Chereads / Twilight Promises / Chapter 25 - 24

Chapter 25 - 24

"Oo. Lalo na galing sa taong mahal ko."

Nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako o kung magbibingihan pero ang puso ko isa lang ang isinisigaw kundi ang pangalan ni Marcus. Ang lalaking nagpatibok sa puso ko magmula noon hanggang ngayon. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa napakalakas ng pagtibok nito, pero ang lalaking nasa harap ko ay walang ibang ginawa kundi pagmasdan ang regalong ibinigay ko. Gusto ko na ngang magselos sa sapatos, dahil parang doon siya nagtapat ng nararamdaman at hindi sa akin pero bandang huli ay napangiti pa rin ako.

Ganito pala umamin ang isang Jacques Marcus King, natotorpe rin pala ito pero kung makapag salita sa harap ng maraming tao ay akala mo nangangampanya. Well, now I know na may potential siyang sundan ng yapak si Tito Miguel in the future.

Tumikhin ako para magsalita. " Andiyan ba ang maganda kong mukha?" Natatawang tanong ko at doon niya lamang iniangat ang mukha niya at gusto kong matawa dahil sobrang pula ng mukha niya animoy isang kamatis. Wala na, lubog na 'to.

"I-it's hard!" Singhal niya sabay talikod habang mahigpit ang hawak niya sa paper bag. Ang lagaslas ng tubig mula sa dagat ang animoy naging background music namin. I chuckled.

"Anong mahirap naman diyan?" Inosenteng tanong ko kunwari at naglakad paharap sa kanya. Naririnig ko pa sa malayo ang mga boses nila Itay at Landon na nagkakantahan malapit sa may dalampisagan. Katulad nila ay walang kapantay ang nararamdaman kong saya ngayon dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking nasa harap ko.

"Nevermind. Ang swerte mo dahil babae ka at hindi mo alam ang pakiramdam ng umaamin sa taong mahal nila." Then he rolled eyes na siyang nagpatawa sa akin ng malakas. Oh , God.

"Sige tawa pa. Hahalikan na talaga kita!" Banta niya. I smirked.

"Kung kaya mo." Then I sticked out my tongue at kumaripas ng takbo at wala pa mang limang segundo ay tumatakbo na rin ito papunta sa akin and in one swift ay nakakulong na ako sa mga bisig niya at kapwa kami hinihingal.

"You owe me a kiss." It's not a question, it's a statement. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang nahihiyang mukha niya kanina.

"W-wait lang kasi-Hahaha! Atsaka ano? Kiss agad!? Eh hindi ka pa nga nanliligaw, mahal na hari." Mahabang sabi ko at pilit kong itinatago ang nararamdaman kong kaba ngayon dahil sa pag amin niya.

"Panget..." He warned habang nakalabi. Isinisayaw na ng hangin ang buhok niya pero hindi man lang nakabawas sa kagwapuhan niya yon. Ang unfair diba?

Heto na yon, yung matagal kong pinapangarap, na ngayoy nangyayari na. Dahil sa ginawa kong pagtawa ay sinamaan niya ako ng tingin pero nakahawak pa rin ito sa bewang ko kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at malaya kong iniyakap ang mga kamay ko sa leeg niya. Ngayon pa ba ako aarte?

Ang lapit lapit namin sa isat-isa na muntik ko nang makalimutan ang ganitong pakiramdam kasama siya noong mga panahong hindi kami okay. Kulang na lang ay romantic sound at mukha na kaming sumasayaw ni Marcus pero para sa akin ay nakaperpekto na ito. I genuinely smiled because of his cuteness.

"Me too..." Inunahan ko na siyang magsalita habang nakangiti at tinitignan siya deretso sa mga mata niyang punong puno ng mga emosyon na hindi niya masabi katulad ko. Animoy nakatingin ako sa salamin dahil sa mga mata niya na sa akin lang nakatuon.

"Ako rin, kinakabahan dahil bago lahat sa akin ito. Marami na akong narinig na pag amin mula sa mga lalaki sa school natin pero iba ito, dahil sa unang pagkakataon may umamin ng nararamdaman nila para sa akin at parehas kami ng nararamdaman." Panimula ko.

"Akala mo ba mahirap sa akin ang itanggi sa sarili ko ang nararamdaman ko sayo? Akala mob a madali sa akin ang magkunwaring hindi kita gusto? Akala mo ba madali sa akin na makita ang taong mahal mo na may kasamang iba? Nakakapangit ang selos sa totoo lang!" Amin ko. Hindi makakaila kay Marcus na gustong gusto niya ang naririnig niya ngayon base na rin sa ngisi niya.

"Sino yung mga yon?" Tanong niya gamit ang seryoso nitong boses habang inaayos niya ang mga hibla ng mga buhok kong nagulo dahil sa hangin gamit ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay nakayapos sa bewang ko. Clingy ka, beh?

"Huh?"

Sa haba ng sinabi ko yan lang ang sasabihin niya? Ilang kilo rin ng kakapalan ng mukha ang inipon ko para roon!

"Sino yung mga lalaking umamin sayo para mapatalsik ko na sila SCU." Bored niyang sabi pero hindi pa rin siya humihiwalay ng yapos sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka makita nila kami, pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong natatakpan naman pala kami ng malaking rock formation na may malapit sa sea shore kaya naman hinarap ko ulit siya.

"H-hoy! Grabe ka naman magselos." Biro kong sabi at ako na ang kusang kumalas sa yakap niya. Mahirap na at baka may makita sa amin.

"Tsk." Reklamo niya habang may binubulong bulong sa likod na ang arte ko daw, na kesyo pangalan lang daw at hindi ko pa raw maibigay, kaya naman humarap ako sa kanya nang may maalala ako. Ito yung tanong na kating kati kong itanong sa kanya.

Nagulat at napaatras pa siya dahil sa bigla kong pagharap sa kanya. "A-ano?" He asked.

I crossed my arms at tinasaan ko siya ng kilay. "Ano ang meron kayo ni Suzanne?"

I looked away dahil nahihiya ako. Tutal nasa aminan stage na kami, edi lubusin ko na. Naaalala ko na naman kasi ang mga tagpo noong hindi pa kami ayos ni Marcus at laging may Suzanne na nakabuntot sa kanya. Ang balita pa noon ay burado na raw ako sa buhay ni Marcus at si Suzanne na raw ang bago niyang best friend at mas bagay raw sila. Tanda ko pang minsan pang nakipag away sila Sab at Siena sa library ng marinig nila iyon sa grupo ng mga babaeng nag g-group study.

"Suzanne? Suzanne is a friend."Kaswal niyang sabi at nagtataka dahil sa biglaang sabi ko.

"Like me?" Tanong ko at tinasaan siya ng kilay.

"No, silly. Tapos na tayo sa stage na yon. Kailangan na nating mag upgrade. Unfriended ka na ha? Dahil bukas in a relationship na tayo." Marcus! How can he be so blunt? I rolled my eyes upang pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

"Uy, kilig siya." Tukso niya sabay dutdot sa bewang ko.

"H-hindi ah! Bakit naman ako kikiligin? Tsk." Ganti kong sabi pero parang wala lang sakanya ang sinabi ko. Paano pa siya nakakapag biro ng ganyan pagkatapos niyang umamin habang ako ay hanggang ngayon ay sobrang hiya sa mga pinagsasabi ko kanina sakanya.

"Oo na lang diyan sa namumula mong pisngi. Ang cute tuloy nagmukhang longganisa, sarap kagatin." Napakagat ako ng labi dahil sa pagyapos niya sa kaliwang pisngi ko.

Is this Marcus showing his love? Then I am so inlove with it. Napapikit ako dahil sa init ng mga daliri niyang yumayapos sa pisngi ko. Kasabay ng paglubog ng araw ay siya ring lalong paglubog ng puso ko dahil nararamdaman ko kay Marcus.

"No one can compares to the feelings that I have for you. Parang dagat lang yan, panget. Malawak, matatanaw mo na may hangganan pero hindi mo masusukat kung hanggang saan." He sincerely said nakita ko pang kasabay ng pag ngiti niya ay siyang pagkislap ng isa niyang magta. Lumuha siya?

Napakagat ako ng labi dahil sa mga sinabi niya. " A-ang dami mo talagang alam." Kumento ko pero hindi man lang nagbago ang emosyon na nasa mukha niya.

"Ano man ang mangyari, panget ko. Mananatili ako sa tabi mo kahit magsawa ka na sa akin, andito pa rin ako. Para akong anino mo, hindi mawawalay sayo..." I smiled because of his words.

Sana nga, Marcus....

Sana....

"Kahit kumulubot na ang mga balat natin at pumuti ang buhok natin, andito pa rin ako. I'll court you officially." Then he sealed it with a kiss on my forehead.

Mula sa malayo ay tanaw ko ang kaguluhan sa malaking cottage na napili nila Inay at Tita Janeth na busy sa pag iihaw ng mga isda at barbeque. Sila Sab at Siena ay nasa may dagat kasama sila Rochele at ang bunso namin na kapatid, habang sila Itay at Tito Miguel ay masayang nag kakantahan gamit ang videoke kasama sila Landon at Xander na parang anytime ay maduduwal na dahil sa nakikita nila sa harap dahil halos magyakapan na sila Itay dahil sa kalasingan.

Seeing them being happy like this, makes me happy too.

Nilipat ko ang mga mata ko sa malawak na karagatan at ipinilig ang ulo ko dahil sa kabang naramdaman ko. na hindi ko alam kung saan nagmumula pero mabilis rin itong nawala. Hindi ko na lamang inisip iyon, baka dala lang ng pagod maghapon at isa pa, baka ito rin yung nararamdaman ng iba at nababasa ko sa mga libro na kapag sobrang masaya ka ay may kakambal itong kalungkutan.

"Hey, what's wrong?" Marcus asked at kasabay non ang paghinto namin. Umiling ako at ngumiti. Bakas sa mukha niya ang pag aalala dahil sa nakakunot niyang mga kilay.

Pisti talaga, hulog na hulog na ako. Kailangan pa ba ng ligawan? Oo na agad. Chariz!

"Wala, nagutom ako sa ka cheesy-han mo kanina. Tignan mo nga naman, may sweet bones ka pala sa katawan." Asar ko at nakita ko kung paano nito ulit inikot ang mga mata niya sa ere. Ay wow, snob.

"Tss... C'mon, I'll get you some food." Aya niya at nauna na itong naglakad pero kusa rin akong napahinto nang bigla itong humarap ulit sa akin.

"On the second thought, appetizer muna."

Huli na para makatakbo ako dahil sakop na ni Marcus ang mga labi ko. Mabilis lang iyon at agad siyang humiwalay pero ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. Nang tignan ko siya ay nakangiti ito sa akin, habang nakahawak ang mga palad niya sa pisngi ko. Ikaw ba naman ang nakanakaw ng halik talagang magsasaya ka. Nang makabawi ako ay agad ko siyang sinipa sa tuhod dahil sa paghalik na ginawa niya, dahilan upang mapaluhod ito.

"Ang sabi ko gutom ako pero hindi ko sinabing ipakain mo sa akin ang labi mo." Kunwaring galit na sabi ko at mabilis kong iginala ang mga mata ko sa paligid dahil baka may nakakita. Okay, clear.

"Tangina... Ang sakit." Reklamo ng lalaking nasa harap ko at halata sa boses niya na nasasaktan siya dahil panay ang himas nito sa binting natamaan. Napalakas ata ang pagsipa ko? Shit.

"Hala... Mahal na hari. Sorry..." Mahinang usal ko at iniabot sa kanya ang kamay ko upang makatayo siya. Agad niya naman iyong kinuha at saktong pagtayo niya ay siya ulit nakaw niyang halik sa labi ko. Agad nanlaki ang mga mata ko at hindi nakagalaw. D-Did he just stole my second kiss again?

Pero hindi na ako nakaganti sa pangalawang pagkakataon nang sunod sunod na putok ng baril ang nagpagulantang sa amin. Mabilis akong niyakap ni Marcus upang protektahan, nakaharap siya dagat at dahil doon ay napaharap ako sa cottage kung saan kitang kita ko ang pagtama ng mga bala ng baril sa likod ni Itay na dapat kay Tito Miguel. Mga sigawan na nila Inay at Tita Janeth mga ang narinig ko nang naging tahimik paligid.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you! :)