Dalawang araw na ang nakakalipas magmula nang ilibing namin ang mga labi ni Itay. Katabi ni Itay si Lola na bata pa lang ako ay iniwan na kami. I know Itay is happy right now wherever he is, habang kami ay hindi alam kung paano namin maitataguyod ang bawat araw na hindi namin siya kasama.
Ito yung masakit kapag ang isa sa mahal mo sa buhay ay biglaan ang pagkawala, hindi ka handa, hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na makapag handa kung sakaling aalis siya. Masakit, ang hirap gumising sa umaga na hindi mo na masisilayan ang mukha nila, ang ngiti nila sa bawat espesyal na okasyon. Katulad na lamang ngayon na isa sa mga matagal ko nang hinihintay ay dumating na ngunit wala na sa tabi ko ang naging isa sa mga inspirasyon ko kung bakit nakamit ko ang tagumpay na ito.
Mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak magmula kanina dahil kakaisip kay Itay. Suot suot ko ang dress na binili ko para sa graduation ko na siyang utos ni Itay noon. Matagal kong hinintay ang oras na ito dahil sa wakas ay makakatulong na ako sa pamilya ko, pero bakit hindi ko magawang maging masaya at puro panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon at sumusunod ang galit. Pinunasan ko ang mga natuyong pisngi ko nang narinig ko ang mga ilang katok mula sa pinto.
"Anak... Halika na. Mahuhuli na tayo." Nakangiting sabi ni Inay sa akin habang nakasilip naman sa may pinto ang bunso kong kapatid na si Ivy.
"Wow! Ate ang ganda ng dress. Pahiram ako, ah!" Singit ni Rochele sa tabi ni Inay.
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa mga taong nasa harap ko. Sila ang nagpapaalala na dapat hindi dapat ako magpatalo sa lungkot. Tumango ako bilang sagot.
"Irene!"Ang sigaw ni Emery ang nangibabaw nang makapasok ako sa auditorium kung saan din ginanap ang graduation ni M-Marcus. Ngumiti ako nang makita ko siyang dali daling tumakbo papalapit sa akin kasunod si Pres. Parang ang tagal naming hindi nagkita ah samantalang halos sa bahay na nga sila tumira noon dahil sa isa sila sa mga tumulong sa akin kakaisakaso sa libing ni Itay.
"Okay kana bakla?" Nag aalalang tanong ni Ems nang makalapit na sila sa akin. Sila Ina ay umupo na para sa mga guests. Tumango sa kanya at ngumiti na upang hindi na sila mag alala pa at isa pa ay ayokong I spoil ang moment ang graduation namin dahil lang sa akin.
"Huwag ka ngang plastic. Tayo tayo lang naman ang nandito." Naiiritang saad ni pres. Kahit kailan talaga ay pasmado ang bibig nito pero natawa na lang kami ni Ems dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin yung pres namin na prangka since freshmen kami. Ngumiti lamang ako sakanila at napagdesisyunang makinig na sa program ilang sandali lang ay awarding na.
"...Bachelor of secondary education major in English... Let us welcome our Summa Cum Laude, Idalia Renee Torres Bernardo."
Palakpakan ng mga tao ang naririnig ko habang papunta ako sa entablado upang tanggapin ang parangal na natanggap ko. Nang mapalingon ako sa gawi nila Inay ay nakatayo ito habang pinapalakpakan ako. Kakaibang saya ang masisilayan sa mukha niya at masaya ako roon dahil kahit papaano ay napasaya siya ng parangal na natanggap ko. Nagpasalamat ako sa dean namin nang isuot niya ang medal sa akin at dumeretso na sa may stage right upang ibigay ang graduating speech ko.
Pagtuntong ko sa tapat ng mikropono ay inilibot ko muna ang paningin ko bago ngumiti, alam ko sa sarili ko na pagkatapos nang naging sagutan namin sa hospital ay umaasa pa rin akong dadalo siya sa graduation ko pero masyado atang mapait sa akin ang tadhana at hindi napagbigyan ang nais ko. Halos karamihan sa mga estudyanteng nandito ay masaya kasama ang kani kanilang mga pamilya. Masaya rin naman ako dahil sa wakas ay nakapagtapos na ako ng kolehiyo, pero aaminin kong may konting kalungkutan pa rin ang akong nararamdaman dahil hindi biro ang mga nangyari noong mga nakaraan.
Nakaabot sila Sab and Siena bago mag umpisa ang program. Nagkaroon pa kami ng pagkakataon kanina na makapag usap. Sila Landon at Xander ay umalis na raw ng bansa. Nang banggitin ni Sab na pati si Marcus ay umalis na rin at lumipad na ng US kaninang madaling araw upang mas matutukan ng mga doctor ang daddy niya ay hindi na ako nabigla pagkatapos nang pag uusap namin noong nakaraan. Good thing for him.
"Good morning family, friends, faculty and fellow graduates...."Panimula ko at sinimulan ko nang ikwento ang naging journey ko bilang isang kolehiya at nagkaroon ng ilang mga biruan at tawanan. Nang inisa isa ko nang pasalamatan ang mga naging dahilan kung bakit nasa harapan ako ng entablado ngayon, ay hindi maiwasang manikip ng dibdib ko dahil sa katotohanang wala na ngayon ang isa sa naging dahilan kung bakit nandito ako. Ang naging inspirasyon ko kung bakit nakatayo ako ngayon dito, ang naging lakas ko kung bakit nakayanan ko ang mga hirap.
"...and lastly... to my Itay who's in the better place now. Alam kong nakangiti ka ngayon Itay at ipinagmamalaki mo ako sa mga ninuno natin dahil ang anak mo ay naging summa cum laude. This is all for you, Itay....
Congratulations to all of us. Thank you."
Nakailang pictures muna kami kasama sila Inay at Sab bago namin napagdesisyunang umuwi para sa salo salo na inihanda nila Siena, pero nagpaalam muna ako na may pupuntahan muna ako saglit. Agad naman nakuha ni Inay kung saan ako pupunta kaya mabilis itong pumayag.
Nang makadating ako sa puntod ni Itay ay nakita ko agad ang puting bulaklak na parang kakalagay pa lang at may upos pa ng kandila. May bumisita kay Itay? Ang pagkakaalam ko ay nasa malayong lugar pa ang mga kamag anak ni Itay at kung si Inay man ang bumista sa kanya ay tiyak na sasama kami. Nagpasalamat na lamang ako sa taong bumisita kay Itay dahil kahit papaano ay may nakaalala sakanya.
Papalubog na ang araw kaya hindi na masyadong mainit sa pwesto ko kaya hindi ako masyadong naiinitan, inilatag ko na rin ang maliit na kumot na dala ko at inumpisahan ko nang tirikan ng kandila ang lapida ni Itay.
"Itay... Kamusta na kayo ni Lola diyan?" Tanong ko na akala mo ay may sasagot sa tanong ko mula sa kawalan.
"Tay... Nabigla siguro kayo no? Na ang anak mo ay cum laude. Itay, proud ba kayo sa akin? Sayang kasi hindi ko nakita ang saya sa mukha mo nung inanunsyong ako ang nakakuha ng pinaka mataas na parangal kanina, surprise ko dapat sayo yun eh. P-Pasalamat ko sayo, sa lahat ng ginawa mo sa pamilya n-natin..."Panimula ko pero ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng damdamin ko sa dibdib ko.
Heto na naman yung sakit na pilit kong nilalabanan noong mga nakaraang araw hanggang sa inilibing si Itay. Hindi dahil ayaw kong maging mahina sa harap ng maraming tao, kung hindi kinailangan kong maging matatag para may masandalan ang pamilya ko lalong lalo na si Inay pero ngayon ay hindi ko na kayang maging malakas. Inuubos na ako ng mga sunod sunod na mga nangyari at ni... Marcus.
"Itay... Minsan hindi ko maiwasang sisihin ang masyadong pagiging mabait ninyo, edi sana ay nandito pa rin kayo at kasama namin. Pero alam ko kung mangyayari ulit ang trahedyang iyon ay alam kong mas pipiliin mo pa rin na iligtas si Tito Miguel. Itay alam mo bang pumirma si Inay na maging donor ka ni Tito?" Pagkukwento ko.
Aaminin kong medyo sumama ang loob ko noon kay Inay dahil hindi niya ito ikinwento sa akin, hanggang ngayon ay wala pa ring nababanggit si Inay pero mas pinili kong huwag na lang itanong dahil nirerespeto ko ang desisyon niya. Pinunasan ko ang nalaglag na luha mula sa mga mata ko. Ito yung pagkakataon na hindi ko kailangan pigilan ang emosyon na nararamdaman ko. Ito yung na totoo ako sa nararamdaman ko.
"Alam mo ba Itay... Si M-Marcus umamin na mahal ako noong nasa beach tayo. Ibang s-s-saya ang naramdman ko noon Itay, dahil sa wakas ang lalaking matagal ko ng m-mahal ay umamin sa akin pero Itay... May ganoon bang pagmamahal na pagkatapos nang lahat nang pinagdaanan niyo ay ganoon na lamang niya itinapon ang lahat ng mga p-pangako niya?" Kasabay ng pagduko ko ay siyang paglagaslas ng mga luha kong ilang araw kong pinigilan.
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maintindihan ang mga sinabi ni Marcus noong huli kaming mag usap. Bakit kailangan niyang mangako kung hindi naman niya kayang tuparin? Bakit kailangan niya akong paasahin sa mga salita niya?
Bakit kailangan ko pang makita ang halikan nila Suzanne noon? Gusto ko lang naman na damayan niya ako. Pero bakit imbis na pagmamahal ang natanggap ko ay puro sakit lamang ang natanggap ko? Love should be magical then what is this pain that I am feeling right now?
Marami pa sana ako gustong itanong at malaman kay Marcus, na baka may dahilan ang lahat ng sinabi niya pero sa tuwing naaalala ko kung paano ako tignan ni Marcus noon gamit ang mga mata niyang walang emosyon ay naduduwag ako. Hanggang ngayon ang hirap tanggapin na hanggan doon na lang talaga kami ni Marcus, na baka dumating lang siya sa buhay ko upang patatagin ako, upang imulat ako sa reyalidad na hindi totoo ang fairy tales at ang mga napapanood namin ni Inay sa mga koreanovela.
He is my greatest lesson in life... The lesson that I badly want to forget.
Totoo pala ang sinasabi nila na hindi agad giginhawa ang buhay mo pagkatapos mong makapagtapos ng kolehiyo, dahil hindi ganoon kabilis humanap ng trabaho. Kakapasa ko palang kasi sa LET at naghihintay ng tawag mula sa isang public high school dito sa Pangasinan. Dito namin napili ni Inay manirahan magmula noong ibenta namin ang bahay sa Pampanga, upang may ipambili ng mga gamot, madalas kasi magkasakit noon si Ivy at upang may maipambayad sa matrikula ni Rochele. Ang iba naman ay ginamit sa pampapalibing sa mga labi ni Itay.
Actually, itong nabiling lupa ni Inay ay may kaliitan lang at sakto lang sa amin pero okay na rin iyon, dahil kahit papaano ay naitataguyod namin nila Inay ang pang araw araw. Mahirap lang, kasi puro labas si Inay at walang pumapasok na pera, dahil ang sinusweldo ko sa pa extra extrang tutor noong nakaranang taon na hanggang ngayon ay ipinambibili namin ng grocery sa bahay.
Inilalalaan kasi ni Inay ang natirang pera sa mga unexpected expenses katulad noong nakaraang buwan dahil sinugod namin si Ivy sa hospital dahil nagka dengue at hika. Nag offer ng tulog sila Xander at Landon noon pero hindi ko na tinanggap hindi dahil sa nagmamalaki ako kung hindi dahil nakakahiya na.
Tama na sa akin na alam kong nandiyan sila bilang kaibigan ko. Nag ambagan na kasi sila noong nakaraang taon noong unang inatake ng hika si Ivy at ilang araw din kaming nanatili sa hospital. Kaya doon napagdesisyunan nang ibenta ni Inay ang bahay, nakakapagtaka noon dahil wala pang isang araw na na i-post namin na for sale ang bahay ay may bumili na. May bali balita pa nga noon na baka raw ang pamilyang King ang bumili dahil raw sa kahihiyan sa pamilya namin dahil sa nangyari kay Itay pero hindi ko na pinag aksayahan pa ng pahayon yun noon dahil binili man o hindi nila ang lupa ang importante ay wala nang muling napahamak sa pamilya ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks! :) Congrats, Irene!! :)