Bawat araw na lumipas ay todo todo ang pag iipon ko upang siguradong makakabayad ako sa tuition fee ni Rochelle, lalo na ngayon na nagka prostate cancer si Tiyo Fidel at isa sila Itay sa mga tumutulong sakanila sa pagpapagamot. Hindi kasi sila pinalad na magkaanak ni Tiya Carmen kaya naman sa tuwing bumibisita kami sa probinsya nila ay lubos ang kasiyahan na nakikita sa mga mukha nila dahil hindi man nila aminin ay siguradong sabik na sabik sila na magka anak.
"Uhm anak..." Tawig sa akin ni Inay. Kasulukuyan akong nag aagahan bago pumasok sa klase.
"Ano po iyon, Inay?" Tanong ko at inabot ko ang baunan na kakatapos niya lang ayusin.
"Aalis muna kami ng Itay mo at luluwas sa Nueva Ecija upang bisitahin ang Tiyo Fidel mo, ang huling balita ni Ate Carmen ay nahihirapan na raw itong makalakad." Halata ang lungkot sa mukha ni Inay dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya masisi dahil maski ako ay nalulungkot dahil sa sinapit ni Tiyo. Si tiyo ay nakakatandang kapatid ni Inay. Mabilis akong tumango.
"Sige po, Inay. Ako na ho ang bahala kila Ivy at Rochelle."
"Salamat, anak. Salamat din sa pagtulong sa mga bayarin dito sa bahay. Anak, patawarin mo sana si Inay kung tanging edukasyon lang ang kaya naming ibigay ng Itay mo sa inyo." Hinawakan ko ang isang kamay ni Inay na nakapatong sa lamesa nang makita kong ano mang sandal ay mapapaluha na siya.
"Nay, huwag niyo na hong isipin iyon. Ang importante ho ay nakakaraos po tayo at kumpleto tayong pamilya. Alam ko hong marami na ho kayong naisakripisyo ni Itay, ano man ho ba yung makatulong ho ako ng kaunti." Saad ko.
"Hindi lang kaunti ang naitutulong mo anak. Sa amin ay malaking bagay iyon."
Nang sabihin ko iyon ay tuluyan na akong hinagkan ni Inay at narinig ang munting hikbi nito.
"Salamat, anak sa walang sawang pag intindi." Pagpapatuloy niya.
"Huwag kang mag alala, Inay kapag ganap na akong teacher ay hindi niyo na ho kailangan pang magbabad sa init kakatinda ng meryenda sa kanto at hindi na rin ho kailangan na mag drive ni Itay buong araw dahil ako naman ho ang mag aalaga sa inyo." Sabay yakap kay Inay ng mahigpit.
Isa ito sa mga tinanggap ko noon nang mapagdesisyunan kong kalimutan na ang nararamdaman ko para kay Marcus ay ang matupad ang pangarap ko at ang pangarap ng pamilya ko at hindi ako magtatagumpay kung nahahati ang oras ko sa ibang bagay na walang kasigaraduhan. Tulad na lang ng pagtingin ko kay Marcus. I realized na anuman ang gawin ko ay tiyak na may magbabago sa amin ni Marcus kapag nalaman na niya ang nararamdaman ko para sakanya. Maaring tanggapin niya ako at pwede ring hindi. Alin man sa dalawa, tiyak na mahihirapan din ako at masasaktan dahil kapag naging kami ay baka hindi ko rin siya mabigyan ng oras dahil sa mga responsibiladad ko at kapag naman na hindi niya ako tinanggap ay baka mabaliw lang ako sa kakaisip kung ano ang mali at kulang sa akin.
"Aba, ang aga nag dadrama ang mag ina ko. Sinong umaway sa prinsesa at reyna ko?"
"Itay!" I exclaimed at nilapitan si Itay upang siya naman ang hagkan ko.
"Naku, masyado ata akong namiss ng prinsesa ko." Natatawang sambit niya.
"Aba, buti naman Ramon at naisipan mong magpakita sa bahay. Baka nakakalimutan mong may mga anak ka at asawang nag hihintay sayo." Untag ni Inay mula sa lamesa.
Okay, back to normal na ulit Inay. Pero knowing Inay, tiyak na namimiss niya lang si Itay at pabebe na naman siya. I smiled because of their cuteness lalo na nang makita kong niyakap ni Itay si Inay.
"Naku, ang reyna ko pala ang nakamiss sa akin. Di bale, ako rin miss na kita, ma. Pa kiss nga." Ungot ni Itay at lumapit sa kanya.
"Naku, ako tigil tigilan mo. Bakit ngayon ka lang naka uwi" Sunod na tanong ni Inay at kumuha siya ng panibagong plato.
"Ang dami kasing inaasikaso ni Pareng Miguel at busy ito sa pangangampanya sa lalawigan nila sa Batangas." Saad niya
Noong huling halalan kasi ay naluklok itong Mayor ng Batangas at dahil sa marami itong natanggap na papuri dahil sa galing nito sa pagpapatakbo sa lalawigan ay nanawagan ang mga tao na muli itong tumakbo base sa kwento ni Marcus.
Tila natural na nabara ang kinakain ko nang mapadaan sa isip ko ang pangalan ni Marcus at awtomatikong napatingin sa cellphone na nasa tabi ko, noon kasi kapag ganitong oras ay mag tetext na iyon o kaya mag chachat upang mangulit pero magmula ng replyan ko siya ng K kagabi ay hindi na ito muling nag text. I shrugged dahil wala naman dapat sa akin iyon.
"Nay, tay. Una na ho ako."
"Anak, gusto mo bang ihatid na kita?" Mabilis akong umiling dahil sa sinabi ni Itay.
"Huwag na ho, ipahinga niyo na lang ho." Saad ko.
"Osige anak, mag iingat ka."
"Nakapag pass na ba kayo ng essay kay Sir Reyes?" Tanong ng katabi kong si Goldilocks I mean si Mary Gold.
Yes, we're friends now. Actually, siya ang unang umupo sa tabi ko noong unang pasukan ng junior pa kami at matawa tawa ako sa tuwing naalala ko kung gaano kami ka awkward dahil hindi naging maganda ang simula namin.
"Ay hindi pa. Pwede naman siguro hanggang kahit mamayang uwian yun diba?" Tanong ni Emery habang hawak ang cellphone nito.
"Diko alam eh. Pero try ko na lang tanong mamaya kapag pupunta ako ng faculty." Saad ko at nakita kong tumango sila at sakto ang dating ng last teacher naming para sa morning class.
Mabilis ang naging pagsiko ko sa katabi kong si Emery nang makita kong malapit na itong duduko sa lamesa dahil sa sobrang antok.
"Patapos na si Sir Reyes." Bulong ko.
"Okay, class. I think that will be all for today. Don't forget to submit your requirements until 3PM."
Nang saktong makalabas si Sir ay mabilis na nag unat ng katawan si Emery. Ngayon ko lang siya nakitang parang hapo na hapo, baka dahil sa dami ng mga activities well, hindi ko siya masisi dahil midterm na at ilang buwan na lang ay malapit na kaming matapos na isa sa mga inaabangan ko dahil konting sakripisyo na lang ay masusuklian na ang pag hihirap namin.
"Sa library muna ako." Paalam ko sa dalawa.
"Hindi ka kakain?" Tanong ni pres. "Baka mamaya siguro katapos ko sa library. Pinapatawag ako eh." Totoo iyon dahil nakatanggap ako ng message mula sa librarian kanina.
"Sige, see you around."
Nadatnan ko si Ma'am Che na nakakunot ang noo habang katambak na inaayos ang mga kahon kahon libro na nakalat sa sahig. Marahil nakatanggap na naman ang SCU ng mga libro galing sa ibang bansa.
"Ma'am pinapatawag niyo raw ho ako." Tawag pansin ko sa busy na librarian.
Inayos muna niya ang makapal na salamin niya at hinarap ako.
"Pasensya na sa istorbo, ah. Ano kasi ang dami nitong mga libro na kailangan ayusin, papatulong sana ako sa pag aayos. Kahit mamaya na lang katapos ng klase mo." Alanganin niyang sabi.
"Sige po, ma'am. Naka lunch ho ako ngayon pero babalik agad ako mamaya katapos po ng klase ko." Ngumiti ito at nagpasalamat.
Saktong pagbukas ko sa pintuan ay siya naman ang bungad ng mukha ni Siena kaya sabay pa kaming nagulat.
"Shit ka girl. Nakakagulat ka!" Saad niya. "Gagi, bakit kasi andiyan ka." Tanong ko at mabilis na sinipat si Marcus sa likod nito kasama si Landon at Xander.
"Oh sorry na, papasok dapat kami eh kaso nauhan mo. Tara Jollibee."
Nang mapatingin ako sa gawi ni Marcus ulit ay nakita kong nakatingin ito sa akin pero halos sabay kaming napaiwas ng tingin sa isat isa dahil hindi ko inaasahan na nakatingin na pala ito sa akin.
"Hindi pwede ngayon. Nagtitipid ako." Bulong ko kay Siena upang hindi na marinig ng tatlo.
"Hindi libre raw ni Marcus." Umiling ako dahil hindi naman pwedeng siya na lang palagi ang taya. "Girl, hindi talaga pwede tsaka marami pa akong activities. Sa cafeteria na lang ako." Pamimilit ko.
"Sorry boys. Busy ang lola niyo. Kayo na lang muna." Pag agaw niya ng pansin sa tatlo.
"Pabebe talaga." Narinig ko pang bulong ni Marcus.
Hindi ako pabebe! Marami lang talaga akong kailangan gawin!
"Oh, nakasimangot ka? Hulaan ko, hindi ka pinansin ng crush mo no." Pang aalaska ni Siena at sinundan ako.
"Don't start me girl." "Don't start me girl, nye nye." Wala na akong nagawa kundi ang paikutan siya ng mga mata.
Saktong mag aalasais na ako natapos sa library dahil sa dami ng libro na dapat ayusin at halos mamulikat na ang paa ko kakatayo at buti na lang talaga ay dala ko ang P.E uniform ko, dahil kailangan kong magpalit upang hindi ako masilipan sa pagtungtong sa hagdan upang maabot ang kataasang parte ng shelves, kaya naman kompotable akong nakakaupo at minamasahe ang nangawit kong binti rito sa may bench sa labas ng school habang naghihintay ng trike pauwi. Mabilis kong nilingon ang nasa likod ko nang makarinig ako ng pagtikhim. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito.
"Kailangan mo ba ng mauupuan? Sa iyo na itong bench. Aalis na rin ako, bye." Mabilisang saad ko at kahit masakit pa ang mga binti ko ay pinilit kong makatayo pero nakakaunang hakbang pa lang ako ay napapikit na ako sa sakit dahil sa pulikat.
Bago pa ako tuluyang lumagapak sa lupa ay may dalawang bisig na ang sumalo sa akin at halos mahigit ko ang hininga ko nang makita kong konting pagitan na lang ang naglalayo sa pagitan ng mukha namin ni Marcus.
"Kapag kasi nahihirapan na, wala namang masama ang humingi ng tulong." Seryosong saad nito at dahil sa init ng hininga niya na tumatama sa mukha ko ay mabilis ko siyang naitulak.
"H-Hindi naman ako n-nahihirapan." Seryosong saad ko.
"Talaga ba ha, panget? Eh ano itong nababalitaan ko nag titipid ka raw?" Shocks, ka talaga Siena. Tamad ko siyang tinignan.
"Hindi ako nagtitipid. Diet ako." At kahit masakit ay pinilit ko pa rin ang maglakad.
"Mukha mo." Saad niya. "Maganda." Bulong ko.
"Sobra." I stopped because of what I heard.
"Ano?"
"What?" I rolled my eyes because of his response.
"Wala ka talagang kwentang kausap." Pag susungit ko at iniwan na siya.
Ayan na naman, umaasa na naman ako, kaya ayoko talagang nakikita ang pagmumukha ng mahal na hari na 'to eh, dahil nagigiba ang inilalagay kong harang sakanya. Kung noon ay inaabangan ko ang bawat pag ngiti niya pero ngayon ay maski ang tignan siya ay hindi ko magawa dahil alam kong isang ngiti niya lang ay alam kong maaring bibigay ako.
Hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis niya akong hinigit paharap sa kanya. Masamang tingin ang isinukli ko sa seryosong tingin na binibigay niya sa akin pero unti unting naglaho ang pagsusungit ko nang maramdaman kong gumapang ang palad niya papunta sa palad ko.
"Here. Peace offering. I'm sorry if I did something na naka offend sayo." Sabay lapag niya sa isang box ng cinnamon roll na paborito ko. Napatulala ako dahil sa ginawa niya.
"Huwag mo naman gutumin ang sarili mo. I'm your best friend, Idahlia Renee. Fuck, kung nahihirapan ka na sabihan mo naman ako. Hindi yung kailangan ko pang malaman sa iba ang sitwasyon mo." Seryosong saad niya.
"H-hindi naman kailangan palagi dapat alam mo ang lahat sa akin. Salamat dito pero diet talaga ako." Mabilis kong ibinalik sa kanya ang box at tumalikod na pero mabilis niya ulit na hinigit ang palad ko.
"Hayaan mo na lang ako na ihatid ka."
"Hindi na. K-kaya ko—"
"Please..."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------