familiar yung Piercy...

"Asan po pala si Sir?" they asked. I shrugged my shoulders.

Kiefer and Piercy... anong meron sa dalawang 'to at gusto silang banatan ng Class Zero? lalong lalo na si Shannon. Matanong ko nga mamaya si Carlo tungkol dyan.

Pagkatapos kong kumain ng bihon, nag toothbrush na ako bago ko inapply ang aking lip gloss. Hindi ko na hihintayin si Kuya at ang kaibigan niya kasi na-a-awkward ako pag kasama sila. Maliban sa pogi sila, parati rin nilang sinusulyapan ang legs ko tuwing nakatingin sa malayo si kuya.

Hindi ko alam kung alam na ba ni kuya yun. Bahala siya.

"Mauna na po ako. Pakisabi ila kuya na sunduin niya nalang ako pag-uwi," sabi ko kay ate at kinuha ang bag ko. Hindi na Cassandra bag ang gamit ko ngayon kundi leather bag na kulay black.

Lumabas na ako sa bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa school though malayo siya and it might took me an hour to arrive but okay lang, nasanay na din kasi ako. Minsan kasi iniiwan ako ni kuya pag nagmamadali siya kaya wala akong ibang choice kundi maglakad na lang.

May nakakasabayan ako at nakikipag-usap naman sila sa akin. They are asking me about my skincare and how did I maintain my skin tone. I give them some tips like bring an umbrella of course.

Nung first time ko tong ginawa, I thought mawawala ang pagiging maganda ko sa paningin nila dahil sa ginagawa ko but I'm wrong. Most of the students now recognize me and they can't believe that the goddess from Class Zero is interacting with them. Am I too full of myself? Eh ganyan ang sinasabi nila

I am holding my umbrella tightly kasi kasing init ng kagandahan ko ang panahon ngayon. Sabi sa inyo eh, sinumpa ang Pilipinas— "Reina Joy!" Napa-angat ang tingin ko nang may biglang tumawag sa akin. Tumingin ako sa paligid at akala ko kung sino ang tumawag sa akin si Manhattan lang pala.

"Oh! Good Morning!"

"Sabay na tayo," sabi niya at sumilong sa payong ko. Mas matangkad siya sakin kaya siya ang humawak ng payong ko tsaka kami sabay na naglakad.

"Hindi ka ata sumabay sa kuya mo?" tanong nito. Tumingala ako sa kanya at mahinang natawa.

"Ayoko noh! Kasama niya yung mga kaibigan niya."

"Si Kiefer at Piercy?" Tumango ako.

"Oo nga pala, Manhattan. Pwede ko bang itanong kung ano ang alam mo sa kanila?" Napatingin sa akin si Manhattan at tumingin ulit sa daan. "Anong gusto mong malaman?" Napangiti ako. Mabuti pa si Manhattan! Hindi katulad nung isa diyan na Carlo ata ang pangalan nakakatampo.

"Marami... pero gusto ko magsimula dun sa sinabi ni Shannon at Orion kay Gino." Tumingin sa akin si Manhattan. Naalala ko kasi yung sinabi ni Shannon nung first day of school na dapat daw binanatan nila sila Kuya.

"Alin dun?" he asked.

"Sabi ni Shannon, sana daw binanatanan niyo sila Kuya? Why naman?"

"Nung grade 9 pa kami, nag conduct ng ML party and league ang JM University. Kasama ang college dun. Naging teammate ni Shannon si Quintin, Ako, Gino at Angelo," he said habang naglalakad kami at nag-iisip ng malalim. "We won 4 consecutive times kaya nakalaban namin ang college at the final match. At yung college na yun ay department ng kuya mo."

"Wala naman kaming problema sa kuya mo. That's the truth. Nadamay lang siya sa galit nila Shannon," I wanna interfere and ask question regarding his story pero mas minabuti ko na lang na tumahimik at makinig bago magtanong.

"Shannon said, Kiefer and Piercy cheated during the game." Tumingin siya sa akin.

My brows frowned. What the hell? Anduga! "And they won?" I asked. Tumango si Manhattan at ngumiti. "What the hell?? Di kayo nagsumbong?"

"We did but the tables have turned. They throw us allegations saying that we cheated the entire leaque kaya naka-abot kami sa final match. They have no solid proof but yet the game instructor believed them,"

Kaya naman pala ganon na lang ang galit ni Shannon....

"How about Carlo? Na-a-awkward siya sa kuya ko eh. Lalo na nung tumabi sa kanya si kuya nung orientation," I pursed my lips.

He laughed, "Carlo is innocent. Last year pa siya nakapasok sa section namin. Na-intimidate lang siguro siya kay Joseph." Napabuntong-hininga ako. So I guess, Carlo wasn't lying at all. "How about dun sa sinabi ni Gino na hindi kayo gagawa ng gulo pag wala sila Shannon?" I asked.

"Si Quintin ang nag implement niyan." I blinked my eyes.

"Hi ate! Pwede pa picture?" Napatayo ako ng maayos dahil may lumapit sa akin, asking for a group photo with them. Ngumiti ako sa kanila at tumango. "Sure." Tumayo ako sa tabi nila habang si Manhattan nakatayo sa tabi ko at pinapayungan ako.

He looks like my bodyguard. lels.

"Salamat po!"

"Ang ganda niya talaga!!" sigaw nila at nagtatakbuhan paalis.

I just smile and drift my attention to Manhattan again. "Si Quintin? Bakit?" tanong ko then frown my brows afterwards. Nakangiti kasi itong si Manhattan habang tinitingnan yung mga estudyante na nagtatakbuhan paalis.

"Hm? Wala. Si Quintin lang."

"Okay. Hehehehe thank you for answering my questions!" He tapped my head and beams. "No worries,"

Pumasok na kami sa gate ng campus at sinwipe ang ID namin sa scanner bago pumasok sa loob. Araw-araw ganito ang scenario. Tuwing darating ako, kasama or hindi ko kasama si kuya, dinadayo ako ng mga estudyante at nagpapicture sila.

Nagiging known na nga ang mukha ko sa mga facebook nila eh at yung iba naman ay ginagaya ang style ng damit at buhok ko. Dito sa school ako lang yung parating may clip sa buhok tuwing papasok at ngayon, kahit saan ka tumingin may makikita ka nang babaeng may clip sa buhok.

"Excuse me. Mamaya niyo na siya dumugin. Malalate na kami," saad ni Manhattan don sa mga estudyante. Pinabayaan ko siya na kunin ang pulsuhan ko at hilahin ako palayo sa mga estudyante.

"Reinaaa! Isang picture lang oh!"

"Renaaaa! Tapakan mo ko!"

"Smile ka dito oh!"

"Sila ba?"

"Di ko bet,"

"Ganda niya talaga, dzai!"

Ngumiti ako sa kanila habang nakasunod ako kay Manhattan. "Pumasok na kayo!" Yun lang ang nasabi ko kasi pina-stop na din sila ng guard since nakakadisturbo na sila faculty staff. Ang ingay kasi nila and they are crowding the pathway already. Sikipan pa kung sapilitan mong dumaan doon.

"Grabe ka na ah!" Tiningnan ko ng masama si Manhattan pero tumawa lang siya. "Ang haba ng hair!" sabi niya habang hinihimas ang buhok ko. Natawa na lang ako at umiling. We are already at the second floor kaya dumungaw ako sa mga estudyante na nasa baba.

"Napicturan mo yung ngiti nya?"

"Oo!! kita nga yung dimple niya!"

"Talagaaa?"

"Oo!"

"Pasend!!"

"Open mo yung share-it mo!!"

***

"Ilan sa'yo?" tanong ni Carlo sakin at sumisilip sa papel ko. "Konti nga! Kulit eh!" Tinupi ko ang papel ko at nilagay sa bulsa ng blazer ko. Ayoko sabihin sa kanya kung ilan ang nakuha kong score kasi na-ba-badtrip ako.

Out of 50, 15 lang nakuha ko. Surprise quiz kasi eh.

"Ilan ngaa! Sabihin mo na." Iniling ko ang ulo ko at yumuko sa upuan ko. Hays.

Umalis si Carlo sa tabi ko at pumunta doon sa mga kaklase ko na ang la-laki ng ngiti sa labi. Jusko. Huwag lang nila sabihing mas malaki yung score nila sakin ta-tadyakan ko sila.

"Ilan sa'yo Pres?"

"45,"

"Sa'yo, Vice?"

"38."

"Ikaw Orion?"

"Hays...35."

"Talino niyo ah. Quintin?"

"49."

Sana all.

"Talino rin," Carlo said.

Ay punyeta! Sana all matalino no? Joke lang pala yung tadjak :((

And then Carlo proceeded on the back. "Sa'yo Angelo?" Itinaas ko ang ulo ko at inikot ang katawan ko para tumingin kay Carlo whose conducting an interview with everybody.

"9."

"HAHAHAHAHA 9 lang sa'yo? Mabuti pa akin!" Dumungaw ako kay Ivan. "Ilan ba sa'yo? Makatawa to ah!" tanong ni Carlo habang nakakrus ang braso.

"10!"

Anak ng puta!

"1 lang naman lamang mo ah! Ampupu!"

"At Least may lamang!"

"Sa'yo Benj?" Itinaas ni Benj ang kamay niya at iwinagayway ang papel niya sa harapan ni Carlo. "Naks! perfect—HOY GAGO! APAKA FEELING MO! 5 LANG YUNG SA'YO!"

"HAHAHAHAHAHA" Napa-irap ako sa hangin at tinawanan sila. Tumawa rin si Franco kaya napatingin ako sa kanya at sa papel na hawak niya.

"Sa'yo Franco, ilan sa'yo?" tanong ko.

"Itoooh!" Binigay niya sakin yung papel niya kaya tiningnan ko yun. "Isa pa to ang feeling. Anong 100? Hanggang 50 lang yung quiz."

"Ay 50 ba? Hehehe. Hindi ako nainform :'>"

Tumikhim si Orion kaya napatingin ako sa kanya. Tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa harapan ko. "Ilan ba sa'yo?" he asked.

"Oo nga, ilan ba sa'yo, Reina Joy?"

Nginitian ko sila at tumayo sa upuan ko. "Alam niyo....naiihi ako. BYEEE!" Kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas ng classroom.

"ANDUGA!"

"HABULIN NIYO!" sigaw ni Shannon.

Napatingin ako sa likuran ko at kudos! Parang may zombie apocalypse sa likuran ko! Nagtutulakan sila para makasunod sa akin habang sumisigaw ng, "SABIHIN MO NA, REINA!" Umiling ako sa kanila at mas binilisan ang takbo ko kahit wala nang ikakabilis ang takbo ko.

"AHH! TULONG!!!"

Tumalon ako sa hagdan pababa ng building namin. I thought I lost them already pero hindi pala! Mas binilisan nila ang takbo nila para maabutan ako at halos libutin na naman ang buong SHS campus kakatabo. Pagod na pagod na yung mga binti ko pero sige! Gora lang!

"Reina Joy! Huwag dyan!"

Napatigil ako nang may mabangga ako. Tumingala kaagad ako at kitang kita ko ang nagliliyab na mga mata ni kuya habang nakatingin sa akin. "Tehehehe"

"Ano—"

Nilagay ko ang palad ko sa mukha niya para huminga ng malalim at tumayo ng tuwid. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo huh?" tanong ni Kuya. Lagot! Mukhang nagalit ko pa ata sya

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko sila Quintin na papalapit sa amin. Tumakbo kaagad si Carlo para kunin ako kay kuya at itago sa likod niya. What the hell is happening? Tinatanong lang naman ako ni Kuya?

"Anong ginawa niyo kay Reina Joy?" I know that voice. Lumapit na ang ibang boys para palibutan ako habang si Shannon, Quintin at Angelo kaharap ngayon si Kuya. "Anong nangyayari?" bulong ko kay Manhattan.

"Hindi ko alam," sagot ni Manhattan. Sumilip ako sa balikat ni Carlo at kitang kita ko si Kiefer na masama ang tingin kay Manhattan. Si Piercy naman ay nakakunot-noo at yung dalawa pang kasama ni Kuya naka-krus lang ang braso.

"Tumahimik ka, Kiefer. Wala kang alam," said Shannon.

Kinuha ni Luiz ang bag ko at sinablay yun sa balikat niya. "Thanks!" I mouthed.

Kiefer scoffed, "Ako? Walang alam? Kanina pa namin kayo pinapanood dito at hinahabol nyo sya!" sagot ni Kiefer. Tumapat yung tingin ko kay kuya na parang nangungusap sa akin ang tingin at tinatanong kung ano ang nangyayari. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang braso ni Carlo.

As a result, mukhang naproseso niya ang gusto ko iparating kaya lumiwanag yung mukha niya. Yung pag hawak ko kasi sa braso ni Carlo ay soft lang. Kuya and I have a conversation when something like this happens. He told me that if he can't communicate with me verbally, I should show signs that I'm okay. Either I grip into someone's arm softly to let him see that I'm safe, or I grip hard to give a sign that I'm in danger. The same goes for him. He'll show me those signs if we can't communicate verbally.

Tumango si Kuya at ngumiti kay Shannon. "I apologize for the rude behavior of my colleagues, Shannon. Please take care of her and we'll head out." Tumango si Shannon at tumingin sa gawi ko pero nakatoon ang atensyon ko sa mga kasama ni Kuya.

Kuya turned his back and walks away habang tiningnan parin ng masama ni Kiefer si Shannon at Quintin bago tumalikod at sumunod kay kuya.

"Pag nalaman kong may ginawa kayong masama sa kanya. Lagot kayo sa'kin," banta nung Piercy bago siya umalis. Napabuntong-hininga silang lahat at lumingon sa'kin.

Akala ko galit sila sakin pero... "Patingin naaa!" pangungulit nila.

"Ayoko ngaaa! Ang konti nga ng akin ihhhh!"

Jusko. Akala ko tapos na kami dito eh!

Ngumiti sila.,"Patingin na ngaaa!" Pangungulit pa nila. Umiling ako at kinuha ang papel sa bulsa ko at saka iyon hinawakan ng mahigpit hanggang sa mayupi siya.

Napanguso silang lahat dahil sa ginawa ko. "Ang dayaa!" They whines.

"I know what to do..." Ngumisi si Shannon ng nakakaloko at tumakbo palayo.

Hala...

***

Kanina pa sila tawa-tawa pagkatapos nilang malaman ang score ko. Sama mo pa si Quintin na apaka OA ng tawa. Paghahampasin ba daw yung teachers table? Nakakainis!

Pinagkrus ko ang braso ko at ngumuso. Apaka sama nila! Sunugin ko kaya buhok ng mga 'to?

"WAHHHH HAHAHAHAHA 15!" Inirapan ko si Carlo at umiwas ng tingin. Yung gago. Naluha na kakatawa. Mabilaukan sana siya sa sarili niyang laway. Hmp!

"HAHAHAHAHAHAHAHA KINSE!" Isa pa tong president na'to.

"HEH!"

Kinuha ko ang class record sa kamay ni Shannon at binuklat 'yon. Hinanap ko kaagad yung kay Carlo at halos mabulunan ako ng sarili kong laway dahil sa nakita ko.

Nako nakooo!

Tumayo ako sa upuan ko at nilapitan si Carlo na nasa tabi ni Quintin sa teachers table na umiiyak kakatawa. "Saya yan?" Pinunasan niya yung luha sa mga mata niya at tumango.

"Dami ng tawa mo ah. 2 lang naman score mo."

Nabalot ng katahimikan ang classroom. Naibagsak ni Quintin ang Cellphone niya at napanganga bago tumingin kay Carlo.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA DOS!" kantyaw ng Class Zero.

Pinigilan ko ang sarili ko na hindi matawa but at the end, natawa din ako. In short, pinagtatawanan namin lahat ngayon dahil lang sa scores namin sa surprise quiz.

***

When I go home, syempre sumakay na ako kay kuya. And this day won't end well kung hindi niya ako babanatan ng mga tanong kung ano yung ginagawa namin kanina. Bakit daw kami nagtatakbuhan, Bakit ako tumalon sa hagdanan at bakit ganun na lang ang tingin ng Class Zero sakin habang hinahabol nila ako.

I answered him by saying, "We're just having fun, kuya," which he didn't buy.

"Fun? Eh kung nadapa ka?" Napanguso ako. Well, hindi ko 'yan naisip.

"Ih kasi gusto nilang malaman ang score ko sa surprise quiz namin eh. Ayoko ipakita sa kanila kaya ayon." Tumango si kuya at tumingin sa kaliwa't kanan habang nagmamaneho.

"Ilan ba score mo?" tanong niya.

Pati ba naman si kuya itatanong yan?

Napahawak ako sa ulo ko at ngumiti. "15? " Pinatt niya ang ulo ko at ngumiti tapos tumango.

"Very good!" Eh?

"Hindi ka galit?"

Sinulyapan ako ni Kuya at umiling. "Bakit ako magagalit? Pag surprise quiz, normal lang na aabot ng ganyan kababa ang score mo. Been there," he replied. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangumiti at niyakap ang braso ni kuya.

"Tologoooo"

He nodded and asked, "By the way, bakit hindi ka sumabay sakin kanina? Naiilang ka ba kila Kiefer?" tanong ni Kuya.

Naiilang nga ba ako? "Hindi naman.. Gusto ko lang maglakad! Hehehehe. Kuya how about, this week maglakad lang ako papunta school?"

Tinawanan ako ni Kuya kaya napanguso ako. "Parang nung una kang yumapak dito sa JM ang arte-arte mo ah. Bakit naging ganyan ka ngayon?" Bakit nga ba? Hindi ko din alam. Naisip ko lang na mas masaya palang makipag halubilo dito sa JM?

"Or dahil sa Class Zero?"Ngek.

"Bakit naman nasali ang Class ko?"

"Well, who knows na sila pala ang nagtuturo sa'yo ng ganon? The running, The long walk. It's not so you." Napakunot-noo ako.

"Grabe ka naman. Mabait sila sakin!" sagot ko sa kanya.

Alam kong nagtutunog defensive ako pero yun naman ang totoo. "Dyrimple told me na she saw you kaninang umaga kasama si Mara," Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Mara? Wala naman akong Mara na kasama kanina ah? Si Manhattan yun.

"Sino si Mara?"

"Si Manhattan." Ahhh! Kala ko naman kung sino. "Siya ba?" asked, Kuya.

"Ang alin?"

"Nagturo sa'yo?"

Tinawanan ko na lang si kuya at napa-iling. "Alam mo kuya! apaka nega mo! Hindi ngaa!"

Pinasok ni Kuya ang kotse niya sa parking lot ng bahay kaya inayos ko na ang sarili ko. "Mauna na akooo!" I was about to open the door when Kuya cleared his throat. "Bakit?" I asked.

"I can't control your decision being friend with Class Zero but please..." Tumingin si Kuya sa mga mata ko at huminga ng malalim, "don't give your full trust to them. You don't know them yet." Nginitian ko si Kuya at tumango ng dahan-dahan.

"Opo," he smiled and plant a kiss on my forehead.

"Sige na, pumasok kana at magbihis."

"Kuya... I want to ask something." Tumango si Kuya habang inaayos ang bag niya.

"What happened between your group and Class Zero, years ago?"