Saktong mananghalian na nang makadating kami sa mansion nila Marcus. Napag alaman 'kong si Sab pala ang nagsabi kay Marcus na bibisitahin ko si Tita Janeth ngayon upang ipaalam kay Tita Janeth ang desisyon ko sa alok niyang nakakaakit. Alam kong ito naman ang tama dahil naiintindihan ko si Inay kung bakit ayaw niya na maugnay pa kami ulit sa pamilya nila Marcus, marahil ay inaalala lamang niya na baka maaring maulit muli ang nangyari sa pamilya namin dahil sa nangyari kay Itay noon. Hindi ko naman masisisi si Inay dahil may nawala sa kanya at sa amin, kaya doble ang pag iingat niya.
Naiintindihan ko rin naman si Tita Janeth kung bakit naging ganoon na lamang ang nais niyang makapag aral ang bunso niyang anak, mayaman sila at alam kong nais niya rin na mapabuti ang kinabukasan ng anak niya katulad na lamang ni Inay kung paano nila itinaguyod ni Itay ang pag aaral namin, pero kung ako ang tatanungin ay may parte sa akin na gusto kong tanggapin ang alok niya.
Unang una, ay pabor ito sa akin at kay Rochele dahil hindi na kami mamomroblema kung saan namin kukunin ang pang matrikula nito at panatag akong makakapagtapos siya sa pangarap niyang kurso, pangalawa ay mas matutulungan ko si Inay sa mga gastusin sa bahay at hindi na niya kailangan pang umextra extra sa pagtitinda ng mga kakanin sa bayan, at ang bunso naming kapatid ay mabibili na namin siya ng mga gamit niya at hindi na niya kailangan pang maiinggit sa mga kaklase niya kapag mayroon silang mga bago at magagandang gamit. Halata naman sakanya na naiinggit siya pero itinatago niya lamang iyon sa pagsusungit niya at bilang nakakatandang kapatid ay masakit para sa akin iyon.
Ang ingay nila Sab at Siena ang nangibabaw sa loob ng sasakyan namin habang nagbabyahe kami dahil kami ni Marcus ay hindi na nagkibuan pa at mas gusto ko iyon dahil wala naman akong alam na sasabihin pa, isa lang naman ang dahilan kung bakit ako bibisita sa mansion nila.
Naunang nakababa ang dalawa dahil wala naman silang mga bitbit maliban sa sarili nila ay mali si Siena ay agad niyang kinuha ang mga pasalubong ko para sakanya, basta talaga sa pagkain ay sigurista! Natatawang napailing na lang ako habang inaayos ang mga pasalubong ko kay Tita Janeth bago ito bitbitin.
"Let me help you." Biglang untag ni Marcus sa tabi ko. Nakakagulat naman! Ang akala ko ay nakababa na ito.
"Wag na magaan lang naman ang mga ito." Simpleng sabi ko pero wala na akong nagawa nang iniisahang binitbit niya ang mga plastic na dala ko sabay baba. Ang dami non!
"Uy, Marcus. Ako na." Pahabol kong sabi pero parang wala itong narinig at nag dirediretso na ito ng lakad. Oh, edi ikaw na! Ikaw na ang bida! Jollibee yarn?
Katulad noong nakaraang magpunta ako rito ay ang mga kasambahay ng mga King ang sumalubong sa amin pero wala na iyong parang security guard na bumati sa akin noon pero hindi ko na lamang pinansin, tulad ng dati ay parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok yung mga gamit nila. Sabagay, anong silbi ng kayamanan mo kung magiging marumi ka rin sa bahay pero halata naman kay Tita Janeth ang pagiging maingat at pagiging malinis sa bahay.
"Oh my, Irene. Buti bumisita ka ulit?" Nakangiting salubong sa akin ni Tita at mabilis ako nitong hinalikan sa pisngi at inakay ako nito papunta sa living room. Ang dalawa hindi ko na nakita kung saan nagpunta pero si Siena ay naririnig kong nasa kusina siya ng mga King. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin sa paligid upang makita ang bunso nitong lalaki, pero walang Jonas na lumabas.
"Jonas is in his room."
Nang maramdaman ko ang init ng hininga ni Marcus dahil sa pagbulong nito ay daglian akong napalayo sakanya dahil parang nakiliti ako sa pagkabigla. Nahalata niya ata na medyo nailang ako dahil sa bigla kong paglayo kaya naman biglang tumigas ang ekspresyon nito sa mukha.
"I'll just go upstairs."Biglaang masungit nitong saad. Ano na naman ang problema non?
Hindi nakita iyon ni Tita Janeth dahil abala ito sa pagsabi ng mga habilin sa isa sa mga kasambahay nila kaya sakto nang tumayo si Marcus ay siya namang tingin sa akin ni Tita.
"Sabi po ni Marcus ay aakyat lang daw po siya sa taas." Mahinang usal ko sapat na upang marinig niya ako.
"I see. Hayaan mo na iyon at maliligo lang iyon. How about you anak, kamusta ka?" She sincerely asked.
Bago sumagot ay mabilis kong inilabas ang mga pasalubong ko kay Tita at ibinigay sakanya.
"Oh my! Ang dami naman nito, anak. Nag abala ka pa. Salamat, Irene." Natutuwang saad ni Tita nang makita niya ang mga dala ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong masaya ito sa mga longganisa at puto.
"Walang anuman, po tita. Maliit na bagay lamang po iyan kumpara sa mga naitulong niyo po sa amin noon." I sincerely said. Tita Janeth looked at me with her clouded eyes.
"No, don't say that. Kulang pa nga iyon kumpara sa mga naitulong ninyo sa pamilya ko lalong lalo na sa Tito Miguel mo. Ako pa nga ang nahihiya dahil heto ako at humihingi ng tulong sa iyo." Nang mabanggit ni Tita ang tungkol doon ay doon ko lamang na naalala na may kailangan muna dapat akong kausapin.
"Uhm. Tita, pwede ko po munang kausapin si Jonas saglit?"
"Oo naman. I know that he will understand no matter what is your decision." She smiled after I nodded. "His room is Infront of his dad's room."
I nodded as a response bago ako tumayo at lumakad na upang puntahan at kausapin si Jonas na hindi ako pwedeng maging tutor niya. Sasabihin kong hindi ako pinayagan mag resign sa RMES dahil may kontrata pa ako. Habang paakyat sa pagkahaba haba nilang hagdan ay ineensayo ko na sa utak ko kung paano ko sasabihin kay Jonas ang desisyon ko. Ayaw ko naman na isipin niya na nagsinungaling lang sakanya ang kuya niya at ayaw ko rin naman na lumayo ang loob niya sa kuya niya. Sa sitwasyon nila ay sila lang rin naman ang magdadamayan.
Madali ko lang naman nakita ang kwarto ni Jonas dahil may nakalagay na pangalan niya sa mismong pintuan nita, pipihitin ko na sana ang pinto niya upang buksan ito ay napatigil ako dahil may narinig akong paghikbi. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang pinagmumulan ng iyak dahil kaharap lamang ng kwarto ni Jonas ang kwarto kung saan nagmumula ang iyak naririnig.
May maliit na siwang dahil hindi naisara ng mabuti kaya naman naglakas loob akong sumilip ito dahil may kutob akong si Jonas ang umiiyak pero halos gusto kong magsisi dahil sa pagsilip ko.
Ang mga tagpong pilit kong kinakalimutan limang taon na ang nakakaraan ay tila naging sunod sunod ko itong naalala dahil sa kalagayan ng isang taong nakahiga sa kama na tila wala ng buhay. Halos mangitim na ang balat ni Tito Miguel dahil sa bakas ng mga karayom nito at ang ilang mga tubong nakakabit sa bibig nito upang suporta sa buhay niya. Hindi ko na napigilan pang takpan ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Is this his condition all these years?
Pero ang lalong nagpadurog sa puso ko ay ang mga sunod sunod kong narinig mula kay Jonas.
"Dad, am I a bad son?" Jonas asked.
Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito pero sapat na ang boses nito upang masabing lubos itong nasasaktan dahil sa sitwasyon nila. Ayaw ko man pakinggan pero may nagtutulak sa akin na pakinggan ito. Hinaplos muna ni Jonas ang kamay ni Tito bago nagsalita ulit.
"My classmates before did not want to play with me because they said I don't have a father that's why I don't want to go to school now. They said I'm a bad boy that's why you don't want to wake up and you don't want to see me… but dad I did all of what they said just for them to play with me since kuya was always busy working and mommy is always busy in school…" Nang marinig ko ang pagpiyok ng boses niya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot para sa isang batang wala pang kamuwang muwang sa mundo. Muli itong nagsalita.
"Kuya said to me that you are the best dad in the world but dad… I don't want to have the best dad… I just want to have a father." Nang marinig ko mula sakanya yon ay umalis na ako, sapat na ang mga narinig ko upang baguhin ang desisyon ko.
Nang makakita ako ng restroom ay mabilis akong pumasok roon, doon lamang ako nakahinga ng maluwag, pakiramdam ko ay binabalikan ako ng nakaraan. Gusto kong mahiya sa lahat ng masasamang bagay na nasabi ko sa pamilya nila. Hiyang hiya ako sa lahat ng kabutihan na naibigay nila sa akin at sa pamilya ko. Totoo ang sinabi ni Inay noon na biktima lang din ang pamilya nila Marcus at walang kahit sino ang naghangad nito.
Oo nga at nawalan kami ng tatay pero sa pamilya nila Marcus ay araw araw namang pinapatay ang pag asa nila na gumaling pa si Tito Miguel. Oo kami ay lubos na nasaktan dahil sa pagkawala ni Itay at may parte na sinisi sila Marcus kung bakit kami naghihirap ngayon pero walang wala yung sakit na nararamdaman ko ngayon sa sakit na nararamdaman ni Jonas at mas lalo lamang nadagdagan ang bigat sa dibdib ko nang maisip kong ganito rin ba ang nararamdaman ng bunso naming kapatid na si Ivy?
Si Ivy ay kabaligtaran ni Jonas, dahil si Jonas ay masyadong vocal sa nararamdaman niya pero si Ivy ay masyadong tahimik at dinadaan lagi sa pagtataray ang totoong nararamdaman niya. Masyado pa silang bata upang maranasan ang ganitong sitwasyon. Naiiintindihan ko si Tita kung bakit ganito na lamang ang pursige niya sa akin sa pagiging tutor ni Marcus upang masanay si Jonas at matutong makihalubilo sa kapwa bata nito sa eskuwelahan, para kahit papaano ay malibang ito sa pag aaral at makalimutan niya minsan ang sitwasyon nila sa mansion.
Nang makalabas ako ng restroom ay siya namang biglang paglabas ni Marcus sa pinto ng kwarto niya, agad mong malalaman na sakanya iyon dahil hanggang ngayon ay nakasabit pa rin sa pinto ang pangalan niyang "Mahal na hari" agad akong napasimangot nang makita kong hindi niya pa ito inaalis, ako kasi mismo ang gumawa noon para sakanya, regalo ko noong sixteenth birthday niya.
"What?" Iritang tanong niya nang makita niya akong nakatanga sakanya sabay talikod sa akin.
"Inaano kita?" Iritang tanong ko rin habang sinusundan siya para bumaba na. Ano siya hilo? Papayag na lang ba akong magpatalo sakanya? Ngayon pa na araw araw ko na siyang makikita, kaya dapat ay sanayin ko na ang sarili ko sa pabago bago ng mood ng mahal na hari na to.
"Nevermind." Inis pa rin niyang saad kaya naman ginaya ko na lamang ang pagsagot sagot niya sa akin pero wrong move dahil humarap agad ito sa akin at nakita niya ang pang iinis ko.
"Ginagaya mo ba ako?" Nakataas niyang kilay na tanong. Dahil sa ginawa niya ay mas tinaasan ko rin ang kilay ko bago sumagot.
"Bakit naman kita gagayahin? Idol ba kita?" Mataray na tanong ko, dahil sa pagsagot ko ay bigla na lamang tumaas ang gilid ng labi niya. Oh, diba sabi sa inyo eh bipolar na itong si Marcus.
"Hindi. Dahil ako ang baby mo." Pagkasabi niya roon ay agad naman akong kinindatan na siyang nagpasimangot sa akin. Hindi ko alam pero parang hinalukay ang sikmura ko dahil sa ginawa niyang pagkindat, nakakalakas ba ng appeal ang pag kindat?
Pero syempre sa kwentong to hindi dapat ako maging marupok kaya kahit binabagyo na ang sistema ko dahil sa ginawa niya ay nagkunwari lamang akong walang epekto sa akin ang iyon at nagkunwaring walang kwenta ang ginawa niya.
"Luh. Pabibo ka?" Walang buhay na tanong ko pero ang mahal na hari ay umiling pa bago lumapit sa akin at bumulong.
"Syempre hindi… dahil pa baby ako sayo."
This man!
Dahil sa walang kwentang sagot niya ay mabilis ko na siyang iniwan sa taas at baka ano pa ang marinig ko magmula sakanya. Ganyan na ba ang epekto ng pag iibang bansa? Pero bakit kay Tita Janeth ay wala namang nangyaring kakaiba, tanging ang mahal na hari lamang iyon ang nagkaroon ng topak. Hindi ko na lamang pinag aksayahan ng panahon si Marcus at baka ako rin ay matulad sakanya. Nauna akong bumaba at iniwan na siya roon habang tumatawang mag isa.
Ang saya saya niya diyan eh samantalang ang kapatid niya ay halos hikahin na sa kakaiyak doon. Muli ko na namang naalala si Jonas kaya naman mabilis na hinanap ng mga mata ko si Tita Janeth upang ipaalam sakanya ang desisyon ko.
Hindi naman ako nahirapan na hanapin si Tita Janeth dahil sa tawa nito kasama si Siena na akala mo ay sakanya ang bahay dahil kung makatawa ay sobrang lakas. Grabe talaga tong Marites na 'to dahil kung nasaan ang pagkain ay tiyak na nandoon rin siya. Nang makadating ako sa kusina ay nakita kong pinapatikim ni Tita yung niluluto niya kay Siena at may papikit pikit pa itong si Siena na parang ang sarap sarap ng natikman niya, well kung si Tita naman ang nagluto ay talagang masarap ito.
Habang si Sab naman ay nag ce-cellphone sa may dining table, masyado atang intense ang pinag uusapan nila ng ka chat niya at hindi na ako napansin nito na dumaan sa likod niya, siyempre ay kaibigan ko si Siena kaya hindi ko na naiwasang silipin kung sino ang ka chat niya, silip lang naman eh, pero hindi ko talaga sadyang nakita ang pinag uusapan nila ni Landon na uuwi daw ito sa condo nito mamaya. What the?!
Iintriga pa sana ako sakanya pero mabilis akong tinawag ni Tita, aya naman hindi ko na tinuloy na istorbohin si Sab tutal naman ay malaki na ito at matanda na upang solusyunan ang problema nito.
"Tikman mo nga, iha. Mukhang binobola lamang ako nitong si Siena na masarap daw ang sinigang ko." Natatawang saad ni Tita sa akin.
"Hala siy tita! Totoo kaya. Dinaig mo pa nga yung chef sa hospital eh. Ang yaman yaman ng may ari pero bulok naman pagdating sa pagkain." Nanggigil na saad ni Siena.
"Para kang Tito Miguel mo, iha. Napakabolero." Natatawang saad ni Tita kaya naman napangiti na lamang ng malungkot si Siena. Marahil tulad ko ay napansin niya rin kung gaano na niya namimiss ang asawa nito.
Atlis ang pamilya namin ay lubos na naming natanggap na kailanman ay hindi na babalik sa amin si Itay kaya naman ngayon ay hindi na iyon gaano kasakit dahil tinanggap na namin ng buo, pero sila Tita, buhay nga ang katawan ni Tito Miguel pero hindi naman nila ito nakakausap o nakakasama man lang, habang tumatagal ay mas lalong lumiliit ang tyansa na makakasama pa nila ulit si Tito. Hindi ba't parang untin unti ring pinapatay ang pag asa na meron sila.
"Tita,,, Pwede ko po ba kayo makausap?"
"Go ahead, anak." Bumuntong hiningang muli si Tita bago ako nito inaya sa may garden nila.
Nang makadating kami ay suminghap muna ako ng sariwang hangin galing sa mga halaman at puno na nakapaligid sa mansion nila. Ang aliwalas ng panahon, sana ay maging maaliwas rin ang pang unawa ni Inay sa gagawin kong desisyon ngayon balang araw, sana ay maintindihan niyang ayaw kong maging makasarili at gusto ko lamang mapabuti ang buhay nila.
Sana mapatawad mo ako, Inay…
Sana…
"Tita… pumapayag na po ako maging tutor ni Jonas."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks! :)