Chereads / Twilight Promises / Chapter 21 - 20

Chapter 21 - 20

Isang linggo na ang nakalipas magmula ng madatnan kami ni Marcus sa labas ng bahay namin habang nakalapat ang mga palad ni Trevor sa pisngi ko. Agad akong napatayo para sana salubungin siya pero nag dere deretso lamang siya ng lakad papasok sa bahay at hanggang sa nakaalis na siya ay hindi kami nagpansinan, maski nga ang tapunan niya ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Nalaman ko lang kay Inay ang dahilan ng pagpunta niya sa bahay ay dahil inutusan siya ni Tita Janeth na sabihan kami na may outing na magaganap pagkatapos ng graduation ni Marcus sa makalawa, na isa sa mga pinoproblema ko kung ano ba ang pwedeng ipang regalo sa mahal na hari pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na pwedeng ibigay sa kanya o kung tatanggapin niya man lang ba?

I sighed as a reply on my thoughts. Naresolba ko nga ang problema ng pamilya namin pero mukhang malabo na mababalik sa dati ang samahan namin ni Marcus. Tuluyan na akong napangalumbaba sa lamesa dito sa library dahil sa mga naiisip ko. Ano iyon? Pagkatapos lahat ng nagawa kong mali sa mahal na hari ay basta na lang niya ako iwewelcome ng ganoong kadali? Manigas ka diyan, Irene.

"Err—girl, what are you doing?" Biglang untag ni Sab sa harap ko at mabilis naman akong napaharap sa kanya. May bitbit na naman itong strawberry juice na paniguradong binili niya sa labas sa may stall. Kusang napaangat ang sulok ng labi ko nang maisip kong tiyak na mamimiss ko siyang nakikitang palakad lakad sa campus habang may dala dalang baso sa kaliwang kamay nito kapag grumaduate na kami.

"Gosh. You're creeping me out na huh, Idahlia Renee!" She snapped. Tuluyan na akong napangiti dahil sa inasta niya.

"Ang ganda mo kasi, girl. Buti napadaan ka? May hihiramin kang libro? Dalian mo pa out na niyan ako." Sunod sunod kong tanong na siyang nagpa iling sakanya.

"Nah. Landon and I just wanted to say that there will be a night out later at 9PM with barkadas before King will graduate. You'll go, diba? You should be there. Malapit nang mabaliw ang pinsan 'kong yon." Mahabang lintanya niya na siyang nagpakabog sa dibdib ko. Andun ang mahal na hari? Malamang! Baka party niya iyon pero wrong timing may part time kasi ako mamaya.

"Hindi ko sure, girl." Mababang boses na sabi ko habang inuumpisahan ng ligpitin ang mga gamit ko dahil tapos na ang shift ko.

"What?! But why?"

"May part time kasi ako mamaya kay ate Trina. Ako ang tutor ng anak niya." I said.

"But—Baka pwede naman I cancel yun, right?" She insisted.

"Hindi ko din sure, girl. May bayad 'yun eh. Sayang naman." Casual kong sagot habang kinukuha na ang bag ko para lumabas na. Isa pa dagdag rin yun sa pambiling regalo sa mahal na hari. Tiyak naman na aandar ang gabi nila ng wala ako.

"Ugh! Okay, may magagawa pa ba ako? Ako na ang bahalang mag explain sa kanila kung bakit missing in action ka na naman. You take care, girl. Chat me, kapag nakauwi kana, alright?" I nodded as an answer at bumeso muna ito sa akin bago tuluyan siyang lumabas ng library. She's really sweet.

Naka ilang katok muna ako sa pinto bago binuksan ni Ate Trina habang may tuwalya sa buhok nito. Masigla itong ngumiti ito sa akin nang makilala niya ako at ganun din ang ginawa ko bago pumasok sa loob ng bahay nila.

"Nasa may dinner si Jun. Halika, sabay sabay na tayo mag dinner bago kayo magsimula." Anyaya niya sabay hila sa akin papunta sa kusina nila.

Nakilala ko si Ate Trina dahil kay Sir. Baltazar dahil pamangkin niya pala ito at sakto ako ang inirekomenda ni Sir nang minsang naghahanap si Ate Trina para maging tutor ng anak niyang half Korean dahil ang napangasawa niya ay isang Koreano. So far, ay mabilis nang magbasa si Jun ng English kahit na five years pa lang ito at sobrang bibo ng bata kaya kahit nakakapagod ay para lamang kaming naglalaro dahil napakahyper ng bata.

"Noona!" Sabay bitaw nito sa fried chicken na hawak niya nang saktong mapatingin ito sa akin.

Agad naman akong dumuko upang magpantay kami at sabay pa kaming napahigik nang dampihan niya ako ng halik sa may kaliwang pisngi ko.

"Hello, Jun. Are you done with your activities?" He fixed his eyeglasses before he nodded.

"Yes! Yes, teacher!" Masiglang saad niya.

Mabilis lumipas ang oras at nakita kong alas nuwebe na pero ang utak kong dapat naka focus kay Jun upang turuan siya ay pilit na lumilipad sa mga taong tiyak na nag eenjoy na habang umiinom at nagsasayawan. Oo na, sige na, be specific kasi, si Marcus talaga ang iniisip ko. Happy?

Napailing ako dahil sa mga imaheng pumapasok sa isip ko dahil sa mga pictures na sinend ni Landon kanina nang huli kong tignan ang messenger ko. Quarter to nine yun at base sa mga larawan ay nasa entrance sila ng bar na hindi kalayuan sa SCU dahil minsan na rin kaming nakapunta nila Sab doon. Mas lalong hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang imahe na parang naligaw lang ata sa picture na yun, edi sino pa ba edi si Suzane na laging present sa gathering buti nga at hindi pa nila ina-add yun sa GC eh.

I sighed again. Kung hindi lang talaga para sa mahal na hari na yun ay sasama talaga ako eh, pero sayang kasi at isa pa ay kulang pa ang perang pambili ko ng regalo sakanya.

"Noona, you okay?" Untag ng bata sa tabi ko hagang minememorize ang English peom na activity nila para bukas.

"Yes, Jun. Why?"

"You look mad, noona. Am I bad?" Nakangusong tanong niya. Natawa na lang ako dahil sa ka kyutan niya. Hanggang ngayon kasi ay mamula mula pa rin ang pisngi niya dahil naglaro raw sila ng basketball sa labas kasama ng mga kalaro niya kanina.

"No, I'm not mad. I just saw something scary a while ago. You know very scary." Saad ko pero halos manlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"N-noona. I'll g-go to bathroom." Paalam niya at doon na tuluyang napatawa dahil sa ekspresyon niya. "Noona is bad!" Pahabol nito.

"Ate Trina, salamat po sa pa dinner at sa araw po na ito." Saad ko habang nasa may labas kami ng gate nila. Si Jun ayun, tuluyan nang nakatulog habang isinasaulo ang poem nito kaya pinauwi na rin ako ni Ate Trina.

"Naku, wala iyon Irene. Magaganda na ang mga grades niya mula nang tinuruan mo siya. Huwag kang mag alala, kapag nagpadala ulit si hubby ko dadagdagan ko iyan." Biro niya kaya sabay na lang kaming napatawa. Nagpaalam na ako at pagabi na siguradong nag aalala na rin si Inay. Si Itay isang buwan ng hindi umuuwi kasama ni Tito Miguel. I miss Itay.

Nang balikan ko ang GC namin ay halatang tinatamaan na ang lahat dahil sa mga pictures na pinag sesend nila, ay mali si Landon lang pala ang mahilig mag send. Memories daw pero pustahan tayo kaya niya sinesend iyon upang makita ko at maasar ako. Well, it's working.

Nang mag back read ako ay sunod sunod na naman ang send niya ng mga pictures. Mabuti na lang talaga at dalawang kanto lang ang pagitan ng bahay ni Ate Trina sa bahay namin kaya hindi ko makuhang mabagot sa paglalakad dahil sa mga pictures nila lalong lalo na yung picture ni Siena na tumba na sa may sofa habang naka nganga. Pambihira, wala talagang pinipiling lugar ang babaeng to basta pagkain.Dahil kahit nasa bar ay may nakaipit na fried chicken sa kamay niya.

Napailing na lang ako dahil sa mga litrato na pinadala nila pero hindi ko maiwasang magtaka dahil sa last na sinend nilang mga pictures ay may dalawang taong nawawala. Suzane and Marcus. Hindi ko na lamang pinansin ang mga naiisip kong pwede nilang gawin at puntahan. Marcus is not that type of man.

Mabilis kong ibinulsa ang cellphone ko at naglakad na upang makauwi na at upang makalimutan ang mga naiisip ko. Kulang pa ba ang pagod ko today? Kaya kung ano ano pa ang pumapasok sa isip ko?

Saktong alas onse na nang makadating ako sa labas ng bahay at laking tuwa ko nang maanigan ko ang isang sasakyan dahil baka sa wakas ay umuwi na si Itay! Bago sa paningin ko ang kotse baka pinalitan na nila Tito Miguel ang sasakyang minamaneho ni Itay? Tinted ang salamin pero rinig ko pa rin ang pag andar nito kaya naman nakangiti akong kumatok sa may driver seat pero laking gulat ko ng hindi si Itay ang nagbaba ng wind shield. Akala ko ba may party ito?

"A-anong ginagawa mo rito, Marcus?" Tanong ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya?

"Get inside." Utos niya.

First I was hesitant lalo na at langhap na langhap ko ang alak na nainom na niya but I know that Marcus won't do something bad. For me, he still the most kind person I have ever met and after all, he is my best friend.

Walang salitang lumabas sa bibig ko at pumasok na sa sasakyan niya. Kita ko ang mga nagkalat na lata ng beer sa sahig at upuan kaya mabilis ko muna iyon pinulot at itinapon sa may basurahan bago pumasok...

"Bakit ka umalis sa party mo?" Unang tanong ko nang makita kong nakatunganga lamang siya sa akin. I tilted my head for his answer but still para lamang siyang na estatwa kaya naman tumingin na lamang ako sa labas kung wala rin naman akong makukuhang matinong sagot sakanya.

Mga tatlong minuto na ang lumipas nang marinig ko siyang gumalaw at nang mapatingin ako sa gawi niya ay ganun na lamang ang gulat ko nang makita kong padampi na ang palad niya sa pisngi ko at dahil sa gulat ay mabilis akong napaatras. He chuckled in disbelief.

"So... Kapag si Gonzaga ang hahawak sa pisngi mo ay pwede? At kapag ako ay dinaig ko pa ang may malalang sakit kung makaiwas ka? How funny, Irene." Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya dahil hindi ko naman alam na hahawakin niya ang pisngi ko.

"May d-dumi ba ako mukha?" Tanong ko at hindi na lang pinansin ang kumento niya.

"So... Umiiwas ka sa tanong ko? Tell me, ano bang relasyon niyo ng Gonzaga na iyon? The last time I check ay nililigawan niya si Jhudielle." Awtomatiko akong napatingin sa gawi niya dahil sa mga sinambit niya.

"What? Saan mo naman nakuha ang ideya na iyan? Wala kaming relasyon ni Trevor and lastly, huli ka na sa balita mahal na hari dahil sila na ni Jhudielle. Kaka Suzane mo 'yan." Kumento ko at hininahan ko ang pagbigkas sa part na may Suzane.

"What did you say?"

"Walang ulitan sa bingi. Bakit ka nga pala nandito? The last time I checked magka away tayo. Remember?" I crossed my arms nang maalala ko na naman ang nangyari nung huling kain namin sa may puwesto ni Mang Pido.

Nang silipin ko ang gawi niya ay nakita kong nakatulala lamang ito sa may steering wheel nito. "Hoy, mahal na hari. Na maligno ka na ba diyan? Papasok na ako."

But seriously, ngayon na lang kami nagka usap ng matino dahil sa mga nangyari sa amin nitong mga nakaraan na buwan ay mali taon pala at oo, na miss ko siya. Miss na miss. If I could just hug him tight but I know better na hindi na kami katulad noon. Nang wala pa rin akong makuhang sagot mula sakanya ay nagsalita na ako ulit upang magpaalam.

"Alam mo Jacques Marcus Quiambao King mauna na ako sayo sa loob dahil pagod na ak—"

"I like you, panget ko. I miss you badly, Can I court you?"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------