"Good morning, Inay!"
Nakangiting anunsyo ko at mabilis na hinalikan sa pisngi si Inay habang nagluluto ito ng sinangag, kasunod kong pinuntahan ang bunso naming kapatid na umagang umaga ay nakataas agad ang mga kilay nito habang nakatingin sa amin ni Inay na animoy diring diri sa paghalik ko kay Inay kanina, kaya naman mabilis ko rin itong nillapitan at siya naman ang hinalikan ko sa may pisngi.
"Good morning, sungit." Pangbubwisit ko sakanya kaya naman mabilis ako nitong sinamaan ng tingin. Napangiti na lamang ako dahil sa hitsura niya. Animoy nalugi.
"Kadiri ka ate, may pa kiss kiss kapa diyan." Saad niya at pagkatapos ay pinaikutan niya ako ng mga mata. Dukotin ko yan eh!
"Oh... Umagang umaga ah, boses niyo na naman ang naririnig ko. Ikaw Ivy, tumayo ka diyan at gisingin mo na ang ate Rochele mo at nang makakain na." Saglit lamang akong sinimangutan ni Ivy at kalaunan ay tumayo na ito upang tawagin si Rochele na puyat dahil sa pagbabasa ng mga libro tungkol sa medisina. Naalala ko pa noon na si Rochele ang kaaway ko tuwing umaga at ngayon ay si Ivy na. Ang bilis nga naman ng panahon.
Nang makaalis si Ivy kinuha koi tong oportunidad upang makausap si Inay tungkol sa trabahong inaalok ni Tita Janeth upang ipaalam sakanya na nagkita rin kami ng kaibigan niya. Nang matantya kong tila maganda naman ang gising ni Inay ay tumikhim muna ako para kunin ang atensyon niya.
"Inay..."
Nang masalinan na niya ng sinangag ang plato ng dalawa ay tumingin ito sa akin gamit ang nagtatakang tingin. Kumuha muna ako ng pritong itlog at inilagay sa plato ko bago nagsimula.
"Inay, ano diba may reunion kami nitong sabado sa SCU..." Pagpapatuloy ko at patuloy pa rin tinatanya kung may magbabago sa mukhang ipinapakita ni Inay pero mukhang wala naman kaya't nagtuloy tuloy na ako sa pagsasalita.
"Tapos ano Inay, nagkita kami Tita Janeth at ang bunso niyang anak at pumunta kami sa mansion nila at nakita ko ulit si Marcus."
"Ano--!?"
Tila nais kong atakihin sa puso dahil sa biglang pagsigaw ni Inay sa akin kaya naman napakurap kurap pa ako ng ilang beses bago muling nagsalita.
"T-Tapos ano Inay, inoffer ni Tita Janeth na sa SCU na lang ako magtuturo at maging tutor ni Jonas yung b-bunso niyang anak na lalaki." Pagtatapos ko at tila nais ko pang huminga ng malalim dahil sa klase ng tingin ang ibinibigay ni Inay sa akin.
"Ano ang desisyon mo?" Seryosong tanong ni Inay, pero dahil sa reaksyon niya ay alam ko ng tutol ito kung sakaling papayag ako.
"A-Ano po Inay, h-hindi ko po tatanggapin." Nang masabi ko ang sagot ko ay muli itong bumalik sa pagkain pero bago ako ulit bumalik sa pagkain ko ay muli kong narinig si Inay na nagsalita na siyang nagpabuo sa desisyon ko.
"Maganda na ang nagkakalinawan tayo, Idahlia Renee. Alam mong hindi biro ang paghihirap natin dahil sa pamilya nila."
Isang linggo. Isang linggo kung pinag isipan kung paano sasabihin kay Tita Janet ang desisyon ko at desisyon ni Inay sa proposal niyang nakaka akit. Kung ako ang tatanungin ay may parte sa akin na gusto ko at gusto ko itong gawin para sa pamilya ko dahil pumunta na tayo sa reyalidad, dahil sa estado ng buhay namin ngayon ay sigurado akong hindi ko kakayanin ang lahat ng gastusin sa bahay. Hindi ko naman minamaliit ang pasahod ng isang guro pero sa hirap ng buhay ngayon ay talagang kailangan ko ng extra income lalo na at hindi biro ang matrikula ng isang nais na maging doctor.
Nang sigurado na ako sa desisyon ko umalis na ako sa amin upang mag dumaan muna sa Our Lady of Manaoag upang magsimba. Sinabihan ko na rin kagabi si Sab na bibisita ako sa condo niya kaya tiyak na nasabihan niya na rin si Siena. Linggo ngayon kaya naman paniguradong walang traffic at pasado alas diyes pa lang naman ng umaga. Bumili rin ako ng mga pasalubong upang ibigay kay Tita Janeth at sa dalawang marites na sina Siena at Sab katulad ng native longganisa at puto calasio samantalang ako ay bumili ng mangilan ngilan na tupig upang may kainin ako sa byahe.
Taimtim akong nagdarasal upang humingi ako ng tawad kay Lord dahil sa pagsisinungaling ko kay Inay at naalala kong ipinaalam ko lang kay Inay na magsisimba ako ngayon at mamasyal ako kasama ang kapwa ko guro kaya alam niyang gagabihin ako sa pag uwi, nagawa ko lamang iyon upang hindi na siya manghinala na galing ako sa mansion ng mga King dahil ayaw ko nang madagdagan pa ang iniisip niya.
Nang matatapos na ako sa aking pagdarasal ay naramdaman kong may grupo ng btao na umupo sa tabi ko at kahit ayokong isipin ay tila may naamoy akong kapareho ng pabango nito ang sa mahal na hari pero nagkibit balikat lamang ako dahil imposibleng mapadpad rito si Marcus dahil unang una ay busy iyon, oo nga pala ay Sunday ngayon.
Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy pa rin ako sa pagdadasal pero dahil naalala ko na naman si Marcus ay mabilis kong tinapos ang pagdarasal ko at muling nagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya niya sa akin at sa pamilya ko. Wala talagang magandang maidudulot sa sistema ko ang mahal na hari iyon. Nang matapos ako ay tatayo na sana ako upang pumunta sa terminal pero halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Marcus na nakaluhod at taimtim na nagdarasal.
I can't help but to stare, not because he is handsome or what...It is because I was mesmerized of his faith and devotion. Parang nakikita ko ngayon ang Marcus na palagi kong nakikita noon five years ago kapag nagsisimba kami tuwing fiestang Apo. I'm still glad that he still has faith for him despite of what happened back then.
"Hoy, malandi. Malusaw yan."
Bago pa man ako makapag react ay may nauna na sa akin nagsalita.
"My gosh, You and your mouth!"
Hindi na ako magtataka kung bibitbitin kami palabas ng mga pari at madre dito dahil sa ingay ng mga kasama ni Marcus. Yes, marites sisters are here.
Nang makabawi ako ay isa isa ko silang tinignan gamit ang mga nagtatakang mga mata dahil sa biglaang dating nila. Last night lang ay magka chat kami nitong si Sab at nandito na nga sila at may mahal na hari pang extra. Speaking of mahal na hari, tapos na siyang magdasal at nakatingin na ito sa akin gamit ang seryoso nitong mga tingin.
"M-May dumi ba ako sa mukha?" Mahinang tanong ko dahil sa kaseryosohan ng titig niya sa akin.
Umiling ito bilang sagot. Nauna nang lumabas ang dalawa pagkatapos nilang mag ingay kaya naman kami na lang ang natira sa upuan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko si Marcus.
"E-Eh bakit ganyan ka makatingin?" He licked his lower lip before he answered my question.
"Nothing, I was just stunned because of what I saw." Nang sabihin niya iyon ay dali dali akong luminga sa paligid upang tignan din ang nakita niya pero wala naman akong nakitang kakaiba maliban sa mga taong taimtim na nagdarasal. Nang lingunin ko siya ay hawak na niya ang mga pinamili ko kanina kaya naman daglian ko itong hinabol upang kunin sa kanya ang mga gamit ko.
"Marcus, ako na ang magdadala." Pero parang walang narinig si Marcus at nagtuloy tuloy lamang ito sa paglalakad palabas ng simabahan.
Nang makalabas kami ay naabutan namin si Siena at Sab na kumakain ng taho sa harap ng manaoag na hanggang loob ata ay rinig na rinig ko ang pagbabayangan nila.
"Ikaw ang magbayad ah! Sabi sayo may feelings pa 'yon dun eh!" Ungot ni Siena. Nakatalikod kasi ito sa amin. Ano na naman ang pinagtitsismisan ng dalawang ito?
"Yes na nga. Oh! They are here na. Let's go." Aligagang saad ni Sab at hinigit na si Siena na busy pa rin sa pagsipsip sa taho. Magrereklamo pa sana ito pero agad na silang nakalayo. Napangiti na lamang ako dahil sa kakulitan nila.
"Do you want taho, baby?" Bigla naman akong napatingin kay Marcus nang bigla itong magsalita. Napalinga ulit ako sa paligid dahil baka may kausap pala ito.
"I'm talking to you, baby. Do you want taho?"
Marcus and his baby! Kaya naman mabilis akong napasimangot dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay iniinis pa rin ako ng mahal na hari nato.
"Hindi naman ako si baby. Ako si Irene." Saad ko at lumapit kay kuya upang bumili na rin. Nakakahiya kung hindi kami bibili at nasa harap kami mismo ni kuya.
"Kuya isa nga po. Pakidagdag po ng sago tapos po yung isa normal lang." Paalam ko kay kuya.
"This one is on me." Saad ni Marcus at naglabas ito ng blue bill at mabilis na ibinigay kay kuya. Ang laki! Baka walang panukli si kuya.
"Ako na ang magbabayad." Mabilis na saad ko at nangalkal ng barya sa sling bag ko.
"It's fine. Keep the change po. Happy Sunday!" Nakangiting paalam pa ni Marcus kay kuyang taho at naglakad na muli ito.
"Naku, iho. Salamat. Pagpalain ka sana ng panginoon." Halos maluhang sabi ng tinder ng taho dahil sa laki ng tip na natanggap niya galing kay Marcus. Balak ko pa sanang makihati kay kuya pero agad din akong tinawag ni Marcus. Sayang! Char.
"Let's go baby."
"Hindi nga baby ang pangalan ko." Saad ko habang sumisipsip ng sago. Nakaka enjoy talagang kumain ng taho kapag marami ang sago. Bata pa lamang ako ay ganito na ang hilig ko pagdating sa taho.
"Hindi man baby ang pangalan mo. Pero para sa akin ay ikaw pa rin ang baby ko."
Hindi ako nakagalaw nang biglang bumulong sa akin si Marcus ng walang kakwenta kwentang balita. Tinaasan ko lamang siya ng mga kilay dahil sa sinabi niya na kahit ang totoo ay tila nais kong matawa. Para siyang engot.... Engot na gwapo!
"Ang dami mong alam." Kumento ko.
"I do know a lot of things especially when it comes to you, baby."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks :)