Chereads / Twilight Promises / Chapter 38 - 37

Chapter 38 - 37

Today is Sunday. Maaga akong nagising upang ligpitan ang mga kalat namin kagabi. Nagkainuman na rin kami pagkatapos naming kumain ng dinner, nakailang beer sila Marcus kaya naman nagpagrab na lang sila pauwi. Halos hindi pa makatayo si Xander kagabi dahil mahina pala ang alcohol tolerance nito kaya naman nakailang mura pa si Siena kagabi dahil hindi niya ito tinigilan kakaasar. Habang si Landon naman ay puro kalokohan ang mga pinaggagawa kaya naman nakailang hampas si Sab sakanya habang si Marcus naman ay tahimik pero huling huli ko ang seryoso nitong mga tingin sa akin kaya nang hindi ko nakayanan ang mga tingin niya ay nagpaalam akong pupunta sa balcony para magpahangin. Hindi ko tuloy mapigilan ang alalahanin ang mga sinabi ni Marcus kagabi.

Lumabas muna ako upang magpahangin dahil grabe ang mga tingin na ibinibigay sa akin ni Marcus. Napayakap tuloy ako sa sarili ko dahil sa lamig. Pilit na iniisip ang klase ng tingin na binibigay sa akin ni Marcus. What is that? Ano na naman ang mga pauso mo, mahal na hari?

Nang matantya kong ayos na ako ay akmang papasok na ako sa loob pero ang yakap ni Marcus ang sumalubong sa akin kaya naman mabilis akong tumalikod muli.

"Stay..." Bulong ni Marcus sa likod. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya sa may tenga ko samantalang ako ay tila may nais magwala sa loob ko. Nanatili akong tahimik at pinapakinggan ang bilis ng tibok ng puso niya. Sa sobrang lakas ay pakiramdam ko ay parang lalabas na ito.

"I waited for this. I endured everything. I did my best just to experience this with you again." Bulong ni Marcus ulit. Naramdaman kong humigpit muli ang yakap niya sa akin habang nakatalikod pa rin ako sakanya.

"If only I could turn back time. Akin ka pa rin sana ngayon." Pagpapatuloy niya.

"I'll do my best just to get you back even if it will cost me." Nang sabihin niya iyon ay naramdaman ko ang pagtulo ng butil ng luha niya bago ito tuluyang nakatulog sa may balikat ko. Kasabay ng pag ihip ng hangin at ay siya ring pagtulo ng isang luha ko dahil sa mga sinabi niya.

Maybe the thing that we had before was just a phase for us to be strong. Mahirap kalabanin ang oras lalo na kung sa magiging kasiyahan mo ay marami rin ang malulungkot sa paligid mo.

"Omg, girl! Let me clean the mess. You don't need to do that."

Ang boses ni Sab ang nagpabalik sa akin sa reyalidad pagkatapos kong maaalala ang mga sinabi ni Marcus sa akin kagabi. I doubt kung maalala niya pa iyon ngayon. Nagpatuloy na lang ako sa pagliligpit upang hindin ko na maisip muli ang mga sinabi ng mahal na hari. Nginitian ko si Sab bago sumagot.

"Hayaan mo na. Hindi naman ako masyadong nakainom kaya keri na 'to. Nagluto na nga rin pala ako ng almusal para mahimasmasan kayo." Nakangiting sabi ko at nakita ko pang lumabi si Sab bago ako nilapitan at niyakap.

"Aww. I feel like baby now! Thank you, girl. You're the best!" Saad niya at mabilis ako nitong dinampian ng halik sa pisngi.

"Hala, may pagkain? Nasaan ang pagkain?" Ang boses ni Siena ang nagpasimangot kay Sab pagkatapos nitong humiwalay sa akin. Kamot kamot pa si Siena sa ulo nito habang gulo gulo ang buhok at naglakad ito papunta sa may sofa at binagsak ang katawan upang mahiga. Mabilis naman siyang binato ng unan ni Sab.

"No food for you! You were so loud last night!"

"Aray, pota! Inaano ka?! Umagang umaga, ah." Reklamo ni Siena dahil sa pambabato ni Sab sakanya.

"Tama na nga iyan. Para kayong mga bata. Magsiligo muna kayo bago kayo magsikain." Magmamaktol pa sana si Siena ng ako na mismo ang bumato sakanya ng unan kaya naman mabilis siyang bineletan ni Sab. Katamad tamad pa rin maligo hanggan ngayon.

"Kapag walang ligo, wala ring almusal!" Anunsyo ko kaya naman mabilis itong tumayo at pumunta sa banyo. Nag apir pa kami ni Sab habang tumatawa.

"Pakyu kayong dalawa!" Sigaw ni Siena mula sa banyo.

"Hey, I have a question. Kayo na ba ulit ni Marcus?" Sab asked habang kumukuha ng bulak at make up remover.

Hindi ako naging handa sa tanong niya kaya naman hindi ko maiwasang maglibot sa condo niya upang humanap ng sagot.

"A-Ano? Hindi, magkaibigan lang kami ni Marcus."

Dahil iyon naman ang totoo, magkaibigan naman talaga kami noon pa. Hindi na ako galit sakanya dahil sa mga nasabi niya kay Itay noon dahil tulad ko ay palagay kong hindi niya rin sinasadya na masabi iyon dahil sa sitwasyon namin. Tulad ko ay hindi ko naiwasan na makapag bitaw ng mga masasakit na salita sa pamilya nila pero iba naman iyong nakita ko noon limang taon na ang nakakalipas.

Maybe, Marcus wasn't really sure of his feelings before and I refused to know it now. Kuntento na ako sa pagiging kaibigan namin ngayon at isa pa ay minsan na akong sumugal pero wala naman akong napala. Okay na ako roon, hindi ko naman ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa mga bagay na alam kong hindi naman ako pwede.

Isa pa ay engaged na si Marcus kay Suzanne. Kaya wala ng dahilan pa upang mabuksan muli ang sa amin ni Marcus. Pinatunayan niya lamang five years ago na hindi kami talaga ang para sa isa't isa. Nang sagutin ko ang tanong ni Sab ay tinignan niya lamang ako ng seryoso.

"...At isa pa ay engaged na sila ni Suzanne." Pagpapatuloy ko sabay pulot sa mga kalat na nasa sahig. Narinig ko pang suminghal si Sab bago sumagot.

"That bitch! She's crazy." Sab said out of nowhere kaya napatingin akong muli sakanya. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita.

"Just wait for my cousin, okay? Promise me." Seryoso si Sab nang sabihin niya sa akin iyon kaya naman kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako dahil sa sinabi niya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang iniisip ko dahil sa sinabi niya pero isa lang ang alam ko ay ang matagal ng baliw si Suzanne. Char lang.

Habang kumakain kami ay nakatanggap ako ng text mula kay Marcus na susunduin niya ako ngayon at nagyayang umalis. Tinignan ko ang panahon mula sa bintana at nakita kong hindi naman mainit. Noong una ay nagdalawang isip muna ako kung sasama ba ako o hindi pero nang mapag alaman kong aalis rin pala si Sab ngayon ay pumayag na ako tutal ay wala rin naman akong gagawin ngayong araw, sakto dahil may gusto rin akong puntahan kaya naman pumayag na ako sa alok ni Marcus. SInabi kong maliligo lang ako bago niya ako sunduin.

Nang matapos akong kumain ay isang reply ang natanggap mula kay Marcus. Binasa ko ito pero halos mapasimangot ako dahil sa reply niya.

From: Mahal na hari

Alright, baby ko. Take a bath well mwah

Wow! May pa mwah na siya ngayon, dati ay baby lang. Ang daming pakulo talaga ng isang to!

"Uy, text mate na ulit kayo ni Marcus?" Siena asked habang sumandok pa ng kanin.

"Ha? Hindi. Spam lang iyon." Mabilis kong sagot sabay lapag ng cellphone ko sa lamesa.

"Weh? Bakit ka namumula? Spam pa more." Intriga ni Siena sa akin habang tinitignan ako ng nanunukso. Pinaikutan ko siya ng mga mata bago sumagot para maligo.

"Wala! Ubusin mo na nga iyan." Saad ko at iniwan na siya roon.

Hindi ko alam pero kusa akong dinala ng mga paa ko sa may cabinet upang tumingin ng susuotin. Noong una ay hindi ako makapag decide kung ano ang susuotin ko dahil masyadong pang pormal at pang araw araw lang ang halos na dinala ko dahil alam kong trabaho ang ipununta ko rito, pero buti na lang ay may naligaw na white floral dress kaya iyon na lang ang susuotion ko. Sakto lang ang haba nito kaya hindi ako nahirapan na paresan ito ng white sneakers. Joke, yung lang kasi ang nadala ko maliban sa black shoes ko for my work hehe.

Habang naliligo ako ay kinatok ako ni Sab na aalis na raw sila ni Siena ngayon kaya naman sinabi kong aalis din ako ngayon kasama si Marcus para hindi na siya mag alala. Narinig ko pa ang hagikgikan ng dalawa bago ko narinig ang pagsara ng pinto. Pakanta kanta pa ako dahil maganda ang panahon ngayon dahil hindi masyadong mainit sana nga lang ay wag uulan para hindi hassle sa pupuntahan ko.

Saktong paglabas ko ng pinto ay nakita kong nag riring ang phone kaya naman mabilis kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Ano na panget? Kanina pa ako doorbell ng doorbell dito sa labas." Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Marcus. Ang sinabi ko kasi mamaya niya pa ako susunduin nang mapatingin ako orasan ay nagulat akong halos magdadalawang oras na pala akong nakakabad sa bath tub. Lagot!

Dali dali akong nagbihis at ibinalot sa ulo ko ang tuwalya para hindi mabasa ang dress ko at pumunta sa pinto para pagbuksan si Marcus. Ang nakasimangot na Marcus ang sumalubong sa akin at tuloy tuloy itong pumasok sa loob.

"Sa bahay kana kaya tumira. Ang hassle pabalik balik rito para makita ka." Saad niya sabay upo sa sofa. Umismid ako dahil sa sinabi niya.

"Edi sana hindi ka nalang nag punta kung magrereklamo ka lang." Sabat ko at pinangkuha ko siya ng maiinom sa ref dahil halata ang pawis niya sa noo.

"Hindi naman ako nag rereklamo, panget. Nag sa-suggest lang. Edi kung hindi ako pumunta ngayon, edi hindi ko makikita ang kagandahan mo. Nagpapaganda kaba sa akin panget, ha? Hindi na kailangan dahil matagal ka ng maganda sa paningin ko since were in grade school."

Tuloy tuloy na saad nito at kinuha sa akin ang baso ng juice at iniisahang inom niya lamang iyon. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit na gusto nang magwala ng kalamnan ko dahil sa sinabi niya.

"Masyado kang bolero. Ganyan mo ba nakuha si Suzanne?" Irita kong tanong bago pumasok muli sa loob ng kwarto ko. Narinig ko ang pag ingay ng T.V dahil binuksan niya ito pero narinig ko pang nagsalita itong muli.

"Bakit ko naman kukunin ang baliw na 'yon? Hindi naman siya si Idahlia Renee T. Bernardo." May kalakasang saad niya bago ko tuluyang isara ang pinto ko ng may ngiti sa labi.

Kung patuloy siyang gaganyan ay baka magiba lang ang ginawa kong pader na nakapalibot sa puso ko. Mukha yatang kailangan kong mag doble ng ingat dahil may isang Marcus na magaling gumiba ng pader!

Bago kami umalis ay tinanong muna ako ni Marcus kung saan daw ang una naming pupuntahan at mabilis kong sinabi ay sa simbahan. Tumango lamang ito at nakita kong tinatahak na namin ang daan papuntang Carmelite. Dito rin kami madalas magsimba ni Marcus tuwing linggo, minsan kasama ang mga pamilya namin at kung minsan naman ay sila Sab. Mga twenty minutes lang ang itinagal namin dahil nag visit lang kami, napadaan pa kami sa may mismong simbahan at narinig ko pa ang boses ng babaeng kumakanta ng ama namin, nagkatinginan pa kami ni Marcus dahil tiyak na narinig niya rin ang mala anghel na boses nito.

Nang sabihin ko ang susunod naming pupuntahan ay natahimik ito pero nag maneho pa rin siya. Nang huli akong magpunta sakanya ay talagang pinalinis ko pa sa caretaker ang lugar niya, pinatrim ko lang ang ilang damong nakakalat dahil halata naman na nalilinisan ito ng maayos. Siguro ay kasama iyong paglilinis sa lugar niya sa package na binayaran namin noon.

Dala dala ko ang bulaklak at kandila na nabili ko sa may entrance, bago ako makapagreklamo ay mabilis na ibinigay na sa akin ni Marcus ang lighter na hawak niya. Nang makita kong may lighter ito ay napataas agad ako ng kilay. Kailan pa siya natutong manigarilyo?

Mukhang nahalata niya ata sa mukha ko ang pagtataka kaya mabilis itong nagsalita.

"I smoke when I'm stress but I already stopped it since you came." Inirapan ko lamang siya nang marinig ko ang sagot niya kaya naman inabutan ko siya ng candy galing sa bag ko.

"Ayan mag candy ka na lang kapag na stress ka, hindi mo ba alam na masama sa kalusugan ang pag sisigarilyo?" Sermon ko sakanya habang sinisindian ang mga kandila na dala ko. Nakita kong umupo ito sa tabi ko at tinulungan akong mag tirik ng kandila. Noong una ay akala ko hindi na siya sasagot.

"Hindi na kailangan ng candy. Kiss mo na lang sapat na." Napaharap ako sakanya dahil sa sagot niya at nakita kong nakangiti ito ng parang aso. Umamba akong parang susuntukin siya kaya naman napatakip agad ito sa mukha gamit ang mga kamay niya.

"Eh kung sapakin kaya kita diyan." Suhuwestiyon ko.

"Kiss will do." Nang ipilit niyang muli iyon ay hindi ko na napigilan na sipain siya kaya naman napahiga ito sa puntod ni Itay.

"Ouch! Tito look, your daughter hit me! Pagalitan mo nga tito." Sumbong kuno ni Marcus kay Itay habang pinapagpagan ang damit nitong nadumihan. Napatawa na lamang ako sa inasta niya, para parin talagang bata.

Nang mapansin ni Marcus ang pananahimik ko ay tumabi na ito sa akin. Marahil katulad ko ay nag aalay rin siya ng dasal para kay Itay. This is one of the million reasons why I fell inlove with Marcus before... He knows how to respect person privacy.

Itay... Kamusta po kayo nila lola diyan? Itay, tama po ba ang naging desisyon ko na tanggapin ang alok ni Tita Janeth? Itay, kung sakaling malaman po ni Inay yang pagsisinungaling ko sakanya ay tulungan niyo po akong ipaintindi sakanya kung bakit ko nagawang magsinungaling. Gusto ko lamang pong mabigyan sila ng magandang kinabukasan...

Itay, miss na miss ko na po kayo...

Nang masabi ko ang lahat ng nararamdaman ko kay Itay ay hindi ko namalayang napaluha na pala ako. Pagdating talaga sa pamilya ko ay nagiging mahina ako, bago ko pa man mapunasan ang mga luha ko ay naunahan na akong yakapin ni Marcus. Isinubsob niya ang mukha ko sa dibdib niya.

Nang dahil sa ginawa niya ay mas lalo lamang akong naiyak dahil pagkatapos ng limang taon ay naramdaman ko rin sa wakas ang pang aalo na matagal ko ng hinahanap. Para lamang akong bumalik sa dating Irene na iyakin habang nakayakap ako sa mga bisig ni Marcus. He's gently stroking my hair na siyang nagbibigay ng kalma sa puso ko.

"I'm sorry baby if I had to leave you during your darkest moments. I'm sorry if isa pa ako sa mga nakadagdag sa paghihirap mo noon. I'm sorry if I left you when you needed me the most and I'm sorry if I broke my promise..." Bulong ni Marcus sa tenga ko gamit ang basag nitong boses. Ilang iling pa ang ginawa ko upang ipaalam sakanya na hindi niya kailangan humingi ng tawad dahil sa nangyari noon. Hinarap ko siya habang patuloy pa rin ang pagluha ko at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha pisngi ko.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, dahil lahat tayo ay biktima sa nangyari pero oo, aminado akong nagalit ako sayo noon kasi ikaw lang yung alam kong matatakbuhan ko pero wala ka, kasi kinailangan mong umalis that time pero matagal na iyon dahil kalaunan ay na-realized kong hindi lang naman kami ang nahirapan dahil sa nangyari. Mas mabigat pa nga iyong sayo kasi hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na makatanggi sa responsibilidad na kailanman ay hindi ka naging handa. Alam kong mahirap rin sayo ang nangyari dahil kinailangan mo ring maging matatag habang nahihirapan ka para sa mommy mo..."

Mahabang saad ko at ako naman ang nagpunas sa mga luha niyang walang tigil sa pag agos dahil sa mga sinabi ko. Pagkatapos kong marinig ang paghingi niya ng tawad ay parang may parte sa akin na tuluyang nagpawala ng bigat sa dibdib ko, siguro kung hindi naging malawak ang pag intindi sa sitwasyon namin ay paniguradong hinding hindi ko kakayanin ang makita man lang si Marcus, dahil sa galit sa nangyari kay Itay.

"I'm thankful that Tito raised you very well. I'm finally home, panget."

Nang dahil sa sinabi niya ay animoy may humaplos sa puso ko. Marcus really knows how to use good words. Marahil nakuha niya iyon kay Tito Miguel sa galing nitong magbitiw ng mga magagandang salita dahil kailangan iyon sa politika.

Pero kung babalikan ko iyong tanong ni Sab kanina isa lang ang sagot ko. Ayaw ko na. Masaya na ako bilang isa sa mga kaibigan ni Marcus. Inayos ko muna ang nagulong buhok ni Marcus bago nagsalita.

"We're finally home. Kung kailangan mo ng kaibigan ay nandito lamang ako palagi. What are friends for, right?" I said upang ipahalata sakanya na kailangan na niyang itigil ang panunukso sa akin ng baby dahil wala rin namang pupuntahan iyon. Halata sa mukha ni Marcus na hindi niya nagustuhan ang narinig niya mula sa akin.

"No, panget." Sabat niya gamit ang serysosong boses.

"A-Ano?"

"What are lovers for, right?"

Saad niya na siyang nagpanganga sa akin. Ang akala ko ay tuluyan na siyang susuko sa akin pagkatapos kong iparamdam sakanya na hanggang kaibigan na lang ang maibibigay ko. Eh, hindi pa nga niya sinasabi sa akin ang rason kung bakit niya nagawang halikan si Suzanne five years ago!

Nang dahil sa sinabi niya ay mabilis ko siyang tinulak kahit na maluha luha pa rin ako kaya naman ang halakhak niya ang nangibabaw sa sementeryo. Ang lakas talaga ng trip ng mahal na hari na 'to!

"Fuck. Pwede bang akin ka na lang ulit?"

WHAT.THE.HELL

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HINDI NA MARUPOK SA 2022 HAHAHAHAHAHAHA

Thank you! :)