Chereads / Twilight Promises / Chapter 33 - 32

Chapter 33 - 32

"It's cold. C'mon, let's go home."

Ano raw? Anong let's go home ang sinasabi nito? Nang hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya ay mabilis kong hinubad ang jacket na ipinahiram niya at ibinalik sa kanya. Ang galing naman. Hindi lang ako ang marunong magsungit dahil siya rin ay tinasaan ako ng kilay.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at lumakad na para iwan siya. Hindi naman porke na maganda ang ipinapakita niya ngayon ay makakalimutan ko na ang lahat ng masasakit na sinabi niya five years ago. Hindi ganoon kadali iyon lalo na kung malalim ang naiwan nitong sugat tho I still appreciate his good looks and all his assets but hanggang doon lang yon. I still know how to appreciate beautiful things.

"Don't bother. May uuwian ako." Walang ganang sabi ko at nakita ko na lamang na nakasunod na ito sa akin at sabay na kaming naglalakad palabas ng SCU.

"I insist. Malaki naman ang mansion." Damn him and his luxury.

Nagkibit balikat ako at patuloy na hindi siya nililingon pero ramdam na ramdam ko ang maya't maya niyang sulyap sa gawi ko. Nang lingunin ko siya ay mabilis na niyang iniwas ang mga mata nito sa akin.

"No, it's okay. Hinihintay ako nila Sab at Siena." Pinal kong saad dahil aminado akong ayaw ko nang maugnay muli sakanya at isa pa baka magalit si Sab at Siena sa akin kapag hindi ako umuwi ng condo. Grabe pa naman magalit ang dalawang iyon.

"They already went home with Xander and Landon." Pinal niya ring saad habang lumilingon sa paligid, nang lumingon rin ako sa paligid ay napag alaman kong nasa may bandang parking lot na kami. Gaano ako distracted at hindi ko na napansin na ang layo na pala nang nalakad namin?

"Edi mag isa akong uuwi. Kaya ko naman." I said, naiinis na dahil pakiramdam ko ay na trap ako kasama ang mahal na hari nato.

"No, you won't." He firmly said.

"Share mo lang?" Inis kong sabi at mabilis ko siyang pinaikutan ng mga mata.

"Ang kulit mo." Balewala niyang sabi at narinig ko na lamang ang pagtunog ng sasakyan na medyo malapit sa amin, naglakad ito upang puntahan ang sasakyan niya. Hindi ko siya sinundan at nanatili lamang akong nakatayo roon.

"Mas makulit ka..." Bulong kong sabi at akmang may sasabihin pa sana ako nang bigla itong humarap sa akin.

"What are you waiting for? Christmas? Let's go." Masungit at seryoso niyang sabi kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sakanya.

Papahatid na lamang siguro sa condo niya. Duh, never akong sasama sakanya. Remember, five years ago? Good.

Sa sasakyan ay walang ingay ang kumawala sa amin pero nang mahagip ko ang cellphone niyang nakapatong sa may dashboard ay napagpasyahan ko nang magsalita upang ibigay sakanya ang address ni Sab or baka alam na niya? Well, para sigurado.

"Uhmm.." Tikhim ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob upang kausapin siya.

Sinulyapan lamang ako ni Marcus nang marinig niya akong tumikhim. Inayos ko muna ang dress ko upang ayusin ang sasabihin ko. Nang sigurado akong alam ko na kung saan ako magsisimula ay bigla na lamang niyang ipinatong sa binti ko ang coat niyang pinahiram niya kanina.

"It's cold." Tipid niyang saad at hindi na lang ako nagkomento dahil totoo naman ang sinabi niya. Gabi na at malamig.

"T-Thanks... Heto nga pala ang address ng condo ni Sab." Akmang itutuloy ko na ang sasabihin ko ay siya naman ang tunog ng cellphone niya.

Mabilis akong napatingin sa labas ng wind shield nito dahil nung huling narinig ko ang ring tone ng cellphone niya ay hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko noon. Baka si Suzanne na naman. Well, it's okay lang naman dahil fiancée niya ito. I sighed.

"Hello, mom..." Unang saad niya pagkasagot niya sa cellphone. Awtomatiko akong napalingon sa kanya dahil sa narinig ko. Si Tita Janeth?

Nang bigla itong lumingon paharap sa akin ay daglian naman akong napatingin ulit sa labas dahil baka ano ang isipin niya kapag nakita niya akong nakatingin sakanya. Assuming pa naman ito. Charrr

"Yes, mom. I'm with her... Okay, got it. See you, mom. Love you..." Nang matapos niyang kausapin si Tita Janeth ay inilgay niya ulit sa may dashboard ang cellphone nito at medyo binilisan ang pagmamaneho niya. Napakapit tuloy ako sa may upuan ng sasakyan ng mahal na hari nato.

"Mom wants to see you." Iyon lamang at hindi na ako nagsalita dahil si Tita Janeth na ang nagsalita. I want to see her as well.

"Okay."

Nang makadating kami sa mansion nila ay halos wala naman itong pinagbago ganoon pa rin ang ayos ng mga gamit at halos parehong mga mukha pa rin ang nakikita ko magmula nang makatapak ako rito five years ago. Kamusta na kaya ang dating bahay namin? Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin ay ayokong ibenta ang lupa at bahay namin dahil iyon na lamang ang natitirang alaala na kasama namin si Itay pero ano ang magagawa ko noon at halos graduating pa lang ako, kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mabili ko lamang ulit ang bahay namin. Para sa pamilya ko, para sa alala ng Itay ko.

Ang mga kasambahay ang nagpagising sa akin mula sa malalim kong pag iisip dahil sa lumang bahay namin. Si Marcus ay nasa unahan ko at hindi na ako pinapansin. Mas mabuti iyon dahil wala naman akong alam na sasabihin sa kanya. Kakamustahin ko lamang si Tita at uuwi na ako sa condo ni Sab.

"Nasa may living room po si Madam." Wika ng isang tauhan nila or should I say body guard na sumalubong sa amin base na rin sa uniform na suot nito. Tumango lamang si Marcus at hindi na pinansin ito.

Kailan pa naging masungit ito pagdating sa mga tauhan nila? Last time I check ay halos pamilya na rin ang turing niya sa mga tauhan nila five years ago. Oo nga pala, marami na rin ang nagbago. Ako na lamang ang ngumiti sa kasambahay at tila napatulala pa ito nang makita ako.

"Ang ganda niyo naman po..." Mahinang bulong niya at ako naman ang medyo nailing dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ko.

Akmang magpapaalam na sana ako ay naunahan na ako ni Marcus. "That is not necessary. Let's go, panget." Saad niya at pagkatapos ay binalikan ako at mabilis na inakbayan. Mabilis ko itong inalis dahil unang una naiilang ako. Pangalawa, he's rude.

"Ang rude mo." Naiinis kong bulong. "Mabuti pa si kuya marunong mag appreciate ng mga magagandang bagay." Pagpapatuloy ko. He chuckled because of my comments. May nakakatawa ba?

"That is because beautiful is understatement to describe you. Panis ang salitang maganda kapag ikaw na ang pinag uusapan, panget." Walang kagatol gatol na pahayag nito at mabilis akong iniwan sa living room nila. Kahit kailan talaga ay mahilig siyang mang iwan sa ere!

Wala talagang pakikisama ang mahal na hari na iyon dahil pagkatapos akong hiluin sa mga pinagsasabi niya kanina ay heto ako at mag isa sa napakalaking sala nila or should I say living room. Naku, yung sala ng mahal na hari ay katumbas na ng buong bahay namin. Sana man lang ay may dumating na isa sa mga kasambahay para kahit papaano ay may makakwentuhan ako habang hinihintay ang mahal na hari. Ayoko naman na umupo ng walang pasabi dahil unang una ay nakakahiyang upuan ang mga nagkikintaban na mga sofa. Pangalawa, wala pa ang may ari ng bahay kaya magtitiis muna akong tignan ang mga pictures na nagkalat sa may living room nila.

Iniisa isa kong tignan ang pictures ng pamilyang King. Mula sa pagiging binata at dalaga ng mag asawa hanggang sa ipinanganak si Marcus at may kasama na ngayon na bagong luwal na baby, ito na marahil ang baby nila. Kung si Marcus ay halos nakuha ang features ni Tito Miguel habang ang kapatid nito ay mas lamang ang hawig nito kay Tita Janeth. He has this soft features at tiyak na walang makakaresist sa kakyutan ng bata.

Nabaling ang tingin ko sa kabilang vanity table at doon ay mga pictures nila Marcus, Xander, at Landon. Para silang mga prince charming dahil sa suot nilang mga costumes, tiyak kong holloween party iyon dahil na rin sa mga bitbit nilang mga candy na nakalagay pa sa pumpkin basket at panghuli ay ang mga pictures namin ni Marcus. Huminga muna ako ng malalim bago pinagpatuloy na tignan ang mga larawan.

Masyadong detailed ang pagkakasunod sunod, andoon pa yung umiiyak siya habang tawa ako ng tawa dahil iyon ang araw na prinank ko siya ng gagamba at magkakasunod na iyon, hanggang sa last picture namin na magkasama nang mag mall kami noon. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at bahagyang hinaplos ang picture namin na naka akbay siya sa akin habang naka ngiti at ako naman ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat. Kumakain kasi ako noon!

"That is his favorite picture." Halos mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang magsalita si Tita Janeth sa likod. Mabilis akong humarap sa kanya upang humingi ng paumanhin dahil tinignan ko ang mga gamit sa bahay niya ng walang paalam.

"S-sorry po, Tita. Hindi ko po sinasadyang tignan ang mga pictures." Nauutal kong saad.

Tita Janeth is still beautiful and sophisticated. Para itong hindi nanganak dahil sa ganda pa rin ng katawan niya. She smiled upon my apology at hinawakan ang kamay ko. Tila nais kong maluha sa klase ng haplos na ibinibigay niya sa akin, dahil sa kabila ng kabastusan na ipinakita ko noon ay heto pa rin siya at tinatanggap ako ng buong buo sa bahay nila. It's so soothing and calming.

"No need to say sorry. Those are meant to be to look at it, anak. How have you been?" Malumanay na saad ni Tita at inakay ako papunta sa may kusina nila.

"M-maayos naman po, Tita. K-kayo po? K-kamusta na po si Tito Miguel?" Mahina kong bulong, sapat na upang kami lang ni Tita ang nakakarinig. She looks at me with her delicate eyes.

"Your Tito is okay tho he still in coma but his condition is getting better. Nakatulong ng malaki ang pagiging donor ng Itay mo." Hindi ko sinasadyang mapaiwas ng tingin nang banggitin niya si Itay. I felt her hand landing on my hand again. Nangungusap ang mga mata nito.

"Alam kong masakit pa rin sayo ang nangyari sa Itay mo. I know that my life will still not be enough to pay for all what happened to your Itay and to your family. I'm so sorry, anak. Kung maibibigay ko lang ang buhay ko kapalit ng buhay ng Itay mo ay gagawin ko."

Ramdam ko ang pagsisisi sa boses ni Tita sa bawat bigkas niya ng mga salita kaya't pati ako ay nahawa at Ilang iling pa ang ginawa ko bago ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa wakas sa tagal ng panahon ay may humingi na ng tawad dahil sa nangyari sa Itay ko.

"Hindi niyo po kasalanan, Tita at mas lalong hindi po kasalanan ni Tito Miguel. Wala pong may gusto sa nangyari kay Itay at alam kong magagalit lamang po sa akin ang Itay kung patuloy kong sisisihin ang pamilya ninyo sa nanyari sakanya. Ang may kasalanan dito ay ang bumaril sa Itay ko." Naluluhang saad ko habang nakayuko. Tita moved a little closer to hug me. Hindi ko na napigilan emosyon ko at mas lalo lamang akong humagulgol dahil napakacomforting ng paghagod niya likod ko. Para itong nagsasabi ng iiyak mo lang ang lahat at hindi kita papabayaan.

"Shushh."

"I know its hurt anak but we will go through with it, tayo ng Tito Miguel mo." Pang aalo niya kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Nagtawanan pa kami ni Tita nang maghiwalay kami ng yakap dahil parehas kaming may uhog sa mukha. Kumuha siya ng tissue sa may counter table at pinunasan ang uhog ko kaya't kumuha na rin ako upang siya rin ay mapunasan ko.

"Marcus is doing everything para magbayad ang dapat managot sa ginawa nila sa pamilya natin. You know that Marcus will do anything just to see the sparks in your eyes again."

Agad na napakunot ang noo ko nang banggitin ni Tita si Marcus. Akmang magtatanong pa sana ako nang biglang may boses ng bata ang sumisigaw papalapit sa amin.

"Ate ganda is hereeeee!"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

:))