I started my day by cooking our breakfast. Light breakfast lang ang inihanda ko tulad ng ginisang corned beef at sunny side up egg. Nang matapos ako ay sakto naman ang labas ni Sab sa kwarto niya, kaya naman ipinangkuha ko na rin siya ng plato. Nakangiting sinalubong ko si Sab at nilagyan na ng kaunting kanin ang kanya. She looked at me then she smiled na animoy kinikilig.
"Aww, Irene girl. Huwag mo akong sanayin sa ganito baka hanap hanapin ko." Pabirong saad niya na siya namang lalong nagpangiti sa akin.
"Edi masanay ka." Pabiro ko ring saad na siyang nagpasimangot sa kanya.
"Hindi papayag ang pinsan ko. One of these days ay babawiin ka rin non sa akin." She bluntly said. Huli na nang marealized niya ang nasabi niya kaya naman mabilis akong nginitian nito.
"Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. I'm still asleep."
"Oo na sige, kumain ka na lang diyan. Ano ba iyan, kumakain ka pa ba? Bat ang payat mo na?" Sunod sunod kong tanong.
Pasimpleng ngumiti si Sab dahil sa mga sunod sunod kong tanong. Her beauty is really ethereal.
"There you are! you're really back. My nagger friend is finally back. Girl, I need this. I have to be like this." Dahil sa sinabi niya ay hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata nito sabay kagat niya sa wheat bread na hawak niya, kaya naman hindi ako nagdalawang isip na lagyan ng ulam ang plato nito para kahit papaano ay magkalasa naman ang kinakain niya at ang kaninang tubig na iniinom niya ay pinalitan ko ng gatas.
"Kumain ka na." Saad ko at ako na mismo ang nagbigay sa kanya ng kutsara. Mabilis naman niya iyong tinanggap at nginitian ko siya na parang nagsasabi ng walang mali sa ginawa niya.
I know Sab has her own issues too but she acts like everything is fine. If you will see her, she looks like she can solve everything but too bad I'm her friend and I know that there is really something wrong, pero ayaw ko siyang pangunahan kung kailan niya gustong mag share ng problema niya but I will always be here for her. Always.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta si Sab na siya na raw ang magliligpit ng mga pinagkainan. Noong una ay hindi ako pumayag dahil nakakahiya, pinatira na niya ako ng libre sa condo niya pagkatapos ay siya pa ang magliligpit ng pinagkainan namin pero bandang huli ay siya pa rin ang naghugas. Ako na lang ang mag gogrocery sa biyernes para sa kusina niya, dahil ayaw niya talagang tanggapin ang share ko sa condo niya.
Nang makapag ready na ako para pumasok sa SCU ay nagpresinta pa si Sab na ihatid niya ako, pero tumanggi na ako dahil halata pa rin sakanya ang puyat kayat sinabi kong ipahinga na lamang niya ito dahil isang sakay lang naman papunta sa SCU.
Mabuti na lang at maaga akong nagising kaya hindi ko na naabutan ang rush hour kaya wala pa mang twenty minutes ay nakarating agad ako, kaya dumeretso na ako sa director's office upang ipaalam na handa na akong magturo dito. Alam ko na ang pasikot sikot rito sa SCU kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin.
Saktong kakatok na sana ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko mula kung saan. Nang mapatingin ako sa nagsalita ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Trev!" Abot tengang ngiti ko dahil sakanya. Isa si Trevor sa mga taong hindi umalis sa tabi ko noon, sila nila Sab at Siena.
"Is that you, Irene? Two years lang akong nawala. Ang laki na ng pinagbago but it will not change the fact na maganda ka pa rin. Siyang tunay." He looks fresh as usual. Napansin kong may kasama ito kaya naman tinignan ko ito at nakita kong nakatingin na pala ito sa akin pero mabilis ko ring inilipat ang atensyon ko kay Trevor.
"At hanggang ngayon ay bolero ka pa rin." Nakataas na sa sabi ko dahil sa pambobola niya habang hinahawakan ang mga gamit ko. Dalawang kahon lang naman ito kaya dinala ko na, yung mga iba kong gamit sa pagtuturo ay sa mga susunod na araw ko na lamang dadalhin.
"Ouch. Hanggang ngayon ay honest ka pa rin. Oh! By the way, I would like to introduce my cousin. Mond, this is Irene my beautiful friend and Irene this is my cousin, Mond."
Nang ipakilala ni Trevor ang kanyang pinsan ay tila nahihiya pa itong magpakilala kaya ako na ang kusang nag baba ng mga gamit ko sa sahig at na nag extend ng kamay dahil pinsan naman ito ni Trevor. If Trevor has this boy-next-door look while his cousin has this strong features contradict to his shyness right now. Well, we might know since unang kita ko palang sakanya.
"Hi, I'm Irene. Nice to meet you." Pormal kong saad.
"Hi, I'm Raymond." Pagkatapos naming mag shake hands ay nginitian ako nito. He looks very shy. Is he really shy type person?
"Oh man! It looks like I have to go now. We'll catch up later, man." Paalam ni Trevor at tinapik sa braso ang pinsan nito at mabilis na tinignan ang cellphone nito. Mukhang may kailangan atang asikasuhin si Trevor base na rin sa pagmamadali niya at nang mailagay na niya ng cellphone nito sa bulsa ay mabilis niya akong binalingan.
"You too, Irene. We will have a lot of talk. See you around." Trevor informed me na mabilis ko naman itong nginitian at tumango. Nang makaalis ito ay kinuha ko na ulit ang mga kahon na dala ko.
"Tulungan na kita, Irene." Biglang aad ni Raymond kaya naman hindi ko na nakuha pang kunin ang mga dala ko dahil nakuha na niya ito.
"Salamat. Hindi ko alam na may pinsan pala si Trevor." Saad ko upang may mapag usapan naman kami. Tumango ito bilang sagot.
"Sa mother side. By the way, are you a teacher here? Bakit ngayon pa lang kita nakita?" Tanong ni Raymond habang may kislap sa mga mata nito. He looks calm na ngayon kaya tumango ako bilang sagot sa mga tanong niya.
"Oo, bago palang. High school English teacher." Nakangiti kong saad. Kita ko ang mga estudyanteng palakad lakad sa campus, hindi ko tuloy maiwasang alalahanin yung mga tagpong halos magsidapaan na kami nila Siena para lang hindi mahuli sa unang subject na siyang nagpangiti sa akin.
"You look gorgeous when you smile."
"Huh?" Kunwaring tanong ko nang marinig ko ang sinabi ni Raymond kahit narinig ko ito baka mali lang kasi ang narinig ko diba? Sa istoryang ito, bawal ang assumera. Been there, done that. Remember? Charot!
"N-Nothing. Ang sabi ko ay P.E teacher ako rito. Si Trevor ang nagtulak sa akin para mag apply and I think I got lucky that's why I'm here and I'm very delighted to work with you." Ngumiti ito habang namumula ang tenga niya.
May sakit ba siya? O dala lang ng init ng panahon? O baka naman najejebs? Ay shocks, kadiri. Pasintabi po sa mga kumakain ngayon.
"Ah ganoon ba... Sige salamat, una na ako at kailangan ko pang pumasok sa director's office." Paalam ko sakanya para sana ibigay na niya ang mga gamit ko.
"Sige, hintayin na kita dito para sabay na tayong pumunta ng faculty room. Mamayang nine a.m pa naman ang first class ko at mabigat bigat rin itong mga dala mo." Nakangiting tugon ni Raymond. Noong una ay nag alangan pa ako pero dahil isa lang naman ang daan namin kaya bandang huli ay napatango ako sa suhuwestiyon niya at baka mamaya ay isipin niyang nagmamalaki pa ako kung tatanggihan ko ang tulong niya. Overthinking yarn? Charot ulit.
"Sige, bibilisan ko na lang."
"Take your time, Irene." Ang bait!
Nang maipaalam ko na sa director namin ang unang klase ko ngayon ay sinabihan niya lamang ako ng mga ilang patakaran ng school which is nagkaroon na ako ng mga ideya dahil naging isang estudyante rin ako rito noon. Nang maibigay na ni Mrs. Corpuz ang lessonly ay nakangiti pa itong nagpaalam sa akin na siyang nagpaalala sa akin na may naghihintay pa pala sa akin sa labas, kaya naman nang makapag paalam na ako ay mabilis kong tinungo ang pinto dahil halos inabot rin ng kinse minutos ang naging pag uusap namin ng director. Mabuti na lamang at wala itong nabanggit sa pag biglaang lipat ko sa school nila dahil pinuri ako nito sa mga magagandang evaluation na nakalagay sa portfolio ko.
"Shocks. Nakakahiya, sorry Raymond if naghintay ka ng matagal." Aligagang saad ko sakanya. He chuckled because of what I have said.
"Oh no biggy. Tara na?" Nang sabihin niya iyon ay tumango na ako.
"Anong oras pala ang unang klase mo?" Raymond asked habang naglalakad kami papunta sa faculty.
"Nine a.m din." Saad ko habang binabasa sa planner na binigay ni Mrs. Corpuz.
"I see. Gusto mo bang mag coffee muna habang naghihintay ng oras?"
I hate coffees pero dahil mabait naman siya ay okay lang baka mag juice na lang siguro ako saka mamaya isipin niyang pabebe ako edi wala na akong mapagtatanungan sa SCU. Char! User yarn?
"Okay." Akmang ngingiti na sana siya ay hindi sinasadyang mabunggo siya ng isang estudyante na I think is from elementary department base na rin sa badge nito sa may collar. Nang dahil sa aksidenteng pagkakabangga ay hindi naiwasan na sumambulat sa lupa ang mga gamit ko kaya naman daglian kong pinulot isa isa ang mga nagkalat na gamit mabuti na lamang at hindi napilayan o nabukulan ang estudyante.
"Hala sir! Sorry po, sorry po." Aligagang saad ng babaeng estudyante at mabilis na nagpulot ng mga gamit ko sa lupa.
"It's okay. Sige na kami na lang dito. Mukhang mahuhuli kana." Raymond suggested na mabilis ko namang nginitian ang bata. Noong una ay alanganin pa siya pero nang marinig niya ulit ang bell ng school ay tumakbo na ulit ito papasok sa elementary building.
"Naku. Dahil tuloy sa pagpulot natin nalukot na iyong uniform mo." Saad ko kay Raymond dahil halos siya na ang nag pulot sa mga gamit. Nakakahiya at nakita niya pa ang ilan sa mga personal na gamit ko like mga pictures ko at isa na roon ay kasama si Marcus. Bakit pala nandoon ang mukha ng mahal na hari? Hayaan na para may panakot sa daga kung sakali.
"No worries."
"Ako na nga ang magbubuhat sa isa." Suhuwestiyon ko pero mabilis niya lamang itong dinala sa kabilang direksiyon upang hindi ko ito maabot. Napalabi tuloy ako dahil sa ginawa niya. Raymond is a P.E teacher and he is really tall kaya wala na akong nagawa kundi ang mapalabi dahil ayaw niyang tulungan ko siya kahit na gamit ko naman ang mga iyon.
"No, it's okay. Kaya ko na ito." Napakamot pa tuloy ako sa ulo ko dahil nakikita ko na ang mga ugat niya sa mga braso nito tanda na nabibigatan ito sa mga dala nito.
Nang hindi ko matiis ay minsan ko pang tinangka na agawin sakanya ito dahil unang una ay nakakahiya at pangalawa ay baka ano pa ang isipin ng mga nakakakita sa amin at unang araw ko dito at baka may masabi silang hindi kanais nais dahil lang sa pagmamagandang loob ni Raymond.
"Really, Irene. No pressure, ako na." Natatawang saad ni Raymond sa akin hindi ko tuloy maiwasan na mapatawa rin nang ma-realize kong para kaming engot rito sa gitna ng corridor. Magpapasalamat pa sana ako nang biglang may nagsalita sa likod namin na siyang nagpawala ng mga ngiti ko sa labi.
What is he doing here?
"Really? Umagang umaga ay chismisan ang inaatupag niyo imbis na magturo."
"M-Marcus..." Utal kong sabi.
"Who is he?" Raymond asked me out of nowhere.
"Me?" Marcus took a deep breath before speaking.
"Yes." Raymond firmly said habang hawak hawak pa rin niya ang mga gamit ko. Hindi ko tuloy alam kung kanino ako susunod na titingin dahil ang titipid ng mga salita nila.
"I am the owner of this school." Marcus seriously said that while he is walking toward us while his hands are on his pocket. He is wearing an office suit and it looks like it perfectly suited to him.
I've never been smitted before because of goddamn office attire but Marcus hits different. I badly wanted to look away since my heart is in danger now but my stupid eyes won't cooperate and it's enjoying the goddamn view!
Nang tuluyan na itong nakalapit sa harap namin ay awtomatiko akong napailing ng ilang beses upang maalis ko sa utak ko ang imahe ni Marcus kanina. Bakit ba kasi ang lakas ng appeal niya pagdating sa mga office attire?! Malaking pasalamat ko na lang at hindi ko nasampal ang sarili ko dahil sa pagtitig ko sakanya. Napasulyap pa sa akin si Marcus nang mahuli niya akong nakailang iling baka isipin niyang nababaliw na naman ako.
Matagal ka ng baliw sa kanya.
Nang dahil sa naisip ko ay hindi ko na nga napigilan ang sampalin pa ang sarili ko huli na nang ma realized ko ang katangahang ginawa ko sa harap nila. Una kong tinignan ang reaction ni Marcus na tinaasan lang ako ng kilay kaya naman sinamangutan ko lamang siya at sunod kong tinignan ay si Raymond tumitingin sa paligid kayan naman mabilis akong nagsalita upang magdahilan na paniguradong kitang kita ng walang mahal na hari.
"May lamok!" Mabilis kong saad pagkatapos ay nagkunwaring nagpapatay ng mga lamok gamit ang dalawa kong palad at mabilis na tinignan si Marcus at mabilis naman niya akong tinaasan ng kilay.
Anong katangahan na naman itong pinag gagawa mo, iha? Saad ko sa sarili ko. Nang makita kong nakailang iling si Marcus sa akin habang may maliit na ngiti sa labi ay tumigil na ako habang si Raymond naman ay tumingin sa paligid. May nawawala ba sa gamit niya?
"Wala naman akong makitang lamok, Irene. Pero gusto mo may off lotion ak—" Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang bigla na lamang nag react si Marcus at iniligay pa niya ang hintuturo nito sa ere.
"Shhh... My baby is perfectly fine and pre, itabi mo ako na." Marcus said that while he is seriously looking to Raymond at mabilis niyang kinuha ang mga kahon na dala nito at siya na mismo ang nagbuhat.
Before he turned his back to Raymond ay ngumisi muna ito at naglakad na palayo pero ano raw!? Baby!? Baby niya mukha!
Baby face naman talaga siya. Again, my subconscious mind!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks! :)