"Una na ako, Irene. Ingat ka."
"Sige, Ems. Ikaw din." Nakangiting saad ko pero bago tuluyang lumabas si Emery sa pinto ay huminto ito at tinignan ako ng seryoso.
"Girl. Alam kong matatag ka pero kung may problema ka nandito lang kami nila pres, ha?" I was stunned because of what she's said.
I know that I am really good at hiding my own feelings, kaya lubos ang pagkabigla ko nang sabihan ako ni Ems kanina about sa problema ko, nakaalis na siya pero hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa lugar kung saan ko siya huling nakita.
Ganitong ganito rin ang nakikita ko sa mga mata nila Sab sa tuwing sumasama ako sakanila kapag natitiyempuhan kong hindi nila kasama si Marcus. Alam ko rin na marami na silang nakaabang na tanong sa akin kung bakit lately ay hindi na kami masyadong nagpapansinan ni Marcus, pero ang pinaka alam ko sa lahat ay kasalanan ko ang lahat ng itong nangyayari sa akin.
Ang ingay mula sa cellphone ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad kaya mabilis ko itong tinignan kung sino ang nag text, baka kasi si Inay at may iuutos sa akin pero halos mapapikit ako ng chat ni Sab ang nabuksan ko, huli na para hindi makapag reply dahil naka mentioned na ako sa anyaya niyang kumain saglit kay Mang Pido.
Nag reply ako ng 'Papunta na.' dahil sunod sunod ang reply nila na pumunta raw ako ngayon maliban kay Marcus, well kahit siguro ako ay hindi na rin mag rereply pagkatapos ng huli naming pag uusap sa school ni Rochelle. Bandang huli ay binalewala ko na lamang ang agam agam na namumuo sa isip ko. Tutal ay sanay naman na akong magkunwari, edi isagad na natin ngayon.
Halos takip silim na nang makadating ako sa tindahan ni Mang Pido, ito ang madalas na takbuhan ng mga estudyante sa SCU kapag umay na ang mga karamihang estudyante sa mga mamahalin na pagkain sa campus at isa na ako doon. Siguradong babalik balikan ko ang puwesto ni Mang Pido kapag nakagraduate na ako, hindi rin nakaligtas sa isip ko ang posibilidad na tiyak na kasama ko si Marcus kung ayos lang sana ang sa amin pero sino ang niloko ko dahil kung ako ang nasa pwesto niya ay una pa lang ay aayaw na ako.
Nang makadating ako sa bungad ng kanto kung saan kitang kita ko ang mga taong naging dahilan kung bakit naging makabuluhan ang buong apat na taon ng kolehiyo ko, ang mga boses ng mga taong naging kasama ko sa mga kalokohan pero huling taon na lang ay papalpak pa ata ako dahil sa pagiging makasarili ko dahil sa nararamdaman ko kay Marcus.
Kumpleto sila, kahit si Trevor na noong nakaraan ay madalang na nakikipag kita sa amin dahil busy sa acads na himalang katabi niya si Jhudielle pero awtomatikong napaangat ang isang kilay ko nang mapansing kong may nakaupo na sa madalas na inuupuan ko at tama nga ako dahil may isang asungot na nakasama, ang akala ko ba ay barkada lang? pero bakit may others? Charot, ngayon pa ba ako mag iinarte eh nitong mga nakaraang buwan ay halos hindi ko na sila makita dahil sa pag iwas ko at si Suzane ang lagi nilang nakakasama dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil kahit sa huling sandali ay naisipan pa nila na isama ako.
Tahimik na naglakad ako sa papasok sa may tolda ni Mang Pido ang style ng munting tindahan niya ay yung parang napapanood ko sa koreanovela na maliit na inuman sa tabi ng daan na may toldang kulay berde ang kaibahan nga lang ay kay Mang Pido ay kulay asul na madalas gamitin sa beach.
"Ayun, sa wakas sasama 'rin pala. Akala ko kailangan pa kitang sunduin." Bungad ni Siena nang makita niya akong pumasok. Mabilis ko siyang pinanlakihan ng mga mata na waring nagsasabing 'Tumahimik ka' na mabilis naman niyang nakuha at bumaling sa katabi niyang si Sab na busy sa pag aayos ng mga kutsara at baso.
Sa kanilang lahat ay si Siena ang may alam ng kung anong nangyayari sa akin at sa pagiging malayo ni Marcus sa akin pero nirerespeto nito ang naging desisyon ko dahil sa aming lahat ay kami lang ni Siena ang halos pareho ng estado ng buhay.
Hindi ko na pinansin ang mga kakaibang tinginan nila Landon at Xander sa akin nang tumapat ako sa upuan na madalas kong upuan na katabi ni Marcus, dahil ayoko ng dagdagan pa ang pag iisip nila kung ano ang nangyayari sa amin ni Marcus hanggat maari ay gusto kong isipin nila wala namang nagbago sa amin.
Nilunok ko muna ang tila bumara sa lalamunan ko nang makita ko kung paano kalapit ang dalawa sa isa't isa bago tumikhim na agad naman nag angat ng tingin sa akin si Suzane na tila nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa harap nila.
"Yes, Irene. Do you need something?" Takhang tanong niya habang hinahawak hawakan ang dulo ng buhok nitong kulay tsokolate.
"Uhm..."
Damn, bakit ba ang hirap sabihin na sa akin ang lugar na inuupuan niya. Mabilis kong binalingan si Marcus nang wala akong mahanap na sagot sa tanong ni Suzane para humingi ng tulong at upang pausugin siya sa tabi ni Sab pero ni minsan magmula nang makadating ako ay hindi niya ako binalingan ng sulyap man lang.
Kaya naman nang mapagtanto kong wala akong aasahan ng sagot mula kay Marcus ay tumikhim na ako "Uhmm... Ano—"
"Ano kasi, pwesto niya 'yan." Trevor interrupted.
Agad akong napabaling kay Trevor nang maunahan niya ako sa pagsalita pero ang magaling na Trevor ay agad na ibinaling nito ang tingin kay Jhudielle. Kailan pa sila naging close?
"Ohh... O-Okay... I'll move na lang..." Ang akala ko ay mahirap pakiusapan si Suzane pero hindi naman pala—
"Stay..." Well, Marcus is different.
"Siya na lang ang lumipat dahil nauna ka naman na naupo dito kanina. Diba, Irene?" Kasabay nang pag sambit niya sa pangalan ko ay isang pares ng mga mata na animoy nawalan ng kahit anong emosyon ang nagpa atras sa akin nang balingan niya ako ng tingin.
"Uh.. Hahaha o-oo naman tsaka hindi naman ako uupo diyan eh, itatanong ko lang kay Suzane kung naibalik na niya yung book na hiniram niya last week." Labas sa ilong na kunwaring sabi ko upang pagtakpan ang hiya na nararamdaman ko ngayon.
I was shocked.
No, kulang ang salitang gulat ang naramdaman ko nang tumapat sa akin ang pares ng mga mata niya gamit ang ganoong tingin dahil magmula nang makilala ko si Marcus kahit na gaano ako kapilya sa kanya ay kailanman ay hindi ito nagalit sa akin pero mas lamang ang pagkagulat ko dahil sa unang pagkakataon ay pinili niya ang ibang babae kesa sa akin.
Irene, what do you expect? You can't even choose him. Remember, you're just his best friend na pwedeng mapalitan anytime.
"Ano girl, effective ba ang pag iwas mo?" Mabilis na bulong sa akin ni Siena nang makaupo ako sa gitna ni Jhudielle na agad naman niya akong binigyan ng makakain at inumin. Itong babaeng 'to magmula nang naging kaibigan ko ito ay never akong nagutom sa tuwing nakakasama ko siya.
Hindi ko na lang pinansin ang ibinulong ni Siena at matamis na ngumiti kay Jhudielle.
"Thank you, girl." I sincerely said habang pinipilit na balewalain ang hagikgikan ng dalawang tao sa harap ko. Mabilis siyang nag angat ng tingin sa akin at tinitigan.
"You don't need to fake it. It's okay." She whispered at mabilis na hinawakan ang isang kamay ko na nanlalamig na pala dahil pilit na nilalabanan ang selos na nararamdaman ko dahil sa walang sawang tawanan ng dalawa habang mahinang hinahampas ni Jhudielle si Marcus sa braso nito dahil sa pinapanood nila sa cellphone. Hamapasin ko kaya siya diyan ng kaldero ni Mang Pido? Charot.
"Guys, we're here to eat not to watch some stupid videos." Sab interrupted kaya naman mabilis kaming napabaling ni Jhudiele sakanyan dahil sa biglang pagsalita nito at isang kindat ang isinukli niya sa amin nang magkatinginan kami.
"Oh! My bad. I'm sorry." Suzane apologized at inumpisahan ng kumain habang si Marcus ay matalim na tinignan si Sab kaya naman bago pa magsalita si Sab ay inunahan ko na siya at baka kasi mag away pa ang mag pinsan.
"Siya nga pala, mahal na—" Awtomatikong napaawang ang mga labi ko nang ako naman ang tignan niya ng matalim. "I mean, Marcus..." I corrected myself baka kasi ayaw na niyang magpatawag ng Mahal na Hari. I guess even our endearment is not valid anymore?
"What?!" He hissed.
Aapela pa sana si Sab ng awatin siya ni Lander kaya naman napaikot na lamang tuloy mga mata si Sab dahil sa ginawa ni Lander.
"Dude, she's just asking. You don't need to be rude." Ani Lander pero hindi ito pinansin ni Marcus.
Ngumiti muna ako ng pilit upang itago ang pagkabigla dahil sa pagsigaw niya"A-ano isasauli ko lang sana itong calculator mo. T-thank you, ah..." Mahinang usal at mabilis na tumalikod upang kuhanin sa bag ko ang calculator niya pero nang dahil sa mga sinambit niya ay mas nauna pa tuloy na lumabas ang isang butil ng luha sa mata ko kaysa sa bwisit na calculator na hiniram ko na sana ay hindi na pala.
"Sa iyo na yan at baka mamulubi ka 'pa kung bibili ka niyan. I have plenty of that."
"Ayos ka lang ba, Dahlia ganda?" Panimula ni Trevor habang naglalakad kami pauwi sa amin dahil inutusan siya ni Jhudiele na ihatid ako sa amin dahil sa nangyari kanina.
Pagkatapos kasi ng naging usapan namin Marcus about sa bwisit na calculator niya ay bigla na lamang itong umalis ng walang paalam, pero as usual nang magbabayad na sana kami kay Mang Pido ay nakapag bayad na raw si Marcus pero hindi noon nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa mga sinambit ni Marcus.
Hindi ko alam, dahil ba iyon sa hindi ko pagpansin sa kanya nitong mga nakaraang buwan? Parehas lang naman kaming busy ah.. ay mali ako lang pala dahil kahit naging busy ito ay nakukuha niya pa rin na bisitahin ako kapag may oras siya o baka naman dahil ito sa huling pag uusap namin sa school ni Rochele? Pero hindi rin eh, dahil naging maganda naman ang pag uusap namin. Maganda nga ba?
"Hello, tao po ako!" Biglang sambit ni Trevor sa tenga ko kaya naman mabilis akong napalayo sa kanya.
"Ano ba iyan! Kailangan manigaw? Ayos lang ako." Bwisit na sabi ko.
"Weh, Dahlia ganda? Patingin nga ng okay?" Tukso niya.
I stopped and I smiled widely at him. Kulang na lang ay lumabas na ang gilagid ko para lang masabi na okay lang ako.
"Oo nga hindi ka nga okay tulad ng sabi ni Jhuddy." Simpleng sabi niya. Kaya naman nagtaka ko dahil sino ang Jhuddy na sinasabi nito.
"Jhuddy?" Ulit ko gamit ang patanong na boses.
"Sus, hindi lang kayo bati ni Marcus na obob kana. Jhuddy as in Jhudiele." Paliwanag niya habang malawak na ngumiti ito nang bigkasin niya ang pangalan ni Jhudiele.
"Wow ah, obob agad? Malay ko bang bati na kayo." Mabilis na saad ko.
"You're outdated, Dahlia ganda. Iwas ka kasi ng iwas ang dami mo na tuloy na missed na chismis. For your correction, kami na." Kikiligin na sana ako sa sinabi niya pero sumemplang pa.
"Obob, for your information 'yun." Pagtatama ko.
"Sus, ganun rin 'yon ang importante hindi kami pabebe katulad niyo ni King—"
Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong tumalos upang maipit ang leeg nito sa braso ko kaya naman mabilis itong napadaing dahil sa ginawa ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapahalakhak dahil sa reaksyon niya dahil biglang nagsidilat ang mga singkit niyang mga mata dahil sa ginawa ko.
"Ano? Pabebe? Sinong pabebe ha?!" Kunwaring galit na sabi ko.
"Aray ko pota!" Agad ko rin itong binitawan dahil mukhang hirap na hirap na rin ito.
Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin yung mga panahon na ayos pa kami ni Marcus dahil ganitong ganito rin siguro ang routine naming kada uwian, kakain, mag aaral, mag bibiruan na mauuwi sa pikunan pero bandang huli ay si Marcus pa rin ang unang makikipag bati na ibang iba sa Marcus na nakasalamuha ko kanina.
"Namimiss mo na si King, ano?"
Bigla akong napahinto nang marinig ko ang apelyidong binigkas ni Trevor at nang masagi na naman sa isip ko ang hitsura ni Marcus kanina at kung paano niya ako titigan ay doon lamang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan na lumabas, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ay tuluyan na akong napaupo dahil sa samu't saring emosyon na nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag.
"Walang hiyang Marcus, napakaswerte ng gago. Ang babaeng nagpapaiyak sa mga kalalakihan sa SCU ay umiiyak dahil sa kanya."
Wala pa rin akong imik at patuloy na umiiyak habang inaalala ko ang mga bagay na ginawa sa akin ni Marcus noon at narealize kong magmula noon at magpa hanggang ngayon ay wala naman siyang ipinakita na mali sa akin, well in fact, ay puro kabutihan ang madalas niyang ipinapakita at ako lagi ang inuuna at pinipili niya.
Huli na para magsisi dahil sinira ko na ang pagsasamahan namin, huli na para bawiin ang tulong na nais niyang ibigay dahil sa pangunguna ko sa opinion at nararamdaman niya.
"M-miss ko na siya..." Mahinang sambit ko kasabay nito ang pag piyok ko.
Naramdaman kong umupo malapit sa akin si Trevor at napagtanto kong sa harap ko siya umupo dahil dahan dahan niyang iniangat ang ulo ko at bumungad sa akin ang mga mata niyang tila naawa sa akin.
"Miss ka na rin niya, Dahlia ganda. Believe it or not, Ilang beses ko siyang nahuhuli na laging nakatingin sa library habang tulala at sa tuwing binabanggit ang pangalan mo kung saan? Naku po, nakasunod lagi ang mata nun sa taong bumigkas sa pangalan mo. Nagtampo lang iyon dahil pabebe ka, ikaw ba naman na hindi mo pansinin. Best friend mo siya eh, sa aming lahat kahit na kababata na niya eh alam namin na mas pipiliin ka non'." Mahabang sambit nito habang pinupunasan niya ang mga luhang tumulo sa pisngi ko gamit ang panyo niya.
"Kaya naman pala sinagot ka ni Jhudiele may sweetness ka rin pala na tinatago. Masaya ako sa inyong dalawa." I sincerely said kaya parehas tuloy kaming napatawa pero mabilis 'rin iyon natapos nang biglang may umilaw na galing sa isang sasakyan sa harap namin na akala mo ay sadyang pinailawan dahil tutok na tutok ito sa amin. Sabay tuloy kami ni Trevor na tinignan ang sasakyan habang nakawahak pa rin ang dalawang kamay niya sa pisngi ko at nang makita ko ang plate number ng sasakyan ay mabilis kong hinampas ang kamay ni Trevor.
"Mahal na hari...." Bulong ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you!! :)