"She's with me. Got a problem with that, Gonzaga?" Mariing sabi niya gamit ang malamig na boses.
Halos sabay pa kaming napalingon ni Trevor sa likod nang biglang may nagsalita. Halata kay Marcus ang pagiging seryoso base sa pagkakunot ng noo niya. Ang unang nakabawi mula sa gulat ay si Trevor at masigla itong ngumiti kay Marcus.
Wait, magkakilala sila? Sabagay lahat naman ata ng estudyante sa SCU ay kilala itong si Marcus, dahil bukod sa pagiging SCU treasurer ay siya ang nag iisang tagapagmana ng SCU.
"King, how are you?" Masiglang bati ni Trevor. "I'm good, Gonzaga." Tila labas sa ilong na sabi naman ni Marcus.
Hindi 'ko na napigilan ang pumagitna sakanila at kuhanin ang atensyon ni Marcus. Anong kaartehan na naman kaya itong pakulo niya samantalang ang daldal nito kahit kakilala niya pa lang yung isang tao, kahit naman na crush 'ko siya ay hindi naman ata tama na bastusin niya ang nasa harap niya to think na kakilala niya 'rin ito. Lumapit ako sakanya at bumulong.
"Hoy mahal na hari, ano na naman 'to. Tinatanong 'ka ng maayos ng tao." Mahinang bulong ko.
"Bakit ba nandito 'yan? Inimbitahan mo 'ba?" Pasaring niya.
"Hindi. Nagkita lang kami dito, umayos ka mahal na hari kaklase 'ko iyan sa socsci." Madiing sabi ko. Baka kasi ma bad trip itong si Trevor kay Marcus tapos ay hindi na niya ako tulungan kapag nahihirapan ako sa socsci. He just made a face.
Sasagot pa sana siya nang biglang magsalita si Trevor.
"Uhm ah guys? I think I need to go. My block mate just texted me, nandito na 'raw siya. Sige, enjoy your meal. Bye, Dahlia ganda." Nakangiting paalam niya sabay gulo sa buhok ko. Sinamaan 'ko na lang siya ng tingin kunwari at ngumiti.
"Sige ingat 'ka, Trevor. See you on Monday." Nakangiting tugon ko.
Nang makaalis na si Trevor ay daglian 'kong binalingan si Marcus na nakakuha na agad ng upuan at inaayos na ang pagkain, maaliwalas na ulit ang mukha niya hindi katulad kanina.
"What was that, King?" I asked at umupo na 'rin.
"What Dahlia ganda?" He mimicked Trevor voice.
"My name is not Dahlia ganda." I hissed.
"Then why is he calling you like that?" He seriously asked habang abala sa pag aayos ng pagkain namin. Nakita 'ko pa 'kung paano niya alisin ang kamatis sa hamburger gamit ang kutsara, at inilagay sa plato ko. I hate tomatoes but I love mayo.
"I-I don't know! Bakit ba ang sungit mo na ngayon?" Hindi 'ko na napigilan ang mapataas ng boses dahil sa tanong niya, wala naman kasi talaga akong alam 'kung bakit ganun ang tawag ni Trevor sa akin.
"Then make him stop calling you like that. Hindi 'ka naman maganda."
I stopped on whatever the hell I am doing. 'Yun 'lang ba ang dahilan 'kung bakit bigla ang sungit niya ngayon? Hindi na bago sa akin ang makatanggap ng papuri dahil sa maganda 'raw ako pero bakit 'nung sinabihan niya akong hindi naman 'raw ako maganda, pakiramdam 'ko ako na ang pinaka pangit sa buong mundo.
Is it because, galing ito mismo sa kanya or is it because I expected na balang araw ay makakarinig 'din ako ng papuri mula sa kanya?
Hindi pa 'man ako nagsisimulang kumain ay pakiramdam 'ko nabusog na ako sa sinabi niya. Pilit 'kong nilunok ang tila bumara sa lalamunan 'ko at nang mapatingin ako sa mukha niya ay seryoso niya akong tinitignan. Tila may nais pa siyang sabihin nang ibinuka niya ang bibig niya pero mabilis 'ko itong inunahan.
"I know. I'm not p-pretty. R-rest room 'lang ako, excuse me." Hindi 'ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na akong tumayo.
Pagkalabas 'ko ay doon 'lang ako nakahinga ng maluwag. Pilit 'kong ipinaalala sa sarili 'ko na isa ito sa mga kailangan 'kong tanggapin dahil pinili 'kong magkagusto sakanya ng patago. Naghugas lang ako ng kamay at iwinaksi ko sa isip 'ko na wala 'lang iyong sinabi niya.
Kung hindi ako maganda sa paningin niya edi kailangan 'kong mas pagandahin ang sarili 'ko, kaya naman daglian 'kong kinuha ang lip tint na nasa sling bag at nilagyan ng kaunti ang labi 'ko, bakit 'ba naman kasi hindi 'ko naisipan na mag lagay ng make up kanina bago umalis?
Nasabihan pa tuloy ako ng hindi maganda. Edi siya na guwapo. Shocks, yun naman kasi ang totoo.
Pagkabalik 'ko ay nakita 'ko siyang nag cecellphone at mukhang hindi pa siya nagsisimulang kumain.
"I'm back. Bakit hindi 'ka pa kumakain mahal na hari?" Masiglang tanong 'ko. Kinuha 'ko na ang burger na binigay niya kanina at sinimulan ng kumain.
"About a while ago. I-I didn't mean—"
"No, it is fine mahal na hari. Maaring iba iba naman talaga ang definition ng mga tao sa salitang maganda, maaring 'kay Trevor ay maganda ang ugali 'ko... Pero hindi ang pisikal 'kong anyo." Saad 'ko.
Pero pagdating sa'yo, lahat ay nagiging maganda sa paningin 'ko. Stupid hormones.
"Bagay talaga sa'yo ang maging isang Teacher." Kumento niya at sa huli ay ngumiti na ito.
"Syempre. My Itay knows best eh."
Halos mag aalasais na ng gabi nang maihatid ako ni Marcus sa bahay. Nang saktong pagkahinto ng sasakyan niya ay akmang ba-baba na ako nang hawakan niya ang kamay 'ko. Daglian akong napabaling sa gawi niya. Napasinghap ako nang haplusin niya nang masuyo ang kanang palad 'ko.
"B-bakit mahal na hari?" Halos pabulong 'ko na lang na tanong, masyado kasing nakaka distract ang paraan niya nang paghaplos sa kamay 'ko.
"I'm sorry if I offended you a while ago. Hindi ka pangit, okay?" Halos mapangiti na ako sa sinabi niya. "Pero hindi 'ka 'rin naman maganda." Saad niya kaya mabilis 'kong hinila ang kamay ko dahil sa binigkas niya.
Minsan, hindi 'ko mapigilan ang mainis sa mahal na hari na 'to. Ang gulo niya.
"I mean. Simple 'ka lang naman..." Bulong niya. Napaikot na 'lang ako ng mga mata sa sinabi niya.
"Oo na oo na, hindi na ako magan—"
"Simple ka lang naman, pero 'kung buoin mo ang bawat araw 'ko ay dinaig mo 'pa ang pinakamagandang babae sa buong mundo. What have you done to me, Idahlia Renee?" He asked. I was startled by the sudden question.
Wait a moment, I am not prepared for this. Mas lalong hindi ako naging handa sa intensidad sa klase ng tingin na ibinibigay niya, napaiwas na lang ako ng tingin. Shocks ka talaga Jacues Marcus.
"W-wala akong ginawa sa'yo 'no. Maganda nga kasi ako mahal na hari!" Kunwaring masungit na sabi 'ko. He just chuckled.
"Oo na lang panget. Happy yarn?" Biro niya. Did he just mimick Siena's voice?
"Hmm, sakto lang. Salamat sa pa take out." Saad 'ko habang nakangiti at itinaas ang pagkain na pina take out niya para kila Inay.
"Thanks for today as well, Panget ko."
Nang makalabas na ako ay doon 'ko 'lang na realized ang mga sinabi niya. Pinapaganda 'ko ang araw niya? I can't help but to flipped my hair because of what he has said.
Okay na palang maging pangit, basta 'ba pinapaganda 'ko ang araw niya. Malawak ang ngiti 'ko habang papasok ng bahay. He literally completed my day!
Pagkapasok 'ko sa bahay ay naabutan 'ko sila Inay at Rochelle na nag aayos ng mga gulay at prutas. Ang late naman ata nilang namili, nang makalapit ako sakanila ay agad 'ko na tinanong si Inay 'kung anong oras sila namalengke edi sana ay sinundan ko sila kanina para natulungan 'ko silang magbuhat.
"Nay, mano po."
"Kauwi niyo 'lang, nay? Sana ay tinext niyo ho ako para natulungan 'ko kayo sa pagbubuhat kanina sa bayan." Saad 'ko at nag umpisa na 'rin ipaghiwalay ang mga gulay at prutas sa ref.
"Naku hindi kami nagpunta ng bayan, galing kanina ang Tiyo Fidel mo 'rito at hinatid itong mga gulay dahil nag harvest 'daw sila ng Tiya Carmen mo." Mahabang sabi ni Inay habang inaayos ang mga gulay na inaabot sakanya ni Rochelle. Si Tiya Carmen ay nakakabatang kapatid ni Itay.
"Ah ganun ba. Sayang at hindi 'ko na sila naabutan."
"Talagang sayang ate, hindi mo naabutan ang masarap na ube halaya na dala nila, bleh." Biglang sabat ni Rochelle at pagkatapos ay bineletan ako ng makulit. Mabilis naman siyang sinita ni Inay kaya naman ako naman ang bumawi at bineletan 'din siya. Sorry kulet hindi mo ako masisira ang araw 'ko ngayon dahil kinumpleto na ito ng Kuya Marcus mo.
Ang tanging nagawa na 'lang niya ay ang samaan ako ng tingin.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang magsalita si Inay.
"Itext mo nga o kaya ay tawagan mo si Siena at pakuhanin mo siya ng gulay at prutas. Masyadong marami ito para sa atin at ikaw ha napapansin 'kong madalas na ang pag uwi uwi mo ng gabi." Sermon niya at binalingan ako ng tingin. Napangiwi na 'lang ako, masyado talagang matalas ang memorya ni Inay.
Ang akala 'ko ay makakaiwas na ako sa sermon. Hindi 'rin pala. Tumango na 'lang ako sa sinabi niya at tinext na si Siena upang sabihan siya. Pagkalabas 'ko ay naabutan 'ko na si Siena sa kusina habang kumakain na ng saging.
"Hala Tita ang dami naman nito." Saad niya.
"Hayaan mo na at minsan 'lang naman ito. Ipagluto mo ang tatay mo ah." Payo ni Inay kay Siena. Wala nang nagawa si Siena nang tuluyan nang ilagay ni Inay ang mga gulay at prutas sa maliit na bayong nito.
Nang makita ako ni Siena ay mabilis siyangnagpaalam kay Inay at naka ngising lumakad papalapit sa akin. Shocks, mukha siyang manyakis ngayon habang kagat kagat pa ang saging.
What the hell, Madrid.
"So... Kamusta naman ang date niyo ng best friend mo?" Tanong niya at parang may pag diin nang banggitin niya ang salitang pinaka iinisan 'ko.
Sinulyapan 'ko muna sila Inay at lumabas na papuntang terrace.
"Okay 'lang, wala naman bago atsaka isa pa hindi date 'yon no." Panimula 'ko habang nakanguso.
"Nagpatulog 'lang sa akin 'yung tao at nakakahiya naman kasi 'kung walang tutulong sakanya, pagkatapos niyang gumastos ng marami para 'lang makakain tayo." Ungot ko.
"Ows? Hindi date 'yon? Eh bakit nag ba-blush ka ngayon ha?"
Mabilis akong napahawak sa kaliwang pisngi ko at naramdaman 'ko nga na mainit iyon, shocks. I composed myself, walang saysay 'kung itatanggi 'ko pa kay Siena. Edi parang nag lokohan na lang kami kung ganoon. Ikinuwento 'ko ang lahat nang nangyari pati ang kakaibang tanong ni Marcus kanina sa loob ng sasakyan niya, nang matapos ako ay isang ngisi lamang ang isinukli niya.
"Alam mo sa isang scholar masyado 'kang manhid." Saad niya. Napaikot na 'lang ako ng mga mata sa sinabi niya.
"Manhid? Paano akong magiging manhid eh wala naman siyang sinasabi t ginagawa." Tugon ko at umupo na sa upuan na malapit sa akin.
"Read between the lines, Idahlia Renee." She answered then she stood up.
"Wala ako sa posisyon para sabihin ang dapat 'mong malaman." Pagtatapos niya.
Bawat salita na sinabi niya ay lalo lamang nakapagpagulo sa isip ko.
"Ge, una ako baka pauwi na 'rin si ate niyan. Good luck sa pang aakit sa mahal na hari mo." Biro niya sabay tawa.
"Che!" Kinikilig 'kong sabi.
"Kilig ka?" Biglang tanong niya at sumunod na ako para ihatid siya sa labas, saglit muna siyang nagpaalam kay Inay.
"Konti lang." I giggled.
"Para sa isang Teacher masyado 'kang maharot, sige bye na." Realtalk na sabi niya at sumakay na ito sa bike niyang dala.
Tignan mo 'yun pagkapatapos niya akong sakyan sa kaharutan 'ko eh bigla na 'lang ako lalayasan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, mas maaga pa kay Inay actually dahil naisipan 'kong ako muna ang magluto ng almusal . De joke, ang main goal 'ko talaga ay mapagluto si Marcus ng chop seuy tutal naman ay sobrang dami pa 'nung gulay na bigay nila Tita Carmen.
Pagdating ng lunch ay medyo na late ang dismissal namin dahil may kinailangan 'pang i-discuss si Sir. Almeida, kaya nang makalabas ako ng room ay agad 'kong binuksan ang text na natanggap ko, noong una ang akala 'ko ay galing ito kay mahal na hari pero agad na napakunot ang noo 'ko nang makita 'kong si Sienna ang nag text. Sinabi niya 'lang naman na nasa cafeteria na sila at ako na 'lang ang kulang pero hindi niya sinabing may kasama pa pala kaming iba.
Sadly, for the first time in my life, I felt so insecure.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! =>