I was stunned. Mali, kulang ang salitang gulat nang marinig ko ang mga binigkas ni Marcus kanina. Nakaalis na siya pero heto ako tila estatwa pa rin dahil sa gulat sa labas ng bahay namin dahil sa mga pinagsasabi ni Marcus. Bago siya umalis ay sinabihan niya akong susunduin kami ng family driver nila pagkatapos ng graduation niya bukas para sabay sabay kaming bumyahe papuntang Zambales dahil yun ang nakapag sunduan daw nila Itay at Tito Miguel.
Nag dere-deretso ako papunta sa kwarto dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Agad kong isinira ang pinto at mabilis na inubsob ang mukha ko sa paborito kong unan at impit na sumigaw dahil sa halo halong nararamdaman ko. Una, totoo ba ang lahat ng 'yun? Maybe, dapat kong linawin ang mga sinabi niya para mas clear sa akin at isa pa baka joke time niya lang pala ang lahat ng 'yon diba? Pangalawa, ready na ba ako if ever totoo man? Am I emotionally and menatally stable? I don't know. I haven't experienced this before.
Ang dami mong arte Irene, umamin na nga sa harap mo saka kapa aarte ng ganyan.
Nakatulugan ko na lamang kagabi ang pag iisip sa mga bagay na maaring mangyari sa mga susunod na araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Iba talaga magpayanig ng mundo si Marcus. Napailing ako habang may mga ngiti sa labi. Nang makuha ko ang tuwalya para maghilamos ay siya naman ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong chineck baka kasi si pres yung nag text para iremind kami sa mga habol naming mga requirements. In two weeks, officially graduate na kami but the moment I read the text, it automatically put a smile on my face. Ang gandang bungad naman ng text niya para sa umaga na 'to. I love my life!
From: Mahal na hari
Good morning, panget ko. Nakatulog kaba kagabi? Ako kasi hindi eh, di mawala sa isip ko yung panget mong mukha. Hahaha! I'll see you at school later. Take care, mwa.
Napatawa na lang ako ng mahina kahit puro pang iinsulto lang ang lamang ng text niya. Agad ko naman nireplyan ang loko.
To: Mahal na hari
Walang good sa morning kung ikaw ang bungad. I'm busy today. Bye.
Hanggang sa ma-sent ang message ko ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil umagang umaga ay ang galing magpakilig ng mahal na hari. Nang bumukas ang pintuan ay mabilis akong napatingin ditto habang nakangiti pa rin. Naging mahaba ang pagtitinginan namin ni Rochele at nagulat na lamang ako ng bigla itong sumigaw.
"Nay! Tay! Si ate may boyfriend na!"
Ay bwisit talaga! Kaya naman mabilis kong hinila ang buhok niya upang takpan ang bibig nitong walang preno.
"Huwag ka ngang maingay!" Sita ko habang siya ay nagpupumiglas. "Ouch!" Daing ko nang bigla nitong kinagat ang daliri ko.
"Sino boyfriend mo ate, huh? Gwapo ba?" Naman.
Nagkunwari muna akong inaayos ang mga damit na susuotin ko upang itago ang munting ngiti na kanina pa kumakawala nang mabasa ko ang mensahe niya.
"Wala akong boyfriend. Magtigil ka nga, Rochele." Sita ko kunwari upang pagtakpan ang hiya ko.
"Asus nahiya kapa ate, eh anglaki ng ngiti mo oh." Ulit nito habang pilit na sinisipat ang mukha ko. Mahina ko siyang tinulak upang hindi niya makita ang namumula kong mukha. Pucha, text pa lang 'yon pero todo na maka-react ang puso ko. "Ano ba, lumayo ka nga ang baho ng hininga mo." Asar ko. Effective, dahil nakita kong lumayo ito.
"Tch. Hindi naman ah!" Maktol nito. Tignan mo, ito siyang unang nang asar pero bandang huli siya rin pala ang mapipikon. "Malamang, kapag sarili mo talagang baho hindi mo maamoy. Toothbrush din kasi kapatid." Dagdag ko na siyang lalong nagpainis sa pangit niyang mukha. Sarap talaga asarin ng bubwit nato. May sasabihin pa sana siya nang biglang bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko.
"Good morning my beautiful ladies! Tama na muna yang away at tayo na't mag almusal."
"Itay!" Sigaw ko dahil tinupad ni Itay ang pangako niya noong huli siyang umalis ang umuwi ngayon. Agaran kong niyakap si Itay dahil miss na miss ko na siya.
"Nako, ang prinsesa ko na miss ako masyado." Saad nito habang hinahaplos ng buhok ko.
"Nako, tay yang prinsesa mo ay may boyfriend na." Singit ni Rochele na agad ko namang sinamaan ng tingin nang bumitaw ako sa yakap ni Itay.
"Nako, tay yang prinsesa mo bitter dahil hindi siya pinapansin ng crush niyang panget." Sabay belat ko at dabog itong napaalis, malamang magsusumbong na naman iyon kay Inay. Napahalakhak na lamang si Itay dahil sa mga biruan namin.
"Kamusta ka naman anak, balita ko isa ka sa mga kandito para maging suma cum laude sabi ng Inay mo." Si Inay talaga ay walang masikreto pagdating kay Itay. Balak ko sanang supresahin si Itay dahil alam kong isa rin ito sa mga pangarap niya sa amin.
Ang totoo niyan ay final na ang result last week pa noong nalaman namin na ako nga ang suma cum laude sa batch namin. Hindi biro ang paghihirap na naranasan ko upang makuha iyon. Puyat, pagod, pawis at dugo ang naging puhunan ko nitong mga nagdaang taon upang hindi masayang ang pagod nila Itay at Inay sa akin. Naniniwala ako na dapat bilang anak ay maging responsable tayo sa lahat ng bagay. lalo na sa pag aaral dahil aminin man nila Itay o hindi sa panahong 'to at sitwasyon namin ay alam kong edukasyon ang maipapana nila sa amin and I'm really grateful na kahit ang hirap ng buhay ay nabibiyayaan ako ng mga magulang na mababait na walang ibang ginawa kundi ang isipin ang kapakanan namin, doon pa lang ay sobrang swerte na kami. Mahirap man ang buhay pero masaya namin itong nalalagpasan at konting pagtitiis na lang ay malapit ko na rin masuklian ang lahat ng paghihirap nila sa amin.
Nagkibit balikat ako kunwari upang makita niya na wala pa ngang resulta. "Oo nga raw po, pero ang dami namin Itay, kaya hindi na rin ako umaasa na mapili." Sagot ko.
Ngumiti si Itay at mahahalata mo sa mukha niya ayos lang sakanya ang narinig niya. "Ano kaba anak, ayos lang iyon. Makita lang kita na maglakad sa entablado dahil magtatapos kana ay masaya na ako. Kayong tatlo, yun lang ang tanging pangarap ko." Overwhelmed is not enough.
I'm truly a daddy's girl. He is my first love, my first hero, my first idol and one of my inspirations. I can't blame Inay kung bakit sobra ang pagtitiis niya kapag wala si Itay dahil alam niyang bandang huli ay sa amin pa rin uuwi si Itay. This is the moment I always miss, lalo na kapag umaalis siya upang magtrabaho.
"Thank you po Itay. Masaya po ako na kayo ang tatay ko." I sincerely said almost teary eyed.
"Hindi anak, mas maswerte ako kasi ikaw ang anak ko, kayo ng mga kapatid mo. Wala na akong ibang mahihiling pa sa Diyos." I smiled because of what I heard.
"Hala si Itay, bolero na. Nag manila ka lang Itay ang dami mo ng banat." Kunwaring biro ko upang ma divert ang usapan namin dahil sobrang cheesy na pala namin. Napahalakhak din si Itay dahil sa sinabi ko. Maya't maya ay nakita kong may binunot si Itay sa bulsa niya.
"Heto anak, bumili ka ng bago mong damit para may susuotin ka sa graduation mo. Gusto ko maging maganda ka kapag maglalakad ka sa entablado." Sambit niya.
"Itay, sapat na ang ganda ko hindi ko na kailangan bumili ng damit." Biro ko sabay balik sa kanya ang perang inabot nito sa kamay ko. Ngunit umiling si Itay at ibinigay muli ito sa akin.
"Mas lalo akong magiging masaya kapag nakita kitang presentable atsaka palitan mo na rin iyong kupas mong sapatos." Oh shocks! Nakalimutan ko palang dalhin papasok yung sneakers ko dahil sa sobrang sayang naramdaman ko kagabi dahil sa mga banat ni Marcus. Ang linaw talaga ng mata ni Itay. I smiled awkwardly.
"Hehe, sabi mo itay eh. Salamat." Nahihiya kong tugon. "Anak kung may mga pangangailangan ka, huwag na huwang kang mahihiyang sabihin. Ano pa at nagtatrabaho ako kung hindi ko naman maibigay ang pangangailangan niyo."
"Salamat po ulit, Itay." Ulit ko pero sobrang sapat na po ang ginagawa niyo sa amin.
"Tara na, kain na tayo. Inimbitahan pala tayo nila Marcus na pumunta sa graduation niya. Sasabay kaba sa min anak?" Tanong niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa sala.
"Mauna na siguro kayo itay, may dadanan pa ho kasi ako." Paalam ko. Saka ko lang naalala na kailangan ko pa pala bumili ng ipang reregalo sa mahal na hari.
Tagaktak ang pawis ko habang nag aantay ng jeep papunta sa SCU dahil sa sobrang init. Medyo natagalan kasi ako sa pagpili kung ano ang pwedeng ipang regalo kay Marcus pero bandang huli ay mas pinili ko na lang yung magagamit niya ng pangmatagalan at bumili na rin ako ng dress ko na isusuot sa graduation namin at mga pasalubong kila Rochele at sa bunso namin.
Nang medyo tumagal na ang paghihintay ko ay napag desisyonan ko nang mag trike na at baka bawiin pa ng mahal na hari ang mga sinabi niya kagabi kapag na late ako. Wala pa mang sampung minuto ay nakadating na ako sa SCU, hile hilerang mga sasakyan ang bumungad sa akin. Oo nga pala graduation na ng mga estudyanteng potential na magmana ng mga business ng mga magulang nila at isa na si Marcus doon. Habang papasok ay nakita ko pa si Siena na naka toga habang nag pipicture sila ng mga kaklase niya. I'm pround of her, halatang halata sa mukha niya ang kasiyahan. Hindi ko na piniling puntahan siya dahil tiyak na magkikita naman kami bukas dahil kasama ang pamilya niya sa mga naimbitahan sa birthday party ni Tito Miguel na gaganapin sa isang exclusive beach resort sa Zambales.
Maingay at puro halakhakan ang mga maririnig sa bawat sulok ng auditorium. Hindi pa nagsisimula dahil puro batian ang nadatnan ko sa loob at buti na lang ay nangingibabaw ang ingay ni Landon sa loob kaya mabilis ko lamang sila nakita.
"Oh, ayan na pala si Irene, eh. Hindi na badtrip si lover boy niyan!" Ang ganda talaga ng bibig ng Landon nato kahit kailan. Agad ko namang nginitian si Marcus nang balingan ako nito. Shocks, he's heavenly gorgeous. No doubt, kung bakit hindi maalis ang tingin ni Suzane sakanya.
"Inay, Itay." Sabi ko sa mga magulang ko nang makita ko silang kausap sila Tito Miguel.
"Hello po, Tita, Tito." Sabay mano ko sakanila.
"Hello hija. Ang ganda mo pa rin." I blushed dahil sa papuri ni Tita. Kahit kailan kapag siya na ang bumabati sa akin ng ganyan ay ang laki ng hiya ko dahil alam kong walang wala ang ganda ko kapag titignan mo siya. Hindi mo aakalain na nasa 40's na si Tita dahil sa gandang taglay niya.
"You came." Marcus greeted me at kinuha nito sa akin ang mga dala kong paper bag at iniligay sa upuan. "Pawis na pawis ka, gusto mo ng water?" He asked at pilit na pinupunasan ang mga butil butil na pawis sa noo ko na siyang nagpaiwas sa kin, nakakahiya kasi. Ako na mukhang dugyutin habang siya ay fresh na fresh at humahalimuyak ang pabango niya sa loob.
"Hindi okay, lang salamat. I have a surprise for you later." Sabi ko gamit ang maliit na boses upang itago ang hiyang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung magugustuhan ba nito ang regalo ko sakanya. Paano na lang kung hindi niya magustuhan? Benta ko na lang ulit? Charot.
"Is that a yes na?" Bulong niya rin. "What?! Hoy, eh hindi ka pa nga nanliligaw eh." Sagot ko. Dahil sa sinabi ko ay nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi nito.
"So, you like me too." He confidently said.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks! :)