Chereads / Twilight Promises / Chapter 27 - 26

Chapter 27 - 26

Pagkauwi sa bahay ay ang tahimik. Walang kasiyahan ang paligid. Tinext ko na rin si Sienna na susunduin ko na sila Rochelle kaya marahil ay papunta na rin sila sa dito. Naglinis muna ako ng bahay, nang mahagip ko ang paper bag na dala ko kanina ay kinuha ko ito upang tignan at nang makita ko ay tuluyan na akong napaupo dahil sa pagod.

Hindi ko na alam kung anong klaseng pagod ang nararamdaman ko ngayon sa maghapon bang nangyari ngayon o sa buong pangyayari mismo. Bago kasi ako dumeretso dito ay dumaan muna ako sa dept. store upang bumili ng damit ni Itay na siyang bilin ni Inay kanina. Pinili ko ang pinakamahal para kay Itay.

"Hindi ganitong damit ang gusto kong ibili sayo Itay. Hindi bagay sa iyo ang barong na iyon." Tulala kong sabi na animoy may sasagot sa akin.

"Makati sa balat ito, Itay. Diba ayaw niyo ng mainit na damit? Sobrang init ng damit na 'to." Pagtutuloy ko gamit ang mahina kong boses.

Kinagatan ko ulit ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag iyak baka kasi biglang dumating sila Rochelle at paniguradong iiyak na naman ang mga iyon kapag nakita nila ako. Ang dami dami ko pang pangarap sa pamilya namin, kay Itay. Hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng sakripisyo niya sa akin at sa pamilya namin, hindi pa ako handa Itay. Kailanman ay hindi ako magiging handa sa pag alis mo. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng bahay, parang kailan lang ay palakad lakad si Itay sa salas namin habang si Inay ay gumagawa ng meryenda.

Parang kailan lang ay nagdidilig pa siya ng mga halaman ni Inay sa labas dahil nakalimutan nito ang pinabibiling pasalubong nito sa kanya. Kailan lang din nung pinagalitan ako ni Itay nang makita niyang wala ng laman ang wallet ko, dahil sa kababayad ng mga requirements sa school, napangiti ako ng wala sa sarili habang sinasariwa ang mga alala ni Itay. Huling sermon mo na pala sa akin yon, sana ay sinundan ko pa at sinundan ko pa ng maraming marami.

Mabilis akong napatayo nang marinig ko ang tunog ng gate namin, andito na sila. Nang nakapag ayos na kami lahat ay lumabas na kami ng bahay. Parang gusto kong patigilan ang oras at tumakbo palayo pero kailangan ako ng pamilya ko. Bata pa ang mga kapatid ko at sobrang hina ni Inay ngayon, sa aming lahat tiyak kong siya ang pinakanasasaktan ngayon.

Nang makita ko na ang hospital ay napayakap na lamang ako sa bunsong kapatid namin na si Ivy dahil sa halo halong emosyon, takot, pangamba at pangungulila. Napalingon siya sa akin habang may pagtataka sa mukha marahil nagtataka sa higpit ng yakap ko sakanya. Habang nakatingin ako sa maamo niyang mukha ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Limang taon pa lang siya, sobrang bata niya pa para maulila sa ama.

Pinauna ko na sila Sienna at ang mga bata para magbayad sa tricycle na sinakyan namin, nang mapatingin ako sa may daan ay sakto namang nagkatinginan kami ni Marcus habang may kausap ito sa cellphone niya. Naka white suit shirt lang ito na nakatupi hanggang siko. Halata sa mata ni Marcus ang pagod at puyat, nang akmang lalapitan ko na sana siya upang kamustahin, dahil ang huling balita ni Sab ay kritikal pa rin daw si Tito, pero lalapit pa lang sana ako ay iniiwas na niya ng tingin niya at nagmamadaling pumasok sa hospital.

Maybe he's tired... but I am tired too.

Nang makadating ako sa kwarto ni Itay ay nandoon na ang mga doctor at nurse. Ilang minuto rin akong nag stay sa labas, dahil ayaw kong pumasok dahil sa oras na lalabas ako mamaya ay hinding hindi na ako makakapasok pang muli. Pipihitin ko na sana ang door knob para makapasok ay siya naman ang labas ni Inay na agad akong hinila paupo sa mga upuan sa labas. Nang mapatingin ako sa namumugtong mga mata ni Inay ay awtomatiko akong napaiwas ng tingin.

"Hindi ko kaya, anak..." Garalgal na boses na sabi ni Inay nang makaupo kami habang panay ang iling nito ng ilang beses.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Inay upang kahit papaano ay maramdaman niyang hindi siya nag iisa sa laban na ito. Nagtataka man ay pinilit ko pa rin tanungin si Inay kung ano ang hindi niya kaya.

"A-Ano ba iyon, Inay? Ako na ho ang gagawa." Buong tapang kong sabi or should I say tapang tapangan kong sabi.

"S-Sigurado ka, anak? Pasensya kana, anak. Hindi ko talaga makakaya na putulin ang sumusuporta sa buhay ng tatay mo..." Dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong nanghina.

Kapag binunot namin ang sumusuporta sa buhay ni Itay ay habang buhay na namin siyang hindi makikita? Hindi pwede! Baka may pag asa pa. B-Baka ang kailangan lang namin ay maghintay pa ng kaunting panahon upang magising si Itay.

"Ayoko, Inay!" Buong lakas kong sabi sabay tayo. Wala na akong pakialam kung napatingin na sa akin ang mga nurse at doctor na nasa labas. Hinding hindi ko susukuan si Itay, tulad ng hindi niya pagsuko niya sa pamilya namin.

"Mabubuhay pa si, Itay! Inay! Bakit ho kayo ganyan?! Bakit hinahayaan niyong umalis si Itay!? Babalika pa siya—"!

Isang sampal ang nagpakalma sa akin dahil sa pagsisigaw ko at pagkawala ko sa sarili saglit. Nang mapatingin ako ulit kay Inay ay umiiyak na ito, habang ako ay hinihingal na sa pagpipigil ko ng luha. Unti unti ko nang nakukuha lahat, gusto ni Itay na ako ang bumunot sa makinang sumusuporta sa buhay ni Itay.

"Hindi na kailan man babalik ang Itay mo!" Sigaw ni Inay sa akin habang patuloy ang pagluha niya.

"Patay na siya bago pa siya nadala sa hospital pero ginawa nila ang lahat upang makasama pa natin siya ng ilang a-araw. Anak, pagod na pagod na ang Itay mo..."

Dahil sa nagbabadyang luha ay mabilis kong kinagatan ang ibabang labi ko na sa sobrang diin ay nalalasahan ko na ang sarili kong dugo, pero walang wala ito sa sakit na nararamdaman ko at ng pamilya namin.

"Patawarin mo ako anak, dahil sa mga sinabi ko. Pasensya ka na anak kung mahina ang Inay mo." Mahinang sabi ni Inay at niyakap ako ng mahigpit.

"A-Ako na lang, Anak. Sa ating lahat ay ako naman talaga dapat gumawa non—"

"Ako na po." Pinal kong sabi habang hinahagod hagod ang likod niya.

Alam kong sa aming apat, si Inay ang mas pinakanasasaktan dahil sa mga nangyayari sa amin. Baka kapag siya pa ang gumawa noon kay, Itay ay may mangyaring masama kay Inay. Inay maybe look tough outside pero siya ang pinaka may mahinang loob na nakilala ko buong buhay ko. Hinding hindi ko na kakayanin pa at baka mabaliw na ako kung sakaling may masama pang mangyari kay, Inay. Mas lalong magiging kawawa ang mga kapatid ko.

Pinunasan ko ang mga luhang sa pisngi ni Inay bago pumasok. Pagpasok ko ay nakita kong umiiyak na si Rochele habang yakap yakap niya si Itay, marahil nasabi na ni Inay sakanya. Si Ivy naman ay nakatulala at walang alam sa nangyayari na siyang lalong nagpadurog sa puso ko.

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

"Rochele..." Tawag ko sakanya.

"Ate... Ayoko! Hindi ako papaya! Hindi aalis si, Itay!" Sobrang lakas ng boses niya na tiyak kong umaabot sa labas. Nang hindi siya lumapit ay ako na ang kusang lumapit sa kanya.

"Makinig ka, Rochele. Hindi naman aalis si, Itay. Mananatili siyang kasama natin..." Umpisa ko. Na pati sarili ko ay kinumbinsing maniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Dito..." Sabay turo ko sa dibdiba niya na malapit sa may puso na siyang lalong nagpagahulgol sakanya. Agad ko siyang niyakap upang hindi ko na makita ang sakit na nanalayatay sa mukha niya.

"Kailan ba hindi tumupad si Itay ng pangako niya?" Tanong ko at umiling ito bilang sagot.

"Oh diba, hindi pa siya bumali ng pangako. Kaya iyong pangako niyang makakasama natin siya ng matagal ay tutuparin niya...."

"....Tutuparin niya habang buhay."Pagtatapos ko gamit ang gumagaralgal na boses.

Lumabas na sila Rochele at alam kong ako na lang ang hinihintay ng mga tao sa labas. Blanko ang ekspresyon ko habang tinignan si Itay, wala akong naririnig na iba kundi ang tunog na nanggagaling sa makinang sumusuporta sa buhay ng Itay ko. Napa buntong hininga na lang ako.

Hindi ko mapigilan ang magalit dahil sa nangyayari sa amin. Bakit sa dinami dami ay pamilya ko pa ang pwedeng makaranas ng ganitong paghihirap, pero sa tuwing napapatingin ako sa payapang mukha ni Itay ay naalala ko ang lagi niyang sinasabi sa amin sa tuwing may dumaraan na problema sa pamilya nmin, na lahat daw ng nangyayari sa amin, mapamasama man daw o mabuti ang nangyayari, lahat dahil daw may rason. Pagak akong napatawa bago ko inayos ang buhok na nagulo dahil sa kakaiyak siguro ni Inay sakanya.

"Itay... kahit hindi ko na makuha ang rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ay ayos lang, basta bumalik ka lang sa amin." Napabuntong hininga ako nang wala kong makuhang sagot saka nagpatuloy, parang kami walang ibang choice kundi ang magpatuloy.

"H-Huwag kang mag alala sa mga kapatid ko at kay Inay. Ako na ang bahala sa kanila, hinding hindi ko sila papabayaan... T-Tulad ng hindi mo pagpapabaya sa a-amin..."

"You have fought the good fight long enough, Itay. Mahal.... na mahal ka namin...." Kasabay ng paghalik ko sa noo ni Itay ay siyang pag deretso ng linya ng makina ni Itay.

Pagbitaw ko sa button ng machine ay unahan ng nagsipasukan ang mga nurses at doc kasama sila Inay.

Wala sa sariling lumabas ako sa kwarto ni Itay. Hindi ko na pinansin ang tawag nila Sab at Siena, nakita kong nandoon din sila Landon pero wala siya. Parang akong nasu-suffocate kaya halos takbuhin ko na ang hallway para lamang makalabas sa hospital, pinili kong huwang nang lumingon kay Itay dahil baka hindi ko mapigilang magmakaawa na ipakabit sa mga doctor ang makinang bumubuhay sa kanya.

Pagkalabas ko ay mabilis kong iginala ang mga mata ko upang hanapin ang pigura ng isang taong alam kong makakapitan ko ngayon, alam kong may mabigat rin siyang pinagdadaanan pero hindi naman siguro masamang humingi ng ilang minuto sakanya at kung tutuosin ay mas magkakaintindihan kami dahil parehas kami ng pinagdadaanan. Saglit lang na panahon ang hihingin ko.

Halos maikot ko na ang buong hospital pero maski anino ni Marcus ay hindi ko makita hanggang sa mapadpad ako sa may smoking area na malapit sa may parking area bandang likod ng hospital. Wala sa sariling napadako ako ng tingin sa babaeng animoy parang nahihirapan base na rin sa boses niya, noong una ay akala ko ano nang masamang nangyayari sa babae pero nang makita ko ang pwesto ng babae na halos idikit na niya ang katawan niya sa lalaking nasa harap niya at nang mapatingin ako sa lalaking kahalikan niya ay halos ako naman ang malagutan ng hininga dahil sa mga nakikita ko.

"No one can compares to the feelings that I have for you. Parang dagat lang yan, panget. malawak. Matatanaw mo na may hangganan pero hindi mo masusukat kung hanggang saan."

"Ano man ang mangyari, panget. Mananatili ako sa tabi mo kahit magsawa ka na sa akin, andito pa rin ako. Para akong anino mo, hindi mawawalay sayo..."

Kasabay ng pagbaha ng mga alalang bumabalik sa akin ng mga pangako niya bago mangyari ang lahat ng ito, ay siya naman ang pagtarak ng mga libo libong punyal sa dibdib ko. Na sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na alam kung paano ko pa naihakbang ang mga paa ko palayo sa kanila bago pa niya ako makita, palayo sa lalaking nangako sa akin na hindi ako iiwan ano man ang mangyari, pero siya rin pala ang unang tumalikod sa akin ng iwanan na ako ng mundo.

Ang sabi niya, mananatili siya sa akin then why are you with her now?

Ito ba ang dahilan kung bakit wala siya nitong mga nakaraang araw?

Si Suzanne ba ang dahilan kung bakit maayos siya, kahit ganito na ang nangyayari sa paligid niya dahil may kaibigan siyang malalapitan?

Siya ba ang dahilan kung bakit hindi man lang niya ako matanong kung okay lang ba o humihinga pa ba ako kahit na ako na mismo ang lumalapit sa kanya?

Nakakabobo ang mga pangako mo, Marcus.

Nang tantya kong malayo na ako sakanila ay doon lamang ako huminto kakatakbo, hapong hapo ang pakiramdam ko habang hawak hawak ko ang dibdib ko. Hindi ko na namalayan na sa may bandang playground ng hospital ako napadpad, nang maisip ko na naman ang hospital ay si Itay ang awtomatikong naiisip ko. Biglang kumirot ang dibdib ko na sa bawat daing ko ay mas lalo lamang itong sumasakit.

"Ah... A-Aray...." Napaupo na ako sa bench na malapit sa akin ng hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng dibdib ko. Kasabay nang pagbagsak ng napakalakas na ulan ay siya ring pagsuko ng mga luha kong matagal ng gustong lumabas.

Bakit ba napakalupit ng mundo? Gusto ko lang naman maging masaya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you! Itay :(