Chereads / Twilight Promises / Chapter 28 - 27

Chapter 28 - 27

Natapos na ang ulan at tila naging mahid ang katawan ko sa lamig dahil wala akong maramdamang iba kundi ang kirot sa dibdib ko na kahit anong iyak ko ay tila hindi man lang nababawasan ang sakit. Napatingala ako upang tignan ang langit, napakadilim pero maaliwalas dahil siguro ay naibuhos na niya ang lahat ng sama ng loob nito gamit ang ulan. Sana ganoon rin kadali ang lahat, sana sa isang bagsak ko lang ng luha ay matatapos na ang lahat ng ito pero sa toong buhay ay hindi maari dahil hanggat nandiyan ang sakit paniguradong may kakambal itong luha.

Nang umihip ang hangin ay napayakap na lamang ako sa mga tuhod ko at napaduko. Gusto kong takasan ang lahat ng ito pero hindi pwede, hindi maari. Paano ang pamilya ko kung pati ako ay susuko? Nangako ako kay Itay na hinding hindi ko sila pababayaan ano man ang mangyari.

Hindi ako pwedeng patumbahin sitwasyong ito at nang nakita ko kanina kanina lang. Ano naman ngayon kung nakita kong magkahalikan si Suzanne at Marcus? Wala naman kaming relasyon. Wala akong dapat ikaselos pero bakit ganito? Mas lalong nadaragdagan ang kirot sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang tagpo kanina. Napabuntong hininga na lang ako at pinikit muli ang mga mata ko upang pigilan ang nagbabadyang luha na gustong lumabas muli. Hindi ito ang oras upang maging mahina ako.

Isang tunog ang nagpaangat sa ulo ko upang tignan ang cellphone ko kung sino ang nag text. May hula na ako pero binasa ko pa rin upang makasigurado. Si Siena tinatanong ako kung nasaan ako dahil hinahanap na raw ako ni Inay. Walang lakas akong tumayo at naglakad na papasok sa hospital pero hindi pa man ako nakakahakbang, ay nakita kong mula sa gilid ko ay nakatayo si Marcus kaya naman lakas loob ko siyang tinignan upang ibalita na wala na si Itay.

Nang tuluyan na akong humarap sa kanya ay tila nais kong malunod sa mga mata niyang puno ng emosyon na tila maraming gustong sabihin, pero wala na akong panahon pa upang pagtuonan ng pansin iyon. Tumikhim muna ako dahil tila walang balak magsalita si Marcus. Masyado ata siyang na overwhelmed sa halikan nila ni Suzanne.

"W-Wala na si I-Itay..." Nahihirapan kong sabi dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Itay, kailanman ay hinding hindi ko matatanggap ang pagkamatay niya. Hinding hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sakanya.

Pagkasabi ko nun sakanya ay bakas ang pagkabigla sa mukha niya marahil ay hindi niya inaasahang balitang iyon. Akmang may sasabihin sana si Marcus pero inunahan ko na siya. Hindi ngayon, wala akong panahon na pakinggan ang anumang mga ang sasabihin niya.

"Sige. Mauuna na ako." Tipid kong sabi at tinalikuran na siya habang walang tigil ang pagkirot ng puso ko.

Alam ko sa oras na ito ay malaki na ang magbabago sa pagitan namin ni Marcus, masyadong malalim ang sugat na naiwan dahil sa pangyayaring ito at hindi ko alam kung kailan ito maghihilom.

Pagkapasok ko sa kwarto ay wala na si Itay at sila Inay na lang ang naiwan at inaayos ang mga gamit ni Itay. Nadatnan ko siyang nagtutupi ng mga damit ni Itay at base sa mga mata niya na kakatapos niya lamang umiyak. Nilapitan ko siya upang tulungan. Walang nagsasalita sa amin.

"Anak.." Panimula niya. Humarap ako sakanya upang pakinggan ang sasabihin ni Inay.

"P-Patawarin mo sana ako, anak. Kung kinailangan na ikaw pa ang gumawa nun sa Itay mo... H-Hindi ko talaga kaya... Patawad anak kung mahina ang Inay..." Nahihirapan niyang sabi habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Inay. Ako na anak ay halos madurog sa pagkawala ni Itay ano pa kaya ang nararamdaman ni Inay ngayon.

Nilapitan ko siya upang yakapin. Alam kong walang anumang salita ang pwedeng magpakalma sa sakit na nararamdaman ni Inay ngayon, kaya ang tanging nagawa ko ay yakapin siya at ipadama na hindi siya nag iisa. Nang kumalma si Inay ay siya na rin ang kusang humiwalay at tinignan ako gamit ang malungkot niyang mga mata.

"Alam kong masyadong masakit ang pagkawala ng Itay mo dahil biglaan. Wala akong sinisisi sa nangyari, walang may kasalanan kung bakit nangyari iyon sa Itay mo. Anak, huwag mo sana sisihin ang pamilya nila Marcus dahil biktima rin sila rito..."

Napaiwas ako ng tingin kay Inay nang banggitin niya ang pangalan ni Marcus dahil totoo naman ang sinabi ni Inay, pare-pareho lang kaming biktima rito pero hindi ko pa rin maiwasan na makadama ng kaunting galit at sama ng loob, dahil kung hindi sa kalaban sa politika ni Tito Miguel at kung hindi sinalo ni Itay ang mga bala na dapat kay Tito Miguel ay hindi mawawala sa amin si Itay. Hinawakan ni Inay ang kaliwang kamay kong mahigpit na palang nakatiklop dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.

"Anak, kahit hindi si Tito Miguel mo ang nakatayo roon ay alam kong hindi magbabago ang pasya ng Itay mo na sagipin ang taong nandoon. Ganoon k-kabait ang Itay mo." Dahil sa sinabi ni Inay ay napayuko ako at kasabay ng pag iling ko ay ang pagpatak ng isang luha. Dahil totoo ang sinabi niya. Ganoon kabait si Itay kaya ang sakit sakit sa akin na kung bakit sa dinami raming masasamang tao sa mundo bakit si Itay pa ang pwede nilang kunin sa amin.

"Alam kong masaya ngayon ang Itay mo dahil nailigtas niya ang isa sa mga taong importante sa kanya. Masakit man ang nangyayari sa atin ngayon anak, pero ipinapangako kong hindi ko kayo papabayaan." Saad niya at pinunasan ang natuyong luha sa pisngi ko.

"P-Pagtutulungan natin Inay..."Halos bulong kong sabi.

Dalawang araw na ang nakakalipas magmula nang mawala si Itay sa amin at pangalawang araw na rin na nakalabi sa ang katawan niya sa bahay. Mas pinili ni Inay na sa bahay na lang namin ilabi si Itay dahil tiyak raw na mas gugustuhin raw ni Itay iyon at upang sa huling pagkakataon ay ramdam naming kasama lang namin si Itay.

Ngayong araw ay pupunta akong hospital upang kunin ang death certificate ni Itay kailangan iyon upang makuha ang SSS funerial benefit ni Itay, dahil utos ni Inay at alam kong kahit masakit kay Inay ay kailangan niyang gawin iyon dahil nauubos na ang ipon nila ni Itay.

Hindi tinanggap ni Inay ang tulong na binibigay nila Tita Janeth at maski ako ay hindi alam ang dahilan kung bakit hindi niya iyon tinanggap basta ang sinabi lang ni Inay ay hindi raw matutuwa ang Itay kapag kinuha niya raw iyon.

Nagpresinta pa si Trevor na ihatid ako sa hospital pero mas pinili kong ako na lang mag isa ang pupunta dahil may kailangan pa akong gawin. Andito sila Xander at Siena pati na rin sila Jhudielle na tinutulangan ako sa pag aasikaso sa mga bisita. Nang makadating ako ay dumeretso na ako sa administration office upang pumirma para mga documents ni Itay. Nang makuha ko na iyon ay iniisa isa kong tignan baka kasi may kulang pa at para maiwasan na ang pabalik balik. Nang mabasa ko ang death certificate ni Itay ay kusang napakunot ang mga kilay ko nang may mabasa ako.

Donor: Ramon Bernardo

Recipient: Miguel King

Kusa na lang akong napaupo sa sahig sa labas ng admin office nang matiyak kong tama nga ang nababasa ko sa form. Ito ba ang dahilan kung bakit sigurado si Inay na nailigtas ni Itay si Tito Miguel kahit na noong mga nakaraang araw ay masyadong kritikal ang kondisyon ni Tito? Tila gustong sumabog ng puso ko dahil sa nalaman ko, hindi pa ba sapat na ibinigay na ni Itay ang buhay niya at kailangan pang mabawasan ang katawan niya hanggang sa huling pagkakataon?

Mahigpit kong hinakawan ang folder na naglalaman ng death certificate ni Itay at naglakad papunta sa room ng mga King. Pagka katok ko ay pinagbuksan ako ng pinto ni Marcus, bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako dahil sa unang pagkakataon ay bumisita ako, noong mga nakaraang araw kasi ay pinili kong huwag pumunta rito, sumasakit kasi ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na dahil sa taong nandito sa loob ng kwartong ito ay nawala sa amin ang Itay ko. Dinaanan ko lamang ng tingin si Marcus na bakas pa rin ang gulat hanggang ngayon, mamaya tayo magtutuos.

"I-Irene... Iha, ikaw pala. T-Tuloy ka..."Unang nakabawi ng gulat si Tita nang makita ako. Tinignan ko lamang si Tita at ngumiti ng pilit.

Sa kama nakahiga ang taong sinagip ni Itay. Bakas sa mukha ni Tito Miguel na hindi rin biro ang pinagdaanan niyang hirap base na rin sa mga pinagbakasan ng mga karayom at mga ilang makina na hindi pa inaalis pero halatang ginamit. May mga benda si tito sa dibdib at bandang bewang.

"W-What do you want? Water? Juice—"

Hindi na natapos ni Tita ang sasabihin niya nang mabilis akong nagsalita.

"P-Pwede po bang i-iwan niyo po muna kami?" Paalam ko habang walang emosyong nakatingin kay Tita. Mukhang nabigla si Tita sa sinabi ko dahil sa unang pagkakataon ay naging bastos ako sa harapan nila. Nang makabawi ay ilang tango pa ang ginawa niya at sa likod ko ay ramdam ko ang seryosong titig ni Marcus.

"S-Sure. Sa labas lang kami." Paalam niya at narinig ko pang niyaya niya si Marcus. Nang sigurado akong wala na sila ay tumayo ako sa tabi ni Tito. Matagal ko siyang tinignan ng walang emosyon bago nagsalita.

"K-Kailangan mong mabuhay. K-Kailangan mong lumaban. Ipaglaban mo yung b-buhay ng Itay ko na isinakripisyo niya para sayo. Mabuhay ka para kay Itay at sa pamilya mo, nakikiusap ako s-sayo."

Sabay na napatingin sa akin si Tita at Marcus at ang mga ilang body guards na nagkalat nang narinig nila ang pinto. Tumango lamang ako kay Tita upang magpaalam at hinarap ko naman si Marcus upang makipag usap.

"P-Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko. Tinapunan niya lang ako ng tingin gamit ang malalamig niyang titig at ng tantya kong hindi niya ako sasagutin ay nagsalita akong muli.

"S-Sandali lang..."

Sabay kaming naglakad papunta sa may café sa may lobby ng hospital at kapwa kami tahimik. Tama 'yan dahil wala naman akong alam pang sasabihin na iba bukod sa mga sasabihin ko mamaya. Akmang ipanghihila niya pa ako ng upuan na katabi ng sakanya nang mas pinili kong maupo sa harap niya.

Nang ibinigay ng ng waiter ang mga inumin namin ay tinignan ko lamang iyon at kapwa nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Napagdesisyon kong ako na ang bumasag sa katahimikan dahil ako naman ang nagyaya rito.

"K-Kamusta si Tita?" Basag ko at doon lamang siya napatingin sa akin.

"She's fine. What about Tita Isabel?" Ganting tanong niya. Pakiramdam ko tuloy kung hindi pa ako nagtanong ay wala siyang balak magsalita.

Para akong nakikipag usap sa isang taong yelo sa tindi ng kalamigan na pinapakita niya base na rin sa mga kilos niya ngayon. Nakakatawa dahil ilang araw lang ang nakalipas magmula nang manyari ang sakuna ay parang ibang Marcus na ang kaharap ko.

"O-Okay naman siya. D-Donor pala si I-Itay ni Tito M-Miguel..."Sambit ko gamit ang mahinang boses.

Hindi mababakasan ng kahit anong gulat si Marcus nang banggitin ko ang pagiging donor ni Itay sa daddy niya, bagkus ay mas nawalan ng emosyon ang mga mata niya dahil sa pagbanggit ko. Bakit kasalanan ko pa ngayon na nabanggit ko ang topic na yon?

"Yes. Kinausap ko si Tita about that and she seems fine about it." Walang emosyon niyang sabi.

"Yun lang ba ang gusto mong malaman? I'm busy."Kasabay ng pagbitaw niya ng mga salita ay siya namang tunog ng cellphone niya at rumehistro ang pangalan ni Suzanne. Hindi ito pinansin ni Marcus at pinili niyang patayin ang tawag. Mukha ngang busy siya. Konting tiis na lang Irene.

"H-Hindi mo man lang ba pasasalamatan si Itay o bisitahin man lang ang mga labi niya?" Buong tapang kong tanong. Kahit hindi na sa pamilya namin kahit kay Itay na lang.

Tinignan niya muna ako ng walang emosyon bago nagsalita.

"Why would I? It's his job to protect my dad."

Nang dahil sa sinabi niya ay bigla akong tinakasan ng respeto bilang kaibigan niya at mabilis siyang sinampal na tila nag iwan pa ng bakas sa pisngi niya. Naluluha ko siyang tinignan habang nanginginig ang kamay dahil sa lakas ng pagsampal ko sa kanya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo!? Hindi lang buhay ng kung sino ang nawala. Buhay iyon ng tatay ko...Buhay iyon ng tatay ng mahal mo." Marcus remained silent after I burst out.

Nakatingin pa rin ito sa gilid at nang tumingin ito sa akin ay walang pinagbago ang emosyong pinapakita niya.

"Do you think I'm serious about that? C'mon, Irene." Natatawang sabi niya at parang hindi siya makapaniwala na sineryoso ko pa ang mga sinabi niya roon noong nasa dagat pa kami.

H-Hindi totoo lahat ng iyon? Madami pa sana ako gustong itanong sa kanya pero hindi na kaya ng puso ko na marinig pa ang sasabihin niya. Masyado nang marami ang nangyari, masyadong magulo ang sitawasyon para bigyan pa ng pansin ang nararamdaman ko kay Marcus. Wala na akong pakialam kung totoo man o hindi ang sinabi niyang mahal niya ako atlis ako ay nagpakatotoo sa nararamdaman ko.

Nang hindi ko na makayanan ang emosyon na nararamdaman ko dahil sa mga nalaman ko ngayon ay tumalikod na ako pero humarap akong muli sakanya sa huling pagkakataon.

Ilang beses akong tumango para ipakitang wala lang sa akin ang katotohanang sinabi niya na hindi naman niya ako minahal bago nagsalita, kahit na gustong gusto nang bumigay ng mga tuhod ko dahil sa mga salitang binitiwan ni Marcus kanina. Sa sobrang sakit tila namanhid na lang ang puso ko. Nakuha ko pang makangiti sa kabila ng lahat ng narinig ko.

"Hindi ako nagsisisi na nakilala kita, Marcus. S-Salamat kasi naging mabuti kang kaibigan sa akin. Pero kung bibigyan pa ako ng pagkakataon na makita ka ulit? Putangina.... Ako na ang kusang iiwas huwag lang tayong mag krus ng landas."

Totoo iyon, hinding hindi ko pagsisishan na may isang Marcus King na dumating sa buhay ko. Aminin ko man o hindi ay kakaibang saya ang naipadama ni Marcus sa akin. Hindi ko lang talaga sukat akalain na hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Siguro nga may dahilan ang lahat ng ito kung bakit nangyayari sa amin ang lahat ng ito katulad ng laging sinasabi sa amin ni Itay noon, pero ito yung sitwasyon na mahirap alamin at ayoko ng alamin ang dahilan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thanks! :)