Chereads / Twilight Promises / Chapter 40 - 39

Chapter 40 - 39

"Okay, class. Don't forget your homeworks. We'll check that tomorrow."

"Thank you, ma'am. See you tomorrow." Isa-isang nagpaalam ang mga estudyante ko sa akin at magiliw ko naman silang nginitian habang inaayos ko ang mga gamit ko sa may table.

It was really fun today at mabuti na lang talaga ay likas na mababait ang mga estudyante sa SCU kaya hindi ako nahirapan na mag adjust sa mga bago kong estudyante. The King's are really good in managing their school at halata naman ang achievements ng school dahil sa mga estudyante at mga guro na nandito. It's quality over quantity.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako deserving na magturo sa SCU dahil ang gagaling ng mga tao rito, mapa-estudyante man o guro lahat ay walang patapon. Napabuntong hininga tuloy ako dahil sa mga naiisip ko. Aminado naman ako na dahil sa recommendation ni Tita Janeth kaya lang naman ako nakapasok rito.

Tita surely pulled a string para lang makumbinsi ang mga investors na makapag turo ako sa school nila kaya ito rin ang rason kung bakit mas pinili ko na lamang na manatili sa mga rooms ngayong araw dahil nahihiya akong humarap sa mga kapwa ko guro. Dagdagan pa nitong mahal na hari na walang ibang ginawa kung hindi ang bisitahin ako sa bawat rooms na pinagtuturuan ko, baka may masabi pa ang mga nakakakita lalo na at anak pa naman siya ng may ari sa school.

Ayaw ko lang ng aberya at gusto ko lamang tapusin ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang alok ni Tita Janeth ng walang masyadong pinoproblema. Trabaho. Iyon lang at wala ng iba. At isa pa, pagkatapos ng nangyari sa akin, sa amin ng pamilya ko ay tanga na lamang ako para magpadala sa mga pinapahiwatig sa akin ni Marcus these past few days. Kailangan kong makausap si Marcus about din doon, dahil hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya sa akin dahil wala naman siyang mapapala at bilang kaibigan, ay nais kong magkalinawan kami sa parteng iyon para sa kanya dahil ayokong paasahin siya sa bagay na wala namang kasigaraduhan.

Tama naman ang ginagawa ko diba? Tama lang naman ang ginagawa kong pag iwas sa mga bagay na alam kong masasaktan lang ako sa huli. Ang sakit kaya ang maiwan sa ere ng taong inaasahan mong sasalo sayo. Masakit. Nakakalunod ang ganoong pakiramdam at ang pakiramdam ng wala kang makapitan. I want to save Marcus from that situation.

I guess.

"Hoy, panget. Tara na."

There he is. Ang namumukod tanging lalaki na tumatawag sa akin ng panget sa buong buhay ko. Ano pa ang silbi ng mga genes na na-mana ko sa mga magulang ko kung itong lalaking to ay tatawagin lang naman akong pangit. I stared at him for a minute before I gathered my things up.

Mas maganda nang mag focus na lang ako sa trabaho ko kaysa pag tuonan ang mahal na hari. Sa trabaho ay may mapapala pa ako pero sa lalaking ito? Puro sakit sa puso lang naman ang dinanas ko sakanya! Joke. Kidding aside, I really need to talk to him.

Dinaanan ko lamang siya at nag dere-deretso na upang pumunta na sa mansion nila. I wonder if Jonas is waiting for me. Napangiti naman ako dahil doon. Tiyak na isang Jonas na naka ngiti na naman ang madadatnan ko dahil nang sinabi kong tinanggap ko ang alok ng mommy niya noong nakaraan ay halos umiyak ito dahil sa tuwa.

"What's even funny? Wait, don't tell me binisita ka na naman nong kapre kanina?" Iritang tanong ng taong nasa tabi ko. He even took my things on my hand. I remained silent because of his gestures. I have to contain and remind myself that I should not fall with his deadly gestures…Again.

Sinong kapre na naman ang pinagsasabi nito?

"Wala atsaka sinong kapre? And pwede ba, huwag mo akong tawaging panget dito! Pwede pang miss ganda." I said while I crossed my hand. I heard his heavy signed that was why I took the courage to face him just to see his damn reaction. I saw how he was shocked because of what I've said.

"How many times should I say that calling you ganda is understatement. Maybe…"

I stopped and waited for him about what he'll say. Surely, my face seems really curious now. Bawat hakbang na ginagawa niya papunta sa akin ay alam kong binibilang ko. When he finally stood right in front of me. I took the courage to ask without avoiding his gaze.

"M-Maybe, W-What?" I gulped.

He smirked before he said those words would be the reason of my death. Damn him and his sugar coated words!

"Maybe I should start calling you my baby ganda. How lovely is that, right?"

WTH!!!

God knows kung paano ko pinigilan ang sarili ko upang hindi umangat ang sulok ng labi ko upang ipakita sakanya na hindi ako natutuwa dahil sa sinabi niya. Ang hirap ipakitang walang epekto ang mga pinagsasabi niya sa akin ngayon, at umaktong mahinahon at wala lamang sa akin ang mga matatamis niyang salita. I stared at him. Still unbothered of his words.

I tilted my head before I answered.

"Maybe I should start calling you paasa. How accurate is that, right?"

After I've said that I smirked at him before I flipped my hair in the middle of the soccer field where we used to hang out before. Anong akala niya sa akin madadala niya ako sa mga pa sweet words niya? Pwes, ibahin niya ako ngayon, baka Idahlia Renee itong kausap niya at panganay ng isang Asian family. Charot.

Tulad nga nang sinabi ni Marcus ay sakanya na ako sumabay papunta sa mansion nila. Sayang lang kasi sa pamasahe at saka para kahit papaano ay mapakinabangan naman ang mamahalin niyang sasakyan. Noong una ay akala ko matiwasay akong makakapunta sa mansion ng mga King pero ang mahal na hari ay ang dami pang dinaanan na mga lugar, papaano ay hindi makapili ng kung anong memeryendahin.

Halos paikutan ko na siya ng mga mata pagkatapos naming makadating sa pang apat na drive thru, pero nang pagkatapos niyang mabasa ang nasa menu ay hindi niya raw trip ang mga pagkain. Ang dami talagang arte ng mahal na hari. Ganoon ba talaga kapag mayayaman? Pati meryenda ay pinoproblema samantalang kaming mahihirap ay pwede na sa fishball okaya minsan ay dinadaan na lang sa tubig dahil ilang oras lang naman ay hapunan na.

Nang makita kong naka-park na naman kami sa unang coffee shop na pinuntahan namin kanina ay talagang pinaikutan ko na siya ng mga mata dahil sa inis. Paano kasi ay late na ako ng thirty minutes sa ipinangako kong oras kay Jonas na oras ng simula ng tutor namin. Sa sobrang inis ko ay sinabi kong hindi na ako sasama sakanya sa loob at siya na lang mag isa ang magmeryenda, at ang tanging gusto ko na lamang mangyari ay makapunta sa mansion nila para matapos ang araw na ito. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Sa oras na tinanggap ko ang alok ni Tita Janeth ay ganito ang mangyayari.

Habang naghihintay ay inilibot ko ang mga mata ko sa kotse ni Marcus. Sa isang lalaki ay halata na masyado itong maalaga sa mga gamit nito, lalong lalo na ang black brief case nito na talagang may sabitan pa ito sa loob ng sasakyan niya at halata mong hindi ito natatapunan ng dumi o alikabod.

How I wish ay sana ganyan din siya mag alaga sa mga taong nakapaligid sakanya at lalong na sa taong pinangakuan niya ng mga pangako niyang napako five years ago. Hindi ko naman sinasabing ako iyon, dahil wala naman akong binanggit na pangalan pero alam mo iyon? Kainis!

Pagkatapos kong maglibot ng aking paningin ay napadako naman ako sa glove parts at binuksan iyon. Alcohol at face mask lang naman ang laman pero nang iangat ko ang mga ito ay may nakita akong isang larawan. Nakabaligtad ito kaya pasimple ko munang tinignan si Marcus sa loob ng coffee shop at nang makita kong busy pa rin ito sa pagpili ng kakainin niya ay mabilis kong kinuha ang larawan at nang makita ko ang mukha na nasa larawan ay tila may humaplos sa puso ko.

After all these years ay nasa kanya pa rin ito? Ilang taon na ang lumipas pero nasa kanya pa rin itong larawan namin na kinuha pa noong una kaming magkita noong mga bata pa kami. Ito iyong araw na unang bumisita ang mga King sa bahay namin noon. Ang sungit ko pa nga noon kay Marcus dahil ang kulit kulit niya at gusto niyang makipag kaibigan sa akin pero habang lumilipas ang panahon ay nakasanayan ko na lamang na nandiyan siya sa tabi ko. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit lubos akong nasaktan noon sa pag alis niya.

Nang makita kong palabas na si Marcus ay mabilis kong inayos ang picture namin at umayos ng upo. Nang makapasok siya ay mabilis ko siyang tinulungan sa mga bitbit niyang take out.

Ang dami!

"Alam mo para sa meryenda ang dami nito." Komento ko habang inaayos sa likod ang ilang mga pastries na binili niya.

"Kulang pa nga iyan para sa mga tao sa bahay. Ubos na raw kasi ang cakes nila." He said then he sipped on his iced black coffee.

"Here's yours, mi lady."

I grabbed my vanilla shake on his hands at tinignan pa rin ang sandamakmak na binili niya. They must be cost! Dahil hindi naman sa pipitsuguhin na panaderya lamang siya bumili. Sikat ang coffee shop na pinuntahan namin.

"Pero ang dami at ang m-mahal pa." Dagdag ko.

"Nah. Money is easy to earn but finding trustworthy people is rare." Pagtatapos niya sa sinabi ko. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Hugot yarn? Char.

Ano bang klasing paghihirap ang naranasan at nasasabi mo iyan?

Iyan ang mga katagang hindi mawala wala sa isip ko habang tinatahak na namin ang daan papunta sa mansion nila. Anong klasing buhay ba ang naging meron ka last five years ago, Marcus?

"Don't you like your shake, baby?" Untag ni Marcus sa tabi ko at doon lamang ako natauhan dahil sa boses niya. Sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na kami sa mansion nila at napansin ko pa ang isang sasakyan na nakaparada. Noong huli akong magpunta rito ay wala naman ito. Baka naman may bisita sila.

"I like it. Thank you." Saad ko at tumango tango ito. Pababa na sana ako nang humarap akong muli sakanya. Alam kong hindi ako patutulugin ng isip ko hanggat hindi ko nasasabi sakanya ito.

"Uhm.. Marcus. Ano man ang mga nangyari noon lagi mong tatandaan na may mga tao pa rin na nais lamang na maging masaya ka."

At isa na ako roon.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay wala akong naramdaman kundi kasiyahan dahil masaya ako na hindi nagbago ang kaibigan ko. He still Marcus. Masaya ako dahil hindi nagbago ang prinsipyo niya pagkatapos ng mga nangyari noon at isa pa ay galante pa rin siya. Char. User yarn?

Nang makapasok ako sa mansion nila ay isang Jonas na nakangiti ang sumalubong sa akin, marahil ay narinig nito ang sasakyan ng kuya niya kaya naman nakangiti ko rin itong sinalubong ng yakap.

"I miss you ate ganda!"

"Ikaw din na miss kita. Kamusta ang studies mo?" Tanong ko habang magkapantay pa rin kami dahil kailangan kong dumuko upang magpantay kami at para na rin ayusin ang nagulo nitong buhok dahil sa pagtakbo nito.

Sumimangot ito nang marinig nito ang salitang study kaya naman natawa ako.

"My grades were bad, ate ganda." Nakalabi nitong saad at napayuko. Kaya naman ako na ang kusang nag angat sa nakayuko nitong mukha.

"Huwag kang mag alala. Ako ang bahala sa iyo." Saad ko at kinindatan ito. Alam kong matalinong bata si Jonas at pinapangunahan lamang ito ng hiya dahil sa nangyaring pangbubully sakanya noon.

"Did you hear that, kiddo? Trust your Ate ganda since she's a really a good teacher." Biglang sabat naman ni Marcus sa likod ko. Nandito na pala siya. Nais ko tuloy pagsisihan ang sinabi ko sakanya dahil tiyak na aasarin na naman ako ng mahal na hari.

"Wow! My favorite crinkle!" Jonas exclaimed at sight of the pastries at Marcus hands. Mabilis itong lumapit sakanya at kinuha ang mga ito.

"Come, ate ganda! Let's eat first." Anyaya ni Jonas sa akin.

"Hey, I bought that you should ask me too!" Nagtatampong saad ni Marcus sa likod namin habang nakasunod ito. Natatawa na lamang ako sa mga pinag-gagawa ng magkapatid na ito.

"But kuya you're ugly!"

"W-What!? Hey, akin na nga iyan!" Marcus shouted.

"Ate ganda, run!" A-Ano raw?

Pero bago pa ako mahila ni Jonas para tumakbo ay biglang lumabas si Tita Janeth sa may living room habang walang mababakas na expression sa mukha nito. I stopped because of what I noticed. It is unusual to see Tita expressionless, nagbago lamang ang expression ni Tita nang makita niya ako hallway nila.

"Anak. Nandito ka na pala. Sinalubong ka na ba ni Jonas? I heard him a while ago." Tumango ako bilang sagot at lumapit sakanya dahil nauna na rin si Jonas sa loob .

"Are you okay, Tita?" Alalang tanong ko at kinuha ang mga kamay nito. Tipid na ngumiti sa akin si Tita bilang sagot.

"Oo anak, ayos lang si Tita. May bisita nga pala tayo." Saad niya.

It explained kaya pala may isang sasakyan na hindi pamilyar ang nasa loob ng garahe nila. Bago pa man ako magsalita upang itanong kung sino ang bisita ay may biglang nagsalita sa likod ni Tita. The voice is really familiar. I know this time will come.

"Is that you Irene?"

Nang marinig ko ang nagsalita ay mabilis na nalipat ang paningin ko sakanya. Hindi na ako nabigla sa biglang pagsulpot niya dahil may dahilan naman na magpunta siya rito. She's the fiancée of Marcus and the future daughter in-law of Kings.

Suzanne is here. Proudly representing her name because of her luxuries get up. No wonder, ay may maipagmamalaki naman talaga ang pamilya nila at siya mismo dahil kalat ang pangalan nito sa bawat magazines na nababasa ko sa dating school ko noon at dahil sa galing nito sa larangan ng pag make up. No wonder din na halos hindi ko na siya makilala dahil sa kapal ng make up niya, kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko malalaman na siya pala si Suzanne.

I smiled upon seeing her. Nang dahil sa presensya niya ay tila naging paalala ito sa kung ano ang pakay ko sa pamilya ng mga King. I should thank her dahil ngayon ko na realized na masyado na pala akong nadadala sa mga nangyayari katulad na lamang nang nangyari kanina sa loob ng sasakyan ni Marcus. May mga bagay talaga na dapat tinatagao na lamang sa sarili.

Sasagot na sana ako sa tanong ni Suzanne pero naunahan na ako ni Marcus at nang marinig ko ang boses niya ay tila gusto kong bawiin ang sinabi ko sakanya kanina na hindi siya nagbago dahil mali, he has changed. Ang Marcus na nakikita ko ngayon ay ibang iba sa Marcus na madalas kong makasama magmula nang makabalik ako rito.

"What are you doing in my fucking house, bitch?

He looks dangerous and intimitading, He is expressionless but in a dangerous way. Walang mababakas na kabutihan sa mga mata nito at tila bawat madaanan ng kanyang mga mata ay tila nawawalan rin ng kulay. Maski ako ay tila gusto ko na lamang umuwi dahil animoy biglang sumikip ang lugar ko dahil sa presensya nila.

"How lovely. Is this how you treat your future wife, huh babe?"

B-Babe?

Tila gusto kong masuka dahil sa eanderment niya! Napaka laos! Wala na bang iba? Hindi niya ako gayahin mahal na hari! Dapat ay mahalin ang sarili nating wika hindi katulad ng Suzanne na ito walang originality! Char.

"Just save it and get out of my fucking house." Marcus snapped at nagulat na lamang ako nang bigla ako nitong hilahin sa kung saan.

Nang lumingon ako sa gawi ni Suzanne ay nagulat na lamang ako na ang kaninang maamo nitong mukha na nakatingin sa gawi ko ay nanlilisik na ang mga matang nakatingin sa akin ngayon. Tama nga ang nabanggit ni Sab noon na baliw na raw si Suzanne at naniniwala na ako ngayon.

What happened to them?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you! :)