"Really. Eat all you can?" Unang saad ni Xander nang makita niya ang lugar na napagpasyahan namin na puntahan. Suggested ni Siena ito dahil nakita raw niya ito sa facebook at gusto niyang I-try. Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Xander nang tignan ko siya dahil sa nakikita niya ngayon. Honestly speaking, wala naman akong nakikitang masama ngayon puwera lang sa usok na nasa labas dahil sa barbeque na sineserve nila, ay mali kay Xander pala ay mali iyon since as per Sab, he is a neat freak.
Binalingan siya ni Siena at tinaasan ng kilay "Kung ayaw mo dito. Ayun po ang exit feel free to leave po." Saad niyahabang nakaturo sa may exit at nauna nang naghanap ng puwesto. Ako si Sab at Jhudielle ay sinundan na si Siena upang makaupo na. Sabay pa tuloy kami humigit sa upuan ni Jhudielle pero mabilis naman niya itong ibinigay sa akin at pumunta sa may tabi ni Sab. Nakita namin siya kanina habang palabas ng campus at magiliw naman siyang sumama sa amin dahil nagugutom na rin daw ito.
"Girl, ano ang iyo? Mukhang masarap itong seafood nila. Try natin, bet mo?" Siena commented while doing puppy eyes.
"Nag suggest kapa eh lahat naman sa iyo masarap." Natatawang saad ko kaya naman sinimangutan niya lang ako at binalingan si Jhudielle na inaayos ang mga utensils.
"Ikaw, Jhudielle girl. Gusto mo ng seafood diba? diba?"
Nahihiyang umiling si Jhudielle habang inilalagay niya sa harap ko ang kutsara at tinidor. Self service kasi rito base sa nakapaskil sa may counter.
"Hindi pwede eh. Allergic kasi ako sa seafood." Halos lugmok ang hitsura ni Siena at binalingan si Sab but Sad just raised her right eyebrow to Siena.
"I'm not a seafood person, sorry, girl." At tuluyan na ngang napaduko si Siena dahil sa narinig.
Natatawang nagtitingan kami nila Sab at Jhudielle.
"Bakit pa tayo pumunta rito!?" Naiinis niyang sabi.
"I love seafood." We were interrupted because of sudden relevation of Xander habang pinagmamasdan si Siena, nang mapabaling ako kay Siena ay halos gusto kong matawa sa reaksyon niya dahil halos magmukha ng kamatis ang mukha niya ngayon habang nakatingin din kay Xander. Hindi na ako magugulat isang araw ay siya naman ang mamomroblema sa sarili nitong love life. Oh well, it's her story to tell.
"It's settled then. You and Xander doon kayo sa seafood area." Ani Sab.
Tumango tango at inilibot ko ang paningin ko upang tanungin si Marcus kung ano ang nais nitong kainin. Nang saktong tatayo na ako para hanapin siya ay siya naman ang lapit nito sa akin habang may dala dalang menu at ibinigay sa akin.
"Where are you going?"
"Hahanapin sana kita. Anong gusto mo, mahal na hari?" I asked while scanning the menu. Parang gusto ko ng carbonara ngayon dahil natakam ako ng makita ko ang picture sa may menu.
"Carbonara."
"Good choice!" Mabilis na saad ko habang naka ngiti at tinapik tapik at kaliwang pisngi ni Marcus. I realized na ngayon ko na lang ulit nagawa ang gesture na ito simula nung mga bata kami. I was taken aback because of my realization and I immediately removed my hand.
"Why did you stop?" He asked. "Nakakahiya. Ang daming tao." Wika ko gamit ang maliit na boses.
"Pagdating sayo panget, wala akong ikinakahiya. Let's go get some food."
"Weh, di nga?" Balik na tanong ko. Huminto ito at humarap sa akin. Pilit kong itinatago ang pag asa na pwedeng makita sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Oo nga tara na, nagugutom na ako."
Habang papunta kami sa may section ng mga pasta ay nadaanan pa ng paningin ko ang pagtatalo nila Landon at Sab sa may chicken section. Napangiwi na lang ako nang makita kong mabilis na sinabunutan ni Sab si Landon, magmula nang makilala ko ang dalawang 'to, hindi ata nakakaligtaan ang magtalo sa isang araw.
"Gusto mo ba ng garlic bread?" Agaw pansin ni Marcus sa akin. Mabilis ko naman siyang binalingan. Halos manlaki ang mga mata ko ng halos umapaw na ang plato nito dahil sa carbonara.
"Okay lang. G-Gutom na gutom ka ba?" Sabay turo ko sa plato na hawak niya.
He sighed. "Baka kasi magkulang sayo. Ayaw kong mabitin ka."
"Ano!? Eh kahit naman gutom ako hindi ko pa rin mauubos yan."
"Edi ibigay mo sa akin." Aapela pa sana ako nang maunahan na niya ako sa pagkuha ng mga pagkain. Nakita ko pa na kumuha pa siya ng baked mac. Napailing na lang ako.
Halos sabay sabay lang kaming natapos sa pagkuha ng mga pagkain pero halos mapangiwi ako nang mahagip ng mga mata ko ang napiling pagkain ni Jhudielle na salad, mag eenjoy ba siya sa pagkain ng damo? Well, siguro sakanya ay superb yon.
"Ibang klase ka talaga Sienna. Mauubos mo yan?" Agad na tanong ko sakanya. Kung kay Jhudielle ay halos mapangiwi ako, kay Siena naman ay talagang nanlaki na ang mga mata ko sa nakikita kong mga pagkain niya, partida may hawak pa si Xander sa dalawang kamay niya.
"Oo naman. Syempre susulitin ko na no. Madalang lang naman tayo lumabas dahil busy na tayo sa school." May point.
Tumango tango lang ako at nagsimula na rin kumain dahil inilagay na ni Marcus ang pagkain na kinuha namin sa harap ko. Over all, worth it naman ang babayarin namin dahil masarap naman ang mga pagkain. Lalo na yung brownies na kinuha ni Sab.
"Sarap?" Napaigtad naman ako dahil sa gulat dahil sa biglang pagbulong ni Marcus sa tabi ko. Medyo dumistansya ako ng kaunti dahil sa kiliti na galing sa hininga niya.
"O-Oo. Gusto mo?" Sabay pakita ko sa kanya ng brownies na hawak ko. Tumango ito kaya naman tatayo na sana ako para kumuha ng brownies dahil dalawa lang ang kinuha ni Sab nang mabilis niyang kinagatan ang brownies na hawak ko.
He licked his lower lip before he commented. "Ang sarap nga." Then he smiled.
Oh Lord, please save my heart from falling so hard.
"Late na ba ako?" Biglang untag na sabi ng bagong dating.
"Oo gago! Ikaw na lang hinihintay namin para mailigpit mo na ang mga plato." Kantyaw ni Landon habang may toothpick pa ito sa bibig.
Mabilis kong binalingan si Jhudielle nang makilala ko ang boses at hindi ako nagkamali ng mabilis niyang nabitawan ang mga kubyertos na hawak hawak niya. Nasa harap ko siya at nakatalikod ako kay Trevor kaya tiyak na hindi niya pa nakikita si Jhudielle.
"Gago pre, tayong dalawa daw ang magliligpit dahil paniguradong marami ka ng nakain. Mabuti pa samahan mo muna ako kumuha ng foodies." Natatawang saad nito.
"Bakit ba inimbitahan mo pa yan?" Bulong ni Marcus sa tabi ko habang nakasimangot.
"Bakit ba ang init ng dugo mo sakanya?" Balik na tanong ko. Sinimangutan niya lang ako bilang sagot at inagaw sa akin ang juice na iinumin ko na sana kaya yung orange juice niya na lang ang kinuha ko.
"Aligid kasi ng aligid sa iyo."
"Natural. Kaklasi ko kasi siya." Makatotohanang saad ko, dahil yun naman ang totoo.
"Kahit na. Huwag ka pa rin didikit sakanya. Mukha siyang manyak, sige ka." Pangungumbinsi nito sa akin. Mabilis kong binalingan si Trevor na kumukuha ng pagkain. Nakailang balik pa ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay iiling, dahil hindi ko makita sa mukha niya ang sinasabing mukhang manyak ni Marcus.
"Alam mo sa iyo dapat ako hindi didikit eh, dahil napaka judger mo." Natatawang sagot ko.
"Subukan mo." Pananakot niya sabay punas niya sa gilid ng labi ko.
Wala na akong nagawa kung hindi ang mapasinghap sa bigla dahil sa ginawa niya.
"T-talaga!" I stuttered because of his gestures at mabilis na kinuha ang tinidor upang magkunwaring kakain ulit para lang maitago ang pagkapula ng mukha ko.
Bago ako sumubo ay inilibot ko muna ang panigin ko kung may nakakita dahil sa ginawa ni Marcus at sakto nang balingan ko na si Siena ay nakataas na ang kaliwang kilay nito habang nakangisi sa akin. Shocks, she definitely saw it.
"Thank you sa paghatid and pag cheer sa akin." I sincerely said. "Plus, sa paglibre sa amin as always." Dagdag ko habang natatawa.
"Alam mo naman na hindi na kayo iba sa akin. Para lang akong nagkapatid ng marami dahil sa inyo." He chuckled because of what he said.
Noon best friend ngayon kapatid naman ang turing mo sa akin? Baka sa susunod niyan eh, nanay na ang itawag mo sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapalabi dahil sa sinambit niya.
"Dapat pala ay kuya na ang itawag ko sayo?" I sarcastically said.
"Haha. Funny." I mimicked of what he said dahil hindi ko talaga tanggap ang turing niya sa akin as of the moment.
"Aww... Bakit ba ang hilig mong pitikin ang ilong ko?" Hindi ko mapigilang mapadaing kunwari dahil sa ginawa niya. Actually, hindi naman masakit feel ko lang talagang mag drama, dahil hanggang ngayon ay paulit ulit na naririnig ko ang sinabi niya kanina.
"Ang pabebe mo, panget. Pumasok ka na at baka hinahanap kana nila Tita." Tinulak na niya ako papasok.
"Wala ba akong good night kiss?" Huminto ako humarap sa kanya.
Hindi man halata pero muntik na akong matumba sa klase ng tingin na ibinibigay niya ngayon dahil sa intensidad, nagpadagdag pa sa pagiging seryoso niya dahil sa pagkakalagay ng dalawang kamay niya sa bulsa nito.
"Next time na siguro kapag ready ka nang tuldukan ang pagkakaibigan natin."
Matagal na matagal na akong handa, Marcus. Ikaw lang ang hinihintay ko pero magkaka apo na ata ako sa tuhod bago mo pa maisipang tuldukan ang pagkakaibigan natin.
"I'm ready." Bulong ko at alam kong hindi niya ako naririnig base na rin sa pagkakunot ng noo niya.
"Ano iyon, panget?" Agad na tanong niya.
"Mahal kita, Marcus." Bulong ko ulit. "Hoy, panget baka iniinsulto mo na ako diyan sa pabulong bulong mo, ah." Aniya.
Malakas ang loob ko dahil hindi niya ako naririnig pero sana ay nababasa niya sa mga mata ko ang nais kong iparating pero sadya atang pinaglihi ito ni Tita sa bato dahil hindi marunong makiramdam man lang.
Naka iling pa ito bago pumasok sa loob ng sasakyan niya dahil wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Ang sasakyan niyang saksi sa bawat araw na mapagtitripan niyang hawak hawakan ang mga daliri ko at paglaruan sa tuwing nababato siya sa pagdadrive. Those moments are just hard to forget especially when it was from him.
Natatawang naglakad ako papasok ng bahay dahil sa ginawa ko kanina. Kung sana ay naambunan ako ng lakas ng loob katulad nila Siena at Sab edi sana ay hindi ko namomroblema ng ganito para lang masabi ko ang tunay na nararamdaman ko kay Marcus. Wala eh, sadyang ipinanganak ako ni Inay na ganito, na maganda lang at walang lakas ng loob. Charot lang.
Habang papasok ay nakakarinig na ako ng nag uusap at mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil nakauwi na si Itay at maaabutan ko siya pero agad na nangunot ang noo ko nang marinig ko na parang nagtatalo sila ni Inay. Alam kong masama man ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko na naiwasan pa lalo na ng medyo tumaas na ang boses ni Inay. Sa katunayan ay madalang ko lang na marinig na magtalo sila ni Itay kaya nakakapagtaka at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo, Ramon eh!" Napaigtad ako ng muling tumaas ang boses ni Inay.
"Huwag kang maingay baka marinig ka ng mga bata." Awat ni Itay.
"Hindi ako sa mga anak natin ako tatanda ng maaga sayo kung hindi diyan sa pagiging bayani mo." Ani ni Inay at medyo naging malumanay na ang pag uusap nila.
"Alam mo naman na kailangan ako ni pareng Miguel. Ilang araw lang naman kaming mawawala at babalik din ako. Kung iniisip mo ang mga bayarin huwag kang mag alala, makikiusap ako kay pare para makahiram ng pera."
Doon na tuluyang napakunot ang noo ko. Hindi ko alam na namomroblema sila sa pera dahil sa tuwing binibigyan nila ako ng allowance ay minsan sobra pa sa dapat ang ibinibigay nila. Dahil sa nalaman ko ay napasandal ako sa gilid at binalot ako ng konsensya. Ako ang panganay pero ano ang laging nasa isip ko? Puro si Marcus at ang feelings ko para sakanya samantalang may dapat pa pala ako dapat na pagtuonan ng pansin tulad ng kung papaano makakatulong kila Inay at Itay.
Buti pa si Siena kahit papaano ay nakakatulong na ito sa tatay niya samantalang parehas lang kaming scholar pero nakakapaglaan siya ng oras para makatulong sakanila samantalang ako eh tanging si Marcus ang laman ng isip ko. Hindi ko sinisisi si Marcus dito dahil unang una ay hindi niya hiniling na magustuhan ko siya. Ako, ako lang talaga ang may problema.
"Huwag na, Ramon, nakakahiya na sakanila at ang dami na rin nilang naitulong sa pamilya natin. Ako na lang muna ang didiskarte para mabayaran ang kuryente at tubig ngayon dahil naubos nang pambayad ang binigay mo noong huli, sa tuition fee ni Rochelle at sa allowance nila Idahlia. Basta ang ipangako mo ay mag iingat kayo roon."
Wala na akong nagawa kung hindi ang mapayuko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Tila naging sampal sa akin ang mga narinig ko mula sa kanila. Ang lakas ng loob kong umalis alis at maglakwatsa samantalang may magulang akong hindi alam kung saan kukuha ng pantustos para sa amin.
"Salamat, ma, sa pag intindi."
"Hayaan muna at samahan mo na lang akong maghanda ng hapunan at tiyak na pauwi na ang panganay mo at siguradong gutom iyon."
Naramdaman ko ang pagpatak ng isang luha sa pisgi ko at mabilis ko itong pinahid at pilit na iniisip kung ano ang nagawa kong maganda noong nakaraang buhay ko para magkaroon ng ganitong klaseng magulang. Hindi man ako swerte sa pag ibig pero biniyayaan naman ako ng mapagmahal na magulang. Sorry Marcus, pero mukhang hindi pa ata ito ang tamang panahon upang malaman mo ang nararamdaman ko para sa iyo or kung malalaman mo pa.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! =>