Habang tumatagal ang laro ay mas nag iinit ang pagitan ng dalawang kampo. Sa unang pagkakataon ay naka goal ang SCU malaking pasalamat kay Senior Jacob, nang maka goal ito ay laking gulat ko nang biglang sumigaw ang president namin na si Goldilocks sa may bandang itaas naming pero ang mas nagpalaki ng mga mata namin ay nang mag heart sign si Senior Jacob gamit ang dalawang braso na madalas makita sa mga kdrama at naka ngiting nakatingin kay Goldilocks.
Tignan mo nga naman kaya naman pala naging mabait ito sa akin nitong mga nakalipas na araw dahil may love life na ito, nang balingan ko ang dalawang katabi ko ay halos hindi maipinta ang mga mukha nila.
"Taken naman na pala crush niyo eh." Nakangising sabi ko sakanila at mabilis silang tumingin sa akin gamit ang matalim na titig at doon na ako tuluyang napatawa.
"Pa tawa tawa ka diyan eh yung crush mo malapit na rin maagaw sayo." Biglang saad ni Siena kaya naman daglian kong tinignan ang lugar ni Marcus.
"Wala sa field ang kalaban mo nasa gilid." Wala akong sinayang na minuto at mabilis kong inilibot ang paningin ko para hanapin ang kalaban.
Tignan mo nga naman talagang hindi papahuli itong babae na 'to. Kanina ay nabigyan na niya si Marcus ng tubig ngayon naman ay may pa tarpaulin pa siya. Pinaghandaan mo girl? Binasa ko ang nasa tarpaulin nito "Go go, Marcus! I love you!" What the hell?! Feeling ko hindi lang ang laro ang nag iinit kundi ang ulo ko rin. At ano raw I love you? The last time I checked ay single si Marcus!
Nagpadagdag lalo sa init ng ulo ko nang makita kong naagaw kay Marcus ang bola at dahil doon ay nadapa ito dahilan upang mapatahimik ang crowd, kilala si Marcus sa buong lalawigan dahil siya ang nag iisang anak ng mga King. Nakita kong iling iling si Marcus dahil sa nangyari at mabilis siyang nilapitan nila Xander at Landon. Dahil sa tindi ng inis ko dahil sa mga nakikita ko ay mabilis kong binitawan ang mga lobo na hawak ko at umakyat sa may barrier.
"Hoy, mahal na hari!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako ng ibang mga manlalaro at estudyante. Kailangan kong masermunan itong mahal na hari. Hindi ako papayag na maging kulelat ang laro nila. I know he is good. Nakita ko pa kung paano nanlaki ang mga mata niya nang tawagin ko siya. Pati sila Xander at Landon ay gulat na napatingin sa akin dahil sa pagsigaw ko.
"Anong hinihintay mo pasko!? Goal goal din pag may time!" Dagdag ko. Nang tumayo na ito ay seryoso lang niya akong tinitignan.
"Kapag daw naka goal si Marcus, ay ikiss mo raw siya!" Pang aasar ni Landon at tawanan lang ng mga estudyante at reklamo naman ang mga babae ang narinig ko. Masamang hinahamon ang mainit ang ulo.
"Oo ba!" Malakas na sagot ko at tuluyan nang naghiyawan ang mga estudyante, kabilang na sila Siena at Sab.
"Yown!" Natatawang sagot ni Landon at nakipag apir kay Xander. Nang tignan ako ni Marcus ay nginitian lang ako nito habang umiiling iling at pinagpatuloy na ang laro pero habang tumatakbo ito ay bigla itong nag finger heart sa gawi ko at kumindat at dahil sa ginawa niya ay muntik na akong nahulog sa barrier na tinutungtungan ko.
"Naks, sana all may finger heart sa crush nila!" Kumento ni Siena pero hindi ko na pinansin iyon dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa ginawa ni Marcus at dahil sa ginawa ko.
The things that you can do for the word love.
All one na ang score pero halos mag iisang oras na ang laro at kinakagat na rin ako ng mga lamok dito sa lugar namin pero bigla akong napaigtad nang nagsihiyawan ang mga estudyante ng SCU at nang tignan ko ulit ang field ay saktong naipasa ni Xander kay Marcus ang bola, feeling ko ay biglang nag slow motion ang paligid at ang tanging pagtalon ni Marcus ang nakikita ko, sinundan 'ko ang bola at halos pigil ang hininga ang ginawa ko dahil nakasalalay na dito ang final score ng SCU.
Kapag ito talaga ay hindi pumasok, ipapakain ko kay Marcus ang bola na gamit niya pero sadya atang makapangyarihan ang dare na iniwan ni Landon dahil bago matapos ang timer, ay siyang pasok ng goal sa net dahilan upang magsibabaan ang mga estudyante sa soccer field dahil sa pagkapanalo nila Marcus pero bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko at tila na estatwa ako dahil sa pangyayari, dahil ba tumatak sa akin ang sinabi ni Landon kanina na kapag naka goal si Marcus ay iki-kiss ko siya? Ito na yun, nanalo sila pero bakit kinakabahan ako na naeexcite?
Nang iangat ko ang mukha ko para tignan sila Marcus ay nakita kong papunta na ito sa gawi ko pero hindi nakaligtas sa akin si Suzane na magbibigay pa sana ito ng tubig kay Marcus pero umiling lamang si Marcus habang hindi ito bumibitiw sa tinginan namin. Nang tuluyan na itong nakalapit sa akin ay kinailangan pa nitong iangat ang ulo niya upang makita ako dahil may kataasan ang tinutuntungan ko.
What now?
"C-Congratulations mahal na hari." Nauutal na saad ko. Bakit ngayon pa ako kailangan mautal? Pwede bang bukas na lang?
"Thanks panget. Where's my kiss" Seryosong tanon nito.
"N-Nagbibiro lang si Landon kanina diba?" Tanong ko. His forehead ceased.
"I don't take bluffs especially when it comes to you, panget." Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya.
"O-Okay b-best friend kiss lang pala eh haha.." Kunwaring natatawang saad ko. Kailangan kong linawin kung anong klaseng date ang gagawin namin dahil baka umasa na naman ako sa wala.
Tinignan niya muna ako ng seryoso na parang nag iisip. Babawiin na ba niya ang dare? Kaya ayaw kong nag a-assume eh, ako lang ang talo bandang huli.
"Kalimutan mo na ang dare. Ang importante ay nanalo ka—" Hindo ko pa man natapos ang sasabihin ko ay naunahan na niya ako.
"Call. Huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina, ah panget." Saad niya at tinulungan na niya akong bumaba sa bleachers. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya, kinakahiya niya ba ako?
Aapela pa sana ako dahil sa sinabi niya pero naunahan niya akong nagsalita ulit. Kailan ba niya ako papatapusin sa sasabihin ko?
"Baka dumami pa lalo ang manliligaw mo at mas mahihirapan akong itaboy sila." What?!
"Bakit mo ba sila pinipigilan, hindi naman ikaw si Itay. Gusto ko na rin kaya makipag date tulad ni Sab." Saad ko at inabot sakanya ang towel na nasa bag ko. Mabilis naman niya itong kinuha at ipinunas sa mukha nito at mga braso habang naglalakad papunta kila Landon.
"Ako na lang ang I date mo."
"Bakit hindi si Suzane na lang ang I date mo?" Labas sa ilong na sabi ko. He just chuckled at inakbayan ako. Nanuot tuloy sa ilong ko ang amoy niya, hindi siya amoy pawis kundi ang pabango nito na kumapit na ata sa balat niya. Ganun ba talaga kapag anak mayaman kailangan ang pawis din ay amoy mayaman?
"Bakit ko siya Ide-date eh hindi naman siya ang gusto 'ko." Turan nito at pumunta na ito sa gawi nila Landon at iba pang miyembro ng soccer team.
Sino ang gusto mo?! Yan sana ang gusto kong isigaw ulit sakanya pero natutop na lang ako nang makita ko ulit ang ngiti ng isang mahal na hari. Gustong gusto kong itanong sakanya kung sino ang gusto nito pero nandoon ang takot ko na baka kapag narinig ko ang sagot nito ay baka tuluyan na akong lumayo sa kanya. How funny, na ang dating bata na inuutos utosan ko lang noon ay siya ng may kakayahan na pasunurin ang puso ko ano man ang sabihin nito.
"Let's take a picture!" Masayang wika ni Sab habang hawak nito ang latest phone na uso ngayon.
Mababakas sa mukha ng bawat estudyante ang pagka proud dahil sa pagkapanalo nila Marcus kaya ako rin ay nahawa na. Isa isang pumwesto ang mga players kasama ang coach nila Marcus at nakangiting tumingin sa camera. Pagkatapos ay nagkanya kanya nang nag sipag selfie ang mga players. Si Landon naman ay nag request na kaming anim naman daw. Mabilis akong napabaling sa gawi ni Marcus nang makita kong nakamasid ito sa akin, agaran naman niyang iniabot sa akin ang kamay nito upang lumapit sa lugar nila. Nang mahawakan ko ang palad nito ay bigla na lang kumunot ang kilay nito.
"Anong nangyari dito?" Tanong niya habang pinapadaan sa daliri nito ang benda na nakabalot sa kamay ko.
"Ah nagkapaltos lang dahil sa pagpapractice." Agaran na sagot ko at inagaw na sakanya ang kamay ko. Bawat hagod kasi ng daliri niya sa palad ko ay siya namang bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Gusto mo ba pumunta ng clinic para malagyan natin ng ointment?" Bulong niya habang pumepwesto kami. Nasa may dulo kami habang si Landon at Sab naman ay nakaupo.
"Hindi na mahal na hari, paltos lang naman ito malayo sa bituka." Natatawang saad ko. Sige pa Marcus, hulog na hulog na ako.
"Sabagay. Ano man ang nasa kamay mo ay hindi pa rin ako magsasawang hawakan yan." Simpleng sabi niya.
Bawat salita, bawat letra ay tumatatak sa isip ko ang mga sinasabi niya. Konti na lang, Marcus malapit ko nang sirain ang pagkakaibigan natin.
"Guys, smile!" Biglang sigaw ni Sab.
Ngumiti ako habang malakas ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya kanina pero hihimatayin na ata ako nang bigla na lang niya akong halikan sa pisngi. Alam ko tapos na ang picturan pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako dahil sa paghalik niya sa pisngi ko.
"Hind ka marunong tumupad sa dare kaya ako na lang. Salamat sa pag cheer sa akin kanina. You're the best, panget ko." Bulong nito at pumunta na sa gawi nila Landon dahil tinawag na sila ng coach nila.
Natapos ang unang araw ng sports fest sa isang cheerdance nila Suzane. Kahit naman na patay na patay itong si Suzane kay Marcus ay hindi maikakaila na talented naman ito pagdating sa cheerleading. Kaya okay lang, susuportahan ko siya today dahil hinalikan naman ako sa pisngi ni Marcus. Sa sobrang tuwa ko ay papalakpakan ko pa siya.
Nang matapos sila Suzane ay pinuntahan kami nila Marcus at sinabing may pa dinner ang coach nila. Gusto pa sana sumama nila Siena, si Siena talaga basta pagdating sa pagkain ay kahit saang lupalop mo siya dalhin ay tiyak na sasama ito ang kaso ay pinapauwi na siya ng ate niya habang si Sab naman ay may practice pa ng Mr. and Ms. Intrams sa college department na idadaos sa huling gabi ng sports fest. Akmang sasagot nasana ako upang tumanggi dahil nahihiya ako sa mga kasamahan niyang manlalaro ay siya namang biglang tunog ng cellphone ko.
"Inay.." Sagot ko.
"Anak nasaan kana? Pwede bang makadaan ka sa may talipapa para bumili ng mauulam. Parang gagabihin ata ang Itay mo ngayon."
"Ah sige po. Ako na ho ang bahala sa uulamin natin ngayon." Sumagot lamang si inay ng oo at ibinaba na niya ang linya.
"I guess, hindi ka rin pwede ngayon." Ani Marcus sa likod ko. Inilagay ko muna sa bulsa ang cellphone ko at nakangiting tumango.
"Ayaw mo nun wala kang buntot ngayon." Biro ko.
"Tch."
"Sige una na ako. Bukas na lang ulit. Enjoy." Paalam ko. Sana pala ay nakisabay na lang ako kay Siena pauwi para may kasama ako kahit papaano.
Tumango lang ito at tumalikod na ako. Ramdam ko ang ihip ng hangin sa paligid dahil nasa gitna kami ng soccer fied. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan alalahanin ang mga nangyari ngayon. Tiyak na pupunuin ako ng asar ni Siena nito bukas dahil sa mga pinag gagawa ko at alam ko rin na nakita niya ang paghalik sa akin ni Marcus sa pisngi base na rin sa ngisi sa mukha niya kanina nang magpaalam sila ni Sab.
Speaking of halik, habang naalala ko ang tagpo na iyon ay mas nadaragdagan lamang ang pag asa ko na balang araw ay makakalabas rin ako sa pagiging friend zone pero kung anong ikinataas ng pag asa ko ay agad rin itong bumabagsak sa tuwing naalala ko na pwede rin na friendly kiss rin iyon, at isa pa ay dare iyon pero isipin mo kung friendly kiss man iyon edi sana si Siena rin ay dapat hinalikan niya diba? Bahala na, basta masaya ako ngayon. Saka ko na iisipin ang pwedeng mangyari atsaka sabi nga ni Sab ay dapat matutuhan ko din ipakita at sabihin ang nilalaman ng damdamin ko.
Kung sino man ang nakakakita sa akin ngayon ay tiyak na iisipin na nasasapian na ako ng kung ano dahil sa ngiti ko. Shocks ka talaga mahal na hari! How to unlike you po?
Dahil sa paglipad ng iniisip ko ay hindi ko na nakita na ang maliit na harang palabas ng soccer field at nag derederetso ako pahulog sa lupa pero bago pa mangyari iyon ay may humila na sa kaliwang kamay ko upang mapigilan ako sa kakahiyan na pwedeng mangyari sa akin.
"Got you, panget." Natatawang saad niya. Tiyak na nakita niya ang katangahan ko kanina. Yan, Irene. Marcus pa more. Sermon ko sa sarili ko.
"A-Anong ginagawa mo rito? Diba aalis pa kayo?" Sunod sunod na tanong ko kay Marcus habang bitbit nito ang varsity bag nito.
"Ah si coach? Sabi ko pass muna ako." Simpleng sabi niya lang at kinuha na sa akin ang bag ko.
"H-hindi ka sasama?" Wika ko. Umiling lang ito.
"Yup. Mas gusto ko pa kumain sa inyo kesa sa labas. Wala pa sila mom sa bahay eh. Let's go?" Yun lang ang sinabi nito at naglakad na kami.
"T-Thank you pala sa pagsalo sa akin kanina." He just chuckled. Nakakatawa ba talaga ang hitsura ko kanina?
"Anytime. Ako lang ang pwedeng sumalo sayo, panget." Sinimangutan ko siya dahil sa sinabi niya.
"Ang kapal mo po mahal na hari."
He just chuckled because of what I said. I am more than happy today. Not bad for the first day of the sports fest. May pahalik na nga sa pisngi tapos makakasama ko pa siya sa dinner tonight. What else can I wish for? Two strikes. Sorry, Suzane. Charot!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! :)