"Thank you po, Sir. Malaking tulong ho ito sa amin lalo na sa kapatid ko." Halos yakapin ko na si Sir Baltazar nang iabot niya sa akin ang sweldo ko at nang sabihin niyang may dagdag ang ibinayad niya sa akin.
Humalakhak si Sir Baltazar, "Ikaw na bata ka. Walang anuman, pinagpaguran mo iyan. Basta isa lang ang tanging payo ko sayo," he stopped.
"Ang mag aral ng mabuti." As we said in unison at doon tuluyan na kaming napahalakhak.
"Alam kong malayo ang mararating mo. Mag iingat ka." Tumango at ngumiti bilang sagot.
Uwian na at pinatawag ako ni Sir para sa sahod ko at kanina naman tanghali ay ibinigay din ang sahod ko bilang isang assistan ni Ma'am Che sa library, kaya naman labis labis ang galak ko dahil sa wakas ay mababayaran ko na ang tuition fee ni Rochelle gamit ang sahod ko ngayon at ang sarili kong allowance. Nakakapagod pero nakakataba ng puso kapag nakikita ko si Rochelle na nakapag aaral ng komportable at walang pinoproblema, gusto ko maranasan ni Rochelle ang naranasan ko noon nung nasa ganoong edad niya ako ang mamuhay base sa edad niya.
Halos lakad at takbo na ang ginawa ko upang marating lang ang entrance ng SCU at makasakay ng trike papunta sa school ni Rochele pero kung kailan talaga nagmamadali ka ay saka naman lumalabas ang balakid sa daraanan mo. Habang papalabas ay namataan ko na si Marcus na prente itong nakasandal sa hood ng kotse nito, huli na para makaliko ako dahil kitang kita ng dalawang mga mata niya ang pagmamadali ko kaya, binagalan ko ang lakad ko nang sakto ang pagtayo nito.
"Saan ka pupunta?" He curiously asked.
"Sa school ni Rochelle." Simpleng saad ko.
"Tara. Hatid na kita—"
"Hindi na. May dadaanan pa kasi ako katapos ko sa school ni Rochelle." Agad kong pigil sa alok niya.
"No, it's okay. I insist—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang putulin ko uli ito.
"It's really okay. Sige ingat ka, Marcus." Nagmamadali kong saad at mabilis na tumalikod ulit palayo sakanya... Palayo sa mahal na hari... Palayo sa taong kailanman ay hindi mapapasa akin...
Maybe some will say na I am rude and that I am not thinking properly but for me this is the only option that I have because I need to do it, I have to do it. Itong pag iwas ko sakanya ang tanging nakikita kong paraan upang magpatuloy sa buhay dahil wala akong choice kundi ang magpatuloy at umusad para sa pamilya ko, para sa amin. We are not damn rich para pagtuonan pa ng pansin ang nararamdaman ko para sakanya, wala na akong oras para pag aksayahan pa ng oras ang bagay na wala namang kasigaraduhan.
"The total amount is $8300." Anunsyo ng kahera sa akin pagkatapos niyang tanungin ang buong pangalan ni Rochelle.
Inilabas ko ang wallet ko at ang dalawang sobre na sahod ko ngayon upang bayaran na ang tuition fee ni Rochelle, narinig ko pa nga ang pag tikhim ng taong nasa likod dahil nakita niyang tig bebente at sikwenta ang binibililang ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagbibilang upang umusad na ang pilia, nang ibigay ko ito sa kahera ay nakito kong umismid ito at bumulong.
"Papahirapan pa ako sa pagbibilang.." Padabog nitong ibinigay ang resibo sa akin.
"S-salamat po." Mahihang usal ko at naglakad na. Wala namang masama sa pera na ibinayad ko diba? Barya man o buo, parehas pa rin naman na pera 'yon diba? Napailing na lang ako sa sinambit ni ate.
Nang makalabas ako sa accounting department ay halos mapasuntok ako sa hangin nang naramdaman kong naginhawahan ako dahil nabayaran ko na rin sa wakas ang tution fee ng kapatid ko pero kasabay ng kawala ng ngiti ko ay ang pagkakunot ng noo ko nang makita kong nakaabang sa labas si Marcus at seryoso itong nakatingin sa akin.
"Let's talk." Seryosong saad niya na siyang lalong nagpakaba sa akin dahil alam kong ngayon ay anuman ang gawin ko ay hindi na ako makakaiwas pa.
Tahimik ko siyang sinundan at nakita kong narito kami sa may fountain area at umupo kami sa ilalim ng puno. Hindi na mainit dahil pasado mag aalas singko nan g hapon.
Binigyan ko ng distansya ang pagitan naming upang hindi kami magkadikit. Ang ingay mula sa mga estuyanteng papalabas ang naririnig naming at kapwa ay para kaming napipi dahil wala isa sa amin ang nagsasalit.
"Lately..." Pagsisimula niya at patuloy pa rin akong nakatutok sa mga estudyanteng nagsisimula nang magsilabasan para makauwi.
"Parang ang layo layo muna sa amin. Nakikita ka nga namin pero parang hindi mo na kami kilala. Nag aalala na sila Sab sa iyo." Pagpapatuloy niya.
Hindi pa rin ako umiimik at pilit na hindi nilalagyan ng anumang reaksyon ang mukha ko.
"What is happening to you, Irene?" 'because of you' nais ko sanang isaad but I'd rather choose not to say para hindi na lang humaba ang pag uusapan namin.
"Busy lang sa acads tsaka sa trabaho." Simpleng turan ko.
"Panget, kung kailangan mo ng tulong nandito naman ako—"
"Hindi na, kaya ko naman, Marcus. Ayos lang ako." Pagpuputol ko sa alok niya.
"Pwede bang patapusin mo muna ako?" Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya nang putulin ko ang sinasabi niya. Napatahimik at napabaling ako sa gawi niya at roon malaya kong napagmasdan ang iritable niyang mukha.
I miss him.
I miss his laugh.
I miss his voice.
I miss his tantrums.
I miss you mahal na hari, ko.
Mabilis akong napaiwas ng tingin nang makita kong nakatingin na ito sa akin. "S-sorry..." mahinang usal ko.
"Miss ka na ni Sab, miss ka na namin... " He stopped.
Siguro makapal na nga ang mukha ko upang hangarin na sana ako rin ay miss na niya ako. Pinatili kong huwag na lang mag komento at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong sa damdamin niya.
"Miss na kita, panget..." I automatically gazed at him and there is something with his stares.
I awkwardly laughed. "Napakaclingy mo naman pala eh--"
"Clingy na kung clingy pero ang gusto ko ay nasa tabi lang kita palagi." Pagpuputol niya sa sasabihin ko pa sana at ako naman ay ilang beses na napakurap dahil sa sinabi niya.
"H-Hindi naman pwede iyon, Marcus. May trabaho ako."
"Kaya nga nandito ako diba. Kung kailangan mo ng tulong, andito naman ako. Kaibigan mo ako, dapat ako ang tinatakbuhan mo kapag nahihirapan kana... But why do I feel that I need to beg first before I can help you?"
"Kaibigan mo ako..." Saad niyang muli.
"Kailangan rin kita, Irene..."
Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang hiniling na sana ay parehas na lang sana kami ng estado ngayon but reality sucks. Binasa ko muna ang aking mga labi bago nagsalita
"Pero kailangan din ako ng pamilya ko... Dapat sa lahat ng tao ikaw ang nakakaalam kung ano ang estado ng buhay namin. Matanda na sila Itay... May mga kapatid akong nag aaral... Hindi pwedeng pa petiks petiks kung buwan buwan ay may nakaabang na mga bayarin... Hindi naman kami mayaman katulad niyo." Mahabang hayag ko.
"Pero bakit ka lumalayo sa tuwing gusto kong tulungan ka?"
"Dahil hindi naman sa lahat ng oras ay nakaasa lang ako o kami sa inyo. Sobra sobra na ang naitulong niyo sa pamilya namin, at isa pa kung kailangan mo nang kaibigan, hindi lang naman ako ang kaibigan mo, ah. Andiyan sila Landon, Sab at...Suzane"
"Pero hindi sila ang kailangan ko!" Napapigtad ako dahil sa biglaang pagtaas ng boses niya.
Sa pagkakataong ito ay napaharap na ako sa kanya at kitang kita ko ang halo halong emosyon sa mukha niya pero nangingibaw ang mukha ng pagsusumamo pero sa sitwasyon ko ngayon ay kailangan kong magmukhang matigas upang mas maging madali ang lahat.
"Marcus, hindi sa lahat ng bagay kasama mo ako! May mga bagay din akong ibang pinagkakaabalahan bukod sa iyo. Grow up!" Pati ako ay nabigla dahil sa nasabi ko sakanya at huli na para bawiin ito.
Nang balingan niya ako ng tingin ay muntik pa akong napausog ulit palayo sakanya dahil sobrang lamig nito kung makatingin.
"I-I'm sor—"
"No, it's fine.I didn't know na nakakaistorbo na pala ako sa iyo. I wasn't aware pero thank you sa pagpapaalala. Take care." He coldy said at mabilis itong tumayo at kasabay ng paglakad nito palayo sa akin ay nag unahan na lumabas ang kanina ko pang pinipigalan na luha.
Laglag ang balikat ko nang makauwi ako sa amin dahil sa pag uusap namin ni Marcus . Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawang lupa ko ngayon lalo na nang makita ko ang expression ni Marcus kanina habang sinasabi niya ang huli nitong sinabi. Hindi ko siya masisi marahil kung ako ang nasa lugar niya ay matagal ko nang sinukuan ang sarili ko. Nang makadating ako sa bahay himalang nadatnan ko si Itay na nagkakape sa may terrace.
"Tay, ang aga natin ngayon ah." Saad ko sabay mano ko sakanya.
"Mukhang pagod na pagod ka anak ah. Maaga natapos ang appointment ni kumpare ngayon, kaya pinauwi niya ako ng maaga." Wika ni Itay habang sumisimsim ng paborito niyang kape.
"Marami lang activity, tay. Pasok na ho ako."
What a long day....
Nitong mga nakaraang linggo ay puspusan ang pag rereview ko dahil final exam na at isang buwan na lang ay graduation na, na matagal kong hinihintay dahil sa wakas ay konting push na lang ay magiging ganap na akong teacher at matutulungan ko na lalo sila Itay at Inay.
"Irene, meron ka ng scientific calculator?" Bulong ni Emery sa tabi ko dahil bawal maingay kapag nasa library at baka mapagalitan kami ni Ma'am Che, kaya naman lumapit sa kanya para magtanong.
"Bakit? Anong gagawin sa calculator?" I asked while scanning my book to highlight the important information.
"Gagi, hindi mo ba alam? Kailangan mamaya iyon sa mock test ni Ma'am Cortez sa Math." Halos manlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino ang Teacher namin kaya naman halos ilagay ko na ang mga gamit ko sa bag ko sa pagmamadali.
"Thank you, Ems. Punta muna ako sa business bulding para manghiram. Mauna kana sa room." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at patakbong lumabas sa library.
Halos dumuko na ako at hawakan ko na ang tuhod ko dahil sa pagod sa pagtakbo dahil sampung minuto na lang ay magsisimula na ang Math class naminkay Ma'am Cortez at buti na lang talaga ay nasa unang palapag lang ang room nila Siena at siguradong hindi mawawala sa bag nun ang calculator niya.
Base sa mga ingay na naririnig ko ay wala pa ang prof nila kaya naman wala na akong sinayang na oras at pumunta sa room nila.
"Si Siena Madrid?" Tanong ko sa lalaking nasa may pinto.
"Hoy, Kasilag! May magandang naghahanap sa iyo." Sigaw ng lalaki at nakita ko pa kung paano niya ako hagurin mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa inakto niya.
"Excuse me." Halos sabay pa kaming napaigtad nung lalaki dahil sa biglang nagsalita mula sa likod namin.
"King, ikaw pala!" Saad nung lalaki.
Nakita kong sinulyapan ako ni Marcus at mabilis na tumabi sa akin ang lalaking tumawag kay Siena.
"If you are not in this class. Huwag kayong pakalat kalat at ikaw Joseph umupo ka na parating na si Sir." I felt the coldness in his voice pero nanatili pa rin akong tahimik.
"Uy girl. Bakit?" Finally, ang akala ko ay hindi na ako lalapitan ng babaeng 'to.
"Pahiram naman ng scientific." Mabilis kong saad at napansin kong nakatayo pa rin si Marcus malapit sa amin.
"Ay naku girl! Nagpalit ako ng bag hindi ko dala pero alam ko si Marcus meron—"
Nang balingan ko si Marcus ay nakita kong isinuot nito at wireless na headset nito at naglakad na papunta sa upuan niya. I guess, he is not in the mood at baka pati si Siena ay masungitan niya.
"Hindi sige huwag na, try ko na lang kay Xander o kaya kay Landon." Mabilis kong pigil dahil alam ko hanggang ngayon ay hindi pa makakausap ng maayos si Marcus.
"Uh. Sige, ikaw bahala." Tumango lang ako at tumalikod na pero bago iyon ay may pumihit sa akin.
"Here. Ibalik mo na lang kapag tapos mo nang gamitin." Nang pagkabigay niya sa akin ng scientific ni Marcus ay mabilis itong tumalikod sa akin kaya hindi na ako nakapag pasalamat pa.
Wala na akong nagawa kundi tignan ang papalayo nitong pigura at doon ko napagtanto na anuman ang gawin kong pag iwas sa kanya ay alam kong hinding hindi na ako makakaiwas sa nararamdaman ko para sakanya. Para itong buwan na mahirap mawala ano man ang gawin ko ay nakasunod lamang ito sa akin, saan man ako magpunta ay pinapaalala nito na tanging si Marcus lang lalaking mamahalin ko pero mas masakit ang isipin na anuman ang gawin ko ay alam na alam kong hindi siya magiging akin.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! :>