Chereads / Twilight Promises / Chapter 8 - 7

Chapter 8 - 7

Nakasimangot na sinusundan 'ko ang mahal na hari. Pagkatapos niya kasi kaming istorbohin ni Trevor ay umalis na 'lang ito bigla. Humingi na lang ako ng paumanhin kay Trevor at buti na 'lang ay naintindihan nito ang kasungitan ni Marcus. Ang weird 'lang dahil hindi naman siya ganito na masungit kapag nasa harap siya ng ibang tao. Madalas ay naka ngiti ito at nakikipag kwentuhan pa kapag may bago itong kakilala.

"Huyy, wait lang mahal na hari." Habol ko.

"Tss.." Sagot niya at napansin 'kong bumagal ang paglalakad niya hindi na katulad kanina na parang may hinahabol kaya mabilis 'ko 'lang siyang napantayan sa paglalakad.

"Problema mo mahal na hari?"

"Wala. Masarap ba ang ulam mo?" He sarcastically asked.

Tignan mo 'to, kasalanan 'ko bang umalis siya kaagad sa cafeteria at hindi kumain?

"Oo naman mahal na hari. Sobrang busog 'ko nga eh, ang sarap kasi 'nung luto ni Aling Lydia na lenggua." Asar ko kaya naman lalo sumama ang tingin niya sa akin.

"Buti naman kung na busog ka." Yun lang ang sinabi niya at mabilis na itong tumalikod sa akin at napansin 'kong nandito na ako sa harap ng room namin.

Tignan mo 'yun kapag siya ba ang nang aasar eh tinatalikuran ko siya? Tss.

Nang makapasok ako sa classroom ay nag kukwentuhan pa ang mga kaklase ko. Daglian 'kong sinilip ang orasan 'ko at one o'five na pala, buti na 'lang at wala pa ang prof. namin para sa afternoon class. Nang makaupo ako ay mabilis na lumapit sa akin si Emery na parang kinilig.

"Uy Dahlia girl, ano pangalan 'nung new student na cutie na katabi mo kay Sir. Baltazar?" Kinikilig niyang tanong. Ang bilis talaga ng bababeng 'to pag may bagong mukha sa SCU.

Nagkunwari muna akong nag iisip at ngumiti na parang kinikilig 'din.

"Hoy Dahlia girl! Tinatanong 'ko ang pangalan niya hindi 'ko sinabing kiligin ka 'diyan." Inis niyang sabi.

"Trevor Yves Gonzales ang pangalan niya. Happy?" Saad 'ko at inalabas 'ko na ang libro ko para sa afternoon subject. Ito talagang babaeng 'to nag break 'lang sila ng boyfriend niya last summer eh, ang hilig na niyang mangolekta ng mga crush.

"Ang gwapo niya Dahlia girl, pati pangalan ang gwapo 'din." Kinikilig niyang sabi. Napailing na 'lang ako. Hindi 'ko maiwasang isipin na ganun din ako minsan kapag naiisip 'ko si Marcus kapag mag isa na 'lang ako sa kwarto. Shocks, gusto ko na lang mangilabot.

"Puro ka crush! Pahiram naman ako ng notes mo kay Sir. Baltazar oh." Segwey ko. She just made a face.

"Oo na alam 'ko naman na hihiramin mo talaga ang notes ko kaya dinala 'ko na. Oh." Saad niya.

"Thank you, hulog 'ka talaga ng langit, Emery girl." Sabay ngiti 'ko at pinaikutan niya 'lang ako ng mga mata. Isa sa mga gusto 'ko kay Emery ay kahit na maloko siya ay hindi niya pa 'rin pinapabayaan ang pag aaral niya.

Sasagot pa sana siya nang bigla kaming tinawag ng class representative na si Mary Gold. Kaya nagpaalam na si Emery upang bumalik na sa upuan niya. Pinagsaklop ko 'lang ang mga kamay ko at nakinig na sa sasabihin ng class representative.

"Ma'am. Hortaleza informed me that they will have an emergency meeting at faculty until two thirty in the afternoon. She said that, it is your free time and you have to review your notes in Math, that's all." Pagkatapos niyang inanunsyo ay nagsipag apiran ang mga kaklase 'kong lalaki. Katulad 'ko ay nagagalak 'din dahil kahit papaano, mapapahinga ang utak ko kahit saglit.

Saktong duduko na ako sa lamesa upang umiglip ay siya naman tunog ng cellphone 'ko tanda ng may nag text. Agad 'ko naman itong tinignan 'kung sino.

From: Mahal na hari

Dito ako sa entrance ng building niyo.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa pangalan ng sender. Kanina 'lang ay ang galing niyang mag sungit kaya bubwisitin muna kita ngayon.

To: Mahal na hari

Oh tapos?

Natatawa akong inilagay sa bulsa 'ko ang cellphone at ilang saglit lang ay tumunog ulit ito.

From: Mahal na hari

Anong oh tapos? Puntahan moko panget!

Napakademanding! Pasalamat talaga siya at wala kaming teacher ngayon, bago 'ko tuluyang binitbit ang bag 'ko ay tinignan 'ko muna ang sarili ko sa pocket mirror, mamaya pala eh meron pa akong natirang kanin mula sa lunch namin ni Trevor, edi nakakahiya 'kung palakad lakad pala ako sa campus na may dumi sa mukha diba?

Pagkatapos ay pinuntahan 'ko na si Mary Gold upang magpaalam saglit na mag restroom dahil paniguradong hindi ako papayagan niyan na lumabas , feelingera kasi 'rin minsan 'yan eh tsaka madalas 'din ako sungitan porke ang crush niya eh ako ang binigyan ng red roses last valentines, tsk.

"Hi, Mary Gold. Maki CR lang saglit ah." Paalam 'ko at mabilis niya akong tinaasan ng mga kilay niyang peke.

Problema ng goldilocks na 'to?

"May mag C-CR bang naka liptint?" Saad niya.

"Ay, hindi natural na mamula mula lang ang labi 'ko, pres." Nakangiting sabi ko sakanya. Pinaikutan niya 'lang ako ng mga mata niya bago tumango. Oh, diba attitude?

Habang naglalakad papunta 'kung nasaan si Marcus ay hindi 'ko maiwasang hindi isipin ang mga karanasan 'ko sa SCU. Ibang iba naman pala ang buhay kapag college kana, hindi naman pala uso ang discrimination sa university o baka naman sa school 'lang na ito dahil isa sa mga rules ng SCU ay walang bullying? Anyhow, hindi 'ko pa naman naranasan na ma bully dito magmula nang pagtapak 'ko sa school na ito.

Ang tanging goal lang ng mga estudyante mapa mayaman o scholar ay ang maka graduate pero syempre sa ayaw at gusto ko ay may makaka encounter pa 'rin na hindi papabor sa 'yo katulad na lang ng class president namin na si goldilocks, ewan 'ko ba doon mag dadalawang taon 'ko na siyang kaklase eh, mainit pa 'rin ang dugo sa akin, wala naman akong ginagawa sakanya.

Hindi 'ko na lang pinagtutuonan ng pansin ang kasungitan niya. Ang saya 'lang kasi unti unti 'ko nang na o-overcome ang pagiging mahiyain 'ko dahil sa mga nakakasalamuha 'ko sa SCU. Habang naglalakad ay napansin 'kong ang dami pang pakalat kalat na estudyante sa hallway pero mabilis 'ko lang naman namataan si Marcus na nakaupo sa isa sa mga bench na malapit sa entrance ng college of education.

Kaya naman nagdahan dahan muna ako sa paglalakad upang hindi niya ako marinig. Kapag nga naman sinuswerte ka oh, dahil sa pagbukas 'ko ng glass door ay may nakita akong bahay ng gagamba at hindi nga ako nagkamali dahil may isang natutulog na gagamba 'roon. Sorry, spidy dadalhin na kita sa master mo. Nang makuha 'ko na ang gagamba ay mabilis 'ko itong inilagay sa palad ko at itinago sa likod 'ko.

Nakangiti akong nagpakita kay Marcus at umupo sa tabi niya, napansin 'ko pa na hanggang ngayon ay hindi pa 'rin maipinta ang mukha niya.

"Ang tagal mo naman panget anong oras na oh." Daldal niya. Sinipat 'ko ang orasan 'ko.

"One twenty na mahal na hari, bakit?" Pilosopong sabi ko habang pinipigilang tumawa dahil napabuga 'lang ito ng hangin na parang nagpipigil ng inis.

"Wooh! Pasalamat ka at hindi ako pinalaki ni daddy na nanakit ng babae." Lintanya niya sabay tayo niya kaya naman pati ako ay napatayo habang nasa likod pa 'rin ang mga kamay ko.

"Oh edi thank you."

Sasagot pa sana siya nang napansin na niya ang mga kamay 'kong parang may itinatago. Buti naman! Nakikiliti na kasi ako kay spidy dahil gusto na niyang lumabas mula sa palad 'ko. Nakita 'ko kung paano itinuro ni Marcus ang nasa likod ko gamit ang nguso niya.

"Ano 'yang tinatago mo?" Saad niya kaya naman pilit 'kong pinaseryoso ang mukha 'ko.

"Ah heto ba? Peace offering 'ko sayo dahil parang na bad trip ata kita kanina Marcus." Seryosong sabi 'ko.

"Buti alam mo." Bulong niya pero mabilis naman niyang inilahad ang kaliwang palad niya.

Shocks, bakit ba hanggang ngayon ay uto uto pa 'rin itong mahal na hari na 'to? Pinilit 'kong huwag matawa habang inilalapit ang kamay ko sa palad niya. Nakita 'kong naka tingin ito sa may side habang namumula ang tenga. Huh?

Nang dumapo ang gagamba sa kamay niya ay mabilis 'kong tinignan ang mukha niya. Noong una ay hindi niya pa 'ramdam na gagamba ang inilagay 'ko pero nung magsimula na itong gumapang ay daglian niyang pinagpag ang kamay niya habang ako naman ay inilabas na ang kanina 'kong itinatagong tawa.

Shocks, para siyang nakaapak ng isang malaking ebak sa hitsura ngayon.

"Shit! Idahlia Renee sinasabi 'ko sayo huwag 'kang papahuli sa akin!" Sigaw niya habang tumatakbo dahil tinakbuhan 'ko siya kanina habang pinapagpag ang gagamba sa kamay niya.

"Isa 'ka pa 'ring uto uto mahal na hari!" Ganting sigaw 'ko habang tumatawa.

Noong nasa elementary kasi kami ay doon 'ko napag alaman na isa sa mga kinatatakutan niya ay ang gagamba, halos lagnatin pa siya noon dahil sa takot 'nung hindi 'ko sinasadyang maihampas sa kanya ang bahay ng gagamba habang nagbabahay bahayan kami kaya magmula noon ay kapag may nakikita akong gagamba ay ginagamit 'ko itong pang prank sakanya.

Kapag ba talaga mahal na hari ay agad na nakukuha ang gusto? dahil hindi 'pa man ako nakakalayo sakanya ay mabilis na niya akong nahabol at daglian niyang inipit ang leeg ko sa braso niya, hindi 'ko tuloy alam 'kung ano ang gagawin 'ko kung hahampasin ang braso niya o kukunin 'ko ang cellphone 'ko dahil may nag text. Nakahinga 'lang ako ng maluwag nang sa wakas ay inalis na niya ang braso niya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa nito.

From: SCU BABIES

Tara kay mang Pido!

Group chat yan ginawa ni Lander last year kami nila Siena, Sab, Lander, Xander, Marcus at ako para daw kapag may chismis ay mabilis 'lang daw namin na malalaman sabi ni Lander. Nakita 'kong si Siena ang nag chat kaya mabilis 'kong tinignan si Marcus para tanungin 'kong pupunta siya.

"G ka?"

"Sige 'don na lang ako magpapakabusog dahil ang isa kasi diyan ay hindi ako hinintay sa lunch." Ungot niya at mabilis na siyang nag reply sa GC.

From: SCU BABIES

We're coming.

Hindi na ako nag reply at naglakad na kami papunta kay Mang Pido na nagtitinda ng mga street food sa tabi ng SCU.

"Duh, naka ilang texts kaya ako sayo mahal na hari, ikaw ang MIA." Makatotohanang sabi ko.

"Duh ka 'rin panget. Lowbat ako at kaka charge ko lang ng phone, nalingat 'lang ako may iba ka nang kasamang mag lunch. Ts." Himutok niya.

Kaya pala wala itong reply dahil na lowbat ang cellphone niya? Kung sa tutuusin ay hindi na niya kailangan magpaliwanag sa akin 'kung bakit hindi siya nakapag reply dahil hindi naman niya ako girlfriend or what. Ako 'lang talaga itong demanding.

"S-sorry na mahal na hari. Libre na 'lang kita kwek kwek, yan oh." Suhol ko at nakita 'ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya

"Call!" Napangiti na 'lang ako.

Nang makadating kami sa pwesto ni Mang Pido ay nakita 'kong kami na lang pala ang hinihintay. Si Siena na ang sama nang tingin sa amin dahil paniguradong gutom na ito, samantalang si Sab ay may dala dala itong juice na galing sa stall paniguradong init na init na naman ito dahil tirik ang araw. Habang si Lander ay nakasimangot na.

"Oh, akalain mo 'yun dadating pa pala kayo." Sienna commented.

Natawa na lang si Marcus sa sinabi niya at umupo na ito sa bakanteng upuan at itinapik ang katabing upuan nito kaya umupo na 'rin ako.

"Kaya nga at dahil late kayo ay pwede niyo nang bayarin ang inorder namin. Mang Pido! Pwede niyo na ho ilabas ang mga inorder namin kanina, nandito na ang mga magbabayad." Mahabang lintanya ni Lander at tumayo na ito upang tulungan si Mang Pido na ilabas ang mga inorder nila. Agad na nanlaki ang mga mata 'ko sa dami ng inorder nila. Shocks, mauubos nila 'yon?

"Naku.. Kayong mga bata kayo pinagkakaisahan niyo na naman sila Marcus at Irene." Natatawang sabi ni Mang Pido habang nilalapag ang mga fish ball, kwek kwek at iba pa habang si Lander ay umupo na at kumain.

"Naku mang Pido hindi, kota na kami sa pagiging late nang dalawang 'to inuuna pa kasi ang harutan bago ---- Aray shit!" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Lander ng bigla itong napadaing sa sakit.

"Puro ka kasi dada." Segunda ni Xander na nasa tabi niya at kumuha na ng lalagyan.

"Oo nga hindi mo ba know ang salitang 'Don't talk when your mouth is full'? Sab asked then she rolled her eyes.

"Hindi, lalo na kapag gutom ako, ang isa kasi diyan bigla bigla na lang nag baback out." Saad niya at kumain na ulit.

Nang mapatingin ako sa gilid ko ay nakita 'kong sunod sunod ang kain ni Marcus. Mabilis 'kong inilapit ang baso ng juice sa tabi niya, baka kasi mabilaukan. Nang mapansin niya ang ginawa 'ko ay mabilis niya lang akong nginitian. Iba talaga nagagawa ng pagkain.

"My gosh, you're so maingay. Magbayad na nga lang us." Asar na sagot ni Sab at akmang kukunin na niya ang wallet niya nang magsalita ako.

"Huwag na tama naman si Lander late kami kaya ako na ang magbabayad."

"Hindi na girl, half half tutal ay ako naman ang nag aya." Siena interrupted at mabilis akong umiling tutal naman ay nangako 'rin akong ililibre 'ko si Marcus ngayon atsaka minsan 'lang naman ako maglibre dahil halos sila Marcus, Xander at Lander ang sumasagot sa tuwing lumalabas kami. Wala naman sigurong masama kung ako muna ngayon ang taya.

"I insist, minsan 'lang naman 'to." Natatawang sabi 'ko.

"Oo nga Siena girl hayaan mo na si Irene tutal ay late naman sila—aray ko, pota!" Hindi na natuloy muli ang sasabihin ni Lander nang may bumato sakanya ng kung ano at nang itinaas niya ang bagay na dumapo sa tiyan niya ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko.

"Stop pestering Irene, Chua. Hayan ang wallet 'ko, ikaw na ang magbayad kung gusto mo ay umorder pa kayo." Marcus simply said habang pinupunasan niya ng tissue ang gilid ng labi niya.

Sab slowly claps her hands habang si Landon naman ay nakanganga. Si Xander ay pasimpleng napasuntok sa hangin na parang nanalo ng kung ano habang puno ng kwek kwek ang bibig at si Siena naman ay napasigaw na lang.

"Sana all Idahlia Renee!"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you =>