Chereads / Twilight Promises / Chapter 37 - 36

Chapter 37 - 36

Binigyan ako ni Tita Janeth ng isang linggo upang makapaghanda at makapag resign sa RMES, dahil alam niya rin kung papaano ang process sa pagreresign bilang isang teacher. Ang mga estudyante ko ay isa sa mga nabigla at nalungkot nang inanunsyo ko sa klase ang pag resign ko pero sinabi ko sakanila na kung magkakaroon ako ng pagkakataon na bumisita sa RMES ay gagawin ko lalo na at nasa Pangasinan pa naman sila Inay at Ivy, habang si Rochele ay sinabihan ko na ang gagawin niyang pag transfer sa SCU at mismong si Tita Janeth pa ang nag asikaso nito sa SCU kaya hindi na masyadong hassle pa sa akin.

Ang tanging pinaghahandaan ko na lamang ay kun g paano ko itatago kay Inay ang naging desisyon ko, si Rochele ay nasabihan ko na rin nung natyempuhan ko siyang hindi nag aaral, noong una ay ayaw niya pang tanggapin ang alok ni Tita dahil ako lang din daw ang mahihirapan, pero ipinaintindi ko sakanya na ako na ang bahala kay Inay kaya bandang huli ay tinanggap niya rin ito, masaya ako dahil nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya na maipagpapatuloy na niya ang pag aaral niya ng wala ng iniisip kung paano namin kukuhanin ang pang bayad niya ng matrikula.

Bago ako umuwi noong nagpunta ako sa mansion nila Tita Janeth ay dumaan muna kami ni Marcus sa may SM Clark upang bilhan si Ivy ng mga laruan, syempre papaiwan ba ang mahal na hari? Hindi. Mabuti na lamang ay kasama namin si Jonas. Si Sab at Siena ay hindi na sumama dahil may gagawin pa raw sila. Aligaga nga silang umalis noon pagkatapos ng mananghalian.

"Inay, uuwi po ako kapag walang pasok..." Paalam ko kay Inay habang naghuhugas ito ng mga plato. Habang ako naman ay nasa gilid niya.

Kita sa mukha ni Inay na nabigla pa rin ito sa paglipat ko sa Pampanga. Nang wala akong nakitang sagot sakanya ay yumakap na ako sa likod niya. Kahit sabihin pa na malapit lang ang Pampanga sa Pangasinan ay mami-miss ko pa rin siya at si Ivy.

"Inay..." Nakalabing saad ko. Tumigil si Inay sa paghugas ng mga pinggan at humarap siya sa akin gamit ang nangungusap niyang mga mata.

"Anak, kailangan ba talagang lumipat ka pa sa Pampanga? Hindi ba pwedeng dito ka nalang magturo?" Sunod sunod niyang tanong habang pinupunasan ang mga kamay nito.

Nang marinig ko ang mga tanong niya ay hindi ko maiwasang tumalikod dahil alam kong mababasa niya sa mga mata ko ang mga kasinungalingan ko, hindi ko kayang magsinungaling sakanya pero kailangan lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Wala naman po akong magagawa Inay dahil mismong school director na ang nagsabi sa akin." Labas sa ilong kong sabi. Pwede na akong palakpakan dahil nasabi ko sakanya ito ng hindi nabubulol. Narinig kong bumuntong hininga si Inay at lumapit sa akin.

"Ano pa ba ang magagawa ko, anak. Mag iingat ka roon, ha? Umuwi ka rito kapag pagod kana." Bilin sa akin ni Inay habang hawak niya ang kaliwang palad ko. Wala pa man ay parang gusto ko ng maluha. Mami-miss ko siya, si Ivy. Mamimiss ko ang mga luto niya araw araw at yung katarayan ni Ivy tuwing umaga.

"Oo naman, Inay. Ako pa ba malulungkot?" Garalgal ang boses ko nang sabihin ko iyon.

"Syempre oo, mami-miss mo ang Inay mo eh." Nakangiting saad ni Inay habang paniwalang paniwala siya na nalipat lang ako sa ibang school.

Sorry, Inay...

Sabay pa kaming nagtawanan at ibinigay na niya sa akin ang mga hinanda niyang mga pasalubong para raw sa mga co-teachers ko at inilagay lahat sa isang paper bag. Nagpresinta pa si Inay na ihatid ako sa may terminal pero tumanggi na ako dahil sobrang init sa labas at isa pa ay nakatanggap ako ng isang text mula kay Marcus na siya raw ang magsusundo sa akin dahil daw utos iyon ni Tita. Sinabihan ko siyang sa terminal na lang kami magkita at ang mahal na hari ay may pahabol pang huwang raw akong mahuhili ng dating at mahal daw ang oras niya. Hindi ko na lamang nireplyan ang kayabangan niya.

Dala dala ko ang dalawang travelling bag ko palabas dahil nandoon na raw sa terminal ang mahal na hari at bilisan ko raw dahil mainit ang panahon ngayon kaya naman nagpaalam na ako kay Inay na aalis na ako, hindi ko na hinayaan na ihatid niya pa ako sa pinto dahil baka magbago pa ang desisyon ko. Humalik lang ako sa pisngi niya at mabilis na umalis, nadaanan ko pa si Ivy sa may sala na nanonood, kaya naman mabilis akong lumapit sakanya at hinalikan siya sa pisngi, nakita ko pa kung paano ito nabigla dahil naitapon pa nito ang remote.

"Yuck ka ate!" Irita niyang sabi kaya naman ginulo ko na lamang ang buhok nito bago nagsalita.

"Mag iingat ka, liit. Mami-miss ka ni ate." Ngumiti pa ako bago ko siya tinalikuran.

"Ate!"

Tinaas ko ang mga kilay ko upang hintayin ang sasabihin niya.

"Mag iingat ka, ate. I love you!" Pagkasabi niya roon ay mabilis itong nanakbo sa loob, paniguradong nahiya iyon sa ginawa niya.

Saktong ala una nang makadating ako sa terminal. Malayo pa man ay kitang kita ko na ang nakakunot na mga kilay ni Marcus, may hawak pa itong iced coffee habang nakasandal ito sa kotse niya. Naka white shirt at short lamang siya at dinagdagan niya lamang ito ng baseball cap pero baligtad niya naman itong sinuot, mukha lang tuloy siyang isang college student. Nang makita niya ako ay mabilis ang lakad nito patungo sa akin, noong una ay akala ko susuntukin niya ako or what dahil bigla na lamang niyang itinaas ang kaliwang kamay nito, pero halos malunod ako sa amoy ng pabango niya ng iniyakap niya ang kamay niya sa leeg ko at pinitik ang ilong ko. Teka, parang pamilyar to ah?

"You! Diba sabi ko mainit. Isang oras na akong naghihintay sayo dito. Chiks ka?"

"Ouch! Anong oras palang naman!" Sabat ko sa reklamo niya. Binitawan niya rin naman ako.

"Ts... Anong sabi ni Tita?" Tanong niya ng mahimasmasan ito at kinuha sa akin ang mga dala ko. Hindi na ako umangal dahil mabigat naman talaga ang mga iyon.

Kinusot ko muna ang ilong ko bago sumagot at napansin kong napatingin siya sa gawi ko.

"Wala naman. Naniwala siyang nilipat lang ako ng director namin sa Pampanga." Saad ko.

"I'm sorry if you had to lie." He sincerely said.

"Wala ka namang kasalanan. Kagustuhan ko rin naman iyon. Sa lagay kong ito, ako pa nga ang nananamantala." Makatotohanang saad ko.

"Don't say that. You're worthy." Simpleng saad niya habang inilalagay ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan niya. Halatang nabibigatan siya dahil hindi naiwasang lumabas ang mga ugat nito sa kamay.

"Ano bang lamang nitong mga bag mo? Bato?" Reklamo niya kaya naman napatawa ako.

"Mali, bomba laman niyan." Sersyosong sabi ko at sinulyapan niya lamang ako bago sumagot.

"Ang dami mong alam, panget. Tara na nga, nagutom ako sayo."

Mabilis lang ang naging byahe dahil tanghali at di gaanong traffic, sa sasakyan nalang din kami kumain ni Marcus at nag drive thru. Ang dami pa ngang arte ng isa na dapat daw ay subuan ko siya dahil nag mamaneho ito, noong una ay sinusubuan ko pa siya pero nang mahalata kong pinag titripan niya lamang ako ay pinatabi ko muna ang sasakyan niya para makakain siya ng maayos.

He even insisted na sa mansion na lang daw ako mag stay but I declined it, dahil unang una ay nakakahiya at isa pa ayoko ng muli pang maugnay sakanya bukod sa pagiging kaibigan na lang. Sinabi kong nagpresinta na si Sab umpisa pa lang na sa condo na lang nya ako tutuloy dahil malapit lang naman ang SCU sa condo niya at isang sakay lang naman mula SCU papunta sa mansion nila. Noong una ay tutol siya pero nang sinabi kong hindi ako komportable ay doon na siya pumayag, hindi ko pa makakalimutan ang huli niyang sinabi sa akin bago ako bumaba sa sasakyan niya.

"Soon. You will be comfortable with me again. I promise you on that."

Nginitian ko lamang siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Sinabi niyang hindi na siya papasok pa sa loob at hinatid niya ako hanggang sa unit ni Sab.

"Susunduin kita bukas katapos ng klase mo." Saad niya pagkatapos niyang ibaba sa sahig ang mga bag ko. Tututol pa sana ko nang magsalita pa siya ulit.

"I don't take no's from you." He commanded at tumalikod na ito para lumakad pero hindi pa man siya nakakalayo ay lumingon pa ulit ito sa akin at binigyan ako ng pangmalakasan niyang kindat. Halos masuka naman ako sa ginawa niya, iba talaga ang trip ng mahal na hari.

Nakatatlong doorbell muna ako bago ako pagbuksan ni Sab or should I say Landon. Nakangiti naman niya akong sinalubong at pagkapasok ko ay nagtaka ako kung bakit nakapatay ang ilaw pero agad rin iyon nasindi ng biglang sumigaw si Landon.

"Welcome back, teacher ganda!" Ang bulabog ng boses ni Landon! Pagkasindi ng ilaw ay nakita ko silang lahat sa may sala.

There they are. Sab is holding a cake while Siena is holding pink balloons at may suot pa nga itong hat habang si Xander naman ay may hawak hawak na tarpaulin na may mukha kong nakalagay. Ito pa yung picture ko na nakipag laban sa archery noong college pa kami. Habang si Landon naman ay may torotot na dala. Saan nila nakuha itong mga to?

Nang lumapit sila Siena at Sab sa akin ay nahihiya ko silang nginitian. Ang dami talaga nilang mga pakulo sa buhay. Nagpasalamat ako dahil sa surprise na ginawa nila. Ang sabi nila ay busy pa sila pero masaya akong nandito sila. Pasimple akong lumingon sa likod nagbabakasaling bumalik yung isa para sana kumpleto kami pero baka busy iyon ngayon kaya hindi na nakisali.

"Welcome back, Irene." Xander said at kinuha sa akin ang mga dala kong gamit. I smiled at him dahil ngayon ko na lamang sila nakitang muli katapos nung reunion.

"Tara kainan na!" Siena shouted kaya naman nakatikim ito ng hampas mula kay Sab bago humarap sa akin.

"Gaga! Irene will rest first. You and your food!" Sab demanded at pinandilatan niya pa ito ng mga mata kaya naman wala ng nagawa ang isa kung hindi ang sumimangot.

"Lalo kang gumanda, teacher ganda. Anong klaseng hangin ang meron sa Pangasinan at ang lakas maka blooming?" Natatawang saad ni Landon sa akin pero mabilis itong nakatikim ng batok mula kay Sab na siyang nagpatawa sa amin.

"Ang dami mong sinasabi." Sab added.

"Tampo ka naman sungit. Mas maganda ka pa rin!" Natatawang saad ni Landon kay Sab pero tinalikuran lamang siya si Sab. Lumapit sa akin si Landon upang yakapin ako at bumulong.

"Welcome back, teacher ganda. Marcus will be happy again." Landon said na siyang nagpagulo sa isip ko about kay Marcus. Magtatanong pa sana ako tungkol sa sinabi niya nang maunahan ako ng tao mula sa pinto.

"Get your hands off her, Chua." Marcus hissed.

Halatang nagulat si Landon at mabilis na itinaas ang mga kamay nito. Halos matawa ako sa hitsure ni Landon dahil hindi alam kung paano nito ipapaliwanag na friendly hug lamang iyon, si Xander naman ay halos mamatay sa tawa dahil sa hitsura ni Landon habang nakatingin sa matatalim na mga mata ni Marcus.

"Dude! That was a friendly hug. I'm commited na!"

Hindi ko alam kung bakit pero nang marinig ko ang boses ni Marcus kanina ay parang nakahinga ako ng maluwag na dumating siya, nandito siya kasama namin. Siguro kasi hindi mabubuo ang barkada namin kung walang Marcus na mahilig manlibre katulad na lamang ngayon na may bitbit siyang tatlong box ng pizza.

"Yown! Galanteng Marcus is back!" Siena shouted.

Party time!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thanks :)