"Your handkerchief. Until now, you're still forgetful. Old habits die hard, aren't we?"
I stared at his face for a minute before I moved my damn feet to get my damn handkerchief. Pati ata ang panyo ko ay sumasabay sa pagiging tanga ngayong araw. Last time I checked, it was perfectly inside my pouch. Shocks, it slipped! Hanggang saan kaba dadalhin ng katangahan mo, Irene? Nasabihan ka ngang cum laude noon pero ano itong kabobohang pinag gagawa mo magmula kanina? Worst, nangyari lahat yon sa harap ni Marcus.
Nakataas lang sa ere ang putting panyo kaya naman mabilis koi tong kinuha sa kamay niya. I carefully got it without touching his hand. Baka kasi may germ na nagngangalang Suzanne at mahawaan ako, mabuti ng handa. Char lang.
Pagkuha ko sa panyo ko ay agad na akong tumalikod upang hindi niya makita ang hiyang nararamdaman ko magmula kanina pa at para hindi na niya mahalata ang pamumula na nararamdaman ko sa aking pisngi at baka ano na naman ang masabi niya.
"Hey wait!" Pigil niya na siya ring nagpahinto sa akin sa paghakbang. Ano pa ba ang kailangan ng mahal na hari nato? Hindi pa ba sapat na nakita niya ang mga katangahan ko magmula kanina? Pumikit muna ako bago nagsalita habang nakatalikod pa rin dahil ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko dahil sa kanya. Never in my entire existence have that I will tell him that he's still had an effect on me! Over my alive beautiful body!
"What?" I said it in my coldest voice. Tila nais kong palakpakan ang sarili ko nang sambitin ko ang salitang iyan nang walang halong kaba na mababakas sa boses ko bagkus para itong nagmula sa isang malamig at nagyeyelong freezer. Rawr, you got it baby!
"N-Nothing..."
Nang marinig ko ang sagot niya ay wala na akong sinayang na pagkakataon upang makaalis sa lugar na kinalalagyan namin at mabilis na hinanap ang mga kasama ko upang yayain na silang makauwi dahil totoo ngang nandito si Marcus at nasa peligro ang puso ko! Kailangan ko nang makaalis dito agad.
"Tara na Siena, uwi na tayo. Natatae na ako." Pagdadahilan ko upang mas maniwala ang si Siena at samahan akong umuwi. Pero tinignan lamang niya ako na akala mo ay galing ako sa ibang planeta.
"Luh. Nagkakaubusan na ba ng tubig sa SCU? Nakita pa lang kitang kakalabas sa restroom, hindi mo pa ba nailabas iyan?" Tanong niya sa akin sabay tingin niya sa tiyan ko habang kumakain ng tiramisu. Pambihira talaga itong babaeng to, pagkain talaga ang uunahin kaysa sa kaibigan niyang nasa peligro. Charot lang.
"Basta. Choosy ang pwet ko ayaw ng tubig sa kahit saan lang. Tara na kasi, libre kita Jolibee pauwi." Sulsol ko pa kay Sienna pero agad rin akong napaupo nang makita ko si Marcus na paupo na sa may lamesa namin. Anong ginagawa ng mahal na hari dito? Last time I check, ay nandoon siya sa lamesa kasa ang mga directors ng school nila. Hindi ko siya tinitignan at napagpasyahang tumigin sa may gilid ko. Nasa harap ko siya at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin na siyang lalong nagpapakaba sa akin ngayon. Pakiramdam ko tuloy para siyang surprise quiz ni Sir Baltazar, nakakakaba!
"Oy, sabi mo yan ah. Two pieces chicken joy sa akin tsaka burger meal ah." Saad ni Siena sa tabi ko habang busy pa rin sa pagkain ng pagkain niya at halatang hindi pa rin niya napapansin na kasama na namin si Marcus sa lamesa. Hindi ako umimik at hinayaan siyang mag isa sa kahihiyan. Punong puno kasi ang bibig niya sa kakain ng cake at iba pang dessert habang nagsasalita.
"Girl, bakit hindi ka nagsasalita? Ah! Nagkita na siguro kayo no? Paniguradong, na inlove ka na naman kay Marcus no--!"
Agad na nanlaki ang mga mata ko at agad na hinarap si Marcus at mas lalong gusto kong sabunutan si Siena sa mga sinabi niya nang makita kong nakataas ang mga kilay niya na animoy may nalaman siyang bago sa akin. Hindi totoo yon!
"Kumain kapa. Halatang kulang pa sayo iyan." Agad kong isinubo kay Siena ang apple pie na nasa plato ko at halos lumuwa ang mata niya at maubo ubo dahil sa ginawa ko. Agad niya akong hinarap gamit ang mga nanlilisik niyang mga mata. Nagpatay malisya ako at tumingin sa ibang direksyon. Sakto naman na dumating sila Sab, Xander at Landon kaya mas lalong umingay ang paligid.
"I'm in tears. After all these years, we're complete now." Panimula ni Landon habang kunwaring papunas punas pa ngluha kunwari sa mata niya. na katabi ni Sab at Marcus, si Marcus na kanina pa patingin tingin sa gawi ko. Anong kaartehan na naman ang pauso nito?
"Stop doing that, you look stupid." Biglang banat ni Sab sakanya na siyang nagpasimangot kay Landon.
"Yeah, Sabrina is right, you stupid dumb ass. How are you, guys?" Banat muna ni Xander kay Landon bago ito humarap sa akin para magtanong pero nakaw naman ng nakaw ng tingin kay Siena na tila napipi sa presensya ni Xander.
Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil tila wala atang balak magsalita si Sab na halata ang pananahimik, habang si Siena naman ay patuloy ang paglamon.
"Okay naman, ganun pa rin. I'm an English teacher now in RMES in Pangasinan. It's good to see you, guys." Totoo at nakangiting sambit ko kay Xander and Landon na nginitian rin nila ako kalaunan.
Marami pa kaming napagkwentuhan nila Xander at Landon habang umiinom. Para lang kaming bumalik sa pagiging estudyante ang kaibahan nga lang dahil noon ay halos lahat kami maingay pero ngayon ay tatlo lang kami nila Xander at Landon ang nag uusap sa lamesa. Ramdam na ramdam ko ang ilangan ng apat sa isa't isa at mas lalong ramdam na ramdam ko ang tingin ni Marcus sa akin na kanina ko pa binabalewala.
Halos nakakarami na rin ang inom nilang apat samantalang ako ay wine lang iniinom dahil ayaw kong malasing dahil marami pa akong gagawin na lessonly kinabukasan, habang sila Siena at Sab ay halos magdikit na ang mga mukha dahil sa kalasingan. Nang mapatingin ako sa gawi ni Marcus ay sakto naman na umiinom ito ng beer kaya naman kitang kita ko ang pagbaba ng adam apples niya, agad akong napaiwas ng tingin nang makita kong titingin ulit ito sa bandang gawi ko. Shit, eyes magsitigil na kayo!
"...And now to our closing message let us welcome Marcus Jacques Marcus King the newly appointed president of Saint. Clare University."
Nabigla na lamang ako nang biglang mag anunsyo ang baklang announcer na ka batch din namin kaya naman napalakpak na lang rin ako dahil lahat sila ay pumalakpak, halos masubunatan ko na si Siena dahil sobrang lakas ng palakpak niya na animoy nagtatawag ng kalapati at nang marinig ito ni Sab ay tumawa ito at nakipalakpak din ng malakas. Habang ang dalawang lalaki na naiwan ay patawa tawa lang habang pinagmamasdan ang kahihiyang ginagawa ng dalawa. Please, remind me na hindi ko kasama ang mga ito.
"Woooh! Barkada ko 'yan!" Sigaw ni Landon bigla kaya naman nakatikim ito ng batok mula kay Sab.
"Woooh! Bestfriend yan ni Irene!" Biglang sigaw rin ni Siena na nangingibaw sa loob ng auditorium.
Halos ako naman ang magtago sa ilalim ng lamesa dahil sa kahihiyan na pinag gagawa ni Siena dahil alam kong kilala kami ni Marcus sa mga ka batch ko, kaya naman hindi ko na hinintay na mas lalo akong mapahiya at tumayo na upang makatakas sa tingin ng mga tao. Ang huling dinig ko bago ako lumabas ay ang mga plano nito upang palaguin pang muli ang SCU.
Nang makalabas ako ay parang gusto kong magsisi dahil sa lamig na nararamdaman ko ngayon dahil nakalimutan kong bitbitin ang coat ko. Titiisin ko na lang ang lamig dahil ayoko ng bumalik sa loob at tiyak na kakantyawin lang kami, dahil hindi naman iba sa kanila ang pagiging close namin ni Marcus noon at mas naniniwala silang may relasyon kami ni Marcus kesa sa pagiging kaibigan lang, doon ko na realize na dahil sa mga sweet gestures na pinapakita at ginagawa sa akin ni Marcus noon ang dahilan kung bakit mas lalo lamang ako nahulog sakanya. Bakit ba kasi sobrang paasa ng impakto na yon?
Napasimangot na lamang ako dahil sa naalala ko na naman ang mga kahapong nagdaan na pilit kong kinakalimutan at mas lalo akong napasimangot dahil naramdaman ko ang pagkagat sa akin ng lamok. Nandito kasi ako sa may garden ng SCU na kaharapan ng auditorium. Dahil sa sobrang inis ko dahil sa mga naalala ko ay mabilis kong pinatay ang lamok.
"Para kang si Marcus, sumusulpot sa hindi inaasang pagkakataon." Bulong bulong ko pa habang pinupusan ang binti ko.
Nang umayos na ako ng upo ay nagulat na lamang ako ay nasa harapan ko na si Marcus habang seryoso akong tinitignan. Ano na naman ang ginagawa nito dito? Parehas sila nung lamok, pasulpot sulpot sa hindi inaasahang pagkakataon.
Halos hindi ako makahinga ng lumakad ito at umupo sa bench katabi ko. Hindi ako nagsalita, dahil wala naman akong alam na sasabihin, hindi bat sinabi ko sakanya five years ago na gagawin ko ang lahat huwag lang kaming magkukrus ng landas? Ako kasi tinutupad ang pangako, hindi katulad ng iba diyan. Nang maalala ko na naman ang mga walang kwenta niyang pangako ay daglian akong tumayo upang iwanan siya, bahala siya diyan dahil ayaw ko nang makagat uli ng lamok.
"Hey, where are you going?" Agad na tanong niya at mabilis na hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako sa pagtayo. Agad kong tinignan ang kamay niya at tinaasan siya ng mga kilay, agad naman niya itong napansin at mabilis na binitawan ang kamay ko.
"Pupuntahan ang pinsan mo." Sabi ko gamit ang walang buhay na mga mata habang nakatingin sa kanya. Pilit na itinatago ang kabang kanina pa dumadaloy sa katawang lupa ko.
"They're gone. Xander and Landon already left together with Sab and Siena." Saad niya na siyang nagpalaki ng mga mata ko. Agad akong tumalikod sakanya upang hindi niya makita ang pagdaing ko dahil iniwan ako ng dalawang babae na yon. Paano ako nito uuwi!?
I composed myself before I turned to Marcus again. Hindi naman ako ganun ka rude upang hindi magpaalam sakanya. "Thank you sa pag inform. Una na ako..." Saad ko gamit ang walang buhay na mga mata pa rin.
Yon lamang at hindi na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na naglakad palayo sakanya pero hindi pa man ako nakaka limang hakbang ay naramdaman ko ang pagdampi ng kung anong tela sa balikat ko, at nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ay napahinto ako.
Masungit ko siyang tinignan at pagkatapos ay tinaasan ko siya ng isa sa mg kilay kong bagong thread upang itago ang pagkabigla ko. Kasabay ng pag ihip muli ng hangin ay siya namang init ng paghaplos sa puso ko nang makita kong muli ang ngiti niyang minsang nagpabihag sa puso ko. No this can't be!
Inayos niya muna ang kanyang natabinging coat sa balikat ko upang maibalot sa akin ng mabuti. Ang bango, napaka bango ng coat niya. Lalaking lalaki pero hindi ganoong katapang. Pakiramdam ko ay napakatagal na ng panahon ang lumipas bago koi to muling naamoy. Nagising na lamang ako sa pagkatulala dahil sa pinag gagawa niya ngayon sa harap ko nang pitikin niya ang ilong ko katulad ng ginagawa niya noon sa tuwing napapatulala ako sa kawalan.
"Ouch! Inaano ka ba?!" Kunwaring saad ko upang itago ang kahihiyan na pagkatulala ko ka sakanya pero ang ungas ay tinawanan lamang ako.
"It's cold. C'mon, let's go home."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
My heart went oops! Haba ng hair yarn, Irene girl? HAHAHAHAHA