Ingay ang sumalubong sa akin mula sa mga masasayang estudyante na sinusulit ang kanilang lunch break, mula sa nakakapagod na morning classes. Tulad nila ay ako 'rin nasisiyahan dahil isa sa mga paborito 'kong subject ay ang lunch maliban sa break.
Charot lang.
Abot tainga ang ngiti 'ko habang naglalakad papunta sa gawi nila Marcus, habang hawak hawak ang lunch box na may lamang chop seuy. I know that I'm suck at cooking, kaya nga hindi ako pinapalapit ni Inay sa kusina kapag nagluluto siya at hanggang taga hiwa 'lang ako, pero wala naman masama ang sumubok diba? Gusto 'kong makita ni Marcus na may mga bagay 'rin ako na kayang gawin bukod sa pagiging maganda. Charot 'lang ulit.
Anyway, I really tried my best para 'lang hindi mahalata ni Inay na si Marcus ang pinagluluto 'ko kanina, at naka ilang banggit pa ako ng pangalan ni Sab para kunwari ay si Sab ang pinagluluto ko at hindi ang mahal na hari. Feeling 'ko naman ay naniwala si Inay dahil hindi na siya nag usisa pa.
Nang papalapit na ako sa puwesto nila ay daglian na kumunot ang noo 'ko nang makita 'ko ang upuan na madalas 'kong upuan ay occupied na. Pero tuluyan na akong napahinto nang makita 'kong hindi 'ko kakilala ang babaeng naka upo sa upuan na katabi ni Marcus, habang masaya silang nagtatawanan. I looked at Marcus.
I think hindi na niya makakain ang niluto 'ko dahil nang tignan 'ko ang plato niya, ay halos paubos na niya ang pagkain habang nakangiting may ibinubulong sa babaeng katabi nito. Nakatalikod sila sa akin kaya ang mahabang buhok 'lang ng babae ang nakikita 'ko. Sa buhok pa 'lang ay halata 'mo na hindi ito pumapalya para magpa salon, hindi katulad 'ko na conditioner 'lang ang gamit.
Sa unang pagkakataon ay nakita 'ko 'kung paano kaganda ngumiti ang isang King Marcus na hindi ako ang dahilan.
I looked at them. They're all smiling at parang ang saya saya ng topic na pinag uusapan nila. I can't help but to feel like I'm an outcast now.
My eyes widened when Siena noticed me, mabilis akong umiling nang bigla na sanang niyang itataas ang kaliwang kamay nito, napakunot 'lang siya ng noo at sinenyasan akong lumapit sa kanila pero hindi ako sumunod dahil unang una ay saan pa ako uupo, pang animan 'lang ang upuan na napili nila. Pangalawa, ayaw 'kong pagkatiwalaan ang emosyon na nararamdaman 'ko ngayon.
Lastly, for the first time I felt this foreign emotion.
Nang balingan 'ko si Marcus ay nakangiti pa 'rin ito, masyado 'bang masarap ang ulam niya ngayon at masyadong siyang masaya? Sana ay mabusog siya ng sobra kung ganon.
Madalas 'ko naman siyang makita na nakikipag usap sa ibang babae pero iba ang ngiti niya ngayon. His eyes are sparkling. I can tell that he's really happy and I refuse to know what's the reason why he is so freakin' happy right now.
I guess, it's just me and my chop seuy today. Okay 'lang may dala naman akong pagkain at ipinagpapasalamat 'ko na pwede kumain sa room, thanks to goldilocks.
Hindi 'ko akalain na ma a-appreciate 'ko ang pagiging mahiyain at ang pagiging loner 'ko just like when I was in high school today.
I enjoy the solitude not until he came.
Ngumiti 'lang ako kay Siena at itinuro ang exit pati ang relo 'ko upang makuha niya na nagmamadali na ako. Hindi 'ko na siya hinintay na sumagot at agad na akong tumalikod sa kanila pero isang matigas na bagay ang bumangga sa akin, pag angat 'ko ng mukha 'ko ay isang nakangiting Trevor ang bumungad sa akin, huli na para masenyasan siya na hinahan ang boses sa pagsasalita dahil ilang hakbang 'lang ang layo 'ko mula sa lamesa nila Marcus.
"Huli ka!" Napapikit na lang ako dahil may kalakasan ang pagkakasabi niya 'roon at tiyak 'kong narinig nila kami.
"Hinahin mo boses mo." Bulong 'ko.
"Ha? Ano 'yun Dahlia ganda? Princess ba 'yung sinabi mo?" Tanong niya gamit ang nagtatakang boses.
"Huwag 'kang maingay!" I hissed.
Gustong gusto 'ko nang takpan ang bibig niya gamit ang panyo na nasa bulsa 'ko.
"Kanina princess tapos ngayon naman gay?! For fuck sake I'm not gay Dahlia gan—"
"Trev?"
Napahinto ako sa anumang gagawin ko nang nakita ng mga mata 'ko kung paano nawalan ng buhay ang mga mata ni Trevor nang marinig nito ang boses nang bumanggit sa pangalan niya.
"I-Is that you, Trev?" Tanong ng babae gamit ang garalgal na boses nito.
Hindi 'ko alam 'kung ano ang gagawin 'ko kung iiwan 'ko na 'lang ba itong lalaki na 'to dito dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante, pero hindi 'ko na nagawang umalis lalo na nang nakita 'ko kung gaano kahigpit ang hawak niya sa kaliwang kamao nito.
"Trevor?" Sambit 'ko.
No response.
"Trevor! May tumatawag sa iyo!" May kalakasang sabi. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay gumalaw na ito.
"S-sorry Dahlia ganda. Let's go." Medyo pabulong na sabi niya. Hindi na ako nagtanong at sumunod na sakanya dahil nauna na itong tumalikod para maglakad, pero hindi pa man ako nakaka unang hakbang ay may biglang humigit sa kanang kamay 'ko.
I startled when I saw Marcus's serious face.
"Saan 'ka pupunta nandoon ang lamesa natin." Saad niya. Tumingin ako sa lamesa nila at seryoso lamang na nakatingin sila Xander habang si Sab ay halata ang ang pagtataka sa mukha niya dahil sa nangyayari ngayon,
"Puno na kayo, hahanap na 'lang kami ng upuan ni Trevor."
"But—"
"Sige na mahal na hari, gutom na ako. Ituloy 'mo na ang pagkain mo." Nakangiting sabi 'ko. Hindi 'ko na hinayaan na sumagot siya at ako na ang kusang bumawi sa kamay 'ko.
I like Marcus but I think my friend needs me now, but who am I kidding? Alam 'kong pinili 'kong samahan si Trevor ngayon upang may rason ako para hindi ako umupo sa lamesa nila Marcus.
Nang makahanap kami ni Trevor ng lamesa ay sinimulan 'ko na ang paglabas pagkain na nasa baunan, gamit ang nanginginig na kamay ay iniisa isa 'kong binuksan ang mga lalagyan, ramdam 'kong nakatingin sila Marcus ngayon sa gawi namin dahil hindi naman kalayuan ang puwesto na nakuha namin, actually rinig na rinig dito ang pinag uusapan nila at pati ang tanong ni Landon 'kung anong pagkain ang dala 'ko ngayon.
Nakangiting sinagot 'ko ito at humarap na 'kayTrevor na hanggang ngayon ay seryoso pa 'rin ang mukha. Inilagay 'ko sa harap niya ang dala 'kong kanin at ulam. I think Trevor is the lucky one who'll taste my master piece.
"Kain kana." Alok ko.
"T-thanks." Tumango 'lang ako sinabi niya at nang matikman 'ko ang chop seuy ay parang gusto 'kong murahin ang sarili 'ko dahil sa lasa.
Pipigilan 'ko na sana si Trevor para huwag na niyang kainin dahil sa pangit na lasa nito pero nakasubo na sakanya ang kutsara, sabay pa tuloy kaming napangiwi.
"A-ang s-sarap naman nito Dahlia ganda. Ikaw ba ang nagluto?" Tanong niya, tumango ako at napayuko na lang ako dahil sa hiya. Shocks, dapat kasi ay sinunod 'ko na 'lang talaga si Inay.
"Wow! K-kaya pala ang s-sarap." Saad niya at sumubo pa ulit, kita sa ekspresyon niya na parang gusto na niyang iluwa ang nasa bibig niya kaya naman inabot 'ko sakanya ang dala 'kong juice.
"Huwag ka nang magpanggap, alam 'kong hindi ako marunong magluto." Nakangiwing sabi 'ko, tila nakahinga ng maluwag si Trevor at agad niyang binitawan ang kutsara nito at nagmamadaling uminom ng juice.
Saglit kaming nagkatinginan ni Trevor at sabay na napatawa dahil sa sinabi 'ko.
"Shit, ang akala 'ko tubig dagat ang ginamit mong pang sabaw Dahlia ganda." I chuckled because of what he said. I can't blame him.
My professor ended our lesson in a very natural and charming way kaya hindi 'ko na namalayan, uwian na pala. Saglit 'lang na nagpaalam sa akin si Emery at lumabas na 'rin ako. Nakayuko akong naglalakad nang may biglang humawak sa bag 'ko dahilan upang mapahinto ako.
"Uwi ka na 'lang Trevor kung iinsultuhin mo na naman ang chop seuy 'ko." Natatawang sabi 'ko dahil minsan na niya itong ginagawa sa akin.
"Paano 'ko iinsultihin ang chop seuy mo kung hindi ko pa ito natitikman."
Awtomatikong napatingin ako sa gawi ng taong nagsalita at nakita 'kong nakasandal ito sa pader ng room namin. Inayos 'ko muna ang salamin 'ko sa mata bago sumagot.
"I bet pati ikaw ay hindi kakainin ang chop seuy 'ko kung natikman mo ito katulad ni Trevor." Sagot ko. Marcus just shrugged at kinuha na ang bag 'ko mula sa akin.
"You bet. I am not an asshole like Gonzaga. I know how to appreciate someone effort."
"Gonzaga is not an asshole."
"You don't know him." He plainly said na parang wala siyang sinabing masama sa isang tao. Trevor is not here to defend his self.
Lalo na pagkatapos 'kong marinig ang rason 'kung bakit ganun ang naging reaksyon niya nang marinig niya ang boses ng babaeng tumawag sa pangalan niya kanina. Ang babaeng katabi ni Marcus sa cafeteria ang rason 'kung bakit pinili Trevor na umuwi ng Pilipinas mula San Francisco California.
They have issues, that's all I have to know and the fact that they are obviously not in a good term. I chose not to dig in more because as a friend I respect his privacy and we are not that too close to know everything about him.
"You don't know him either, kaya wala 'ka sa posisyon na sabihan ng kung ano ano yung tao, lalo na 'kung wala naman siya 'rito para I defend ang sarili niya laban sa paratang mo. Naturingan 'kang miyembro ng student council, pero 'kung makainsulto ka ng kapwa mo estudyante ay sobra." Mahabang lintanya 'ko.
Hindi 'ko alam 'kung saan ko hinuhugot ang pinaglalaban 'ko. Dahil ba habang nakatingin ako sakanya ngayon ay nakikita 'ko pa 'rin ang isang nakangiting Marcus na masayang nakikipag tawanan sa katabi nitong babae?
Nakakainis, wala naman kaming relasyon pero dinaig ko pa ang isang girlfriend kung makapag selos. Bakit ba kasi may pa hawak hawak pa siya sa palad ko sa loob ng kotse niya? Hindi 'ko tuloy maiwasan na mag isip na baka naka labas na 'rin ako sa wakas mula sa friend zone.
"Kung makapag salita ka ay akala mo alam mo na ang lahat tungkol sa akin. Stop acting like you know me well. Kaibigan 'lang naman kita."
Tulad nga ng sinabi 'ko noon, na sa tuwing gumagawa ako ng hakbang upang makalabas ako sa zone kung saan ako inilagay ni Marcus, ay lagi naman niyang pinapaalala na hanggang doon 'lang ang papel 'ko sa buhay niya.
Nilunok 'ko muna ang tila malaking bagay na bumara sa lalamunan 'ko nang sabihin niya iyon bago sumagot, ito ang napapala ko sa tuwing umaasa ako na pwedeng lumagpas pa higit sa isang magkaibigan ang pwedeng mamagitan sa aming dalawa.
"Then act like one." I plainly said sabay kuha 'ko nang bag sa kanya at umalis na.
Stop confusing me. Stop doing things that friends don't do.
Pagkauwi 'ko ay nadatnan 'ko si Itay na naghihintay sa labas ng gate namin. Dumaan muna kasi ako ng library para magbasa basa upang makalimutan 'ko ang mga sinabi ni Marcus kanina.
I felt guilty nang makita 'ko si Itay na matiyagang naghihintay sa akin sa labas at kung paano niya patayin ang mga lamok na kumakagat sakanya. Samantalang ako ay busy na iniisip ang naging sagutan namin ni Marcus ay may isang tao pa 'lang hindi mapalagay kakaalala sa akin 'kung nasaan ako, kung hindi pa ako pinuntahan ng librarian at sinabing oras na ng uwian ay hindi 'ko mamamalayan na ako na 'lang pala ang nag iisang estudyante na nagbabasa.
Nakangiti akong lumapit sa kanya at imbis na magmano ay niyakap 'ko si Itay, na katulad noon kapag umuuwi akong umiiyak dahil hindi naging maganda ang araw ko, narinig 'ko tuloy ang mahinang tawa niya at ang pag singhot 'ko.
"Hindi ba naging maganda ang araw mo anak?" Masuyong tanong niya habang hinahaplos ang buhok 'ko. Dalawang tango lamang ang ginawa 'ko dahil sa tanong niya at patuloy pa 'rin sa pag hikbi.
Hindi 'ko alam 'kung bakit ang laki ng impact sa akin 'nung sinabi ni Marcus kanina o dahil hindi 'ko lang talaga matanggap na hanggang pagkakaibigan 'lang ang pwedeng mamagitan sa amin.
"Aba, sino ang umaway sa maganda 'kong prinsesa?" Seryosong tanong niya. Hindi 'ko na napigilang matawa sa kaseryosohan ng boses niya at humarap na sakanya.
"'Masarap ba ang ulam na luto ni Inay at bolero ka ngayon tay?" Natatawang saad 'ko.
Hindi sumagot si Itay at pinunasan niya 'lang ang mukha 'ko dahil sa mga luha 'ko, naramdaman 'ko pa ang mga ilang kalyo niya kaka maneho dahil sa pagdampi ng palad niya.
"Nahihirapan ka na ba sa eskwela anak?" Seryosong tanong niya.
"Napapagod kana 'ba?" Sunod niyang tanong.
Mabilis akong umiling dahil sa mga tanong niya. Wala akong karapatan na mapagod at mag reklamo dahil lang sa nangyari ngayon. Wala itong pagod na nararamdaman 'ko sa pagod na nararanasan ni Itay sa pagtatrabaho.
"Nakakuha 'lang ako ng mababang score sa test namin 'tay." Natatawang saad 'ko at pumasok na kami ng bahay.
"Ayos 'lang iyan anak, ako nga noon laging napipingot sa Lola Agnes mo dahil laging bagsak." Malakas akong napatawa dahil sa sinambit ni Itay.
"Okay 'lang naman magseryoso pero sana ay huwag mo pa 'rin kakaligtaan na magsaya paminsan minsan." Payo niya.
"Salamay Itay."
Akmang bubuksan 'ko na ang pinto papasok sa sala ay biglang lumabas si Inay habang dala dala ang stick na ginagamit namin sa pag sasabit ng hanger.
"Ramon! Kasama mo na 'ba ang magaling 'mong anak na hindi na alam ang oras ng tamang uwian?"
Patay!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! =>