Chereads / Twilight Promises / Chapter 30 - 29

Chapter 30 - 29

"Girl! How are you?!"

Napangiti ako dahil ang taas ng energy ni Sab ngayon. Nandito ako sa kwarto ko at kakatapos ko lang maligo galing sa pag tu-tutor sa kabilang barangay. Inayos ko muna ang buhok ko bago sumagot.

"Heto, maganda pa rin." Pambibiro ko na agad naman niya akong pinaikutan ng mata. Actually, dapat kasama si Siena sa video call pero busy yata ang babae dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-accept ang tawag.

"Girl. Alalahanin mong wala na tayo sa SCU." Sita niya na siyang lalong nagpatawa sa akin.

Sa SCU kasi noon ay kabi kabila ang mga lalaking gusto magpakilala sa akin, pero agad rin naman silang umaalis kapag sinisita na ni Marcus ang mga estudyanteng lalake na gustong magpakilala sa akin. Agad na sumama ang timpla ko nang maalala ko na naman si Marcus at ang mga alaala niyang hindi maalis alis sa isip ko. Kusang kumunot ang mga noo ko nang maalala ko na naman ang mukha niyang gwa—pangit!

"Hey, girl. Are you okay? Oh! Sienna is here na."

"Oh, anyare diyan? Badtrip?"

"She's spacing again. Girl!!" Ang sigaw ni Sabrina ang nagpabalik sa akin sa reyalidad nang maalala ko na naman si Marcus.

"Si Marcus na naman 'yan. Aba, mag moved on kana roon. May Suzanne na 'yon!" Deretsong sabi ni Sienna habang nagbibilang ng pera. Nakaduko ito habang nakaharap sa kanya ang cellphone kaya hindi nito nakita ang pag ikot ko ng mga mata sa kanya.

"Hey, Siena girl! That's only a rumor. Marcus is still single! Don't believe her, she's lying!" Agad na sabi ni Sab at tila gusto pang pumasok ni Sab sa cellphone upang maniwala ako, habang si Siena ay nag make face lang habang inis na inis na iyong isa.

"Oo na, oo na. Kamusta kayo?" Tanong ko upang magtigil na sila.

"Adulting is hard! I just want to be a student forever." Hirap na hirap na sabi ni Sab sa amin habang nakayakap sa stuff toy niya kaya naman napahalakhak na lang kami ni Siena, dahil sa aming tatlo ay si Sab lang ang tumatamasa ng maginhawang buhay habang kami ni Siena ay sanay na sanay na sa hirap ng buhay. Experience in life is the greates teacher ika nga nila.

"Sus. Thesis mo nga muntik mo nang maibagsak last year kung hindi ka lang tinulungan ni Landon." Pang rerealtalk ni Siena kay Sab na siyang nag pairap sa mga mata niya.

"Yeah... In exchange of a girl, tsk. Anyway, how's your job hunting, Irene girl?" Pag iiba ng topic ni Sab gamit ang walang buhay na boses. Sabay pa kami nang pag taas ng kilay ni Siena nang mapansin niya 'rin ang pagbabago sa boses ni Sab nang maisingit namin si Landon. There's definitely going on between them but it's not my story to tell.

"Uhm... Ano, hindi ko pa alam ang result eh. Hindi pa kasi tumatawag ang coordinator ng school." Saad ko.

"Baka naman kasi over qualified ka at natatakot ang principal na malamangan mo siya kaya hindi ka pa tinatawag." Biro ni Siena na alam kong pinapalakas lang ang loob ko.

Aminin ko man o hindi ay alam kong hindi na ako tanggap. Isang buwan na ang nakakalipas magmula nang mag apply ako ay wala pa rin akong tawag na natatanggap.

"Y-Yeah! Sienna is right. There are many schools pa kaya diyan and you can still send them your resume and I know na you'll get hired because of your skills." Pagpapagaan sa loob sa akin ni Sab. I am very thankful dahil nandiyan sila sa tabi ko during my hardships at never nila akong pinabayaan kaya naman ngumiti muna ako bago sumagot.

"Oo naman ako pa. Sa ganda kong ito." Pang aalaska ko upang ipakita sa kanila na hindi ako apektado dahil hindi pa ako nakakareceive ng tawag mula sa public school na inapplyan ko.

"Eww. Bye na nga." Saad ni Sab habang kunwari may pag duwal pang nalalaman bago pinatay ang tawag habang si Siena naman ay agad na pinatay ang call pagkarinig niya sa sinabi ko, that girl!

Pagkadating ng lunes ay maaga akong nagising upang maglibot sa bayan at puntahan ang ilang mga public high schools na nakaligtaan kong applyan noong unang araw akong sumubok mag apply. Ngayong araw kasi ay wala akong tutor kaya naman napagdesisyunan kong maghapon akong mag aapply. Hindi na kasi biro ang mga gastusin ngayon, susme ang mahal na pala ng detergent powder!

Saktong paglabas ko sa kwarto ay siya namang pasok nila Sab at Siena sa bahay, nag uunahan pa ang dalawa kung sini ang papasok na bandang huli ay naunahan ni Siena si Sab. Napailing na lamang ako dahil sa kanilang dalawa. Agad akong nakita ni Sab kaya naman patakbo itong pumunta sa akin.

"Irene, girl! I miss you!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit, parang kailan lang noong huli kaming mag usap tatlo sa video call.

"Girl. Mag kaka usap palang talaga tayo two days ago." Paalala ni Siena kay Sab.

"But today hits different!" Nakalabing sabi niya kay Siena at niyakap akong muli ni Sab. Sab is really the sweetest.

"I really miss you, Irene girl." Bulong sa akin ni Sab habang hinahagod ang likod ko.

"I miss you too, Sabrina girl." Nakangiti kong sabi sakanya at inayos ang nagulo niyang buhok.

She's still fab at halos walang nagbago sakanya pagkatapos ng isang taon. Inilipat ko ang tingin ko kay Siena pero ang gaga ay tinaasan niya lamang ako ng kilay. Nagpagupit na pala siya at nagpakulay na ng buhok kaya mas lalo tuloy siyang nagmukhang masungit.

"Oo na I miss you na rin." Saad niya at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm proud of you. You've been brave." Bulong niya na siyang nag pagan ng loob ko.

"Oh nariyan pala kayong dalawa. Halina't mag almusal." Saad ni Inay sa amin marahil ay narinig niya ang ingay namin mula sa kusina.

"Good morning, Tita!" Halos sabay pang sabi ng dalawa at iniwan na ako. Tch, miss raw ako pero nang makarinig lang ng pagkain ay nakalimutan na agad ako kagaya ng paglimot niya sa akin!

Pagkatapos makapag almusal ay nagyaya agad si Sab na lumarga dahil nabanggit ko sa kanila na mag aapply ako ngayon, para raw magka oras pa kami mamaya na makapag libot libot dito. Nag presinta pa si Siena na na sa back seat na lang daw siya dahil matutulog lang raw naman siya at para raw ma I guide ko si Sab sa mga lugar ng schools dito. Itinuro ko na kay Sab ang papunta sa may RMES o Ramon Magsaysay Elem. School at ni review ko na lang ang resume ko kung sakaling ma interview ako ngayon ng director habang nasa daan kami.

Actually, noong unang araw akong nag apply ay nilagpasan ko itong school na 'to dahil bali-balitang mahirap daw ang application process pero ngayon ay lalakasan ko ang loob ko dahil kailangan ko na ng stable na trabaho, dahil unti unti nang nauubos ang naitabi ni Inay mula sa pinagbentahan ng lupa at bahay.

"Wish me luck." Saad ko sa dalawa bago bumaba. Narinig ko pa mula sa kotse ni Sab ang pagsambit niya ng 'Fighting'. Kumaway lang ako patalikod at pumasok na sa gate.

Lord, naway lalaki sana ang mag interview sa akin at mabulag sa kagandahan ko at ng matanggap na ako.

Ilang dasal pa ang ginawa ko bago ako sumalang at nang makita ko ang interviewee ay pakiramdam ko ay hindi na ako love ni Lord dahil hindi niya dininig ang panalangin ko na sana ay lalaki na lamang ang mag iinterview sa akin, dahil babae ang mag iinterview sa akin at kung minamalas ka nga naman dahil may sa lahi pa ata ni Miss Minchin ang makakaharap ko ngayon na tiyak na hindi uubra ang kagandahan ko sa kasungitan niya.

"Congatulations, Miss Bernardo. You're hired. You have to report here by Monday." Saad ni Ms. Castillo nang tanungin niya ako ng ilang mga questions kung bakit karapat dapat akong kunin nila bilang isa sa mga guro nila at sinagot ko ito nang naayon sa kakayahan ko. Noong una ay hindi pa ako sigurado sa narinig ko mula sakanya kaya naman nagsalita ako

"P-Po?"

"You're hired, Ms. Bernardo." Masungit na saad niya na halatang naiirita na sa akin. Sungit! Naninigurado lang eh.

"T-Thank you, po." Agad kong pasalamat sakanya at mabilis na tumayo upang umalis. Mahirap na at baka magbago pa ang isip niya.

"Congratulations!" Sabay na pagbati ng dalawa sa akin at nag cheers pa kami. Nandito kami ngayon sa loob ng Gerry's grill sa may SM Rosales dahil manlilibre raw si Sab dahil natanggap ako sa RMES.

Halos malunod pa ako sa dami ng inorder niya pero ang sabi niya ay sobrang saya raw niya ngayon, dahil finally ay hindi na raw siya ma iistress sa akin kakaisip kung natanggap ba raw ako sa pinag applyan ko o hindi. Habang si Siena naman ay tuwang tuwa dahil sa mga nakikita niya ngayon na pagkain. Hindi na raw siya nag aalala sa akin dahil alam daw niyang tiyak na matatanggap ako. Napaka supportive niya eh no?

"Wow! Ang galante talaga ni Marcus!" Agad akong napatingin kay Siena dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Marcus. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin ako sakanya.

"N-Noon!" Nag make face na lang ako dahil sa sinambit niya habang siya naman ay alanganing ngumiti.

"Hehe joke lang."

"Tss. You and your mouth!" Sita sakanya ni Sab pero bineletan lamang siya ni Siena at nagsimula nang kumain. Akmang may sasabihin pa sana si Sab nang inunahan ko siya.

"Tama na, kumain na lang tayo. Wala na sa akin iyong nangyari, limot ko na iyon." Saad -ko sakanila upang hindi na humaba ang usapan about kay M-Marcus...

"Hindi mo sure." Halos sabay pang sambit nang dalawa sa akin at sinamaan ako pa nila ako ng tingin. Okay.... Kailangan galit?

"I'm so busog! Okay, next we will go to hypermarket. We'll buy some ingredients to the birthday celebrant." Anunsyo ni Sab sa amin habang itinataas taas pa niya ang mga kilay niya sa amin habang inaabot sa kanya ng waiter ang card niya. Nagtaka pa ako dahil sinong may birthday kaya naman agad kong hinarap si Siena na busy sa pag tu-toothpick.

"Hoy, birthday mo ba?" Agad na nanlaki ang mga mata ni Siena sa akin dahil sa akin na kalaunan ay inikutan na lamang niya ako ng mga mata at animoy hindi makapaniwala sa tinanong ko.

"Tanga. Birthday mo na kaya bukas kaya nga kami lumuwas dito at makikitulog sa inyo eh." Paliwanag ni Siena na siyang nagpalaki sa mga mata ko. Shocks, birthday ko na pala!

"Oh my! You forgot you birthday!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sab sa akin at kinuha na ang card mula sa waiter.

I smiled awkwardly. Ngayon ko lang napansin na masyadong occupied na pala ang isip ko lately kakahanap ng trabaho para maisip pa ang birthday ko at isa pa wala naman talaga akong balak mag celebrate. Unang una, ito ang birthday na hindi namin kasama si Itay, parang kailanman ay hindi na magiging masaya ang birthday ko dahil wala na si Itay at pangalawa ay gastos lamang kung maghahanda pa si Inay para sa birthday ko.

"Na busy lang." Pagdadahilan ko sabay tingin sa labas.

"Tss. We should really celebrate your birthday! Let's go to hypermarket." Pagmamadali ni Sab na agad ko namang pinigilan.

"H-Huwag na. Gastos lang iyan." Pigil kong sabi sakanya habang nakahawak sa isa niyang kamay upang pigilin siya sa pagtayo.

"You deserve all the best." She sincerely said at pinisil ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Oo nga tsaka double celebration tayo ngayon. Sab, bili ka maraming alak ah!" Dagdag ni Siena sa tabi ko.

"Of course!" Sab announced.

Ang hiyang nararamdaman ko ay nauwi sa tawanan dahil sa kakulitan nila. This year I realized that I've experienced all my firsts in my life. Unang taon na wala si Itay sa tabi namin upang I celebrate ang birthday ko. Second, this is the first time that I've realized na wala man ngayon sa harap ko ang taong nangako sa akin na sasamahan ako sa hirap at ginhawa, na realized ko na kaya ko naman palang magpatuloy at malampasan ang mga hirap kasama ang mga taong hindi ko expect na makakasama ko sa buhay. Sometimes you have to be alone for you to realize a lot of things. Mabuti pa ang pinsan niya ay kahit hindi nangako ay sinasamahan akong magpatuloy. Well, in the first place, promises are meant to be broken and his promises are the sweetest lies that I've ever heard in my life.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thanks! :)