Chereads / Twilight Promises / Chapter 15 - 14

Chapter 15 - 14

Tulad nang sinabi ni Marcus kagabi ay sa amin nga ito nag hapunan kaya imbis na ako ang bumili ng ulam ay nag insist ito na siya na lang daw. Hindi na ako umangal pa roon dahil masamang tumanggi sa grasya and knowing Marcus ay hindi ito papayag na ako ang magbabayad, ang reason niya? Pangit daw tignan sa isang lalaki na pinagbabayad ang babae pero nakakapagtaka dahil kapag si Sab ang magbabayad ay hindi niya naman ito pinipigilan at bakas sa mukha niya ang kasiyahan o baka kasi pinsan niya ito at alam niyang may kaya rin ito sa buhay?

Anong tingin sa akin ng mahal na hari, hampaslupa? Oh well, sa ngayon yun naman talaga ang totoo. Huwag kang mag alala Marcus, kapag ganap na akong isang teacher ay ako naman ang maglilibre sayo sa.... Date natin? Charot lang!

Pa charot charot lang eko pero sa totoo ay abot abot na ang kaba ko dahil second day na ng sports fest at ngayon na rin ako lalaban ng Archery. Palabunutan ang ginawa upang mabuo ang mga set ng mga players, by two ang magkakalaban at nang mabunot na ang para sa year namin ay ang student from College Law ang makakatunggali ko. Kumpleto sila Marcus para manood at naroon din si Jhudielle na nag good luck pa sa akin bago ako nag ayos. P.E uniform pa rin ang suot namin pero this time ay naka black shirt ako at hawak ko ang arm guard para suporta sa kanang braso ko.

Gusto ko pa sanang isuot ang salamin ko upang mas makita ko ang target kaso ang sabi sa amin ay bawal ang mga accessories at pinag pusod pa kami para raw walang sagabal sa mata namin. Bawat kalahok na natatapos ay mas lalong nagpapadagdag sa kaba ko at ng oras na namin para lumaban ay huminga muna ako ng malalim bago lumapit entablado na inilagay nila para sa mga kalahok.

"Panget."

"Yes, mahal na hari?" Tanong ko habang inaayos ko ang arm guard. Binigyan kami ng fifteen minutes para maghanda bago sumabak kaya naman puspusan ang dasal ko na sana ay wala akong magawang kakahiyan.

"Just do your best ah, panget?" Seryosong saad nito at inabot ang kaliwang palad ko.

"Ipagdasal mo na lang na sana manalo ako, mahal na hari. Ano iyan?" Natatawang tanong ko dahil masyado itong seryoso habang inaayos ang ano mang bagay na inilalagay niya sa daliri ko.

"Finger tab. It's your protection for blisters. Wala naman sa akin kung may mahawakan man akong mga kalyo sa kamay mo pero ayokong nasasaktan ang mga kamay mo and to think na hindi naman bukal sa loob mo ang sumali dito."

Wala na akong nagawa kundi ang mapasinghap ng tuluyan na niyang hinagod ang palad ko. It's so soothing and it makes me calm. Hagod lang pala ng isang Marcus King ang magpapatay sa nerbyos ko.

"T-Thank you." Mahinang usal ko dahil kahit binitawan na niya ang kamay ko ay pakiramdam ko hindi nawala ang paghagod nito.

He smiled genuinely. Thank you, Marcus, for showing up whenever I need you. Bago ako tuluyang nakalapit sa entablado ay siyang biglang sulpot ni Goldilocks, wala akong naging reaksyon dahil wala naman akong alam na sasabihin. Oh well, meron pala dapat akong ireaksyon dahil kung hindi dahil sa goldilocks na ito edi sana ay wala ako ngayon dito.

I restrain myself to roll my eyes because of her presence.

"May sasabihin ka ba pres? Dahil kung wala, maiwan muna kita riyan at oras na para lumaban." Saad ko at patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin, napakurap na lamang ako ng mga mata nang makita kong pinaikutan na naman niya ako ng mga mata. Ano na naman ang ginawa ko sakanya?

"Good luck, Idahlia Renee." Mahinang sambit niya.

"Ano iyon pres?" Kunwaring tanong ko. Ang totoo ay narinig ko naman talaga ang sinabi niya pero aasarin ko lang ng kaunti. Bayad na din niya no sa paglista niya sa pangalan ko ng walang abiso.

"Good luck okay? Good luck and sorry din if naging impulsive ako sa paglista sayo last month ng walang abiso galing sayo. It's just that...."

"It's just that...?" Tanong ko sa pambibitin niya.

"It's just that naiirita ako sayo dahil sobrang ganda mo. Alam mo iyon, anuman ang gawin mo maganda ka pa rin and plus the fact na laging naka buntot sa iyo si Marcus, si Marcus na anak ng may ari ng SCU. Plus, kinompronta niya ako dahil bakit daw kita inilista basta basta. Boyfriend mo ba siya?" Napatanga na lang ako dahil sa sinabi niya.

"I-I'm sorry kung napa feel ko sa iyo yun. H-Hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo sa akin pero I swear wala akong alam and hindi ko boyfriend si Marcus."How I wish, yes diba? Ang kaso hindi talaga eh.

"Look. Yan pa ang isa na nakakainis. Ang bait bait mo. Hindi lang ako makapaniwala na may klase ng babae na katulad mo ang nag e-exist. You're almost perfect."

I am not perfect as what you think, pres. Because if I'm perfect edi sana kami na ni Marcus. Kahit ako na ang pinakamaganda sa buong mundo pero bakit hindi ko pa rin maabot abot ang mahal na hari. Kahit ako na ang pinaka anghel sa buong mundo pero bakit hindi ako maka alis alis sa friend zone na inilagay ni Marcus sa pagitan namin?

Umiling ako bago sumagot sa sinabi niya.

"I have flaws too, pres. Hindi mo alam katalikod mo ay may nasasabi na ako sayo pero sa akin lang yun syempre, hindi pa naman ako umabot sa pinagkalat ko na ito sa ibang mga kaklase natin." Nakangiting sabi ko at doon for the first time in history ay nakita kong ngumiti rin sa akin si Goldilocks I mean si Mary Gold.

"May pagka pilya ka rin pala." Natatawang saad niya.

"Konti lang." Saad ko at natatawang napailing na lang ito. Nagpaalam na ako dahil kami na ang lalaban.

Pagkatungtong namin sa entablado ay todo hiyawan sila Sab. Sumilay ang ngiti ko nang makita kong todo cheering sila Landon habang si Marcus naman ay naka crossed arms ito habang deretsong nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang unang palaso. Nang makaharap ko ang makakalaban ko ay tila nais kong manliit sa determinasyon na nakikita sa mukha niya.

She has coca cola body and a body to die for, okay winner na siya pagdating sa pagandahan ng katawan at nang mapatingin siya sa akin ang buong akala ko ay ngingitian niya ako pero napangiwi ako nang bigla akong irapan nito. Okay, I think she's in a game mode.

Unang pana ay sa kabilang kampo ang swerte dahil naka limang puntos lamang ako samantalang naka siyam naman si sexy girl.

"Go, Dahlia ganda! Sayo ang boto ko." Biglang sigaw ni Trevor sa kabilang panig ng court. Nakakatawa dahil dapat sa Team Law ang boto niya pero ako ang pinag chicheer niya mas lalo tuloy akong inirapan ni sexy girl.

"Lagot ka, Gonzaga! Inaagawan mo ng spot light si King." Natatawang saad ni Landon sa may lugar ng mga Team Education. Dahil sa pang aasar ay nabatukan tuloy siya ni Marcus.

Nang dumating ang pangalawang set ay naramdaman kong naginhawahan ako sa mga pangyayari dahil sa amin naman tumapat ang swerte. Masayang napatingin ako sa gawi nila Marcus nang matyabahan ko ang bull's eyes, yes tatawagin kong tyamba dahil wala naman talaga akong talent pagdating sa Archery, narinig ko tuloy na umismid itong si sexy girl. Hindi naman kasi kalayuan ang pagitan namin.

"Yan ang Irene. Palaban!" Biglang sigaw ni Siena. Napailing na lang ako dahil sa hiya.

Sa huling set ng laro ay tinanggap ko na wala talaga akong swerte pagdating sa sports. Kung meron lang na competition na patagalan ng pagbabasa ng libro ay mabilis kong ililista ang pangalan ko pero pagdating sa sports ay talagang olats ako.

"And the winner is Team Law. Congratulations!" Anunsyo ng announcer.

No matter what happened, aaminin kong naging masaya ako sa kinalabasan. Not bad for the first timer, nang mailagay ko na sa lalagyan ang pana ay ako na ang kusang lumapit kay miss sexy upang batiin siya.

"Congratulations and salamat sa pagbibigay ng magandang laro." I sincerely said. Tumango lang ito at tumalikod na pero bigla rin itong humarap sa akin.

"Thank you. Nakakainis bakit sobrang ganda mo naman kasi?" Natawa ako dahil sinabi niya.

"Hindi naman ako kasing sexy mo." Sabay pa kaming natawa dahil sa sinabi ko, yun naman kasi ang totoo.

She smiled "See you around." Yun lang at pumunta na ako sa gawi nila Marcus. Nakita kong naglakad agad ito papunta sa may stage at inilalayan akong makababa.

"Sana pala ay inutusan kong I dare ka ni Landon para nanalo ka."

"At anong dare naman iyon?" I asked.

"Yung dare na binigay sayo kahapon. Oh diba, nanalo kana may kiss kapa." Agad ko siyang binalingan dahil sa suhuwestiyon niya.

"Asus. Ang sabihin mo gusto mo lang ma kiss niyan eh." I chuckled.

"Kung sasabihin kung oo. Pagbibigyan mo ba ako?" I stopped because of what he said. Is he joking right?

Nakailang kurap muna ako bago humarap sa kanya. It makes me speechless whenever he says something that can make my heart beating so fast. Tulad na lang ngayon, hindi ba niya alam na sa simpleng pagsasabi niya lang ng ganyan ay mas lalong nanganganib ang puso ko? Anong irereact ko? Hindi ko alam kung sasakyan ko ba siya o aarte ako na naiinis para hindi ako mahalata na kinikilig ako dahil sa sinabi niya?

"Damn. Forget it. Ayaw ko pang mawala ka sa akin."

What was that? Magsasabi siya ng mga bagay na magpapayanig sa mundo ko pagkatapos ay kakalimutan ko lang? Ganoon ba kadali yun? Nang makaalis siya ay tuluyan na akong napasimangot.

"Irene girl! Gosh, ang galing mo kanina. You're glowing when you were at the stage." Sab was giggling when she praised me. Hindi ko mapigilan ang uminit ang pisngi ko dahil sa papuri niya.

"Talo pa rin ako, girl. But I am happy." Makakatotohanang saad ko.

"Congratulations pa rin." Saad ni Xander habang nakangiti. Bihira lang ngumiti itong si Xander kaya napangiti na rin ako.

"Oo nga. Huwag mo nang isipin yung si sexy na taga Law. Naka tyamba lang naman iyon." We all laughed because what Landon said.

"Tara kain!"

"Katakawan mo na naman." Ani Xander. Inirapan lang siya ni Siena dahil sa sinabi nito.

"Wapakels." Yun lang sabay irap kay Xander at hinila na niya si Sab para makalabas ng gymnasium.

"Wala ka pala pre, eh. Wapakels." Rinig kong sabi ni Landon sakanya at sinundan na ang dalawa. Napailing na lang si Xander at sumunod na rin di kalaunan.

Habang si Marcus naman ay inaya na ako pero nang akmang lalakad na sana ako ay may biglang bumati sa akin dahilan upang umangat muli ang sulok ng labi ko.

"Nice game, Dahlia ganda."

"Talagang nice game. Nanalo ba naman department niyo." Saad ko. He laughed.

"Naka tyamba lang naman iyong si Maddie. Pero sayo pa rin ako."

"Nambola ka pa. Gusto mo bang sumama? Kakain lang kami saglit." Aya ko dahil nakakahiya naman kung aalis na lang ako bigla atsaka isa pa ay baka narinig niya rin ang pinag usapan namin.

"Sige ba!" Nagagalak niyang sabi at sabay na kami naglakad. Nang makaharap na ako sa may entrance ay nagulat ako nang makita kong naghihintay pa pala si Marcus at naka tingin sa amin ng seryoso.

"Bakit hindi ka pa sumunod kila Landon?" Tanong ko. He just shrugged.

"Saan mo gustong kumain? My treat." Nakangiting sabi ko at humawak sa may braso niya. I'm just happy because of the outcome of the play at isa pa ay thank you ko na rin sa kanila dahil sa pag chicheer nila sa akin kanina. Ang totoo niyan ay gustong manood nila Itay ang kaso ay masyado itong busy nitong mga nakaraang araw at halos madaling araw na rin ito nakakauwi kaya malaki ang pasalamat ko na andiyan sila Marcus para suportahan ako.

"Kahit saan." Saad nito at mas binilisan ang paglalakad, dahilan upang mabitawan ko ang braso niya. Ano na naman ang problema non? Nagkibit na lang ako at pilit na ngumiti kay Trevor nang hinarap ko siya.

"PM's na naman ata best friend mo?" I laughed because of what he said.

"Baka masama lang ang gising." Dagdag ko habang patuloy na sinusundan ang papalayong Marcus at halos mapaigtad ako sa biglaang harap niya sa amin.

"Panget! Ano diyan ka na lang ba?" Nakailang iling si Trevor habang tumatawa.

"Sige na. Una kana Dahlia ganda. Text mo na lang ako kung saan, sunod ako laters." Tumango lang ako at iniwan na siya. Halos takbo na ang ginawa ko upang makalapit sa gawi ni Marcus.

This is me when it comes to Marcus. Isang sabi niya lang ay agad akong napapasunod ano man ang sabihin niya. I can't help, it is like my everyday routine to be at his side. Alipin ako ng pagmamahal ko kay Marcus. Is this the love that what my Inay says to us? Is this the feeling of being in love?. Honestly says, I don't have any ideas. Marcus is the only man I allowed to invade my system effortlessly and will always be.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you =>