Chereads / Twilight Promises / Chapter 41 - 40

Chapter 41 - 40

Sa mga ordinaryong kwento ay malamang sa malamang ay aalis na ang pinapaalis pero sadya atang baliw na nga talaga si Suzanne, dahil pagkatapos siyang ipagtabuyan ni Marcus kanina ay nanatili pa rin ito sa may living room at ayon sa mga kasambahay na nandito ay ayaw daw umalis ni Suzanne hanggat hindi niya raw nakakausap ng maayos si Marcus.

Kung ako kay Suzanne ay aalis na lamang ako. Hindi naman sa gusto ko siyang umalis pero parang ganoon na nga. De joke lang. Kung ako sakanya ay aalis na ako pagkatapos kong makita ang kaseryosohan sa mukha ni Marcus kanina, basta ibang iba awra niya na kadalasan kong makita sakanya sa tuwing magkasama kami. Nagmistula tuloy siyang estranghero kanina sa paningin ko.

Epekto ba ito ng pagpunta niya sa America o sadyang hindi ko pa talaga siya lubusang kilala?

Nang hilahin ako ni Marcus kanina ay sobrang higpit ng pag hawak niya sa may palapulsuhan ko at nang makarating kami sa may bandang likod ng mansion nila ay nakailang buntong hininga muna ito ng malalim bago niya ako binitawan. Nang matanggal ang pagkakahawak niya sa akin ay pasimple ko itong hinimas upang kahit papaano ay mawala ang sakit.

Siguradong may rason si Marcus kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay Suzanne. At kahit na atat na atat akong malaman ang dahilan ay ayaw kong magtanong dahil unang una ay wala naman ako sa lugar upang magtanong, mamaya ay imbis na sagot ang ibigay niya sa akin ay baka mabugahan rin ako ng apoy niya at pangalawa ay problema nilang dalawa iyon.

Pag angat ko nang tingin habang hawak ko pa rin ang pala-pulsuhan ko ay halos mapa atras ako sa klase ng tingin ang ibinibigay sa akin Marcus. "A-Ayos ka lang? Tanong ko.

Tumango ito bilang sagot at nilapitan ako. "Is it hurt?" Malumanay na tanong niya at siya naman ang humimas sa kamay ko.

Nang makita ko kung gaano siya kaingat na haplusin ang mga kamay ko ay doon ako naliwanagan sa tanong ko ko kanina. Ang bawat tao ay may kapasidad na magbago, ang masama ay may karapatang magbago upang maging mabuti. Habang ang mabuti naman ay tiyak na may mabigat na dahilan kung bakit ito naging masama.

Pero isa lang ang alam kong hindi magbabago ano man ang mangyari. Iyon ay kung paano mo titignan ang isang tao, bagay o pangyayari hindi dahil sa kung ano ang nakikita mo lang at ang nais mong makita. Iyon ay ang pagkakakilala mo sa puso nito.

Nang dahil sa nangyari sa amin noon ay marami akong natutunan at isa na roon ay ang pagkakaroon ko ng malawak na pag iisip sa mga nangyayari sa paligid ko, na ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan, na may aral sa bawat luha at may kapatawaran. Dahil gustuhin mo man o hindi, handa ka man o hindi ay nandiyan lamang ang pagsubok, minsan nga ay susukatin kapa nito sa hindi mo inaasahang panahon.

Siguro kung nagpadala ako sa galit noon ay hindi ko magagawang tignan man lang si Marcus ngayon. Siguro magpa-hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa mundo. Ng dahil sa realization ko ay iniangat ko ang ulo ko upang salubungin ang mga mata ni Marcus na punong puno ng mga emosyon na animoy matagal ng gustong kumawala. Tanging si Marcus lamang ang tanging kilala ko na may mga ganitong klase ng mata na sa tuwing napapatingin ka sakanila ay tila ayaw mo nang iaalis ang tingin mo. They are beautiful yet sad.

"Hindi naman masakit. Ikaw saan ang masakit sa iyo?" Segwey ko. Nang dahil sa tanong ko ay biglang kumunot ang mga kilay nito tanda na naguguluhan siya sa tanong ko kaya naman binawi ko rin.

"Joke lang! Gusto mo ba ng tubig? Ang hot mo eh." Biro ko pero biglang kumislap ang mga mata nito na animoy nakarinig ng magandang salita.

"Yes, baby. Hot talaga ako." Wika niya at mabilis itong kumindat sa akin habang may mapaglarong ngiti. Agad ko naman nakuha ang nais niyang ipahiwatig. Ang dami talagang alam ng mahal na hari na 'to kaya naman mabilis kong binawi ang mga kamay kong hinihimas niya magmula kanina.

Aba, namimihasa. Char. Pero seryoso ang lambot pa rin ng mga palad niya kainis, nahiya naman daw ang mga palad kong puno ng kalyo dahil sa kakahugas ng plato gamit ang sabong bareta. Ang tipid talaga ni Inay!

"Che! Diyan ka lang ikukuha lang kita ng tubig para mahimasmasan ka bago mo kausapin si Suzanne." Isang ngiti lamang ang isinagot niya at tumalikod na ako upang pumunta sa kusina nila.

Pagkasalin ko ng tubig sa baso ay halos mapatalon naman ako sa boses ng isang tao sa likod ko.

"So… You're back." Suzanne commented at tinitignan ang mga kuko nito. Nang tignan ko siya ay tinignan din ako nito gamit ang matatalim niyang mga tingin pero walang epekto sa akin iyon. Ikaw ba naman ang makahalabilo mo ang mga iba't ibang klaseng estudyante ay tiyak na masasanay ka na sa ganitong sitwasyon.

I remain calm dahil iyon talaga ang nararamdaman ko. Wala naman akong ginawang masama sa kanya kaya bakit ako kakabahan sa presensya niya? I smiled before I nodded. Halata naman na bumalik ako kasi nakikita niya ako diba? Tanong nito pang grade one. Char.

"Yes, Suzanne. Gusto mo ng juice, water or soda?" Alok ko sakanya baka sakaling mabawasan ang katarayan nito sa akin. Huli kong kita pa sa kanya noon ay ang hinhin niya pa. Nang makita ko kung paano ito natawa dahil sa pag alok ko sakanya ng maiinom ay doon ako napakunot ng mga kilay. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"So bumalik ka lang. Feeling at home at girlfriend kana ulit? When you will realize that you're nothing compare to Marcus? Bukod sa mahirap ka na ay ulila ka pa. Oh, I forgot may nanay kapa nga pala." Mahabang saad niya gamit ang pulang lipstick nito at tinaasan ako ng kilay.

Nang dahil sa sinabi niya ay gustong gusto kong isaboy sa kanya ang baso ng tubig na hawak ko pero mabuti na lang ay naisip kong wala naman akong mapapala kung pati siya ay pag aaksayahan ko pa ng oras at panahon. Fully booked na ang schedule ko. Charot lang.

Ngumiti muna ako habang nakatingin sa kanya kaya naman kitang kita ko kung paano nabura ang malawak niyang ngiti sa mukha nito at pagkatapos ay huminto ako sa harap niya dahil hindi ako makadaan! Nasa may hamba siya ng pinto. Nagsalita ako upang umalis siya sa daraanan ko.

"Oo bumalik ako, hindi dahil kay Marcus. Hindi ko na kasalanan kung ano ang gusto mong isipin diyan sa utak mo kung ano ang meron man kami ni Marcus. Pangalawa, maaga man akong naulila sa ama atlis naranasan ko kung paano alagain at mahalin ng isang magulang. Eh ikaw, alam mo ba ang pakiramdam ng kalinga mula sa magulang? I bet not. Excuse me."

Buong tapang kong saad at kitang kita ko rin kung paano dumaan ang sakit sa mga mata ni Suzanne ng dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko na kasalanan kung nasaktan man siya sa narinig niya or what, inumpisahan niya at tinapos ko lang. Nang wala na siyang masabi ay ito na ang kusang tumabi upang makadaan ako at walang lingon ko siyang iniwan doon. She deserves it at wala siyang karapatan na idamay ang mga magulang ko sa galit niya sa mundo.

"Bitch." Rinig kong pahabol niya.

Oo naman. Bitch talaga ako lalo na sa mga taong hindi marunong rumespeto sa kapwa nila. Take Suzanne as an example. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako nagtangkang bigyan pa siya ng isang lingon dahil sayang lang ang effort ko sakanya. Nang makabalik ako sa may bandang garden ng mga King ay nakita kong nakaupo si Marcus sa may tabi ng mga roses ni Tita. Nakaduko ito habang nakatukod ang dalawang siko nito sa dalawang legs nito upang suporta sa katawan niya. Nang makalapit ako ay doon ko tuluyang napagmasdan ang isang tulalang Marcus habang animoy may malalim na iniisip.

"O-Okay ka lang ba talaga, Marcus?" nag aalalang tanong ko dahil sa mga ipinapakita niyang pagkabahala sa mukha niya. Tinignan lamang ako ni Marcus nang matagal kaya naman ng wala akong makuhang sagot mula sakanya ay kinulit ko pa siyang muli.

"Huuuy… Ano? Tulala ka na naman sa ganda ko?" dahil sa sinabi ko ay sumilay ang ngiti niya sa kanyang mga labi. He looks heavenly divine because of his smile.

"I'm always stunned because of your beauty." He simply said at siya na rin ang kusang kumuha ng baso na dala ko at iniisahang lagok niya lamang iyon. Ay uhaw yarn?

"Thanks, baby."

Damn him and his baby again! Pasalamat siya at halata sakanya na stress siya ngayon dahil sa biglaang pag bisita ni Suzanne. Ano ba ang meron sa kanya at nagkakaganito ang mga tao sa mansion nila? Hindi naman sa ayaw kong pansinin kanina ah pero kapansin pansin kasi ang pagiging alerto ng mga guwardiya nila sa labas, maging ang mga kasambahay nila ay panay ang lingon kay Suzanne kanina. Dati bang mandurugas si Suzanne noon? Pero imposible dahil kilala ang pamilya nila pagdating sa business. Pero bakit?

Hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya ng baby sa akin ngayon dahil may nais akong malaman. "Uhm, Marcus. Huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko. May u-utang ba kayo sa pamilya ni Suzanne?" Buong tapang kong tanong sakanya gamit ang seryoso kong boses.

Marcus looked at me with his amusing eyes because of my question at may pailing iling pa ito. Namayani ang katahimikan pagitan namin at nang tumingin muli sa Marcus sa akin ay hindi na nito napigilan ang mapahalakhak ng malakas. Ay moody yarn?

"What made you think na may utang kami sakanila? You and your imagination, panget" saad niya habang pinagmamasdan ako.

"Aba malay ko ba! Kung makatulala ka kasi diyan parang ang laki ng utang mo sakanila." Depensa ko.

"It's completely opposite. Sila pa nga dapat ang maningil sa mga kawalang hiyaan na nagawa ng pamilya nila." Madiin at puno ng galit ang namumutawi nang bigkasin niya ang mga binitawan niyang mga salita.

Pagkatapos mahimasmasan ni Marcus ay nag aya na itong pumasok sa loob, sayang nga lang dahil may nais pa sana akong tanungin pero ang mahal na hari ay nag aya na. Ewan ko ba, pagdating talaga sa mahal na hari na to ay umaandar ang pagka-marites ko. De joke lang. Hindi ko alam kung ano ang meron at may nag uudyo sa akin na malaman kung ano ang nangyayari sa pamilya nila Marcus at Suzanne o baka kulang lang talaga ako sa vitamins. Vitamis M stand for marites. Char, joke ulit.

Kaya kahit na may agam agam nang namumuo sa isip ko ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito, dahil kasalukuyan ko nang tinuturuan ng mga aralin si Jonas na bibong bibo naman sa pagsagot ng mga activities niya. Sa living room naisipan na pumwesto ni Jonas at English subject ang kasalukuyan na tinututukan namin ngayon at sa hindi ko malaman na kadahilanan, kahit na nasa harapan ko lamang si Jonas ngayon ay tila may sariling isip ang mga mata ko at lumilipad ang gawi nito sa may gilid ko kung saan naroon sila Marcus at Suzanne ngayon at nag uusap.

Ang akala ko ay umalis na si Suzanne pagkatapos naming magsagutan kanina. Oo nga pala nakalimutan kong patay na patay itong lukaret na to kay Marcus magmula noon pa man pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung saan nakuha ni Tita Janet hang ideya na palagyan ng glass door ang mansion nila, tuloy ay hindi ko marinig ang pinag uusapan nila Marcus at ni Suzanne.

"Is this correct, ate ganda?" tanong ni Jonas sa harap ko kaya naman daglian din akong napaharap sakanya upang tignan ang progress ng poem na sinusulat niya about toys. Isa kasi ito sa exercise ko sa mga na tutor ko na noon sa pag construct ng sentences sa pag gawa ng poem sa tungkol sa pinaka-paborito nilang bagay. Nang makita kong pulido naman ang pag construct niya sa sentence gamit ang mga simple English words ay nginitian ko siya ng malawak "Ang galing mo na, Jonas. Konting practice na lang at ready ka nang pumasok ulit." Saad ko at ginulo ng bahagya ang buhok nito.

"Thank you, ate ganda you're the best!" Jonas exclaimed at may thumbs up pa ito. Saglit kong nakalimutan ang mga tao sa labas.

"Naku, maliit na bagay." Dagdag ko habang nililigpit ang English book na ginamit namin dahil ang susunod na aaralin namin ay Filipino subject at nang mapatingin ako sa mga subject niyang nahihirapan siya ay halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong may Math subject doon. Patay tayo neto, bobo ako sa Math!

"Uhm…Baby J-Jonas, saang parte sa Math ka nahihirapan?" Usisa ko kuno para makapag ready ready naman ako sa mga aaralin namin. Aaminin kong bobo ako sa subject nito, kaya lang naman ako nakakapasa noon dahil si Marcus ang nagtuturo sa akin at taga gawa ng mga homeworks ko. Bakit ba? Kahit ang mga magagandang katulad ko ay may weakness rin! Char.

"Jonas?" Aniya ko ulit habang patuloy pa rin sa pagbulatlat ng mga pahina ng libro na pinakakainisan ko, pero nang wala akong makuhang sagot mula sakanya ay nagpasya na akong lingunin ito at sundan ang tinitignan niya. Ay SPG! Char.

Nang makita ko ang tagpo kanina sa labas ay ako na mismo ang nag alis nang tingin ko sakanila, baka kasi mahuli nila ako na sumisilip sa ginagawa nila at pati si Jonas ay tinawag ko na rin upang ayain siya na sa kwarto niya na lang kami mag aral dahil baka nakakaistorbo kami sa pagyayakapan ng dalawang tao na nasa labas.

Ano ba ang inaasahan ko sa dalawang iyon? Marahil ay natural na lamang sakanila ang mga ganoong bagay dahil malapit naman din ang kasal nila, pero hindi ba galit si Marcus kay Suzanne at ito pa nga mismo ang nagtataboy sakanya kanina and then what is this? Hugging? Ano susunod kissing? Aba! Respeto naman para sa mga tao sa paligid nila.

Huh? Talaga ba Suzanne? selos yarn, teh?

Nang marinig kong muli ang sabat ng inner mind ko ay hindi ko mapigilan ang mapailing nang ilang beses at halos sabunutan ko na ang sarili ko para lang magtigil ang isip ko sa kakaisip ng mga walang kabuluhang bagay. Wala naman akong pakialam kahit lagpas na yakapan ang nagagawa nila at wala rin naman akong pakialam kung magyakapan pa sila palagi sa harap ko at mas lalong wala akong pakialam kahit magpakasal na sila bukas. Magsama silang dalawa!

"Woah! Ate ganda you're so strong!"Jonas exclaimed kaya naman mabilis akong napatingin sa kanya at nagtatakang hinarap siya.

"Huh?"

"Look! You broke the pencil. Are you an avenger?" Inosenteng tanong niya at nang makita kong totoo ngang nabali ko ang lapis na hawak ko ay mabilis ko itong binitawan, kitang kita pa sa papel diin ng pagkakapatong ko rito. I awkwardly smile at him.

"Hindi ako avengers, baby. Ako ito si ate ganda na mahal na mahal ka." Natatawang saad ko upang pagtakpan ang kahihiyan na nagawa ko kanina.

Pambihira! Nang dahil sa dalawang taong wagas kung magyakapan sa labas kanina ay naapektuhan na pati ang trabaho ko. Wala talagang magandang naiidudulot ang mahal na hari na to sa buhay ko! At dumagdag pa ang lukaret na Suzanne. Dapat talaga ay kailangan ko nang bilisan ang kontrata ko upang makabalik na akong muli kila Inay at ng matahimik na ang buhay ko.

Nasa kalagitnaan na si Jonas sa pagbabasa ng tula sa kanyang Filipino ay subject nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya at nang maamoy ko ang pabango ng taong pumasok ay awtomatikong napaikot ang aking mga mata. Aba aba, tapos na ata ang lampungan ng dalawa?

Umupo ako ng maayos nang naramdaman kong umupo ito sa may tabi ko. I took a glance at hi, and just like the usual, he looks so fresh after he took a shower. Ang aliwalas ng mukha niya, ikaw ba naman yakapin ng isang dalagita. Nagpatay malisya ako kahit na ramdam na ramdam ko ang mga tingin niya sa akin at nagkunwaring busy ako sa mga ginagawa ko upang hindi na niya ako gambalain.

"Hey, kiddo. Did you piss off your ate ganda?" biglang untag ni Marcus kay Jonas kaya awtomatiko akong napatingin sakanya.

"Huh? No, kuya. Ate Ganda seems fine before you showed up." Jonas simply said at abala pa rin sa pag aaral.

"Is that so?" Simpleng saad lamang ni Marcus. Ang buong akala ko ay pipirmi na ito sa kanyang lugar pero halos mahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong mas inilapit niyang muli ang katawan niya sa katawan ko. Nang dahil sa ginawa niya ay mabilis kong binalingan ng tingin si Jonas at baka makita niya ang ginagawa ng magaling niyang kuya.

"My baby seems pissed off. Is there something bothering you, huh?" Diyos ko po!

Nang dahil sa pagbulong niya ay hindi ko maiwasang mapapikit dahil sa init ng hininga niya na dumampi sa leeg ko. Siguraduhin mo lang talagang nag tooth brush ka mahal na hari!

"A-Ano ba? Lumayo ka nga baka mamaya ay may biglang pumasok rito at awayin na naman ako." Sita ko sakanya gamit ang naiiritang boses.

"Oh… It explained." Bulong niyang muli at nang umayos ito ng upo ay mabilis niyang binalingan si Jonas na matiyang tinatapos ang mga aralin nito.

"Hey, kiddo. Can you get kuya a bottle of water, please? It's really hot out here." Utos niya sa kapatid niya at habang binibigkas nito ang mga salitang sinabi niya ay sa akin naman ito nakatingin habang may naglalarong ngiti sa mga labi nito. Ano na naman ang pakulo ng mahal na hari nato!?

Agad namang tumango si Jonas at lumabas kaya naman mabilis kong hinampas si Marcus sa braso niya pero ako pa ang nasaktan dahil sa tigas ng mga braso nito. The perks of being a gym person!

"Ano ba!? Nag aaral ang kapatid mo iniistorbo mo. Pwede ba, lumabas ka na nga at baka naghihintay pa rin sa labas iyong lukaret na fiancée mo." Deretsang sabi ko habang tinitignan siya gamit ang mga nanlilisik kong mga mata.

"Nah. Even if she waits forever she won't get me because I'm already reserved." Natatawang saad nito at lumapit siyang muli sa akin at masuyong inayos ang buhok kong nagulo dahil sa paghampas ko sakanya. Nang dahil sa pag angat ng mga kamay niya ay nakita ko pa kung paano namuo ang mga muscles nito sa may braso dagdagan pa na nakasando siya ngayon na puti kaya kitang kita ang kakisigan niya.

"A-Ang dami mong alam!" He chucked because of what I've said.

"Of course, baby. Pero alam mo ba kung ano pa ang nalalaman ko bukod sa pagiging gwapo ko." Ang yabang, hoy!

Pero dahil sadyang may pagka chismosa tayo ay syempre magtanong pa rin tayo.

"A-Ano?"

"That is… I still love you, baby."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you! :) 10 Chapters to go!