Chereads / Twilight Promises / Chapter 13 - 12

Chapter 13 - 12

Sports festival. Isa sa mga sa school activities na pinaghahandahan ng mga estudyante ng SCU. Last month nag announce ang president ng student council, na kailangan lahukan ang mga sports na hinanda nila at dahil masyadong pabida itong class president namin na si Goldilocks ay ako ang inilista niya na maglalaro ng archery sa class namin.

Hindi 'ko alam kung ano masamang hangin ang umihip sa utak ng president namin at ako ang inilagay niya sa sport na 'yun. Badminton nga hindi ako naglalaro, archery pa kaya at noong tinanong 'ko siya kung bakit ako ang inilagay niya, ang isinabi niya lang ay "wala, trip ko lang." napatanga na lamang ako dahil sa sinambit niya.

Ramdam 'ko ang tagaktak ng pawis 'ko na walang humpay sa pagtulo dahil sa pagpapractice 'ko ng Archery. Kasalukuyan akong nasa likod ng gym dahil masyado ng maraming estudyante ang nagpapractice sa loob, kabilang na sila Suzane para sa cheerdance at ang mga basketball players. Hindi 'ko mapigilan ang mainis sa tuwing aasintahin 'ko na ang pana 'ko ay ang mukha ni goldilocks ang naiisip 'ko, tuloy ang mukha niya ang naiisip 'kong target. Saan naman kaya niya nakuha ang ideya na ako ang ilalaban niya sa archery.

Halos tatlong linggo na rin akong nag papractice at napapatalon ako dahil sa tuwa tuwing may tumatamang pana sa target na nakapaskil sa may puno, tela muna ang ginagamit 'kong target dahil masyadong malaki ang target board at hindi ko madadala iyon dito sa likod dahil nasa loob ito ng gym. Okay lang naman iyon atlis kahit saan ay madadala ko ito, ang problema nga lang ay halos himatayin naman ako sa init ng panahon.

"Taray, ang galing mo na."

Napalingon ako sa bagong dating. Si Siena na may dalang pineapple juice. Ngumiti ako nang makita ko siya at iniligay ko muna sa may bench ang pana na hawak ko at ang mga ilang arrows.

"Ako pa ba." Birong sabi 'ko.

"Yabang. Oh, pinabibigay ng mahal mo." Sabay abot niya sa akin ng juice. Nagtataka ko siyang tinignan. Pinaikutan niya muna ako ng mga mata bago sumagot.

"Galing sa mahal na hari mo." Sambit niya.

"Ah..." Mabilis 'ko itong kinuha at nakangiting uminom.

"Baliw ka na. Juice lang yan oy. Baka kapag puso na niya ang ibinigay niya sayo ay sa mental na tayo magkita."

"Grabe ka naman." Sabay hampas ko pa sakanya kunwari at todo ang ngiti.

Wala nang nagawa si Siena kung hindi ang mapatanga dahil sa inakto ko. Kahit kailan talaga eh nakakatawa ang ekspresyon niya sa mukha kapag kunwaring kinikilig ako kay Marcus.

"Malala kana, kaibigan." Sabay iling nito at umalis na.

"Wait lang, huy!" Natatawang saad ko. Nakita ko pang lumingon ito uli sa gawi ko at mas lalo niyang binilisan ang lakad nang makita nitong nakasunod ako sakanya.

I guess that's all for today.

These past few weeks ay puspusan ang paghahanda ng mga estudyante ng SCU dahil sa sports fest.. Habang nagsasalita ang president ng student council ay hindi ko maiwasan ang mapadaing dahil sa mga paltos na nakuha ko dahil sa pag eensayo nitong mga nakaraang araw, sana lang talaga ay matapos ko ang laro ng maayos.

Hindi rin kami masyado nagkikita ni Marcus dahil sobrang busy nito sa practice at sa pag oorganize ng sports fest kasama ang ibang miyembro ng Student council. I glanced at Marcus, masyadong seryoso ang hitsura niya ngayon. Kung hindi magsasalita itong si Marcus, aakalain mong parang napakalaki ng galit niya sa mundo pero kabaligtaran iyon sa pag uugaling meron siya sa totoong buhay. Isa sa mga katangian kung bakit patay na patay ang puso ko sakanya. Boom panes.

"I hope you enjoy the rest of the programs that we have prepared for all of you. That's all and thank you."

Nakangiting sabi ni Senior Jacob at sabay sabay na nagpalakpakan ang mga estudyante kabilang na si Sab at Siena na halata ang paghanga sa kanilang mukha habang nakatingin ang mga ito kay Senior Jacob.

"Laway niyo tumutulo na." Biglang sabat ko na siyang nagpagulat sa dalawa.

"Irene girl. Look at him. He is so pogi kaya." Saad ni Sab at patuloy pa rin ang pagsunod nito ng tingin sa papalayong Jacob. Makalaglag panty man ang kagwapuhan ni Senior Jacob pero mas pipiliin ko pa rin na ang dahilan ng pagkahulog ng panty ko ay si Marcus. Charot.

"Ay nako Sab girl. Hindi niyan maaapreciate ang kapogian ni Senior Jacob. Ang crush niyan ay ang pin—"

Hindi na natuloy ni Siena ang anuman ang sasabihin niya dahil mabilis 'kong tinakpan ang bibig nito. Masyadong madaldal ang babae na 'to, kailangan pigilan.

"Ohh... Irene girl no need to hide, I already know na you like Marcus, right?" Inosenteng tanong ni Sab and this time ay ako naman ang napatanga dahil sa sinabi nito.

"P-paano mo nalaman?" Mahinang usal ko at napayuko na lang dahil sa hiya.

"Irene girl, you're too obvious, even Landon and Xander know that you like him."

Awtomatikong napaangat ako ng ulo dahil sa sinambit niya. "What?!"

"Yes, pero hindi ko knows kung ramdam ni Marcus, manhid naman ata ang pinsan kong iyon." Saad niya habang tumatango tango si Siena.

"Sinabi ko na sakanya na try niyang umamin sa pinsan mo, malay mo diba same sila ng feelings." Dagdag ni Siena.

"No! Kaibigan niya lang ako." Mabilis naman na sagot ko.

"Correction. Best friend." Pagtatama ni Siena.

"Are you afraid of rejection?" Biglang tanong ni Sab na siyang nagpahinto sa akin. Sasagot na sana ako pero kusa akong napahinto dahil wala akong alam na isagot.

Takot nga ba ako na hindi ako tanggapin ni Marcus bilang isang babae?

"P-pinaparamdam ko naman na may gusto ako sakanya." Mahinang usal ko.

"That's not the question and girl, yes action speaks louder than words but actions without words are misleading and confusing."

"Confess confess din pag may time malay mo magkajowa ka na." Biro ni Siena pero sinamaan lang siya ng tingin ni Sab nang makita niyang wala akong reaksyon.

"I'm not saying na hindi tama ang ginagawa mo. It's your love life and you can do what you want. What I mean is, we are not in the old time anymore. Hindi kabawasan sa pagiging isang babae ang pagsasabi ng totoong nararamdaman. Remember, Suzane girl?" Mahabang sabi ni Sab.

"Ah! Oo yung nag confessed kay Marcus last year? Kita ko nga nun na parang kinilig si Marcus sa ginawa niya eh." Mabilis akong napabaling sa gawi ni Siena dahil sa sinabi nito.

"What? Yun naman talaga ang nakita ko nun." Seryosong saad niya.

"Look at her. Malaya niyang nagagawa ang gusto niya dahil una pa lang ay sinabi na nito ang nararamdaman niya kay Marcus. You're lucky, Irene girl. The feeling is not mutual." Bawat salita ni Sab ay may punto.

"Should I confess?" Nahihiyang saad ko gamit ang maliit na boses.

Nang itanong ko iyon sa kanila ay napaikot na lamang sila ng mga mata dahil sa tinanong ko.

"I just confessed to senior Jacob last month." Sab abruptly said habang nilalaro ang kuko nito.

"Ano?! Diba sabi ko sabay tayo!" Biglang angal ni Siena.

Really? Sana all diba may lakas ng loob na umamin sa mga crush nila.

"You're so mabagal kaya, Siena girl."

Yun lang ang sinabi nito at binalingan ako habang si Siena ay may mga ibinubulong sa tabi namin na ano raw ang mga pwedeng gawin sa pagcoconfess kay Senior Jacob.

"You're gorgeous, Irene. You're almost perfect. I should be envy to you pero kahit kailan ay hindi mo ipinaramdam sa akin na mas maganda ka and that is one of your traits that I love the most. Bato na lang ata ang hindi magkakagusto sa isang katulad mo." Sincere na sabi ni Sab at nginitian ako.

"But I am not honest as you." Buwelta ko.

"Maganda ka pa rin ano man ang gawin mo." Singit ni Siena habang nakatulala sa kung saan.

Natawa na lang kaming dalawa ni Sab at sinundan ko ang tinitignan nito. Si Senior Jacob pala kasama ang ibang mga officers. Nang balingan ko ulit si Sab ay wala na ito sa harap ko. Muli kong inilibot ang paningin ko at halos mapailing na lang ako nang makita ko itong kausap na niya si Senior Jacob.

"Ang smooth, ano?"

"Sobra." Sagot ko habang pinagmamasdan ang kinikilig na Sab.

Hindi naglaon ay sumunod din si Siena sa lugar nila senior Jacob. Walang mali sa tinanong ni Sab kanina. Oo, takot akong mareject, I am not confident. I keep on saying aakitin ko siya pero takot naman akong sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya at kapag nakakagawa si Marcus ng mga bagay na ikakaselos ko ay ako pa ang galit samantalang wala namang mali sa mga ginagawa niya. Hay, sana kasi naging katulad din nila ako Siena at Sab na walang kinatatakutan lalo na sa pagsasabi ng totoong damdamin.

Pagpatak ng alas kwarto ay pinatawag na ang mga estudyante upang manood ng soccer, kabilang sila Marcus, Xander at Landon sa mga maglalaro. Bawat year ay naka color coding sa P.E uniform, dahil nasa ikalawang taon na kami ng koloehiyo ay color yellow ang sa amin. Sa aming tatlo ay si Sab lang ang tanging nagmukhang dadalo ng isang runaway dahil sa galing nitong bagayin ang P.E uniform ng SCU, katulad sila ni Marcus na anuman ang suotin ay magmumukha pa rin itong mamahalin. Ako at si Siena ay parang basta na lang isinuot.

Inumpisahan ang laro ng isang doxology na pinangunahan ng choir ng SCU at sinundan ng pambansang awit ng pilipinas. Ang Soccer field ng SCU ang gagamitin ngayong taon dahil kami ang nanalo last year at ang makakalaban nila ay ang team ng kabilang university dito rin sa lalawigan. Nang pumasok na ang kabilang team ay isang malakas na sigaw ang nagpabingi sa amin. Nang oras na nila Marcus ang pumasok ay halos hindi na ako nakasigaw dahil napatulala na lang ako nang makita ko siya. Suot suot nito ang uniform nila pero mas lalo lamang nitong pinatingkad ang kaputian na taglay nito. Kulay asul kasi ang sakanila habang ang sa kalaban ay color green.

Nasa may ibabang parte kami nila Sab kung saan abot na abot namin ang mga players at ang mga cheerleaders kabilang na si Suzane na isa ata sa mga may malakas na boses sa pag chi-cheer sa team nila Marcus. Nang mapatingin ako sa gawi ni Marcus ay napasinghap ako nang makita kong seryoso itong nakatingin sa akin. Alam kong sa akin siya nakatingin dahil nang taasan ko siya ng isang kilay ay sumilay ang nakakasilaw nitong ngiti. Damn his smile. Narinig ko tuloy ang hagikgikan ng mga katabi kong cheerleaders na nginitian daw sila ng mahal na hari. Sorry, girls.

Sa unang set ng laro ay naging maalat sa amin ang goal dahil mukhang pinaghandaan ata ito ng kabilang kampo. Hindi maikakaila ang taglay na gilas nila. Si Xander at Landon ay laging naagawan ng bola. Halos magmura na nga sila Sab at Siena dito sa tabi ko sa tuwing naaagaw sa amin ang bola. Ng dumating ang fifteen minutes break, tanging pagtingin lang ang nagawa ko kay Marcus dahil may barrier na nakaharang sa soccer field kaya halos mandilim ang paningin ko nang pagkatapos ng isang set ng cheerdance nila Suzane ay malaya nitong nabigyan ng tubig si Marcus. Wala ng nagawa si Marcus kundi ang ngitian si Suzane at tinanggap ang bote ng tubig. Paliguin ko sila riyan eh!

"Mukhang mas naunang naka goal sayo si Suzane, girl. Baka gusto mong itaas mo ang bandila mo." Bulong ni Siena sa tabi ko habang tumatawa.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------