It's true when I said Marcus get's what he wants. Katulad na lamang kagabi na wala itong kahirap hirap na kumbinsihin si Tita Janeth na dito na lamang ako magpalipas ng gabi. Sumabay pa si Jonas na bunsong kapatid niya sa pangungumbinsi sa akin, sino ba naman ang makakaresist sa kabibohan ng batang iyon. Nagmana sa kakulitan ng kuya niya. Kaya't heto ako ngayon ay nakahiga sa malambot na malambot na kama ng mga King. Dahil sa pagiging komportable ko ay hindi ko namalayan na mag aalas syete na pala ng umaga kaya't naman tumayo na ako upang mag hilamos para makauwi na din at linggo na rin at bukas lang ay may pasok na naman.
Saktong pagkatupi ng kumot na ginamit ko ay siya namang bukas ng pintuan at iniluwa nito si Tita Janeth na agad na ngumiti pagkakita sa akin.
"Good morning, anak." Masiglang bati nito habang may suot suot na puting apron. She's too beautiful to wear an apron.
"Good morning din po t-tita. P-Pasensya na po at na late po ang gising ko." Nakayukong saad ko habang inilagay ang nahulog na hibla ng buhok sa kabilang tenga ko. I heard her chuckled kaya napaangat ako ng tingin.
"My goodness. You're so cute. Your parents are really lucky to have you. C'mon, ipagluto natin ang mga bordagols."
I smiled because of she what she has said kaya naman minadali ko na ang sarili ko at isinuot na ang slippers na ipinahiram ng kasambahay ng mga King. "Yes, po tita!"
Sa kusina habang naghihiwa ng mga ingridients na lulutuin namin ay panay ang kwento ni Tita sa naging buhay nila sa America.
"Jonas was so quiet when I gave birth to him pero habang lumalaki siya ay tumitigas na rin ang ulo nito. Masyado kasing inispoiled ng kuya nito kaya ayon. Hindi ko naman mabawal dahil sa sitwasyon namin ngayon. If it's just Miguel is here, I know his capabilities to discipline his child as a father. Katulad ng pagdidisiplina niya kay Marcus noon."
Tita Janeth said while she is sautéing her mixed vegetables for her omellete while having painful gaze at her eyes. I stared at her a couple of minutes before I realized na hindi lang pala si Inay iyong nahirapang magpalaki ng mga anak na mag isa. Tita Janeth suffered so much as well.
Because of her contagious emotion on her eyes ay hindi ko na napigilan na yakapin siya sa likod kagaya ng pagyakap ko kay Inay noon sa tuwing nakikita kong nahihirapan ito dahil sa pagkawala ni Itay. I felt her stiffened because of my sudden action, then she held my hands.
I didn't say anything dahil wala akong alam sa pinagdaraanan nila ni Inay ngayon at ang tanging magagawa ko lamang ay iparamdam sakanila na may makakasama sila pagsubok na ito.
"I'm jealous now, mom." Marcus snorted out in the middle of somewhere.
Agad akong humiwalay kay Tita at nagkunwaring may inaayos sa may mga cabinet upang pagtakpan ang hiya ko. Baka ano na naman ang isipin ng mahal na hari.
"Oh Marcus, your timing is perfect. Irene and I prepared the breakfast. You take a shower na and call your brother, so we can eat." Masiglang saad ni Tita. I'm thankful dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"Alright mom." Marcus answered at narinig ko ang ilang hakbang nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay umalis na ito.
Ang buong akala ko ay lumabas na ng kitchen si Marcus kaya ang laki ng gulat ko nang pagkaharap ko ay nasa harap ko na ang dibdib nito, mabuti na lamang at at nahawakan niya ang plato na naglalaman ng bagong lutong hotdog at hindi ito tumapon sa sahig.
Napansin kong hawak rin nito ang isang basong pang tubig. Nang makita ko ang kabuuan ng dibdib nito ay pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. Tama nga ang mga marites na sina Sab at Siena na mas lalong gumanda ang mas naging makisig si Marcus.
"Eyes on the hotdogs, panget. Mainit pa naman iyan at baka kumawala... I mean baka matapon." He said then he smirked. Abat!
"Good morning, ate ganda!" Masayang bati ni Jonas sa akin at mabilis akong hinalikan nito sa pisngi pero imbis na mainis ako ay natuwa na lamang ako sa pagiging sweet niya, malayong malayo ito sa bunso naming kapatid na bugnutin at laging may sumpong. Kung ano ang ikinasweet namin ni Rochele ay siya namang ikinasungit ng kapatid namin na iyon.
"Good morning, baby." Nakangiting saad ko at ginulo ng bahagya ang buhok nito.
"What about the big baby. Where's his good morning?" Marcus abruptly said kasabay ng pagsimsim niya ng kape.
Tumingin muna ako sa gawi ni Tita na nasa may kusina pa habang inaayos ang ilan pang mga niluto namin at pagkatapos ay si Jonas na abalang nanonood ng YouTube. Kaya naman ng masiguradong walang makakapansin sa pagmamaldita ko ay agad kong pinaikutan ng mga mata si Marcus habang animoy naghihintay rin ito sa sasabihin ko.
"Bakit? Baby ba kita?" Buong tapang sabi ko.
"Yes. Did you already forget it, baby? Oh, you're hurting me!" Pang aasar niya sa akin gamit ang boses niyang may kalakasan. Kaya naman hindi ko mapigilan na panlakihan siya ng mga mata upang tumigil na siya kakaasar at baka ano pa ang isipin ni Tita Janeth.
"Ano ba! Di ka titigil?" Irita kong sabi at alam kong sinlaki na ng duhat ang butas ng ilong ko dahil sa pang iinis ng mahal na hari na to.
"No, baby. Until you start calling me baby—"
Nang marinig ko ang mga yapak ni Tita ay mabilis kong isinalpak ang loaf bread na nasa lamesa upang pigilan siya sa akmang pag banggit ng baby. Agad akong pinanlakihan ng mata nito na kalaunay kinain rin niya ang tinapay na nasa bibig niya. Mukhang napansin ito ni Tita dahil sinalinan niya ito ng tubig.
"Eat slowly, Marcus."
Marcus slowly nod habang nakatingin pa rin ito sa akin ng masama, sa tabi ko naman ay ang bibong bibo na si Jonas na kumakain, may mga ilang pancake pa nga ang nahulog sa plato nito at syrup na nagkalat sa labi nito kaya naman mabilis kong kinuha ang tissue at pinunasan siya.
"Thank you, ate ganda." He smiled warmly. Marcus is so lucky to have him as his brother.
"Kain lang ng kain mga anak. Oh! Before I forgot. Irene, can I ask you something?" Tita Janeth asked.
Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko bago sumagot while Marcus is busy using his Ipod.
"Yes, po tita." Mahinang usal ko.
"Do you have extra time? Can you tutor Jonas?"
WHAT!? Did I just hear it right?
"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Really, mom!? Ate ganda will finally be my tutor? Yes! Yes!"
Hihingi na sana ako ng tulong kay Marcus na ipaliwanag na hindi na ako pwedeng mag tutor dahil full time teacher na ako RMES, dahil paniguradong narinig niya ito kahapon nang magkwento ako kila Xander, pero ang mahal na hari ay nakaharap pa rin sa IPod nito habang nakataas ang gilid ng labi nito. He is enjoying this!
"A-Ano po kasi, Tita. Full time teacher na po ako sa Pangasinan sa may RMES po."
Nang sabihin ko iyon ay tanging paghulog na lamang ng mga kubyertos ni Jonas ang narinig ko dahil tumakbo na ito palayo sa hapag kainan. Napaigtad na lamang din ako nang biglang tumayo si Marcus at walang sabing inilapag ang tissue nito basta basta. B-Bakit parang kasalanan ko?
"He's acting brat again." Bulong pa ni Marcus bago tuluyang umalis.
"I'm so sorry because of Jonas behaviour. Marcus promised to Jonas kasi na gagawin niya ang lahat upang maging tutor ka ng baby brother niya. I know that Marcus wants the best for his brother that sometimes it is too much. If Miguel is here, it won't happen." Bakas ang paghihirap sa mga mata ni Tita kung paano palalakihin ang bunso nitong anak. Ginagatungan pa ng kuya!
"C-Can you consider it, anak? Jonas doesn't want to go to school anymore dahil sa unang araw niya sa pre school noon ay na bully ito dahil wala raw siyang daddy, kaya magmula noon ay ayaw na nitong pumasok, then one day she saw your picture wearing a teacher uniform and I don't know where did he get that and he said na he'll go to school again but it has a condition, that you will be his tutor." Pagkukwento ni Tita Janeth.
I understand Jonas, dahil maski siguro ako ay tatamarin ng pumasok kung puro bully lamang ang makakasalamuha ko.
"I can double your salary, anak and you can stay here as long as you want para hind maging hassle sa iyo ang pabalik balik sa Pangasinan. If you want, you can teach at SCU since may bakanteng pwesto sa English department. Your sisters can go to school as well free, as long as you tutor Jonas."
"Nakakahiya po, Tita. Sobra sobra na po ang mga naitulong niyo ho sa pamilya namin. P-Pag isipan ko po." Tita noded defeteadly.
Nang isa-isahin ni Tita Janeth ang mga kondisyon ay gusto kong malula dahil lahat iyon ay pabor sa akin kapalit lamang ng pagiging tutor ng anak niya, Nakakaakit pero kakayanin ko ba ang magiging kapalit nito sa mga susunod na araw kung sakaling tanggapin ko ito, maipapangako ko ba sa sarili ko na kaya kong protektahan ang puso ko sa pagiging malapit namin ni Marcus, dahil paniguradong hinding hindi kami maaring magkita sa mansion nila at isa pa mas lalong sisikip ang lugar namin pero magandang oportunidad na ito, mabilis akong makakaipon upang bilhin muli ang lupang naipundar noon nila Itay at secure na ang pag aaral ng mga kapatid ko kung sakali, lalo na at si Rochele ay mag sisimula na ring mag aral ng kolehiyo at ninanais niyang maging doctor balang araw.
Napagdesisyonan kong sumabay na kay Marcus nang marinig kong aalis ito at dadaan sa SCU, halos hindi ako makatingin ng deretso kay Tita Janeth dahil noong ihatid niya kami sa may pinto ng mansion nila ay animoy nangungusap ang mga mata nito pero bandang huli ay nagawa pa rin nitong ngumiti sa harap ko at magpaalam ng maayos, ako pa ang nahihiya dahil sa simpleng pabor na hinihingi niya ay hindi ko maibigay, pakiramdam ko ay wala akong utang na loob sa lahat ng nagawa niyang magagandang bagay sa akin at sa pamilya namin. Habang si Jonas naman ay nakasilip sa may poste ng hagdan nila at nang balingan ko siya ng tingin ay halos magmakaawa ang mga mata nito, nginitian ko ito at halos matawa naman ako nang ngumiti ito pabalik at mabilis na nag iba ang ekspresyon nito sa pagiging nakakaawa. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hininga habang inaalala ang mga tagpo kanina na sinabayan ko pa ng isang malalim.
"Huwag mo nang pansinin ang sinabi sa iyo ni mommy and I'm sorry if pati ikaw ay nadamay sa pagiging padalos dalos ko sa mga binitawan kong pangako noon upang sumama lang pauwi ng Pilipinas si Jonas." Marcus suddenly said at nang mapalingon ako sakanya ay deretso pa rin ang tingin niya sa daan.
"W-Wala ka naman kasalanan. Alam kong nagawa mo lang iyon upang mapabuti ang kalagayan niya." I sincerely said.
Dahil tulad niya may mga kapatid din ako, ang kinaibahan nga lang ay hindi spoiled sa akin ang mga kapatid ko at isa pa kahit na gustong gusto ko silang I spoiled sa mga material na bagay ay hindi pa kaya ng bulsa ko, sa ngayon ay bubusugin ko muna sila sa pagmamahal kahit na paminsan ay puro kamalditahan lamang ang natatanggap ko mula kay Ivy.
Hindi na muli kaming nagpansinan hanggang sa makadating na kami sa may parking lot ng Condo ni Sab. Nang mapatingin akong muli sa gawi niya ay inaayos nito ang cellphone nito sa may dashboard. Hindi ko pa rin alam kung magpapaalam ba ako or bababa na lang ako? Tutal naman ay hindi na niya ako ininis ay magpapaalam na ko.
"Uhm.. Ano... Mahal na hari..." Unang sambit ko at huli na upang marealize ko na natawag ko na siya sa madalas kong tawag sakanya noon. I saw how he stiffened at dahang dahan na lumingon sa akin gamit ang gulat niyang mga mata. What now?
"S-Sorry... I didn't meant to say that. T-Thank you, Marcus." I sincerely said and warmly smiled to him. I just don't know how but everytime na napapatingin ako sakanya ngayon ay pakiramdam ko kasama ko lang ang bestfriend ko noon. Marahil ay namimiss ko lang ang pakiramdam ng may bestfriend ulit pero hindi na mismo ang tao. Sana nga....
Halos mapatawa naman ako nang makita ko kung paano mag form ng O ang labi niya at kasabay nito ang pagkahulog ng wallet at cellphone niyang hawak.
"It is the first time..." He firstly said at nang makarecover ito ay pinulot na niya sa may hita niya ang mga nahulog niyang gamit. I tilted my hair to show that I am confused.
"First time what? First time magpasalamat? Oo naman no, hindi naman ako katulad ng iba diyan na masungit na." Pagpapatuloy ko habang ako naman ang nag ayos ng gamit nang makabawi ako sa ginawa niya kanina.
"No..." He commented.
"Eh ano?" Saad ko habang abala kong chineck up ang bag ko kung may naiwan ako at nang makasigurado akong okay na ay humarap sakanya at halos malunod naman ako sa mga mata niyang seryoso kung makatingin ngayon.
"This is the first time that you call me mahal na hari. Damn, I miss it baby. I miss you."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------