Araw ng sabado. Ang isa sa mga paborito 'kong araw bukod sa biyernes kasi walang pasok at araw ng pahinga, kaya naman daglian akong lumabas ng kwarto 'ko upang magdilig ng mga halaman ni Inay sa munting hardin namin sa harap ng bahay. De joke, ayaw 'ko 'lang talagang mapagalitan ni Inay kasi nagabihan na kami ng uwi nila Marcus kagabi, dahil nag aya pa si Sab na maglibot dahil biyernes at wala naman 'daw pasok kinabukasan, iwas pagalitan 'din ito.
Kaya heto ako ngayon nag papagood shot kay Inay, nakakatakot pa naman si Inay kapag nagagalit kaya nga pati si Itay ay taob 'din sakanya kapag ipinagtatanggol niya kami kapag napapagalitan kami ni Rochelle. Pero alam 'ko naman na nag aalala 'lang siya sa amin at ayaw niya kami mapahamak . Inay is actually soft and she just has this strong façade to hide her true emotion.
Nang makalabas ako ng bahay ay nadatnan 'ko si Rochelle na nakaupo sa terrace at gumagawa ng assignments. Sa amin dalawa ay siya ang tinututukan ni Inay sa pag aaral dahil medyo may kahinahan ito sa academics pero hindi 'nun nabawasan ang kakulitan niya. Nang makita niya ako ay tumayo ito at lumapit sa akin.
"Good morning, ate!" Panimulang bati niya habang parang may itinatago base na 'rin sa pagkalagay ng dalawang kamay niya sa likod nito.
"Good morning kulet, anong kailangan mo?" I crossed my arms at kunwaring seryoso.
"Wala naman. Ang ganda mo ata ngayon ate? Nag almusal kana?" Ungot niya.
Tinaasan 'ko siya ng kilay sa tanong niya and ano daw? Maganda ako? Confirmed, may kailangan nga itong batang 'to sa akin. She doesn't praise me for nothing.
"Ngayon 'lang? Matagal na akong maganda Rochelle." Seryosong sabi 'ko kunwari at tumalikod na sakanya upang kunin ang garden hose para diligan na ang mga natutuyong halaman ni Inay.
Narinig 'ko siyang parang nasusuka kaya naman napabaling ako sakanya. Nginitian niya naman ako ng peke at lumapit na sa akin.
"Oo na ate, ikaw na ang maganda. Pa tulong naman ako dito oh." Tugon niya at inilabas na ang itinatago sa likod nito, papel pala 'yon. Napaikot na 'lang ako ng mga mata, kaya naman pala ang bait ng ihip ng hangin ngayon dahil may gustong magpa tulong.
"Ang dami mo pang hanash hindi naman pala kagandahan 'ko ang pakay mo. Sabihin mo muna please." Biro ko at hindi nakaligtas sa akin ang pangangasim ang mukha niya dahil sa sinabi 'ko.
"Eww ka ate. Diyan ka na nga!" Biglang bawi niya kaya natawa ako. Pikon talaga 'to kahit kailan, manang mana siya kay Inay.
"Ito naman hindi na mabiro. Ano ba iyan?" Saad ko at sinundan siya.
Nang kuhanin 'ko ang papel na hawak niya kanina ay hindi na ako nagtaka 'kung bakit kailangan niya ang tulong ko, isa sa mga weaknesses niyang subject ay ang English kaya umupo na ako sa tabi niya at sinimulan siyang turuan. Actually, fast learner itong si Rochelle, ang kaso mabilis siyang nadidistract sa paligid niya, tulad na lang ngayon dahil parang ako na 'rin ang sumagot sa assignment niya about subject verb agreement, habang siya ay busy na nanonood ng kung ano sa cellphone, kaya naman napabalikwas siya nang inagaw ko ang cellphone niya sakanya.
"Kaya naman pala puro ka betlog sa test mo puro ka Kpop!" Sita 'ko at nang makita 'ko ang pinapanood niya ay muli 'ko nalang ibinalik sakanya ang cellphone. Ang paborito niya na namang kpop group.
"Ang ingay mo ate!" Sita niya at pinatay ang cellphone dahil biglang lumabas si Inay mula sa loob ng bahay.
"Anon ingay yan? Ang aga aga, boses niyo na ang naririnig ko. Aba, baka nakakalimutan niyong tulog pa ang kapatid niyo." Sita niya. Nagtinginan na 'lang kami ni Rochelle at napaikot na lang ang mga mata dahil sa sinabi ni Inay.
Nang akmang sasagot na ako kay Inay ay naramdaman 'kong nag vibrate ang cellphone 'ko. Awtomatikong tumaas ang gilid ng labi 'ko dahil sa nag chat. Kahit hindi siya private message ay ayos 'lang atlis siya naman ang nag chat.
From: SCU BABIES
Who's available today? Tara SM.
That is Marcus. Nang buksan 'ko ang message ay nakita 'kong si Xander na 'lang ang hindi nakakabasa. Grabe, pagkatapos niyang maglibre kahapon ay wala man 'lang gustong sumagot sa message niya.
From: SCU BABIES
Hoyyy? Are you thereee guysss??
Napahigik ako nang mabasa 'ko ang sunod sunod niyang mga messages. Ang cute kasi ng format ng message niya. Naiimagine 'ko tuloy ang pagkakunot ng noo niya dahil walang pumapansin sakanya. Nang mabasa 'ko ang sunod niyang chat ay tuluyan na akong napangiti.
From: SCU BABIES
@IREnee Hoy! Huwag kang seener! Hindi ka chix!
Talagang may pa mention pa siya? Ano ba 'yan huwag naman niyang ipahalata na miss niya ako agad. Mag rereply na sana ako nang biglang may nang hablot sa cellphone ko. Sinundan ko nang tingin 'kung sino 'yon at nakita 'kong nakasimangot na Rochelle ang bumungad sa akin.
"May pa smile smile ka pa diyan ate. Si Kuya Marcus 'lang pala ang ka chat mo." Kumento niya.
Inagaw 'ko sakanya ang cellphone ko para makapag reply na.
"Wala 'kang pake. Diyan ka na nga. Ikaw na tumapos diyan. Enjoy kulet." Sabay tayo 'ko at pumasok na ulit. Napangiti ako nang mabasa 'ko ulit ang chat niya.
From: SCU BABIES
@IREnee Samahan mo na ako pleaseeee? T.T
Muntik pa akong matisod nang maapakan 'ko ang laruan ng bunso namin kakabasa ng chat, kaya nakangiti 'ko itong pinulot at itinabi. Shocks, ganito pala ang nararamdaman ng mga inlove na bidang babae sa mga drama na napapanood namin ni Inay.
To: SCU BABIES
@KingMarques Oo na. Iyakin.
Simpleng reply 'ko kunwari para hindi masyadong halata na gustong gusto 'ko siyang samahan ngayon. Ilang sandali 'lang ay nakapag reply na ito na tuluyan nang nagpa kilig sa akin.
From: SCU BABIES
@IREnee Yown! See you later, panget ko.
WHAT THE ACTUAL FUCK!? I mean dapat sa oras na 'to ay puro inis ang nararamdaman 'ko dahil sa tuwing may tumatawag na panget sa akin ay naiinis ako. Pero bakit kapag si Marcus na ang tumatawag sa akin ng panget ay okay 'lang. Sige 'lang, wala akong pakialam, but his last message hit me.
Soon, mahal na hari hindi na pangit ko 'lang ang itatawag mo sa akin kundi 'Love ko' na? or 'baby ko'? Huwag kang mag alala, ako 'rin soon ay hindi na mahal na hari ang itatawag 'ko sayo, pwede na ba 'yung 'Mahal ko'? Shocks, hindi ko maiwasang matawa sa mga kalokohang naiisip ko.
Mabilis 'kong tinignan ang group chat namin nang biglang tumunog ulit ito.
From: SCU BABIES
@IREnee @KingMarques Enjoy kayo sa date niyo!
That is Siena Madrid. Tila nais 'kong kaltukan ang babaitang 'yun ngayon dahil sa sinend niya. Agad naman na nag react ng laughing emoticon si Marcus dahil sa komento ni Siena pero hindi ako nakapag ready sa huli niyang message.
From: SCU BABIES
Oo :D I date 'ko muna itong bestfriend 'kong panget. HAHAHAHAHAHA.
I really hate the word best friend.
Katapos 'kong makapananghalian ay nag ayos na ako dahil ala una ang call time namin ni Marcus papuntang SM ngayon. I chose to wear faded jeans and I paired it with beige shirt and white loafers na padala ni Tita Beth na kapatid ni Inay na nagtatrabaho sa New Jersey.
Hindi na 'rin ako nag abala na maglakay ng make up. Nag apply na 'lang ako sunscreen para may proteksyon sa araw at init ng panahon, pagkatapos ay isinuot 'ko na ang salamin ko sa mata. Nag paalam ako kay Inay at sinabing nagpapasama si Marcus para bumili ng mga school supplies, tumango 'lang ito na tanda na pinapayagan niya akong umalis ngayon. This year kasi ay siya ang napiling maging treasurer ng student council habang ako naman ay ang secretary ng music club.
Habang nag aayos ako kanina ay na realize 'kong wala naman pala akong dapat ikainis sa nireply ni Marcus dahil wala naman siyang kasalanan 'kung ang tingin niya 'lang sa akin ay isang best friend. Dapat nga matuwa pa ako dahil kahit papaano ay may ugnayan or label pa kami, best friend nga lang lol. Pampalubag loob 'ko na lang siguro 'yung anytime ay pwede 'ko siya makausap or makasama pero hanggang doon 'lang kasi hindi naman ako pwedeng mag demand ng higit pa 'roon.
Ilang sandali 'lang ay nakarating na ako sa SM dahil hindi naman ganoon ka kalala ang traffic, marahil ay kakatapos lang ng tanghalian at halos ay nagpapahinga ang mga tao. Nang namataan 'ko na si Marcus malapit sa may entrance habang sumisimsim ng paborito niyang iced Americano ay hindi 'ko maiwasang hindi hangahan ang isang Marcus King. Bawat araw yata na lumilipas ay mas lalo lamang nadaragdagan ang dahilan kung bakit ako nahuhumaling sakanya. He is so freakin' ethereal.
Kung siguro naging babae siya ay paniguradong kakainisan 'ko siya dahil mas maganda at makinis pa siya kaysa sa akin kung nagka taon. He's wearing a black statement shirt at naka tuck in ito sa suot niyang jeans at halos mapa simangot ako nang makita 'kong naka pambahay 'lang ito na slippers, kung alam 'ko lang na sinyelas 'lang ang isususuot niya edi sana ako din para parehas kami at couple goal, joke.
Nang tignan 'ko ang mukha niya ay napansin 'kong naka kunot na ang noo nito at napansin 'kong suot na naman niya ang paborito nitong bull cup na nakabaligtad naman na naka suot, ang sabi niya ay mas astig daw siyang tignan kapag ganoon ang ayos pero para sa akin ay ang cute niyang tignan.
After almost fifteen minutes of admiring him ay napagdesisyon 'ko nang lapitan siya dahil parang any moment ay malapit na itong umuwi dahil sa inip, at nang makalapit ako sakanya ay hindi na ako naka iwas nang daglian niyang ibinalot sa leeg 'ko ang kaliwang braso niya, madalas niyang gawin iyon kapag naiinis na siya sa akin.
"Hoy panget bakit ang tagal mo? Alam mo 'bang masamang pinaghihintay ang isang gwapong katulad 'ko?" Inis niyang sabi, nagkunwaring nasusuka ako dahil sa sinabi niya upang itago ang kilig dahil sa pagdidikit ng katawan namin. Kung sigruo wala pa akong nararamdaman para sakanya tulad ng mga bata kami ay paniguradong nasiko ko na siya sa ginawa niya pero parang hindi 'ko na ata kayang gawin 'yon ngayon.
"T-traffic mahal na hari." Sambit 'ko at naka ilang ubo ako nang pakawalan niya ako.
"Tsk. Sabi ko na kasi sayo kanina na sunduin na kita." Saad niya.
No! Kung sinundo mo ako kanina edi hindi na kita napagmasdan ng matagal kanina.
"Okay 'lang 'yun atlis nandito na ako ngayon mahal na hari. Saan tayo mag uumpisa?" Segwey 'ko at naglakad na, sumunod naman siya.
Una namin pinuntahan ay ang book store upang bilhin ang mga ipinabibili ng president ng student council. Kailangan na 'raw nilang palitan ang ilang mga white boards dahil may kalumaan na ang mga ito at namili 'rin si Marcus ng mga ilang bond papers at ink na madalas nilang gamitin lalo na kapag may announcement sa SCU.
Nang masiguradong nabili na namin ang lahat ay nilagay na namin ang mga ito sa sasakyan niyang dala, siya na ang may car. Noong una ay akala 'ko mag aaya na itong umuwi dahil nabili na namin ang kailangan niyang bilhin pero labis ang galak ko nang sabihin niyang kakain muna 'raw kami, bayad niya 'raw sa akin dahil sinamaan ko siya ngayon. Hindi 'ko na napigilang mapangiti ng malawak habang nakasunod sakanya dahil makakasama 'ko pa siya ng matagal. I really love Saturday!
Nang marating namin ang restaurant na napili niya ay halos mapasuntok ako sa hangin dahil sa tuwa, isa kasi iyon sa mga paborito 'kong kainan pero nagulat na lamang ako nang kinuha ni Marcus ang isang kamay 'ko at hinilasa may counter, pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang hawak nitong wallet.
"My card is there, order whatever you want. Pang order mo na 'rin ako. Restroom 'lang ako saglit. Hintayin mo ako dito, ah panget." Nakangiti niyang saad .
My breath hitched because of his damn smile. Tumango na 'lang ako dahil halata 'ko na ang pagmamadali sa mukha niya. Nang humarap na ako sa babaeng crew upang ibigay ang order 'ko ay nakita 'ko itong nakangiti ng malawak.
"Ang sweet naman ng boyfriend niyo ma'am." Saad niya. Huh?
Alanganin 'ko na lang siyang nginitian dahil hanggang ngayon ay hindi mabura sa isip ko ang magandang ngiting ibinigay ni Marcus kanina. Habang naghihintay ng pagkain na inorder 'ko ay may biglang tumikhim sa likod 'ko. Naka ngiti akong humarap sakanya dahil ang bilis naman niyang mag CR.
"Yow Dahlia ganda." Bati niya. I just made a face dahil si Trevor 'lang pala ang tumikhim, ang akala 'ko ay si Marcus na.
"Yow Trevor." Ganting sabi ko. "Akalain mo 'yun hanggang dito ay makikita kita." Saad niya at muli akong humarap sa counter, napansin 'kong pumunta ito sa gilid 'ko.
"Oo nga eh, ang akala 'ko ay makakatakas na ako sayo sa school." Natatawang biro 'ko. Trevor is a good friend.
"Grabe ka naman sa akin, hindi na kita papakopyahin sa socsci sige ka." Panakot niya, agad 'ko naman siyang binigyan ng isang matalim na tingin.
"Joke 'lang, Dahlia ganda." He awkwardly said. "Buti naman." Saad ko. Takot yan, kapag sinusungitan 'ko na siya naalala 'raw kasi niya sa akin ang terror niyang teacher noong high school siya.
"So.. Who's with you, Dahlia ganda?" Hindi na ako nagtaka nang mahulahan ni Trevor na hindi ako mag isa ngayon base na 'rin sa dami ng nilalabas ng pagkain ng isang crew.
Knowing, Marcus ay siguradong mabibitin 'yon kapag pang dalawahang tao 'lang ang inorder ko.
"Ah.. Kasama ko si Mar---"
Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng isang baritonong boses na siyang nagpahinto sa anumang sasabihin 'ko.
"She's with me. Got a problem with that, Gonzaga?"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you! =>