Awkward. Seriously? Hindi ganito ang inaasahang tagpo ang ineexpect ko nang magtapat si Marcus sa akin. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan niya habang ang mga magulang namin ay magkakasama sa van na pagmamay ari nila Marus kasama sila Rochele. Sila Landon ay may kanya kanyang sasakyan kasama sila Sab. Nang hindi ko na makayanan ang tahimik ay binuksan ko na ang stereo at sakto naman na gustong gusto ko ang kanta na tumutugtog. I glanced at Marcus who is seriously driving habang nakakunot ang mga kilay nito. Sa lahat ng nag graduate siya itong parang pinagbagsakan ng langit dahil sa hitsura niya. I cleared my throat before I say something.
"Swifties ka rin pala mahal na hari." Komento ko upang pagtakpan ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang kami sa sasakyan niya. Sinulyapan muna niya ako bago nagsalita.
"I downloaded her songs since I know she's your favorite singer." He simply said.
Favorite pa nga.
I scratched the tip of my nose before I response. "Talaga ba? Akala ko kasi nag iba na ang taste mo sa music." Last time I check ay RnB ang genre na madalas niyang patugtugin sa tuwing magkasama kami.
"Many things have changed, panget. Pero alam mo kung ano ang hindi nagbago?" Mahinang tanong niya.
It hits me, totoo naman kasi ang sinabi niya sa tagal ng panahon na lumipas marami na nga ang nagbago sa amin dahil sa naging desisyon ko at pagiging makasarili but still he remained patience. His patience is not a joke towards me. I swallowed the lump in my throat before I response.
"A-ano?" Utal kong sagot habang nakatingin sa labas na siyang dahilan kung bakit malaya kong mapagmasdan ang malawak na kalangitan sa labas.
"My feelings for you since we were kids." He calmly said na parang natural na natural lamang sakanya ang pagsasabi ng nararamdaman niya sa akin. Iba talaga kapag mayaman, masyadong malakas ang loob. I silently cursed dahil sa biglang pagbilis ng takbo ng pintig ng puso ko.
Again for the second time, stunned is understatement after what I've heard from him. Ramdam na ramdam ko ang pag akyat ng dugo sa mukha ko at ang malakas na pagtibok ng puso ko, kapag ako talaga inatake Marcus, panagutan mo ako. Charot.
"Weh? Sure ka na diyan? Bully ka kaya noon!" Sabi ko gamit ang malakas na boses upang pagtakpan ang hiya na nararamdaman ko. Ano ba naman itong si Marcus, walang pinipiling lugar dito pa talaga sa sitwasyong wala akong kawala.
"Don't you know the term defense mechanism? Atsaka hoy panget, mas bully ka sa akin noon. Excuse me sa pagtatapon mo sa akin ng mga gagamba kapag binibisita kita." Sumbat niya habang nag u-uturn na dahil sa wakas after almost three hours ng byahe ay nakadating na rin kami sa resort. Nauna siyang bumaba ng sasakyan kaya nawalan ako ng pagkakataon na sumagot sa paratang niya.
"Excuse me rin. Hoy, mahal na hari sino naman kaya sa atin dito ang palaging tinatakpan ang ilong ko kapag natutulog, aber?" Akusa ko sakanya sabay crossed arms. Kanina lang ang tamis tamis ng mga salitang sinasabi niya, huh.
"Masyado kasing takaw pansin ang ilong mo. I did you a favor actually, ikaw na nga ang tinulungan upang tumangos iyang ilong mo ikaw pa ang galit." He said a matter of fact dahil isa sa mga insicurites ko ay ang medyo hindi kagandahan kong ilong, papasa pa rin naman siya sa pigging matilos pero mas matilos nga lang ang kay Marcus, well nobody's perfect nga kasi diba?
"Sinasabi mo bang pango ang ilong ko?" Mataray na tanong ko habang tinutulungan siyang kunin ang mga gamit naming sa trunk ng sasakyan niya. Sa inis ko ay mabilis na inagaw ko sakanya ang isa kong bag.
"Nainis pa nga." Bulong niya habang tumatawa ng mahina kaya naman inirapan ko siya. Pango pala huh, manigas ka diyan kakahintay mo ng sagot mahal na hari.
"Hello, love birds! Kamusta ang byahe?" Landon suddenly interrupted kaya naman nagka chance ako na iwanan siya upang puntahan sila Siena.
"Mahangin, parang iyang kaibigan mo." Inis na sabi ko kay Landon na siyang nagpatawa sakanya.
"Luh, bro. Anong ginawa mo doon?" Rinig ko pang tanong niya sa mahal na hari.
"Wala. Masyado kasing kinilig sa kapogian ko." Napiiling na lang ako dahil sa sinabi niya at hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nangyayari sa amin ngayon.
It feels good. It's finally going back to its place. Our friendship, our moments and Him.
Marcus is finally back.
Nang maibigay na sa amin ang kanya kanya naming mga kwarto ay halos kumaripas kami ng takbo ni Siena upang tignan ito. Ito ang masasabi kong unang out of town namin na magkakasamang barkada at mas lalo akong natuwa dahil kasama pa naming ang mga mahal naming sa buhay. Thanks to Tito Miguel's birthday. Si Sienna at Sab ang kasama ko sa kwarto. Si Sab ay lumabas saglit dahil biglang tumawag ang mga magulang nito na nasa business trip kaya tanging siya lang ang nakasama sakanila.
Sila Jhudielle at Trevor ay hindi nakasama dahil isinama sila ng mga magulang nila sa states base sa chat nila sa group chat. Sayang nga lang kasi wala sila hindi buo ang barkada pero ang sabi naman nila ay babawi sila amin pagdating nila. Halos sabay sabay lang kaming nag react sa nireply ni Landon na huwag raw nilang kakalimutan ang pasalubong namin at iyon ang dahilan kung bakit nakatikim siya ng maraming sermon kay Sab. Tipid na lang akong napangiti sa kakulitan ng dalawa. Graduating na kami lahat pero yung galit nila sa isa't isa parang hindi nabawasan paglipas ng panahon.
"Ang blooming mo ngayon, girl. Anong sikreto mo?" Bulong sa akin ng katabi ko.
"Wala, Sienna girl. Sadyang maganda lang talaga ako." Sagot ko habang iniisa isang ayusin ang gamit ko sa traveling bag na dinala ko. Wala siyang sinabi pero ramdam ko ang pagduwal niya kunwari dahil sa sinabi ko. This girl.
"Lakas mo naman, girl. Nag suma cum laude ka lang dika na ma reach." Asar niya na siyang dahilan kung bakit mabilis kong naibato sakanya ang baon kong tissue roll.
"Aray ko pota!" Singhal niya sabay harap sa akin. Tulad ko ay busy rin siya sa pag aayos ng mga gamit niya pero halos mapairap na lang ako dahil mas lamang ang dala niyang chichirya at chocolates at may pa chuckie pa nga kesa sa dala niyang damit.
"Huwag kang maingay, gaga. Surprise ko kay Itay 'yan. Tsaka ano yan bat ang dami mong pagkain. Takot kang magutuman girl?" Tanong ko sabay lapit sa kama niya para kumuha ng isang potato chips pero nagulat na lamang ako ng bigla niyang tinampal ang kamay ko.
"Hoy! Ang damot ah!" Sermon ko. "Huwag kasi."
"Gaga! Hindi naman kasi sa akin iyan. Pinatabi lang sa akin ng hayop na Xander. Ang daming arte ng lalaki na 'yon. Bili bili siya ng maraming pagkain pero wala namang balak mamigay. Ang sabi niya lang sa akin itabi ko lang daw, parang bobo eh no?" Mahabang lintanya niya habang namomroblema kung paanoniya mapipigilan kainin ang mga pagkaing nasa harap niya.
"Ay diko rin alam. Isa lang naman gaga. Yung chocolate na lang, di naman niya malalaman."Pangdedemonyo ko sa kanya pero walang epek dahil isa isa niya itong iniligay sa may drawer na katabi ng kama niya. Nakailang iling pa ito na parang gagawa siya ng malaking kasalanan kapag may kinuha siya doon.
"Ayoko isugal buhay ko, girl." How sad.
Halos sabay pa kaming napatingin ni Siena nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Tita Janeth ang mommy ni Marcus.
"Girls! Are you free?" She warmly smiled that made me smile too. Nakakahawa naman kasi ang sigla ni Tita ngayon.
"Yes po, Tita. May ipag uutos po ba kayo?" Ako na ang sumagot dahil parang nahihiya atang sumagot itong katabi ko.
"Oh no, it's just a simple favor, anak. I am planning to surprise your Tito Miguel later at twelve midnight for his birthday. I'm just wondering if you are free to blow some balloons later after we eat dinner?" Nakangiting tanong ni Tita sa amin. Mabilis naman akong umoo dahil parang nakaka excite naman ang gagawin ni Tita para kay Tito Miguel.
"Syempre naman po, Tita." Masiglang sabi ko.
"Sige po. Tutulong po ako ma'am." Nahihiyang sabi ni Sienna.
"Ohh, Sienna dear just call me Tita na lang. Don't be shy, anak. This is gonna be fun!" Masayang sabi niya sa amin. That made Sienna smile.
"T-thank you po, Tita." Sagot ni Sienna gamit ang maliit nitong boses. Muntik pa akong mapatawa dahil sa pagiging mahinhin ni Siena.
"Alright. It's settled then. Take a nap first ladies and we'll call you later for lunch. Kami na ang mag pe-prepare ng lunch natin together with your Inay." Sincere na sabi niya sa amin.
"Tutulong po ako, Tita." Prisinta ko pero umiling lamang si Tita. "Kami na lang, anak. Thank you. Parang bonding na rin namin ito ng Inay mo. Just enjoy and unwind." Sagot nito habang nakangiti.
Marcus is really lucky to have his mother but of course I am the luckiest since I have my Inay!
Nakangiti akong napatingin kay Siena nang mapansin ko ang pananahimik niya. Kumunot ang mga kilay ko tanda nang ayoko ang nakikita kong emosyon sa mga mata ni Sienna ngayon.
"Napano ka? May masakit ba sayo?"Alalang tanong ko, dahil parang biglang nawalan ng energy si Sienna. Jet lag? Ay boba, naka sasakyan nga lang pala kami.
"Anong pakiramdam ng may nanay?" She silently stated. She looks lost and I hate it.
Of course, I know the answer but I refused to say it. Hindi naman ako ganoon ka brutal sa kaibigan ko upang sabihin ang sagot na pwedeng magpadurog lalo sa nararamdaman niya ngayon.
"Girl, stress. Ikaw ba naman ang magkananay katulad ni Inay, tignan ko lang kung hindi ka sumuko sa kada't minuto niyang sermon. Haha-ha." Kunwaring birong sagot ko upang lalong kahit papaano ay sumigla ang topic namin but she smiled.
I know that smile. It's fake since I used to wear it before. Nang makita kong nagsisimula ng mamula ang mga mata niya ay mabilis ko siyang niyakap. I know I can't give her a motherly love, but I am more than willing to share my Inay to her. I can be her sister too.
"Girl, mahal kita kahit na pasmado minsan iyang bibig mo. Mahal kita kahit na mas matakaw ka pa sa lalaki. Gusto mo sa iyo na lang si Inay, sawang sawa na kasi ako pagsesermon niya sa akin." Biro ko. Narinig ko pa siyang tumawa dahil sa biro ko kaya hindi ko na rin napigilan ang mapangiti.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! :)