Chereads / Twilight Promises / Chapter 12 - 11

Chapter 12 - 11

"Kuya pabili po ng isang pineapple juice."

Nakangiting sabi 'ko kay kuya na nagtitinda ng mga refreshments sa isang stall na tabi ng cafeteria. Kasalukuyan kaming naka break kaya napagpasyahan 'kong lumabas muna ng room para mag isip isip 'kung ano ang gagawin 'ko kung sakaling magkita kami ni Marcus. Shocks, ano man ang gawin 'ko ay tiyak na magkikita pa 'rin kami.

Kaninang umaga habang papasok ako ng room ay nakita 'kong kasama na naman niya ang babaeng nakatabi niya. Ang pangalan niya pala ay Judielle, si Trevor ang nagsabi sa akin dahil bigla siyang natawa nang tinawag 'kong babae si Judielle, ano naman ang masama doon diba? Hindi 'ko naman kasi talaga alam ang pangalan niya atsaka wala akong balak na alamin ang pangalan niya.

Chill, that was a joke.

"Heto na ang pineapple juice mo miss. Balik ka ah." Saad niya at nginitian ako. I nodded as a response and gave my payment.

Hindi 'ko na dinala ang jacket 'ko paglabas kanina dahil tirik na tirik ang araw. Ngayon 'ko ramdam ang climate change na madalas sabihin ni Rochelle sa tuwing nag rereklamo ito dahil sa init ng panahon. December na pero pakiramdam 'ko ay hindi umalis ang summer dahil sa tindi ng init. Ang tanging pinagpapasalamat 'ko na lang talaga ay maraming puno ang naka kalat sa buong campus ng SCU, kahit papaano ay may sariwang hangin ang nalalanghap ang mga estudyante at nababawasan ang init sa kapaligiran.

Ng makahanap ako ng mauupuan ay napag desisyunan 'kong dito na 'lang ako magpapalipas ng oras habang hinihintay na matapos ang break. Siguro kung nagpapansinan kami ni Marcus ay paniguradong sasamahan 'ko siya kung saan man niya gustong pumunta, pero madalas ay laman 'lang kami ng cafeteria kaya hindi muna ako pumunta doon dahil paniguradong nandoon ang mahal na hari, baka nga kasama na naman niya si Jhudielle. I sighed.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni 'ko ay may nahagip ang dalawang mata 'ko na tatlong estudyante, nang makita 'ko ang ginagawa nila ay hindi ako nagdalawang isip na lapitan ang mga ito. Noong una ay hindi pa nila napapansin na nakalapit na ako sakanila 'kung hindi pa natapat sa akin ang pinaglalaruan nilang lata ng softdrink. Sabay sabay silang napatingin sa gawi 'ko habang seryoso 'ko silang pinagmamasdan. Halata sa mga mata nila ang gulat nang makita nila ang ID ko.

Base sa hula 'ko ay nasa huling taon na sila ng high school. Ang lalaking may kayumanggi ang kulay na lalong nagpadagdag sa kagandahan niya bilang isang lalaki ang siyang unang nakabawi sa gulat, habang ang isang payat na may magandang kutis ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Samantalang ang lalaking may bilugang mga mata ay nakita 'kong unti unti ng tumatakas kaya mabilis 'ko siyang sinamaan ng tingin na siyang nagpahinto sa ginagawa niyang pagtakas.

"A-ano s-senior, inaayos lang namin ang m-mga b-basura." Nauutal na sabi nang may maputing kutis.

"H-he's right p-po." Sabat naman nang may kayumangging kutis.

Mas lalo 'ko lamang silang tinignan nang seryoso dahil sa mga sinasabi nila. Muntik na akong mapatawa nang makita kong halos manginig na sa takot ang dalawa samantalang yung may bilugang mata ay hindi alam kung saan niya ibabaling ang mga mata nito.

"G-guys, I think we're doomed." Mahinang bulong nito.

"S-senior, huwag niyo po kaming isusumbong kay Kuya Marcus..." Pakiusap ng may maputing kutis.

Marcus?

"Tama ba ang ginagawa ninyo?" Tanong ko. Sabay sabay na umiling ang tatlo.

"Sa susunod na makita 'ko pa kayo na hindi nagtatapon ng basura sa tamang basurahan ay deretso na tayo sa guidance. Nag kakaintindihan ba tayo doon?"

"Yes, ma'am!" They said in unison. Tumango 'lang ako sa sinabi nila at nag uunahan na sila sa pagtakbo.

Ang mga kabataan talaga ngayon.

"Feeling teacher kana?"

I rolled my eyes when I heard goldilocks voice. Ano ginagawa nito dito?

"Ah hindi naman, pres. Nag pa-practice lang. Wanna try?" Alok 'ko sabay harap sakanya. Inismiran niya muna ako bago sumagot. Attitude talaga 'to.

"No, thanks. By the way, ikaw na lang ang pumunta sa room Student council at humingi ka ng listahan kay Senior David kung ano ano ang mga sports na sasalihan." Utos niya. Hindi na ako naka angal pa ng bigla na lang ito umalis.

Ang ending, imbis na nagpapahinga ako ay heto ako ngayon papunta sa room ng student council. Hindi naman kalayuan ang room nila kaya hindi ako natagalan at dumeretso na ako sa loob dahil lagi naman may nagtatao dito sa tuwing pinupuntahan 'ko si Marcus.

Buong akala ko ay ang president at vice president ang madadatnan ko pero hindi na ako nakapaghanda ng si Marcus ang bumungad sa akin, huli na para lumabas dahil sabay kaming nagkatinginan dahil sa biglang pagpasok ko. Napahawak na lamang ako sa bote ng juice ko dahil sa bigla.

He is arranging some papers on his table habang nakakunot ang noo nito, kaya lumapit na ako papunta sa kanya upang marinig niya ang sasabihin ko. Tumikhim ako para makuha ang pansin niya.

"What do you need?" He asked at humarap sa akin.

"A-ano u-uhm.. "

What the heck. Why am I stuttering?

"Ano iyon, Irene?" Tanong niya ulit at tumayo na ito papunta sa akin. I gasped, dahil hindi 'ko alam ang gagawin ko kung aatras ba ako or what?

Kalma! Best friend mo yan! Paalala 'ko sa sarili 'ko. Best friend nga lang ba?

"P-pinapatanong ng president namin 'kung ano ano ang mga sports na kailangan salihan para sa sports festival." Deretsong sabi 'ko.

He chuckled. May nakakatawa ba ah, mahal na hari?

"Ang akala ko ay ano na." He turned to get something.

"Nag merienda kana ba?" Sabay abot niya sa akin ng listahan ng mga kailangang salihang mga sports.

"Hindi pa." Saad ko na parang natural na sa akin ang sagutin ang tanong niyang iyon. Huli na para bawiin 'ko.

"Ako 'din."

"Bakit hindi ka pa kumain sa cafeteria?" Tanong 'ko pagkatapos ay sumimsim sa juice.

"Wala ka eh. Pinuntahan kita sa room niyo kanina pero lumabas ka raw, wala ka din naman sa cafeteria kaya dumeretso na lang ako dito."

"Tara. May oras pa naman." Yaya ko.

"Are you still mad at me?"

Saglit 'ko siyang tinignan bago sumagot. Alam 'ko sa kaibuturan ng puso 'ko na hindi 'ko siya matitiis.

"Hindi naman ako nagalit sayo. Nainis lang, dahil sa inasal mo noong nakaraan. Hindi magandang tignan sa isang miyembro ng student council ang ganoong asal. Kaibigan 'ko rin naman si Trevor at wala namang ginagawang masama yung tao." Saad 'ko.

Matagal niya akong pinagmasdan bago sumagot.

"I'm sorry and thank you for always correcting me when I'm wrong." He sincerely said.

"What friends are for, right?" Labas sa ilong na biro 'ko.

"I disagree." Biglang nag seryoso ito nang banggitin niya iyon.

"Huh?"

"Best friend, Irene. Bestfriend." Pagtatama niya.

Ngumiti lang ako bilang sagot at lumapit na siya sa akin at inakbayan upang makalabas na kami.

"So... Who is Jhudielle?" Mahinang tanong ko. He looked at me with playful look.

"I thought you're not gonna ask."

I just made a face because of what he said.

"Jhudielle is like my sister. Inaanak siya ni daddy at siya ang madalas 'kong kasama sa San Francisco kapag umuuwi kami roon. She's nice. Tiyak na magkakasundo kayo."

Hindi 'ko alam kung bakit naging masarap sa pandinig ko ang mga narinig ko mula sa kanya. I think I shoud be friends with Jhudielle, right? Charot.

"Buti dito na siya nag aaral?" I asked. Bakit ba ang chismosa 'ko?

"Ang sabi niya ay may biglang nangyari kaya kinailangan niyang umuwi 'rito. Hindi ko na inalam ang dahilan dahil parang iwas siya sa topic na 'yon." Saad niya.

Tumango tango ako bilang sagot at napansin 'kong malapit na kami sa may cafeteria. Habang naglalakad ay may biglang tumawag sa pangalan niya at ng makilala 'ko ang babaeng tumawag sa kanya ay pakiramdam ko biglang sumama ang ihip ng hangin.

"Hi Marcus!." High pitched na bati ng babae.

"Suzane." Nakangiting bati rin ng mahal na hari.

Inilagay muna ni Suzane ang mga ilang hibla ng buhok nito na kumalat sa mukha nito sa gilid ng tainga niya bago nagsalita.

"By the way, Marcus, pinapatanong ng leader namin kung kailan ang sports fest para makapag practice na kami ng cheerdance for SCU." Saad niya habang nakangiti.

Bakit ba masyadong masayahin ang mga tao ngayon sa paligid 'ko? Akmang sasagot na sana si Marcus nang biglang may nagsalita.

"Naks! Si Marcus lumalablayp na. Sana all!" Biglang sabat ng isang estudyanteng lalake na kabilang sa isang grupo na papalapit sa amin.

"Hoy Janno, manahimik ka!" Marcus just chuckled at binalingan si Suzane.

"Mag a-announce na ang president ng student council niyan. Paki hintay na lang." He politely said.

Suzane nodded. "Alright, thank you."

"Feeling 'ko talaga ay malapit nang magkajowa itong si Marcus, diba Suzane?" Muling hirit ni Janno sa dalawa.

Feeling 'ko ay may matatarayan ako any moment.

"I-I don't know, Janno." Nauutal na sabi naman ni Suzane pero halata ang pamumula sa mukha niya at nahihiyang bumaling kay Marcus.

Obviously, may gusto itong si Suzane kay Marcus. Actually, last year pa yan umamin kay Marcus pero itong mahal na haring 'to ay parang wala naman sakanya. Alam din ng buong SCU na may gusto itong si Suzane kay Marcus, dahil ikaw ba naman ang umamin sa harap ng maraming estudyante last year.

"Puro ka kalokohan, Janno. Mauna na kami. Sige, Suzane." Saad niya at nang mapatingin ako kay Janus ay nakangisi pa 'rin ito. Kung hindi 'lang ito ka team ni Marcus sa soccer ay matagal 'ko nang prinangka ito. Masyadong chismoso, dinaig pa ako. Charot.

"Feeling ko kung wala 'lang nakabakod kay Marcus ay matagal nang may jowa ito, diba Irene?" Sarkastikong tanong ni Janno sa akin at nang balingan 'ko siya ay isang ngisi ang ginawa niya.

I smiled. Hanggang ngayon ba naman ba ay bitter pa rin itong si Janno dahil sa pang ba-basted ko sakanya last year.

"Feeling 'ko kung hindi ka masyadong chismoso, edi sana ka batch ka na namin ngayon."

"Ohh... That was hard man." Kumento ng isang kasama niyang soccer player din.

Akmang lalapitan na sana ako ni Janno nang pumagitna sa amin si Marcus.

"Una na kami, Janno. Masamang ginugutom 'to baka pati ako ay sungitan niya."

"Feeling mo ang ganda mo, maputi ka lang naman!" Pahabol niya.

Napaikot na lang ako ng mga mata dahil sa sinabi niya. I just flipped my hair.

"Hayaan mo na sila. Kain na lang tayo ng cinnamon roll. Nag pareserved na ako." Marcus happily said.

Agad na nakuha ni Marcus ang pinareserved nitong rolls sa counter at sa kalagitnaan ng paghahanap namin ng lamesa ay may biglang sumigaw.

"Hey, lovebirds dito!" Landon shouted.

Sana totoo diba? Kaso sa tuwing naaalala 'ko ang mga katagang sinabi ni Marcus sa akin na hanggang kaibigan niya lang ako ay feeling ko wala na talaga akong pag asa. Naunang naglakad si Marcus at sumunod na ako sakanya. Pagkadating namin sa lamesa nila ay nakita ko agad si Jhudielle at nagtaka ako nang bigla itong lumipat at umupo sa gitna nila Sab at Siena.

Nagtataka man ay umupo na ako sa inupuan ni Jhudielle habang si Marcus naman ay nanghiram ng isang upuan sa mga high school students, nakita kong kinikilig na tumango ang babae.

"H-hi, Irene." Nahihiyang bati ni Jhudielle.

"Hello, Jhudielle. Kuha ka." Alok ko sakanya sa cinnamon roll na binili ni Marcus. Baka kasi maubusan siya eh, dahil pagkalapag ko sa mga ito kanina ay nag uunahang kumuha sila Siena at Landon.

"Thank you. This one is for you. Marcus said, that is your favorite drink." Sabay abot niya sa akin ng pineapple juice. Alangan man dahil kakainom 'ko lang ng juice ay nakangiti 'ko pa rinito itong kinuha at nagpasalamat. Masamang tumanggi sa grasya.

"You're really a beauty." Kumento niya.

"Told ya." Sab interrupted habang sumisimsim ng apple juice. Habang si Xander naman ay nandidiring nakatingin kay Siena habang kumakain ito. Napailing na lang ito at inabutan ng tissue.

"Ikaw 'din." I sincerely said at natawa ako nang bigla itong nag blush.

Habang nakatingin kay Jhudielle ay parang gusto 'kong batukan ang sarili 'ko dahil sa pagiging selosa ko noong nakaraan. Ito ang napapala ko sa pagiging tamang duda eh. Dapat kasi ay inalam 'ko muna ang pangyayari bago nag conclude agad, nakakahiya na nga, napahiya pa ako sa sarili 'ko, dahil nag selos lang pala ako sa wala at panghuli dapat itatak ko na sa isip ko na wala akong karapatan na magselos. That's a fact that I have to accept.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you! =>