Chereads / Twilight Promises / Chapter 17 - 16

Chapter 17 - 16

Naranasan niyo na ba yung may hiniling ka sa Diyos na gustong gusto mong makuha pero alam mong malabo mo itong makukuha? Yung tipong kahit ikaw na ang pinakamayaman sa buong mundo o ang pinakamagandang nilalang ay wala ka pa rin na kakayahan na mapasaiyo ito? Simple lang kasi hindi naman ito itinadhana ng Diyos para sa atin, ano man ang gawin natin. Isugal man natin ang lahat ng kayamanan natin at sumali pa tayo sa Miss Universe ay hinding hindi ito magiging atin.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga naiisip ko habang pinagmamasdan ang pigura ng isang tao, na kalahati na ata ng buhay ko ay siya lang ang tanging ipinagdarasal ko tuwing gabi na mapukaw ko ang pansin nito... Hindi bilang isang kaibigan lang... Kundi isang babae na may potensyal na makasama niya habang buhay... Jacques Marcus King.

Makikita mo sa mukha niya ang kagalakan habang nakangiti itong nakikipag kwentuhan kay Suzane... Si Suzane na parte ng drama club. Si Suzane na laging nakabuntot kay Marcus dahil sa tuwing nakikita ko si Marcus ay laging nasa likod niya ito.

Nasa may labas sila ng gym at dahil kaharapan lang ng library ang gym ay kitang kita ko ang ginagawa nila ngayon kasama ang ilang miyembro ng Drama club at Student Council. Noong unang linggo ng pasukan bilang fourth year ay binoto siya ng mga estudyante bilang President ng Student Council at miyembro pa rin ito ng drama club. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malimit na lang din kami magkita at halos magkamustahan na lang kami sa group chat dahil sa pagiging busy nito, pinili kong doon na lang siya kausapin at hindi na sa personal message upang hindi na niya mahalata na patay na patay ako sakanya.

Magmula nang marinig ko ang hirap sa boses nila Inay at Itay noong umuwi ako galing dinner out pagkatapos kong lumaban sa Archery noong second year kami ay naliwanagan ako na may mas importante pa akong dapat pagtuonan ng pansin. Itinatak ko sa isip ko na ang mga magulang ay iisa lang, mabubuhay naman ako kahit na hindi ako mapansin pansin ng crush ko bilang isang babae, mas maganda nga iyon, dahil hindi pa ako nabubuko sa sikreto ko at tiyak na mas mahihirapan akong pakisamahan siya kung nalaman niya ang totoong nararamdaman ko para sakanya atlis ngayon back to normal na lang, kahit mahirap pero kakayanin.

Last year ay natanggap ako bilang librarian sa SCU at bilang assistant student ni Sir. Baltazar. Napaangat ang gilid ng labi ko nang maalala ko ang araw na matanggap ako kay Sir dahil ang buong akala ko ay hindi ako matatanggap dahil isa si Sir sa mga pinakaiiwasan ko noong freshman ako pero ayon kay Pres ay si Sir lang ang tanging naghahanap ng assistant ng panahon na 'yun kaya sakanya ako nag lakas loob na mag apply, pero mali ang akala ko, dahil agad niya akong tinanggap at hindi naman pala siya ganoon ka strikto dahil sa tuwing may pinapagawa siya ay para lamang akong nakikipag kwentuhan kay Itay at defense mechanism niya lang daw ang pagiging strikto nito, upang mag seryoso ang mga estudyante niya at hanggang ngayon ay sa tuwing kailangan niya ng katulong sa pag co-compute ng mga grades ay ako ang madalas niyang kontakin.

Tuluyan na akong napaiwas ng tingin sa dalawang pigura ng taong halos maglapit na ang mga mukha dahil sa pagbubulungan. Ginusto mo yan, Irene. Pinili mong kalimutan ang nararamdaman mo at lumayo kay Marcus, kaya wala kang karapatan na mag inarte ngayon na parang nasasaktan dahil unang una ikaw ang mismong umiiwas sa kanya. Napailing ako at tuluyan ng bumalik sa station ko. Sa ngayon ay may pamilya ako na kailangan tulungan at kailangan kong tuparin ang pangarap ko.

Habang kinakandado ang library ay may narinig akong tumikhim mula sa likod ko.

"Uuwi ka na panget?" Kusang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang may ari ng boses. He is here again.

Hinarap ko ang may ari ng boses at tumango.

"Oo eh pero may kailangan ko pang puntahan sa faculty si Sir Baltazer." Pagdadahilan ko at naglakad na, naramdaman kong sumunod ito sa akin at mabilis niya lamang akong napantayan sa paglalakad ko.

"Ganun ba. Gusto mo ba hintayin na kita?"

"Naku, huwag na, Marcus. Baka kasi magtagal ako roon."

"No, it's fine. I insist, panget." He insisted.

"Okay lang talaga."

Hinarap ko siya at sakto nang huminto siya ay siyang daan ni Trevor kaya naman mabilis ko itong tinawag upang mas lalong maniwala si Marcus na magtatagal ako upang mauna na itong umuwi at hindi na niya kailangan na hintayin pa ako.

"Oh, Dahlia ganda." Nakakunot na noong tanong niya.

"Tara na sa faculty." Nanlalaking mga matang sabi ko okay Trevor upang magets niya na kailangan niya akong sakyan.

"Huh? Uuwi—" "Diba may kukunin pa tayo na paperworks?" Pag iiba ko sa sasabihin niya habang si Marcus ay palipat lipat lang ng tingin sa amin.

Doon ko na pinalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Trevor at buti naman ay nahalata niya ang pagdadahilan ko.

"Ah... ah! Oo pre, buti pinaalala mo Dahlia ganda may kukunin pa nga tayo. Sige pre." At tumalikod na ito.

"Sige, Marcus. Una na ako, ingat ka." Alanganing saad ko dahil bakas na bakas sa mukha ni Marcus na hindi siya nagagalak sa pagdadahilan ko.

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Mag iingat ka pauwi, panget. Text mo ako kauwi mo." Isang tango lang ang isinukli ko at tumalikod na sakanya.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko para lang umiwas kay Marcus. Noon, ang sinabi ko ay gagawin ko ang lahat ay makuha lang siya. I guess, hindi lahat ay makukuha ko. Ano man ang gawin ko, may mga bagay na mahirap talagang abutin at never na mapapasa akin. That's how life works.

Dahil sa bigat na nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan ang mapaupo sa bench na malapit sa akin.

"Is it hard?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Trevor. Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya sa pagsagip niya sa pag iwas ko kay Marcus kanina.

"Alin? Yung surprise test ba kanina? Oo sobra." I chuckled.

"No, Dahlia ganda. Mahirap ba ang pag iwas sa taong mahal mo?"

What is he talking about? "Huh? Mahal ko?"

"You can't fool me, Irene." I stared at him for a minute and I easily got who is he pertaining.

I sighed and looked away. "Wala eh, kailangan."

"Alam mo Dahlia ganda sa buhay natin darating tayo sa punto na kailangan nating mag sakripisyo para sa kapakanan ng iba. Marahil importante ang ipinaglalaban natin sa ngayon pero sana huwag itong makaapekto sa mga magiging desisyon mo sa hinaharap. Una na ako, Dahlia ganda. I guess, tapos na ang role ko." He sincerely smiled.

"Thank you, Trev." I said. "No, worries. Take care."

Nang makauwi ako ay nadatnan ko si Rochelle na nakatulala sa may terrace habang nakakalat ang mga sulat sa harap niya. Nakakunot ang mga kilay ko habang papalapit sa kanya at iniisa isa ba kinuha ang mga sulat na nakakalat sa sahig at binasa. Hindi ako puwedeng magkamali dahil tama ang nababasa ko, isa itong premisory note.

"Nahihirapan ka ba na gumawa ng premisory notes.

Gusto mo ba ako na lang ang gagawa?" Untag ko at mabilis na napaharap sa akin si Rochelle gamit ang nanlulumong mga mata.

"Ate... Gusto ko na lang mag public school." Saad niya at tuluyan na itong napayuko.

"Bakit naman? Isang taon na lang ay graduating kana."

"K-Kasi ate alam kong nahihirapan na kayo sa pag aaral sa akin at mag aaral na rin si Ivy niyan ate, baka hindi na kayanin nila Itay."

"Huwag mong isipin ang gastusin, Rochelle. Tatlo kaming nag tatrabaho nila Itay, basta ang pagtuunan mo ng pansin ay ang pag aaral mo. Diba pilit na sinasabi nila Itay na wala silang ibang pwedeng ipamana sa atin kundi ang edukasyon natim? Hindi ba ang pangarap nila ay ang makita nila na makapagtapos tayo ng pag aaral?"

"P-Pero ate, lagi na lang kasi akong napapatawag dahil sa tuition fee. Sana kasi ate naging kasing talino mo na lang ako para nakakuha rin ako ng scholar." Kasabay ng paghulog ng isa pang sulat sa sahig ay ang pagpatak ng luha niya.

"Shh..." Sabay sa yakap sa kanya. "Huwag na huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba, Rochelle. We are all special in different ways, atlis ikaw crush ka naman ng crush mo." Biro ko at narinig ko ang munting halakhak niya.

"Si ate talaga puro biro."

"Huwag kang mag alala ako na lang ang pupunta sa school mo para bayarin ang tuition fee mo. Huwag ka ng malungkot. Tara na sa loob at tulungan natin si Inay na maghain ng hapunan."

Pero bago ako tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone. Mabilis ko itong tinignan dahil baka mg aka group ko ito sa mga subjects.

From: Mahal na hari

Nakauwi ka na panget?

Oo nga pala ang sabi niya kanina ay itext ko siya kapag nakauwi na ako pero mas pinili kong huwag nang patulan ang sinabi niya dahil baka hindi na ako tuluyang maka ahon pa kapag mas lumalim pa ang nararamdaman ko. Hindi ko na ito nireplyan at inilagay na ulit sa bulsa ang cellphone pero hindi pa man ako nakaka unang hakbang ay tumunog ulit ito.

From: Mahal na hari

Kain ka na ng dinner mo ah?

Napapikit ako dahil sa tinext niya at hindi ko maiwasang maisip ang mukha niya habang nag tetext ito dahil paniguradong naka kunot ang noo nito habang nakatutok sa cellphone. Bakit ba kasi kung kailan naman hindi ko kailangan ang pangungulit niya ay saka naman niya ako bubugbugin ng kakulitan niya. Nag tipa ako ng reply at pumasok na sa loob upang tulungin si Inay.

To: Mahal na hari

K.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------